TPS 14: lakas ng loob

51.9K 1.4K 68
                                    

#UNEDITED

TPS 14: lakas ng loob

 

Maagang tinapos ni Jett ang kanyang meeting para makauwi agad sa bahay. Kanina niya pa tinatawagan siRan pero hindi na ito sumagot matapos ang kanyang tatlong tawag. Praning na kung praning, kahit pa sabihin niya na handa niyang hayaan si Ran sa maraming tao, hindi niya  ito magawang hayaan, gusto niyang malaman ang ginagawa nito at kung ano ang opinion nito sa paligid o ano ang ginagawa ng mga tao sa kanyang paligid.

Hindi niya pahihintulutan na mapahamak o saktan ninuman ang kanyang anak na babae. Kaya si Ren ang binulabog niya maghapon ng hindi sumasagot sa kanyang tawag, oo naman ang naging tugon nito, gaya niya ang level ng pag-aalala ng kakambal.

"I told you dad, mas safe sya sa bahay, mas palagay tayo na hindi siya mapapaano," sagot nito sa kanilang naging desisyon ni Clem. Kung sya lang sana ang masusunod, kahit siya pa ang humanap ng matino at mabait na asawa para sa kanyang anak sa pagdating ng panahon, o di kaya okey naman na hindi na ito mag-asawa kung wala talaga. She acts cold towards other people, bagay na okey lang dahil hindi kailangan I —please ni Ran ang mga tao sa paligid.  They have money, alam ni Jett na may pagka immature pa rin siya pagdating sa pag-aalaga sa kanyang mga anak, but it is his way, ang pagpapalago ng kanyang mga negosyo ay para sa kanyang pamilya, sa kanyang mga anak, para maibigay dito ang lahat ng best sa mundo. Maswerte lang talaga siya at kasama niya si Clem sa journey na ito, may isang anghel na nagsasabi sa kanya kung kailan na siya sumusobra at dapat ng tumigil.

Nasa dining table na silang lahat, kumpleto ang pamilya, nasa kabisera si Jett sa kanan niya si Clem at sa kaliwa si Ren, katabi ni Ren si Ron, nasa gitna naman nina Ran at Clem ang bunso na si Rojan na maganang nagkwento tungkol sa pamamasyal nilang mag-ina, naiinip kasi ito dahil wala na ang ate sa bahay, kaya para aliwin ito, niyaya ito ni Clem na mamasyal sa ocean park kahit pa makailang beses na itong nagpunta doon.

Si Ren naman at ang ama ay tumetyempo sa kanilang pagtatanong, gusto nilang malaman kung tutuloy pa ba si Ran sa pagpasok bukas.

"So ate, can we play tomorrow? At saka I want you to come with me, dalhin natin si Choco sa doctor," masuyong sabi nito, nilingon ni Ran ang kapatid, mahirap biguin ang punong pag-asang tingin nito kaya lang,

"Sorry, I have classes tomorrow," sagot niya dito na nagpatigil sa mag-ama sa pagsubo, nag-conclude kasi sila kanina na titigil na si Ran sa pagpasok.

"Babalik ka pa rin?" takang tanong ni Ren, dahil ayaw niya lang talaga, kanina habang kaharap si Yuan alam niyang hindi ito titigil. He will pissed him off more by pursuing Ran, kung noon pa nga lang hindi ito nagpasindak sa kanya, ngayon pa na may mga tumatayo na rin sa likod nito?

Hindi niya rin gusto ang nasagap niyang balita sa mga kalalakihan sa school. They are checking out his sister, sa tingin  niya mapapa-away siya sa araw-araw, masyadong mahahalay pa naman ang isipan ng mga tao sa campus. Hindi halata dahil sa antas sa lipunan, pero sa school nila nag-aaral ang mga dangerous playboys in town, at hinding hindi siya papaya na sumayad ang mga daliri ng maruruming lalaki nay un sa kanyang kapatid.

"Why do you look so surprise?" balik tanong ni Ran sa kakambal na naghahalungkat ng maisasagot. Lumapit namna ang tingin ni Clem sa kanyang anak na lalake, tiyak na sasabihin nito sa harapan ng lahat ang tungkol sa napag-usapan nila kanina.

"Maybe because of Yuan," sagot ni Ren sa kakambal, salubong ang kilay ni Ran sa sinabi nito.

"Or maybe you just don't want  me to see how you enjoy your life," diretsang sabi ni Ran dito na nagdulot ng tension sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya minsan tahasang sinabi dito ang pagkakainggit niya dahil malaya ito, hindi katulad niya. Ngayon lang talaga niya naramdaman na unfair ang tadhana sa kanya, bakit hindi patas? Bakit siya may sakit tapos ang kanyang kakambal malusog na malusog.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon