Epilogue

90.5K 1.8K 277
                                    

A/N: maraming salamat sa magbabasa muna nito bago mag proceed..sobrang achievement ang bakasyon na ito, kahit di ako nakapunta sa beach o nakasawsaw man lang ng paa sa pool, dahil busy sa trabaho, still natapos ko ang TPS, yung BMO inabot ng two years, FH, kulang isang taon...nakakatuwa talaga...nainlove ako sa character ni Yuan, sana may kagaya niya na hindi nag-eexpire ang pagmamahal para sa mga Ran na katulad ko, yes I have a Ran like attitude, kaya pag may comment akong di gusto at offensive, binubura ko kaysa patulan ko....katwiran ko? Kulang na nga ako sa tulog papatol pa ako dyan?

Pero papatol ako dyan pag may extra time ako!LOL!

Pero salamat talaga sa mga regular commentors, yung mga nagalit at nainis sa takbo ng story, well ganyan taalaga eh...lahat may turning point at gusto ko na may turning point ang bawat karakter.

 

Sabi ko nga sa wall ko." I write what I want to read."

Hanggang dito na lang.

Maraming salamat!

Ngayon lang ako hihiling, give me your best shot in the comment box...basta wag lang update soon at bitin okay?

 

I love you!

 -sabi ni Melai Cyrus

 

#Untold surprises

#Uneditedkahitsahulingpagkakataon

 

***

EPILOGUE:

Ran with me.

 

Ran cried for a week. Hindi na niya tinanong ang bagay na alam na rin niya ang sagot. Mas masakit kapag sinabi iyon ng harapan. Ang maganda lamang sa parte na iyon, nainitindihan ng mga tao sa kanyang paligid ang kanyang kalungkutan. Truth is, she can't understand his reason, sa dami ng mga ginawa nito para sa kanya, hindi siya makapaniwala na sa ganitong klase pala ito susuko.

Sa totoo lang, ang pamilya niya ang nagdala ng problema, kinalakhan na nila ang problema kay Z, maraming beses na dapat itong nahuli kaya lang laging nakakawala, malaking dagok ang ginawa nito sa kanilang pamilya lalo sa kanilang relasyon ni Yuan. Ang pagsunod naman ni Yuan sa kanya ang naghatid dito sa panganib, ang mga alagad nito ang dahilan kung bakit hindi na makalakad si Yuan. Hindi naman niya masisisi ang galit ng mommy ni Yuan, siya ang dahilan ng paghihirap ng bunso nito. Sinisisi niya rin ang kanyang katangahan at yung mga panahon na hindi niya ito pinahalagahan.

Ngayon sya nanghihinayang.

"Ate have you seen Potchnok?"  humahangos na tanong sa kanya ni Rojan, aso yun na binigay ng kanilang daddy. Weird nga lang as usual ang pangalan nito.

"No." mabilis itong umalis, patuloy na sinisigaw ang pangalan ng alaga nito. Nagtuloy naman siya sa kanyang kwarto. Bahagya iyong nakabukas, hindi niya alam kung para saan ang kaba.

Ng makapasok siya, ganoon na lamang ang inis niya ng makitang kagat kagat ni Potchnok ang bear na bigay ni Yuan. Nasira na ito at lumalabas na ang mga cotton sa loob.

"Rojan!!" sigaw niya sa kanyang kapatid na mabilis naman nakarating, laking takot nito ng makita ang ginawa ng alaga.

"Ate, so-sorry," karga na nito ang alaga. Naiiyak na ito sa kanyang seryosong mukha. She's mad, but she can't be mad at him.

"Lumabas ka muna." Utos niya dito na nakayuko namang sumunod. She locked the door. Lumapit siya sa bear, naalala niya ang sinabi ni Yuan.

"......kapag namiss mo ako o nagalit ka sa akin, sirain mo yung bear, tapos bumalik ka sa paghihitay sa akin, kahit selfish ang paglayo kong gagawin"

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon