TPS 1: bayaw

110K 2.1K 149
                                    

dedicated sa lahat ng mga nag-antay, pero syempre tatapusin ko muna Fooled hearts...

#angupdate sa mga stories eh kung kelan ako free, di ko rin alam.

#unedited

 si Dexter po sa gilid>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

TPS 1: bayaw

Kanina pa tinataas ni Ran ang kanyang kanang kamay kay Ali, kanina pa rin halos bumabaliktad ang kanyang kilay sa pag-irap dito…pero wala pa rin tigil ang bibig nito sa kakausisa. She’s damn curious and her curiosity pushes her patience in its limit.

" Sino yun? Kilala mo? Kasi sigurado kilala ka? Matagal mo na ba siyang kilala? Secret boyfriend? paano nangyari yun ng di ko alam!" histerya nito sa kanya.

"Pwede ba, will you shut up! kanina ka pa!" saway nya dito, kung si Ren lang ‘to kanina pa niya nabato o nahampas ng hawak na libro.

Pero naisip nya rin , buti na lang hindi si Ren ang kasama dahil baka magkareunion bugbugan kanina, gaya noong party ng kaibigan ng kanyang daddy noong mga bata pa sila....Galit nag alit si Ren noon.

Noon nga hindi pinalampas ni Ren ang pagnakaw sa kanya ng halik ni Yuan ngayon pa kaya?

Yuan.

Her kiss stealer

Yes he is that kid, hindi na nga lang mataba, hindi na rin bungi,.mas matangkad na rin kumpara sa kanya, pero yung mga mata nito...ganoon pa rin. Hindi maipaliwanag ni Ran ang pakiramdam ng magtama kanina ang kanilang mga mata, matapos ang nakaw na halik nito kanya...

Nakaw, palagi na lang…kung inilista niya lahat ng mga kasalanan nito sa kanya noong bata pa sila, nakabuo na siya ng isang libro.

Elementary pa ng huli niya itong makita, kahit pa marami siyang bantay noon, hindi yun hadlang sa batang Yuan para lumapit sa kanya...At kapag may Yuan at Ren sa paligid laging gulo ang resulta...Protective masyado si Ren, lalo na ng magkaroon siya ng sakit, lagi siyang natutulog sa klase, kailangan din ipaliwanag sa school ang kanyang kondisyon. Ayaw ng daddy niya na kinakaawaan siyang ng ibang tao, kaya naman nagdesisyon ito na ipahomeschooled na lang siya. bagay  na ikinatuwa pa ni Ren, kaya naman mula noon, pakiramdam niya isa siyang Prinsesa na nakakulong, kailangan ng bantay bago kumilos, sa takot ng mga tao sa paligid niya ba baka atakihin lamang siya sa kung saan.

Malungkot.

Pero natanggap niya ang kapalaran na yon, lalo na't busog naman siya sa pagmamahal.

" Sino kasi yun?!"

Akala niya tapos na ang usapan na yun, hindi pa pala.

" Takas sa mental" inirapan nito ang sagot niya...

" ganda mo te ha,sa bagay maganda ka naman talaga, pero pwede ba wag mo akong sungitan?" Ran just rolled her eyes, kahit ilang beses itong magrequest wala yata siyang planong bumait.

Naalala niya pa ang laging sinasabi sa kanya ng kanyang daddy noon…

"Princess okay lang maging masungit, basta wag mo lang susungitan si daddy ha? I love you!"

 

Lagi yun sinasabi ng daddy niya kaya naman nabuo sa utak ng mga kapatid na siya daw ang pinakapaborito, hindi  naman nagrereklamo ang mga kapatid, siya lang kasi ang nag-iisanng babaeng anak, pero kahit 17 na , princess pa rin ang tawag sa kanya ng kanyang daddy..

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon