TPS 34: history

44.1K 1.1K 92
                                    

12/08/2015 the missing chapter is back

enjoy

....

TPS 34:

Masayang bumaba si Yuan mula sa pangalawang palapag. He is extra early today, he is determine to pursue his plans last night. Sobrang tuwa nya talaga kagabi, alam niya na pinapahalagahan na ni Ran ang bigay niya at higit sa lahat katabi pa nito ang bear. Hindi sinasadya na napindot nito at narinig niya ang kanyang sarili doon. Napatawa siya sa tuwang nadama nang bigla naman na mamatay ang phone.

She turned it off. Walang sabi sabi dahil sa sobrang kahihiyan kahit na wala namang dapat ikahiya doon.

He just texted her "good night".

"Good morning sa pinakamagandang mommy sa buong universe." Lambing niya sa kanyang mommy na abala sa pagluluto, kahit may mga kasambahay, gusto nito mismo ang gumagawa ng pagkain ng pamilya. His mother wants to make sure that they are eating healthy and delicious foods. Buti nga ngayon at kaya nya ng mag control, he goes to the gym at basketball kasama ang kanyang tatlong unggoy.

Humarap ang kanyang mommy na may pagtataka sa mukha,

"You woke up extra early, you look extra pogi?" naglandas ang mata nito sa kanyang kabuuan, naka-uniform pa rin naman siya ng kanyang course, ganoon pa rin ang ayos ng kanyang buhok, pero bakit nasabi nito na extra pogi siya? Siguro ganoon lamang talaga ang mga magulang, lalo na ang ina, number one fan ng kanilang anak..."and most of all ,you are extra malambing? May kailangan ka ba? Short sa allowance?" natawa siya sa pagdududa nito. He received more than enough kaya nga nakakapagsave na rin siya, idagdag pa na ang mga kuya at ate niya ay binibigyan din siya.

"Mommy talaga, ayaw mo ba na naglalambing ako?" muli siyang yumakap sa malapad na beywang nito. Yes he is a proud mama's boy, mommy niya ang lagi niyang kasama, tumira sila sa America dahil sa isa nyang kuya, may business ito doon. He had no choice, hindi siya iiwan ng kanyang mommy, gusto nito lagi siyang nasa lilim ng pakpak nito.

"Hindi naman , kinakabahan lang," pinatay na nito ang stove, bumitiw na si Yuan dahil naabala niya na ito sa pagkilos nito sa kusina. Yung isa nilang kasambahay ng kasing edad ng kanyang mommy at natatawa.

"So sinagot ka na ba ng nililigawan mo at sobrang saya ka ngayon?" napakagat labi siya, hindi pa naman sila, talaga, mahilig lang siyang mag-assume, pero hindi naman masama na maging masaya kahit nasa ligaw stage pa lang.

"Not yet mum, but I know malapit na." confident na sabi niya na nakatikim ng kurot sa pisngi dito. Kawawang pisngi dahil napanggigilan na naman.

"Lakas ng hangin? Kanino ka nagmana?"

"Kay dad yata," natatawa na rin siya sa kanyang sagot, kanino pa nga ba kung hindi sa kanyang ama na ginawa ang lahat para makuha ang kanyang mommy,hanggang sa patabain ito para walang umagaw na lalaki.

"I got to go mum," aniya matapos makita ang oras sa kanyang relo.

"Hindi ka kakain?" umiling na siya,

"Busog pa po ako? "sabi niya bago ito halikan sa pisngi, kumunot ang noo nito sa kanyang sinabi.

"Bakit kumain ka ba sa panaginip mo," nakatalikod na siya pero muli nya itong hinarap, nakangising sinagot.

"SAbihin na natin na busog na busog ako bago matulog," saka niya muling inalala ang nangyari kagabi. God, he wants to see her. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nito kagabi, gusto niyang makasabay sa pagpasok ito sa school. Araw-araw, saka ihahatid pag-uwi.

Kaya nga, aagahan niya, para ipaalam ito sa mismong daddy nito.

................................................

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon