El Destino desde 1870 (The fa...

By Im_Vena

30.9K 2K 373

Completed El Destino desde 1870 is a series that splits its time evenly between two time periods revolving ar... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!

Kabanata 21

302 31 0
By Im_Vena

IKA-SAMPONG KABANATA
Filipinas 1869
Ika-22 ng Disyembre

Napamulat na lamang si Olivia mula sa mahimbing na pagkakatulog nang siya ay maalimpungatan. Bumulaga sa kaniya ang dalisay na amoy ng mga bagong pitas na bulaklak, mula pa iyon sa kaingat-ingatang hardin ng hardenero sa kanilang hacienda na si Mang Berting. Maayos iyong isinalansan ng Mayor Doma ng tahanan.

Nasaan ako?

Inilibot niya ang tingin sa paligid at doon niya napagtantong nasa kaniyang sariling silid siya. Subalit nang bumalik sa alaala niya ang nasaksihan, doon na lamang siya napabalikwas ng tayo. Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili at lumabas ng silid, subalit, sa pagbukas niya ng pinto ay roon niya nakita ang kaibigang si Agnes. Nakangiti ito sa kaniya subalit bakas ang kalungkutan.

"Agnes!" anang niya sa pangalan nito. Mabilis niyang hinapit ang kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. "Patawarin mo ako aking kaibigan, wala akong nagawa upang tulungan kayo, patawad." Mangiyak-ngiyak na saad niya matapos ay humiwalay siya sa pagkakayakap at hinawakan ang balikat ng kaibigan.

"Umayos ka Olivia, ayos lamang iyon. Naikwento na rin sa akin ni Ginoong Leonardo na naroon ka nga. Maiba ako, kamusta ang pagtulog mo? Halos isang araw kang nakatulog. Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Agnes.

"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan. Kamusta ang lagay mo? Kamusta si Aling Marcela at Angelito?" pagtatanong niya subalit doon nawala ang ngiti sa labi ni Agnes. Agad na napansin iyon ni Olivia at siya ay napabitaw sa pagkakakapit dito. "M-May nangyari ba?" Napayuko ang dalaga at muli ay naiyak.

"O-Olivia, wala na sila."

"Ano?!" gulat na gulat si Olivia sa kaniyang nalaman. Halos manlambot ang tuhod niya nang dahil sa nabalitaan. Hindi niya akalaing ganoon ang kaniyang dadatnan sa kaniyang paggising.

Sobrang nalungkot ang dalaga, subalit kahit na lubos ang pagdadalamhati ay hindi iyon ipinahalata pa ni Agnes upang hindi na lubos pang mag-isip ang matalik na kaibigan. "N-Nasaan na sila ngayon?"

"Isa kaming Indio Olivia, at alam na alam mo iyan. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sunugin ang mga labi nila. Hindi ko kakayaning pagpundaran sila ng maayos na libingan, kahit gustuhin ko man," ngumiti lang ito bagama't nangangalumata.

"K-Kung gayon ay anong klaseng tulong ang inabot sa iyo ni Ginoo—"

"Malaki." Pagputol nito sa humahaba pang litanya ng kaibigan. "Hindi ako naparito upang alalahanin pa ang mga bagay na kabaha-bahala. Narito ako upang tawagan kayo, Ginoong Ramiro, upang dumalo ng agahan. May klase ka rin namang papasukan at hindi maaaring hindi ka aalis at magtutungo sa eskwela."

"Ngunit, ni hindi pa man sumasapit ang pasko ni pagpapalit ng kalendaryo, napakatagal pa niyon!" pagmamaktol niya. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos ng kaibigan. Hindi ba dapat ay nagluluksa ang kaibigan niya sa pagkawala ng magulang nito?

Subalit, bakit nagkaganito?

Tila ba pinagsisilbihan pa siya ng sarili niyang kaibigan.

"Olivia, huwag ka nang maraming sinasabi at maging ako ay nagugutom na rin. Humayo na tayo, hindi ko nanaising maubos ng iyong Hermano Carlos ang nagsasarapang agahan na akin mismong pinaghirapan," masiglang turan ni Agnes matapos ay hinigit si Olivia.

Nang makarating sila sa hapag kainan ay naroon na at nakaupo ang dalawang binata. Panay sa pagbabasa ng dyaryo si Carlos. Habang panay naman sa pagsusulat si Leonardo.

"Mga ginoo, narito na po si Ginoong Ramiro." Pagkuha ni Agnes ng atensyon ng mga ito. Doon na sila natigil at nagsiayos nang pagkakaupo.

"Buenas Diyas!" bati ni Carlos dito. Tumango naman siya bilang pagbati.

Tahimik na umupo siya katabi ni Leonardo habang umupo naman si Agnes katapat siya. Naglapat sila ng maikling panalangin bago sila nagsimulang kumain.

"Mamamasyal ako sa ating bayan mamaya. Dadalawin ko ang ilan sa mga lugar dito upang kumalap ng impormasyon sa aking akda. Ramiro, gusto mo bang sumama sa akin?" Pagbasag na turan ni Leonardo. Napangisi si Carlos at hinayaan na lang ang dumidiskarteng kaibigan. Takang nag-angat ng tingin si Olivia.

"Bakit tila yata ako ang naisipan mong alukin? Hindi ba dapat ay si Hermano ang dapat—" Hindi na natapos ni Olivia ang sasabihin nang magsalita ito.

"Kung ayaw mo ay madali akong kausap. Hindi mo naman kailangan pang gumawa ng dahilan upang mapagtakluban lang ang pagkaayaw mo sa—"

"Sasama ako!" hiyaw ni Olivia. Ngumisi ng nakakaloko si Leonardo. Palihim naman na napairap si Olivia. Sa nasaksihang iyon ni Agnes ay hindi niya mapigilang hindi mapahagikhik. Ang makita ang dalawa ay kasiyahan na sa kaniya.

"Magsikain pa tayo. May inihanda pa akong minatamis para ngayong umaga. Saglit at aking kukunin upang mapagsalu-saluhan natin." Hindi na nakaangal pa ang tatlo nang kumaripas na ng takbo si Agnes sa kusina. Pinasundan na lang tuloy ito ni Carlos sa mga katulong.

"Ano ang nangyari? Ang sinabi sa akin ni Agnes ay halos isang araw akong nakatulog at batay sa aking pagkaka-alala bago ako mawalan ng ulirat ay nasa isang napakamapanganib na sitwasyon tayo Ginoong Leonardo," turan ni Olivia, pahina ito nang pahina upang hindi marinig ng kung sino man. Wala namang umimik sa dalawa. Nanatiling tahimik ang mga ito habang kumakain. "Mga Ginoo, mayroon naman yata akong karapatang malaman ang lahat, hindi ba?"

"Ramiro, madali naming naresolba iyon. Kaya naman, hindi mo na dapat pag-isiping masyado ang sarili mo sa bagay na iyon. Ang gawin mo ay ang isipin ang gulong pinasok mo nang lumabas ka bilang si Mira. Ang Bahay Aliwan ko ay ginugulo ng pangalan mo." Subalit, ang ginawang pag-i-iba ng usapang iyon ni Carlos ang mas nagpaliyab sa galit na mayroon sa dibdib ni Olivia.

"Si Fecilito Fernando ang anak ng Gobernador Heneral ng bayang ito, ang muntik humalay sa kaibigan ko. Nagawa nitong ipapatay ang pamilya ng kaibigan ko, Carlos. Huwag mo akong idaan sa pag-i-iba mo ng usapan, alam ko ang narinig ko. Alam ko ang nakita ko. At may hinuha ako sa kung ano man ang nangyari ng gabing iyon. Huwag ninyo akong linlangin!" Doon na siya nagtaas ng boses. Naghahalo ang pagka-inis, galit, poot at pagkalito sa kaniyang sistema.

"Huminahon ka binibini, nasa harapan tayo ng hapagkainan. Galangin mo ang pagkain, huwag kang maging bastos," malamig na turan ni Leonardo rito. Masamang tingin ang ipinukol niya sa Ginoo subalit hindi niya ito magawang salungatin sapagkat totoong mali ang pagsasawalang bahala sa hapag.

Sa puntong umiinit na ang komosyon sa hapag ay saktong nakabalik si Agnes dala ang minatamis na kamoteng kahoy. Ang asukal na ginamit niya ay mula pa sa Europa na nakaimbak lamang sa likod bahay ng hacienda.

"Narito at ating pagsalu-saluhan ito. Halina't magpakabusog."

Tahimik lang sila hanggang sa matapos ang agahan walang nagsasalita. Ikinatakha iyon ni Agnes subalit hindi na siya naglakas-loob na magtanong pa.

Para maalis ang galit at hindi ito masyadong pinagtuunan ng pansin ng kaibigang si Agnes. Nagdesisyon si Olivia na magkulong muna sa kaniyang silid.

Mula sa Asotea ay dinudungawan niya ang isang ilog na nakikita niya mula sa kaniyang kinatatayuan.

Bumalik ang mga alaala sa kaniya ng gabing mawalay siya sa kaniyang Ama't Ina. Bumalik iyon nang dahil sa kaniyang nasaksihan. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, napupuno ng poot ang kaniyang dibdib.

Iniisip niya kung ano ang malaking pagkakasala ng mga magulang ng kaibigan niya para bawian ng buhay ng ganon na lamang. Maging ang pagkamatay ng mga magulang niya ay iniisipan niya na rin ng dahilan. Sa kaniyang pagninilay-nilay naalala niya ang narinig mula sa isang Gwardya Sibil ng gabing iyon.

Ang kaniyang Lolo ang may kagagawan ng pagpatay sa kaniyang Ina at Ama. Nagkuyom ang kamay niya. Ang alaalang iyon ang parating bumabalik sa kaniya.

"Tila yata malalim ang iyong iniisip na dumating sa puntong hindi mo na namalayan ang aking presensya." Hindi siya nagulat ni nag-abalang lingunin ang Ginoo. Bagkus ay pabalang na sinagot niya ito.

"Ano ang ginagawa mo rito sa aking silid, Ginoo?"

"Sa aking pagkaka-alala ay may lakad tayo, binibini."

"Ipagpaumanhin ninyo subalit biglang sumama ang aking pakiramdam. Mukhang hindi na yata kita masasamahan—" Hindi muli natapos ni Olivia ang pagpapaliwanag kay Leonardo nang magsalita ito.

"Hindi ako tumatanggap ng pagtanggi, Binibini. Magbihis ka at tayo'y aalis na." Matapos iyon ay umalis na ito. Napabuntong hininga na lang si Olivia sa kawalan ng magagawa sa pinag-u-utos nito.

~•~

"Hindi ba tayo sasakay ng kalesa, Ginoo? Napakalayo ng pamilihan para ating lakarin lamang," turan ni Olivia. Napalingon sa kaniya si Leonardo na nakakunot ang noo.

"Sino ba ang nagbigay sa'yo nang maling impormasyon na tayo ay patungo sa pamilihan? Kailangan nating maglakad sapagkat nagsusulat ako ng aking akda patungkol sa ating bayan," pagsusungit ng binata. Napaismid na lang ang tamad na tamad na dalaga.

Subalit, sa hindi inaasahang pangyayari, isang rumaragasang kalesa ang dumaan sa kanilang dinaraanan.

"Umalis kayo sa daan!" hiyaw nang nagpapatakbo. Nanlaki ang mata ni Olivia sa nangyari, agad siyang napapikit at hindi na nakakilos. Hanggang sa bigla na lang siyang hapitin ni Leonardo upang hindi siya masagasaan.

Nang magmulat siya ng mata, mukha ni Leonardo ang bumungad sa kaniya. Nakangiti ito na animo'y kaunti na lang ay hahagalpak na ng tawa. Halos manlambot ang tuhod niya sa nakita. Hindi siya makapaniwala.

"Huwag mo akong titigan ng ganiyan, binibini." Walang ano-ano'y biglang sumeryoso ang hitsura ng binata. "Baka ikapahamak mo iyan." Kaya naman marahas na humiwalay sa kaniya ang dalaga at bahagya siyang itinulak palayo.

"Mayabang!" bulong ni Olivia. Matapos ang kaganapang iyon ay nanatili silang tahimik sa paglalakad. Binasag na lamang iyon ng nangangapang tanong ni Leonardo.

"Magaling kang gumuhit, hindi ba?" Tumango-tango naman si Olivia.

"Gayon na nga," sagot niya na hindi man lamang magawang tapunan ng tingin ang binata.

"Maaari mo ba akong guhitan?" nangangapang anas ng binata. Balik na muli ang ekspresyon nito sa dati subalit sa kaloob-looban niya ay kinakabahan siya sa inaasal ng dalaga.

"Sige, marami pa namang araw. Ngunit sa isang kundisyon." Doon natigilan ang binata, kasabay ng pagtigil nila sa paglalakad. Hinarap nila ang isa't-isa na parehong nangangapa sa kapwa reaksyon.

"Ano iyon, Olivia?"

"Ngumiti ka ng mas madalas, Leonardo." Sa hindi malamang dahilan ay ito ang hinahangad ng musmos na puso ng dalagang nagpapanggap na binata para sa kalayaan.

T E N

Continue Reading

You'll Also Like

32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
1.7M 90.3K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
115K 6.2K 64
Ikalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta a...
6.7K 201 5
Make sure to read this first if you want to read my stories in order! Cover by @Geksxx ugly ✨