El Destino desde 1870 (The fa...

By Im_Vena

31K 2K 373

Completed El Destino desde 1870 is a series that splits its time evenly between two time periods revolving ar... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!

Kabanata 28

324 44 4
By Im_Vena

Laveinna,

Halos makahinga kami nila Maria, Paulita at Laura nang maluwag matapos naming marinig ang katagang 'Maiwan ko muna kayo, may gagawin lamang ako' mula sa mga labi ni Madame Racelita. Hindi ko inaakalang ganito pala kahigpit magturo ng musika ang ginang, wala ito sa nabasa ko. Tuloy ay hindi man lang ako nakapaghanda.

Halos mapatid ang litid ko maabot lang ang tonong gusto niyang marinig mula sa akin, bagama't ito ang unang araw ko sa pag-a-aral. Mamayang gabi ay may gaganaping pagdiriwang sapagkat pasko na kinabukasan. Kanina ay nagsimbang gabi kami, iyon ang unang beses kong magsimbang gabi rito at masasabi kong napaka-relihiyoso ng mga tao sa panahong ito.

Ngayon ay mga mukha kaming malapit nang maputulan ng hininga nila Paulita habang nakasalampak sa sahig ng entablado. Mag-a-alas-tres na nang hapon at kanina pa kami ritong ala-singko ng umaga. Pagkatapos na pagkatapos ng simbang gabi ay tumuloy na ako rito habang si Carlos ay abala sa pamimili para makapaghanda sa Noche Buena kasama si Agnes. Sama-sama kaming apat na magpapasko ngayon. Bigla tuloy ay nakaramdam ako ng kalungkutan. Ito ang magiging unang beses na paskong hindi kasama ang pamilya ko. Pero siguro naman matapos ito ay makakabalik naman na ako. Gayunpaman ay hindi mawala ang pahapyaw na takot. Natatakot ako sa totoo lang. Hindi ko naman din kasi alam kung hanggang kailan ba ako rito o kung ano ba ang kailangan kong matapos dito. Hindi ko na rin muling nakita ang antipatikong sakristan. Paano na ako?

Sa hindi maintindihang dahilan ay biglang pumasok sa isip ko si Leonardo. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Sa isiping iyon ay mabilis kong sinuway ang sarili. Tila ba bigla na lang akong kinilabutan dahil doon. My gosh, Laveinna! Ano bang pakialam mo sa isang iyon? Bwiset siya hanggang ngayon ay naaalala ko pa ang kalokohan niya kagabi.

Uminom ako sa kusina ng tubig na tanging ang ilaw ay ang gasera. Aba ang baliw, pinatay kaya hayun, bwiset na bwiset ako. Uso rin pala dito ang pangpa-prank 'no? Ang kakaiba lang sa kaniya, ginagawa niya iyon ng walang kangiti-ngiti sa labi. Napaka-weird-o.

"Tila mawawalan na ako ng hangin sa katawan sa aralin natin ngayong araw," mahinang reklamo ni Laura na panay pa ang paghigit ng hininga.

"Nariyan sa iyong gilid ang aking tubigan, Laura. Maaari mo iyong inumin," saad ko na lang. Sa ilang araw kong pananatili rito ay nakakasanayan ko na ang mga salita nila rito. Napakalalim pero dahil tagalog pa rin naman ay hindi naman ako na-a-alien kahit papaano.

"Maraming salamat, Binibini."

"Maari rin ba akong makiinom?" Nabaling ang tingin ko kay Paulita dahil doon.

"Sure." Bigla akong natigilan doon. Okay, joke lang pala, hindi pa rin talaga maiiwasan ang pagkakamali.

"Sor? Ano iyon, Mira?" takang-taka na si Maria dahil doon. Napalunok na lang ako.

"Ano ba ang iyong sinasabi, Maria? Ang aking sinabi ay 'sige', tila ikaw ay pagod na talaga," marahang saad ko. Mabuti na lang at hindi iyon narinig nila Paulita.

"Heto at uminom kana rin ng tubig Maria. Tiyak pagod lamang iyan." Nagkibit-balikat na lang ang masungit na si Maria. Mabuti na lang talaga at kamukha niya si Yannie, hindi ako na-o-offend sa kaartehan niya. Masyado na akong sanay sa kanila.

"Maiba ako, ano kaya kung tayo ay magtungo sa lawa ngayon?" Napalingon ako kay Laura nang sabihin niya iyon. Sa pagkakaalala ko ay wala namang ibang ilog na malapit dito kung hindi ang Lake of Happiness.

Sa ilang araw ko rito, marami akong napansing pagkakatulad ng San Fernando sa ilang parte ng San Ignacio sa hinaharap. Pakiramdam ko tuloy ay biglang naglaho sa pagkakakilanlan ng marami ang San Fernando at naging parte na lamang ito ng San Ignacio. Pero bakit? Anong nangyari? O dapat bang tanong ko ay kung ano ang mangyayari?

"Gusto ko iyan. Tara at dalhin natin si Mira sa lawa." Sa isang iglap ay hila-hila na ako ni Laura at Paulita papunta sa likod ng Bahay Aliwan. Subalit, ganoon na lang ang pagkatigalgal ko nang marating namin ang gusto nilang puntahan ko. Hindi nga ako nagkamali, ang Lake of Happiness nga ang pinuntahan namin. Naroon ang pamilyar na tanawin, ang mga maliliit na puno na sa hinaharap ay talagang nagtatayugan. Ang napakalinaw na lawa at ang hindi pa naglalakihang punong kahoy na sa hinahaharap ay naroon pa rin bilang matatayog na puno na nagbibigay lilim sa lawa. Palibot ang lawa kaya naman tanaw ko rin maging ang Hacienda Laong bagamat malayo-layo ito. Maging ang karatig bayan na siyang San Ignacio ay natatanaw ko mula rito.

Subalit tila may kung anong sumasaksak sa puso ko nang mapagmasdan iyon. Bigla ay parang bumalik bilang isang alaala sa akin ang nangyari kay Olivia sa first chapter ng kwentong Arrow Pen. Napapikit na lang ako sa hindi maintindihang dahilan.

"Ang ganda, hindi ba Mi— b-bakit ka umiiyak?" Napamulat ako nang marinig iyon kay Paulita. Agad kong kinapa ang mukha ko at doon ko nga nakumpirma na umiiyak nga ako. Bagama't hindi maintindihan ang sariling emosyon ay pinilit ko na lang magkibit-balikat at ngitian na lang siya.

"Sapagkat napakaganda rito. Hindi ko mapigilang hindi maluha sa saya, Paulita." Natawa na lang siya sa sinabi ko. Bagama't pinagtaasan ako ng kilay ni Maria ay hindi ko na lang siya pinansin.

"Ikaw pala ay napakamaramdamin, Binibining Mira," natatawa na ring turan ni Laura. Tumawa na lang din ako.

"Siguro ay maupo muna tayo at pagmasdan ang napakagandang tanawin na ito," usal ko na lang na agad naman nilang sinang-ayunan.

Sa pagmamasid sa paligid, hindi ko maiwasang hindi mapaisip ng malalim. Hindi naman ako ganoon kabobo para hindi maintindihan ang lahat. Nandito ako para alamin ang mga mangyayari sa buhay ni Olivia nang maisulat iyon ni Ten ng detalyado sa hinaharap. Hindi ko inaakalang mangyayari sa'kin 'to. Anong klaseng sorcery ang nangyari sa akin at nakapagtime travel ako rito? Hindi kaya may powers si Ten? Iyon kayang ibang story niya ay totoo rin kaya?

Hay! Nakakabaliw ang mag-isip kaya naman minabuti ko nalang magkibit-balikat at makihalo sa kwentuhan nila Paulita.

Ikinwento nila sa akin ang unang beses nilang pagtatrabaho sa aliwan na ito. Sinabi rin nila sa akin kung saan sila nakatira at kung ano-ano pa tungkol sa buhay nila. Inamin din nila Laura na hindi sila maalam magsulat at magbasa kaya naman pag-awit ang pinagkakakitaan nila. Ang tangi nilang nababasa ay ang mga liriko ng kantang itinuturo sa kanila ni Madame Racelita. Sa panahong ito, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Nakakalungkot lang na sa panahon sa hinaharap ay maraming oportunidad na makapag-aral subalit nagbubulakbol lang ang karamihan. Hindi nila naisip na noon ay ninais ng lahat ang makapag-aral.

Sa pag-u-usap naming iyon ay naging close kaming tatlo. Magaan talaga ang loob ko sa kanila, isang factor na roon ay dahil kamukha nila ang mga kaibigan ko sa hinaharap. Bagama't iba ang kanilang pangalan, katayuan at pinanggalingan. Ang kanilang ugali ay walang pinagkaiba sa mga kaibigan ko dahil sa kanila ay panandalian kong nakalimutan ang aking mga alalahanin.

"Pasumandali, kayo ba ay nakabili na nang inyong susuotin para sa pagtatanghal mamayang gabi?" Doon na bumalik sa alaala ko na kaya nga pala puspusan ang pagpa-practice sa amin ni Madame Racelita ay dahil na rin sa gaganaping pagtatanghal namin mamaya. Kakanta kami bilang mga anghel na magpupugay sa pagsilang ni Hesus habang umaakto ang bawat miyembro ng teatro. Isang maikling palabas bilang paghahanda sa pasko.

"Hindi pa ako nakapaghahanda, Laura. Ano na lamang ang gagawin natin?" nag-a-alalang pag-amin ko.

"Kung gayon ay magmadali kayo. Tayo ay magtutungo sa pamilihan ngayon din." Tuluyan nang tumayo si Maria mula sa pagkakaupo sa damuhan at napatakbo na pabalik. Agad naman kaming nag-si-sunod sa kaniya. Mapalad na lang ako at iniwanan ako ni Carlos ng pilak nang ipahatid niya ako sa kalesa kanina. Malaki talaga ang utang na loob ni Olivia kay Carlos na ngayon ay utang na loob ko na rin.

Naglakad na lang kami patungo roon. Bagama't hindi sanay ay minabuti ko nalang na hindi magreklamo. Pinili naming bilhin ang mga puting saya na aming nakita. Isinuot namin iyon para sukatin at nang makuntento ay binili na namin iyon. Matapos ay bumili na rin kami ng ilang palamuti sa buhok. Napamahal man ay mababawi naman daw nila iyon kapag sila ay sinahudan na ni Madame Racelita.

Kaunti na lamang ang natira sa pilak na meron ako nang kami ay pabalik na. Balak ko sanang itabi iyon in case of emergency pero natigilan ako nang madaanan namin ang isang tindahan na siyang dinayo namin kamakailan lang nila Carlos. Doon ko muling namataan ang plumang kinahihiligan ni Leonardo pero hindi naman niya binili.

"Saglit lamang, mga binibini." Matapos kong sabihin iyon ay patakbo na akong nagtungo roon dala ang sisidlan ng mga pinamili. Habang kinakatitigan ang napakagandang pluma ay hindi ko maiwasang hindi maulinagan ang sinabi ni Leonardo.

"Ibinili kita ng kwaderno hindi ba dapat ay ibili mo rin ako?"

Napangiti na lang ako.

"Magkano po ito?"

A/n: Special thanks to BedazzledYang for voting and for adding this book to your reading list. Actually nawawalan ako ng inspiration sa kwentong ito. Kanina ay hindi ko talaga sya madugtungan. Malaking tulong ka sa pagbuo ko ng chapter na ito. Thank you.

I M _ V E N A

Continue Reading

You'll Also Like

767K 23.2K 33
"Don't ever think of leaving me. Because you are my today, my tomorrow and my future."-Ace Nathaniel Laurel(GSB-12) @Wild_Amber
10.7K 2.2K 45
Joanna Beatrice is a part of a special section, but she doesn't feel like she belongs because she's not as smart as her classmates. She's a happy-go...
4M 155K 46
Kingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangara...
1M 37.9K 61
Highest Ranks #1 in Thriller #2 in Mystery/Thriller "Kailangan mong pumatay kung gusto mo pang mabuhay. Kung hindi ikaw ang papatay? Ikaw ang mamama...