Special Chapter: One

64.9K 1.5K 132
                                    


Dedicated sa gumawa ng cover...
Thanks @Supervamps

...

Pakanta kanta si Yuan habang nag aayos sa harapan ng salamin, he also spray his favorite cologne, regalo nga naman kasi  ni Ran. Smooth sailing ang kanilang relationship, hindi pa siya graduate dahil nahinto siya habang  nagpapagaling sa nangyaring insedente noon pero okey lamang, si Ran ay homeschooled ulit, she's finishing a Business Course.

Pagkatapos naman ng klase niya sa University ay dumideretso siya sa bahay ng mga Romualdez. Sumasaya na rin siya na makasama lamang 'to kahit sa hapon lang.

Ito ang panahon para bawiin yung mga panahon na magkahiwalay sila. Sobrang pagtitikis ang ginawa niyang 'yun, mahirap lang kaya na hanggang tanaw ka lamang sa babaeng mahal mo. Hindi ka naman pwedeng bumali sa pangako dahil sa takot na maisakripisyo ang hinaharap. Kaya ngayon, sulit sulit kapag may time ang kanyang ginagawa.

Aware din siya sa mga nagbago kay Ran, bumait at medyo outspoken na rin, hindi na rin ito as cold as ice. Nakikipag usap na rin ito sa mga kaparehas na model, hindi na rin ito nagpapatalsik ng empleyado kapag nainis. Medyo nakapagtitimpi na rin ito ng ugali, hindi naman siya kinakabahan sa mga lalaking nakakasalamuha ni Ran dahil alam niya na walang papantay sa pagmamahal niya dito. Isa pa, she is also open sa kanyang nararamdaman. Magugulat na lamang siya kapag nag I - i love you ito, o kaya bigla na lamang siyang yayakapin or hahalikan nito. He love it that way, those are what he called Ran's surprise sweetness. Nakaka diabetes sa sobrang kilig.

Parehas na okay na sa kanilang pamilya ang kanilang relasyon. He earned the trust of her father and siblings. His family, most specially his mother loves Ran. Nakita niya ang mommy niya na nasa kusina, abalang abala ito, yumakap siya mula sa likod nito.

"Araw araw ka na lang nanliligaw ha?" Tukso ng kanyang mommy, mas lalo siyang sumiksik dito at naglalambing. Sabi kasi yung mga lalaki na mahal na mahal ang kanilang nanay ay mamahalin din ang magiging asawa. Nakikita niya na magiging ganito talaga ang gagawin niya kay Ran pagdating ng panahon. She may be the Princess of the Romualdez clan, but she will be the Queen of his heart. The only woman that he vow to rule his world. His lobe for her seems to be obssesive, but that's just the way it is. Bad influence ba ang pag ibig, kung napapasaya ka nito araw araw? Kung mas nangangarap ka pa ng maganda habang kasama ang mahal mo? Yung hindi ka mapakali kapag hindi mo siya nakikita? Yung walang segundo na hindi siya ang laman ng isip mo?

Ran is. Ran's the only one who can move his world.

"Saturday naman eh, pag weekdays sandali lang kami nagkakasama," hindi niya pa rin maiwasan na magreklamo. Suko na ang kanyang mommy sa palagian niyang sagot, may kinuha ito sa oven, amoy na amoy niya ang mabangong amoy nito.

"Gumawa ako ng mga cookies, dalhin mo kay Ran," nakangiting inayos yun ng kanyang mommy sa isang box.

"Ayos, paborito rin ng bunso nila yan," nag angat pa ito ng tingin, palagian kasi siyang nagdadala doon ng kung ano para dalhin.

"Aba dapat pala damihan ko, para may malakas kang back up na kapatid ni Ran." suhestyon nito sa kanya.

Good idea!

Ilang sandali pa ay nasa tapat na siya ng mansion ng mga Romualdez, malugod siyang binati ng mga guard doon, magiliw rin naman kasi siya sa mga ito. Sabi nga sa kanya, nagpapasalamat ang mga ito dahil sa pagdating niya sa buhay ni Ran, bumait na daw kasi ang kanilang magandang senyorita, hindi na daw masyadong nakakatakot. Marunong na raw itong magtimpi at mag hold ng init ng ulo. Madalas na rin daw itong nangingiti.

Hindi niya naman maipaliwanag kung bakit kahit kailan hindi siya natakot kay Ran, wala rin sigurong makaka intindi kung bakit ganoon mula umpisa. He will always love her anyways, may topak or wala. Masungit or hindi, gising man o tulog.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon