TPS 26: take or leave

40.6K 1.2K 64
                                    

antok much, bitin? yeah i know

#UNEDITED

............................................

TPS 26:

 

"Dra!" sigaw ni Yuan pagkapasok niya sa clinic, buhat buhat niya ang walang malay na si Ran. Tumayo naman ang tumawag saka madaling lumapit sa kanya.

"Hinimatay po si Ran." Agad nyang sabi dito, sinabihan siya na ilapag si Ran sa may bed na nasa gilid, na nasa tabi ng bintana, sinarado rin nito ang mga putting kurtina.

"Binato kasi siya ng bola, tapos maya maya lang nakita ko na sya na umalis sa kanilang klase sa gym, nakita ko na lang na hindi na siya stable maglakad, tapos bigla na lang siyang hinimatay," kwento ni Yuan habang chinecheck na ng dra ang pulso ni

Ran, napatango ito bago binalingan si Yuan.

"Let her rest for a while," umalis ang doktora. Napanganga si Yuan sa inasta nito at pang babalewala kay Ran, sinundan niya ito. Nakaupo na ang doctor sa tapat ng computer, hindi niya sana aabalahin ito kung hindi niya nasilip na naglalaro lang naman pala lang ito ng solitaire.

Seriously?

 

"Yun na po bay un? Hindi nyo man lang titignan pa kung ako ang sakit ni Ran?" reklamo niya dito. Tumigil naman ito at humarap sa kanya. Hindi pwede ito! Sinasahuran ng ng napakalaki ng school ang doctor na itopero hindi naman ginagawa ang trabaho.

"Hindi nyo po ba alam kung sino yung pasyente nyo? Bilyonaryo po yung daddy niyan, kapag nalaman nya ito, tiyak na malalagot kayo sa kanya!" banta ni Yuan dito. Humalikipkip ang doctora na palihim na natatawa sa pagpapanic ng binata na kaharap. Halata ang matinding pag-aalala sa mukha nito at sa mabilis na paghinga. Hindi man siya na-offend sa sinabi nito, wala lang yun. Mas alam niya pa kung ano ang kamalasan na maari na mangyari sa kanya kung sakaling hindi niya magawa ang kanyang trabaho.

"Naiintindihan nyo po ako? O dadalhin ko na lang si Ran sa hospital?" kung hindi talaga nito aasikasuhin si Ran, dadalhin niya na lamang to sa hospital. Baka kasi may nabaling buto kay Ran, o kaya natamaan ito sa ulo, hindi niya lang nakita.

Napangiti na lamang ang doctora.

"She will be fine, kailangan niya lang matulog," sabi niya dito. Alam naman kasi niya na hindi alam ng kaharap ang karamdaman ni Ran, kaya granted na magpanic ito. Kahit gusto niyang sabihin para sana kumalma ito, wala siya karapatan. Hindi rin magugustuhan ng kanyang pasyente kapag may sinabihan siya.

"You can stay beside her or go to your class instead."hindi magagawang iwanan ni Yuan si Ran lalo na ngayon, saka baka makaisip lang siya ng kung ano doon sa basketball player. Pumunta siya sa bed kung nasaan si Ran, payapa itong natutulog, kinuha niya ang kamay nito at hinaplos.

Nakamdam siya ng kasiyahan habang hawak ito, kapag gising ito hindi niya mahawakan ng ganito...masyado kasi itong intimidating at lagi na lamang siyang sinusungitan. Kaya lang iyon din ang pagkatao nito na hinahanap hanap niya.

"I hope your okay," he whispers to her.

Nakaupo lang si Yuan doon habang ang mata ay na kay Ran, hindi niya na rin inabala ang doctora, wala naman din itong gagawin kahit anong sabihin niya.

"If you did something bad on me while I'm asleep, I will kill you when I woke up," di niya makalimutan ang banta ni Ran sa kanya bago ito tuluyan na mawalan ng malay. Napangisi siya. Sinilip nya muna ang doctora, sa mga papel na ngayon ito nakatingin...tumayo sya sa tabi ni Ran,hinaplos nya ang malambot nitong mukha, napadako ang kanyang mga mata sa mapulula nitong labi. Kaysarap halikan!

Isa lang naman!

Ibinaba nya ang kanyang mukha para maabot ang mapupula nitong labi.

 "If you did something bad on me while I'm asleep, I will kill you when I woke up,"

Pilit isinasantabi ng kanyang isipan ang bantang iyon, kung isa lang naman yun at sandali lang, hindi naman yun siguro mapapanasin...wala ring makakakita.

Ayaw niyang pumikit...gusto niyang makita ang pagtatagpo ang kanilang mga labi kahit siya lang ang nakakaalam dahil tiyak na patay sya kapag nalaman nito. Gahibla na lang ang pagitan ng kanilang mga labi ng biglang dumilat ang mga mata nito.

"Pervert." Bumuka ang bibig nito at tinamaan si Yuan ng kaniyang salita. Napakagat labi naman ang huli saka umayos ng tayo. Napakamot pa sa batok. Malas nagising!

"Oy, hindi ah! May sinisilip lang ako sa gilid ng lips mo, may nunal la pala dyan? Sabi nila pag may nunal sa labi madaldal daw, pero parang hindi naman totoo," palusot nito. umayos na ng upo si Ran,

"Excuses." Matalim niya itong tinignan,  she motion her indx finger for him to come closer. Nalilito man, lumapit si Yuan dahil mukhang malilintikan siya kapag hindi. Nang makalapit na siya ay nakatikim siya ng batok mula dito.

Talaga naman! Ang sadista talaga! Bulong nya habang hinihimas ang ulo

"I warned you!" paala ala nito sa kanya, umismid naman si Yuan.

"Di nga natuloy eh," Nonetheless, naupos siya sa kama pagharap dito."Okey ka na ba?" natunaw ang galit ni Ran sa sinabi nito. He looks at her sincerely, pinagtanggol siya nito kahit kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili.

"Yes, I guess," sagot niyang tumitingin sa ibang direksyon...natahimik sila hanggang sa muli itong magsalit...

"Ang totoo nyan, natakot ako kanina...ganoon pala ang pakiramdam, kapag yung taong mahal mo, nawalan ng malay sa mga kamay mo....pinilit kong wag kabahan, lalo na doon sa ginawa mong pagbabanta...pero natakot ako kahit sabi mo na gigising ka, paano kung hindi ka nagising? Paano na ako? "

Totoo ba ito?

 Hindi alam ni Ran kung tama ba ang pagkakataon na ito para maniwala. Nakakatunaw ang sinasabi nito...nararamdaman niyang espesyal siya sa ibang paraan. Hindi katulad ng treatment na binibigay sa kanya ng kanyang daddy, o mommy, o ni Ren, maging ng mga kapatid. Iba ang hatid ni Yuan at hindi niya maikakaila yun.Masaya siya sa kabila ng kanyang pagsusungit, maybe that's what they called defense mechanism... pero ang tao na ito, sinisira ang kanyang depensa...

Inaangat ni Yuan ang mukna ni Ran na nakatungo...he wants to show her his sincerity. Kung bubuksan lamang nito ang mata. Hindi niya ito sasaktan, hindi nya itatapon ang kanyang mula pagkabatang pangarap. Sana pansinin na siya nito.

"Wag ka na ulit mawawalan ng malay sa harapan ko, nahuhulog ang puso ko na nahulog na sayo sa sobrang kaba, akala ko wala  na itong ikahuhulog pa, yung dahil sa sobrang takot pala, wag mo na akong takutin ng ganoon,"  nagsusumamo ang mga mata nito.

Hindi na magawa ni Ran na patidin ang kanilang tinginan.

"That I can't promise." She said. Larawan ng pagkabigo ang mukha ni Yuan. Maybe sharing him, her little secret won't hurt or it may, pero bahala na...

"Kapag dumating yung oras na mawalan ako ng malay...please wag kang magpanic, just bring me in a much safer place and let me sleep for a while. You can leave me there or you can stay with me until I wake up."  Mas lalo pa itong nalito sa kanyang sinabi...

"I am sick Yuan, narcolepsy,"

Maaring magbago ito sa kanya, pero sana hindi nito ipagkalat ang kanyang sikreto dahil kahit paano may tiwala na siya dito.

Yung pintuan niya na nakasara na kinakatok nito dati, binuksan niya na....hinihintay nya na lang kung tutuloy pa rinba ito sa pagpasok o hindi na.

 

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon