TPS 31: pillow

40.3K 1.3K 90
                                    

#unedited

.............

TPS 31:

Inilapag ni Yuan sa kanyang mesa ang rose ng hindi niya ito abutin, hindi naman ito nabakasan ng pagkadismaya. Noong parehas silang napatingin sa harapan, ang mga mata na naman ng kanilang mga kaklase, nawala lang ang kanilang mga tingin ng pumasok na ang professor at mag-umpisa na ang kanilang klase.

"Class, I need your representative for the coming Mr.and Ms." Anunsyo ng kanilang prof, matapos ang klase, ito rin kasi ang tumatayo na class adiver nila. Sinabi nito kung kailan.  Ran was voted as a representative kapartner ang isang kaklase na gwapo rin naman.

"I totally disagree! Saka ayaw din po ni Ran na sumali sa contest," tumayo si Yuan habang nakataas ang kamay. Buti at alam din nito na ayaw niya sa mga contest.

"And why is that Mr. Uytingco? Are you his spokeperson?" mataman na nakatitig ang kanilang babaeng professor kay Yuan habang hawak ang salamin nito. mukhang hindi nito nagustuhan ang ginawa ni Yuan. "Majority of the class voted for her," hindi na hinintay ni Ran na sumagot si Yuan, tumayo siya para humingi ng dispensa. She will not do it.

"I'm sorry but I will not do it." Simple niyang sagot at muling umupo, nagbulungan naman lalo na ang mga babae nagalit sa kanya.

Masyadong maarte!

Pa-espesyal!

"You will not participate?" disappointed ang guro sa kanyang pinal na desisyon. Bumaling ito sa klase at nagtanong muli kung sino ang willing na sumali.

Nag-taas ng kamay yung kanyang kaklase, yung babae sa court. Now she knows why.

"Ma'am, my name is Jeanne Madrigal, I am willing to replace her, only if," makahulugan itong tumingin sa kanya, bago sa kanyang katabi na mukhang walang pakialam.

"Only if what?" napataas naman din ng kilay ang prof. sa kondisyon na nilalatag nito.

"Only if my partner will be Yuan Uytingco, " kumislap pa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanyang katabi na walang pakialam, na kung hindi pa kinalabit ng isa nilang kaklase ay hindi malalaman na sangkot na siya sa mga pangyayari.

"Ha. Ako?" turo ni Yuan sa sarili, "Ano daw yun Ran?"  di mapigilan ni Ran na mapaismid sa babaeng nakangisi sa kanya. Naiinis niya  naman na sinagot si Yuan.

"That girl will replace me only of you will be her partner,"

"Ganoon?"  Ran tapped her table. "Do you want me to be partner with her?" tanong nito, napalingon siya dito at sinamaan ng tingin.

"It is not on me to decide."

"But your decision matters to me," sagot ni Yuan. Nainip na ang prof dahil may susunod pa daw itong klase, she asked Yuan and Jeane to meet her in the faculty room.

Naiinis na unang lumabas si Ran. Hindi tumanggi si Yuan kaya inassume ng lahat na tinanggap niya ito.

"Hey Ran," nagtatakbo ito at lumitaw sa kanyang harapan. Iniharap nito sa kanyang mukha ang rose na binigay nito."Nakalimutan mo oh," naka –pout pa nitong sabi

"Throw it." Utos niya dito bago ito nilampasan, pero patuloy pa rin itong sumunod sa kanya.

"Hey, galit ka ba?" paulit-ulit na tanong nito hanggang sa makarating siya sa kanyang next class.

"Type ni Jeanne si Yuan," sabi sa kanya ni Grace ng tumabi ito sa kanya. It was obvious. Isa ri ito sa dahilan kung bakit naiinis siya ngayon. Hindi siya sumagot,pero patuloy pa rin itong nagkwento, "Galit siya sa'yo dahil ikaw ang gusto ni Yuan, buti hindi ka pumayag, narinig ko may masama silang balaksa iyo sa oras na sumali ka sa contest ," bulong nito sa kanya, dumating na kasi ang pinag-uusapan nila. Unlike her who loves to sit at the back, Jeanne and her pals chose in front.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon