TPS 36: for nothing

44.3K 1.1K 83
                                    

happy mother's day, dedicated sa lahat ng mga nanay na nagbabasa nito pero kinikilig pa rin sa YuRan, over thanks!

#unedited

kung ayaw mabitin wag muna bashin, as simple as that:)

..........................

TPS 36:

Their lunch went well, at least in Yuan's perspective. Sa isip nito na sana magtuloy tuloy na magkasabay sila. Gusto niya rin na maging palagay na si Ran sa piling ng kanyang mga kaibigan, sadyang mahilig lamang talaga mang-asar ang mga ito, ganun paman,  masaya siyang ibahagi sa mga ito ang kaniyang kasiyahan.

Buti na lamang talaga at napapayag niya ang daddy nito na siya na ang hahatid at susundo kay Ran, parte iyon ng kanyang pagpapalapad ng papel. Malaki ang pasasalamat niya sa mommy nito na napaka supportive nito, kaya naman hinding hindi niya ito bibiguin. Bawat pangako na sinabi niya dito ay gagawin niya, hindi malabo na higitan pa niya 'yon, basta para sa katabi niyang babae.

"This love got me high I'm soaring," LSS pa siya sa kanta nay un, kaya naman ito ang pini-play niya habang nasa sasakyan sila ni Ran, ihahatid niya na ito pauwi sa unang pagkakataon. Lihim na napangiti si Ran.

"You love that song so much?" sumulyap ito sa kanya, nakangiti, mabagal lamang ito magmaneho.  Mukhang tinatagalan pa ang kanilang biyahe para matagal silang magkasama.

"You just have no idea, pero Korean version yung unang naparinggan ko, and then Brian told me the English version and noong napakinggan ko, wow, naisip agad kita." Napatikhim siya doon, wala talagang filter ang bibig nito, kagaya na lamang kanina, na halos hindi siya makakain. Hindi lamang kasi ang mga mata ng mga kaibigan nito ang nakatutok sa kanila, maraming mga mata ang nasa canteen, kabilang sa mapanuring mata na iyon ang kanyang kapatid na pinaulanan siya ng text.

 

So my shy sister was gone?

You really chose him?

Binusted mo ang kaibigan ko, your heartlessLLL

 "You're into korean things?" tanong niya dito, napaubo naman ito sa kanyang sinabi,  naisip niya tuloy na kung may mali sa kanyang tanong.  She read some Korean books translated in English, magaganda ang mga iyon, but she's not  into their music." You don't have to answer if you don't want to."

Saglit itong tumingin," Sinong may ayaw ako? Gusto ko nga iyon eh, nagatatanong ka sa mga gusto ko, that only means, interasado ka na sa kin talaga," mapanukso niyang sabi sa katabi. As usual , nakatanggap na naman siya ng irap dito. Napakamot siya sa batok, dapat na lang talaga sinasagot niya ang tanong nito, hindi yung kung ano ano pa ang sinasabi niya.

"Hindi naman talaga, pili lang, gaya ng BigBang, TVXQ saka Super junior, dahil lang yun impluwensya ni Brian , pero hindi ako addict sa k-pop katulad niya,  nagustuhan ko talaga yung kanta, kasi maganda yung mensahe, saktong sakto."

She had no idea on those names or groups, pati na rin sa Brian na sinasabi nito, must be his friend na hindi niya pa na meet.

"Nakakainis nandito na tayo sa bahay nyo," napatawa na siya ng tuluyan ng makitang nakasimangot ito. Ito ang naunang bumaba at pinagbuksan siya ng pinto, nakarating na rin ang kotse na nakasunod sa kanila. Syempre hindi naman siya hahayaan ng ganoon ng kanyang daddy, kahit hindi siya nakasakay sa kotse nito, susunod at susunod pa rin ito sa kanila ni Yuan.

"You have plans tomorrow, you know it's Saturday and wala tayong pasok?" tanong ni Yuan, kanina niya pa sana gustong yayain ito, kahit pakiramdam niya baka magsawa na ito sa mukha niya, pero wag naman sana. He wanted to date her, kahit pa may mga nakabuntot.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon