El Destino desde 1870 (The fa...

By Im_Vena

31K 2K 373

Completed El Destino desde 1870 is a series that splits its time evenly between two time periods revolving ar... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!

Kabanata 8

751 48 22
By Im_Vena

Laveinna,

Nang makauwi ako sa bahay ay cellphone agad ang hinawakan ko. Hindi pa naman kasi talaga ako inaantok kaya naman nagpasya akong magbasa muna.

Kanina nang umuwi ako, napagalitan pa ako, kasi naman daw alas dies na ako naka-uwi. Pinabibili lang naman daw ako ng gamot. Pero 'di bale, at least 'diba nakauwi na ako. Ngayon ay balak kong basahin ang bagong story ni Ten ang Arrow Pen. Kaysa naman ma-spoil ako sa internet basahin ko na lang.

Binaba ko ang brightness ng phone ko, di-nark mode ang phone, nahiga at nagkumot. Bago nagsimulang magbasa ng may ngiti sa labi.

ARROW PEN

PROLOGO

Tahimik ang paligid at tanging ang pagkaluskos lamang ng pagtama ng palaso sa isang lata ang nagpapukaw sa katahimikan. Humulma ang nagmamayabang na ngisi sa labi ni Olivia na ikinatawa naman ni Carlos.

"Magaling Olivia, kahanga-hanga. Napakaganda mo na nga ay napaka galing mo pang mamana. Tunay nga na ika'y nagtataglay ng pambihirang karikitan," bigay na bigay na papuri ni Carlos sa dalaga matapos ay marahan itong humithit ng tabako.

Sa paghihit na iyon ay hindi sinasadyang napalingon si Carlos sa kaibigang si Leonardo na tahimik na nagsusulat sa kabilang gilid ng silid. Tila ba wala man lamang itong pakialam sa magandang ipinakikita ng bago nilang kasamahan. Marahil iyon na rin ang naging dahilan ni Carlos upang punahin ang nananahimik na Ginoo. "Kaibigan, ano ang iyong masasabi sa galing na ipinapamalas ni Olivia?" mapangasar na tanong nito. Alam ni Carlos na abala ang kaniyang kaibigan sa pagsusulat ng nobela at lubos nitong ayaw magpaabala ngunit binuska niya ito upang maging katuwaan.

Hindi napigilan ni Leonardo ang mapabuntong hininga. Gayunpaman ay nagawa pa rin niyang sagutin ang kaibigan. "May maibibigay pa ba akong papuri kung nasabi mo na ang lahat ng papuri sa kaniya, Carlos? Aksaya lamang sa oras at panahon." Inangat ni Leonardo ang paningin at seryoso niyang binalingan si Carlos ng tingin. Hindi naman ito nagpatalo at taas noong nakipagtitigan sa kaniya habang mayroong malokong ngiti sa labi.

Isang malakas na kalabog sa ibabaw ng lamesa ang namutawi sa buong paligid. Napalingon si Leonardo sa dalagang lakas loob na ibinagsak ang bago nitong pana sa ibabaw ng lamesa na kaniyang sinusulatan.

"Batid mo ba kung ano ang ipinangalan ko sa panang ito?" bakas ang pagmamalaki sa boses ni Olivia. Kaya naman napangisi si Leonardo at bahagya niya pang inayos ang salaming gamit. Dinampot pa nito ang kaniyang orasang pambulsa (pocket watch) na nasa ibabaw ng lamesa. Matapos ay binulsa niya iyon at napiling mag-angat ng tingin sa dalaga.

Mula sa malaporselana nitong kutis na tila isang marmol sa kinis. Ang ilong nitong kay tangos na walang kawangis. Ang mapilantik na kilay na binabagayan ng mga malalim niyang mata na tila hinahalukay ang buo niyang kaluluwa. Ang mamula-mulang pisngi at ang labing tila singpula ng mansanas na bagong pitas. Maging ang mahaba at kulot nitong buhok ay talagang lubos na nagdudulot ng kakaibang dating sa kahit na sinong maglalapat sa kaniya ng tingin.

"Ano?" Mababakas ang kabagutan sa sagot ni Leonardo na pawa bang pinalalabas ng binata na sinasayang lamang ni Olivia ang oras niya. Napanguso na lamang si Olivia sa naging sagot ng kaniyang kaibigang pinaglihi sa sama ng loob.

"Aro Pin!" (Arrow Pen) Bakas na hindi bihasa sa pagsasalita ng wikang Ingles ang dalaga. Ikina-kunot iyon ng noo ni Leonardo. Isa iyong salitang ingles na kamakailan lang ay itinanong din nito sa kaniya. "Napakaganda hindi ba? Pinag-isipan ko iyang mabuti." Napapa-iling na napangisi na lamang si Leonardo sa sinabi ni Olivia. Sa pagkakaalam niya ay siya rin naman ang nagsabi sa dalaga na ang Ingles sa pana ay arrow at sa pluma ay pen. Subalit kahit ganon ay minabuti ni Leonardo na sakyan na lamang ang pagmamalaki ng nakababatang kaibigan.

"Bakit mo naman naisipan na pangalanan ang bagay na iyan ng ganiyan?"

"Sa aking palagay kasi Ginoo, mas nakamamatay ang pluma kaysa sa pana at palaso. Kaya naman, pinangalanan ko itong Aro Pin (Arrow Pen) upang masasabi kong, walang mas nakamamatay pa bukod sa panang mayroon ako," pagmamayabang nito.

Napailing na lamang muli si Leonardo at napahalakhak naman ng malakas si Carlos. Parehong kinagigiliwan ang binibini.

Likas na talaga sa pagkatao ng dalaga ang pagiging mahangin at pagiging positibo sa lahat ng bagay. Marahil ay dahil na rin ito sa lumaki siya sa pagbabalatkayo bilang isang lalaki.  "Kaya naman Leonardo, sana ay huwag mong hayaan ang sarili mong sumulat para lamang kilalanin at dumugin ng mga binibini. Sumulat ka para sa kasiyahan mo dahil kagaya nga ng sinabi ko, talo ng pluma mo ang pana ko." Ngumiti ito ng malawak na ikinaseryoso ni Leonardo. Batid ni Olivia na nawawalan na ng ganang sumulat ng panibagong akda ang kaniyang kaibigan. Nag-aalala siyang makalimutan na ni Leonardo ang dahilan kung bakit siya nagsusulat. Walang nagawa si Leonardo kung hindi ang tumango at pasimpleng mangiti.

"Señor Carlos, Binibining Olivia, Ginoong Leonardo, nakahanda na ang hapunan!" masiglang hiyaw ni Agnes sa kaniyang pagpasok ng silid. Subalit hindi nila iyon inasahan at sa sobrang gulat ay inakala nila na kung sino na ito.

Mabilisang nadampot ni Carlos ang kanyang maskit (Musket; old long barrel gun) at itinutok dito. Ganoon din si Leonardo, mabilis niyang nailabas ang baril mula sa isang maliit na kahon sa gilid ng mesa. Habang si Olivia ay naitapat na agad ang kaniyang palaso. Sa puntong nagkagulatan ay agad na nagtaas ng kamay ang bagong dating na si Agnes na tila ba sumusuko. Gulat siya sa nagawang aksyon ng mga kaibigan.

"M-Maaari ba na i-ibaba ninyo iyan? A-Ako lamang ito, si Agnes."

Ako si Olivia at ito ang kwento naming lahat.. sa loob ng talaarawan ko.

Arrow Pen”
nobelang isinulat ni TEN
Isang pahapyaw sa nakalimutang Kasaysayan.


Ito ang simula ng katuparan ng aking pangako.

— Ten

UNANG KABANATA
Filipinas 1864-1865

Bukas ang bintana ng silid ng isang dalagitang nakatanaw sa mga nagkikislapang bituin. Tahimik niyang hinihiling na sana ay nahahawakan na lamang niya ang mga ito. Pa-simple pa niyang itinataas ang mga kamay niya habang hindi mawaglit-waglit ang matatamis na ngiti sa labi. Sa mura niyang edad ay hiniling niya ang katagang ito sa isipan 'Bituin sa langit, nawa'y sa darating na panahon ay palayain mo ang bansang ito, iyon lamang ang natatanging kahilingan ko'.

Subalit, ikinalungkot niya ang isiping mukhang wala ng pag-asang makalaya ang bansang kaniyang sinilangan sa kamay ng mga kastila. Kanina lamang ay nasaksihan niya sa plaza ng San Ignacio ang nangyaring Garotte sa mga nahuling Indyo na pinagbintangang nagnakaw.

Marahil nga ay may dugo siyang pagkadayuhan dahil may dugong kastila ang kaniyang Ama. Subalit, hindi iyon naging hadlang para mapansin ni Olivia na may mali sa pamamalakad ng gobyerno. Tsinay man ang kaniyang Ina at isa mang mestizong kastila ang kaniyang ama, nananatiling pusong Pilipino ang dalagita dahil naniniwala siyang isa siyang dugong Indyo na isinilang sa Pilipinas at mamamatay rin sa Pilipinas.

Nakagu-gulat na labing dalawang taon pa lamang siya ay ganito na kalawak ang pang-unawa niya sa mga bagay-bagay. Isa siyang matalinong bata at hindi na iyon kataka-taka dahil sa dugong Ignacio ang nananalaytay sa buo nitong pagkatao.

Ang pagiging matalino ni Olivia Cartello Ignacio ay isa sa mga kinatatakutan ng kaniyang ina. May mga punto kasi na basta-basta na lamang nagwe-welga ang anak sa kung ano ba ang tama at ano ang mali. Alam naman ng kaniyang Ina na may mga maling gawain ang ginagawang tama ng gobyerno.

"Olivia, magbihis ka anak!" Agad na napalingon si Olivia sa bagong dating— ang kaniyang Ina. Mababakas sa mukha nito ang pagka-aligaga na nagpapukaw kay Olivia. Napababa siya sa pagka-ka-upo sa may bintana. Dahan-dahan pa siya dahil sa naka-suot ng saya ang dalagita, nag-i-ingat na baka ay mahulog.

"Po? Bakit po?" tanong agad nito sa kaniyang Ina. Hindi niya kasi mawari kung ano? O bakit sila aalis gayong nasa kalagitnaan na nang gabi. 'Bakit kami aalis? Gabi na at tiyak  na mapanganib sa labas, ano bang pakulo ni Ina ito?'  Iyan lang ang tanging nasa isip ng dalagita.

Malimit kasing magbiro ang ina niya na para bang wala ka nang ano pa mang paniniwalaan sa mga lalabas sa labi nito. Imbis na sagutin siya ay nagmamadaling inilabas ng kaniyang ina ang mga damit niya at isinilid iyon sa isang sisidlan. Ang aksyong iyon ng kaniyang Ina ang nagbigay kaba kay Olivia. Dali-dali niyang nilapitan ang Ina at hinawakan ang braso nito.

"Ina, ano po ang nangyayari?" pagtatanong ni Olivia. Naguguluhan na siya kung bakit tila ba kakaiba ang mga aksyon ng kaniyang Ina. Nababagabag siya na baka kung ano na ang nangyayari at wala pa siyang kaalam-alam. Nang ibaling ng kaniyang Ina ang paningin sa kaniya ay mababakas ang lungkot at takot sa mata nito, iyon ang hindi niya maunawaan. Ibubuka na sana ng ina ang labi niya nang matigilan ito. Kagaya ng Ina ay natigilan din si Olivia, lalo nang marinig nila ang rumaragasang kalesa na paparating. Ikinagulat nila iyon.

"Bakit may mga—" Hindi na natapos ni Olivia ang kaniyang tanong nang ibigay ng kaniyang Ina sa kaniya ang sisidlan. May kinuha pa ito sa kaniyang buhok na isang pang-ipit. Walang ano-ano ay inilagak ng Ina ang pang-ipit sa kamay ng dalagita. Pinagmasdan naman iyon ni Olivia. Napakagandang pang-ipit at mas pinaganda pa ng disenyong dragon sa dulo nito.

"Itago mo ito anak, dahil ito na lamang ang maipamamana ko sa iyo bago ako sumakabilang buhay." Mas lalong ikinagulat ni Olivia ang pahayag ng Ina na tila ba namamaalam na ito. Magsasalita pa sana siya upang magtanong nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng silid ang kaniyang Ama at may dala itong baril na nagbigay kilabot kay Olivia.

"Mahal, nandito na sila." Kagaya nang ina niya ay mababakas din sa mukha ng kaniyang Ama ang lungkot at takot. Nakita niya kung papaano bumagsak ang luha sa mga mata ng kaniyang Ina. Bahagya pa itong napapatingala at tumalikod sa direksyon niya.

"Ano po ba ang nangyayari?"

Subalit, imbis na sagutin ay hinila siya ng mga magulang papalabas ng pinto. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Matapos iyon ay itinulak siya ng mga ito papalabas sa likod-bahay. Doon na tuluyang kumawala sa mga mata ni Olivia ang luha na kanina pang nagbabadya. Lumuhod sa harapan niya ang kanyang Ina habang ang kaniyang Ama ay aligagang nagmamasid.

"Anak, nawa'y mapatawad mo kami sa maaga naming paglisan. Ito lamang kasi ang tanging na-iisip namin ng iyong Ama upang mailigtas ka."

Pinatungan ng Ina ang anak ng isang balabal. Ngumiti ito nang ngiting may pagpapaalam at kumaway. "Magiingat ka, mahal kong anak."

"Te amo mi hija," ( I love you my daughter) ang tanging nasabi ng kaniyang ama. Humagulgul nang tuluyan si Olivia dahil sa hindi maipaliwanag na ikinikilos ng mga magulang. Ngumiti ulit ang mga ito subalit ngayon ay may luha na sa kanilang mga mata. Masakit man ay kailangan nilang tanggapin na hanggang dito na lamang talaga. Abo't tanaw na sana nila ang kaligayahang inaasam subalit mukhang ipinagkait pa sa kanila ito ng panahon. Sadyang hindi makatarungan subalit kailangang tanggapin at harapin para sa kanilang minamahal na anak.

Bahagyang itinulak ng Ina si Olivia palayo. "T-Tumakbo ka na anak ko!" Nag-a-alinlangan man ay agad na sumunod si Olivia dala-dala ang isang sisidlan na naglalaman ng ilan niyang mga kasuotan. Subalit, hindi pa man siya tuluyang nakalalayo ay nilingon niya ang mga magulang at halos mapasigaw siya nang makita kung papaanong barilin ng mga gwardya sibil ang kaniyang mga magulang.

"El Señor Manuel Ignacio y La Señora Geneva Cartello Ignacio es la muerte lo denuncian al gobernador Ignacio Encuentre allí a su hija de inmediato¡" (Señor Manuel Ignacio and Señora Geneva Cartello Ignacio are dead, report it to Governor Ignacio. Find their daughter immediately!) hiyaw ng isang Kolonel sa kaniyang mga kasamahan gamit ang wikang espanyol. Nanginig ang buong pagkatao ni Olivia at ang tanging nagawa ay mapatakbo palayo.

Matalinong bata si Olivia kaya't alam niya na isinakripisyo ng mga magulang nito ang buhay nila para mabuhay siya at hindi niya hahayaang masayang iyon. Tumakbo si Olivia nang walang katigil-tigil ang pagbagsak ng mga luha. Tumakbo siya ng mabilis kahit na naka-paa na lamang. Hindi niya na alam kung saan ba napunta ang panyapak niya. Basta ay tumakbo lamang nang tumakbo ang dalagita. Subalit..

"¿A dondé vas?" (Where are you going?) mapaglarong tanong ng isang gwardya sibil na nakahuli sa kaniya. Malalim na napalunok siya ng laway at pilit na ikinakalas ang pagkakahawak ng gwardya sibil sa kamay niya.

"B-Bitawan mo a-ako!"

Subalit, imbis na pakawalan ay tinawanan lamang siya nito. Akmang hihilahin na ng gwardya sibil ang bata pabalik sa Mansyon nang agad na may bumaril dito. Isang lalaking nakasuot ng salakot at baluti ang lumitaw. Mula sa puno ay bumaba ito at dinaluhan ang kawawang dalagita.

"Ayos ka lamang ba, binibini?" tanong nito kay Olivia. Mababakas ang pag-a-alala sa mata ng Ginoo. Subalit isa ring tanong ang ibinato ng dalagita rito.

"Sino ka?" Akmang aalisin nito ang manipis na itim na tela na tumataklob sa kalahati ng mukha nito nang mabilisang hinawakan ng lalaki ang kamay niya. Pawang may kuryenteng nagdikit nang hawakan ng lalaki ang kamay niya, bagay na ngayon lamang nangyari.

"Mamamatay ka kapag tinanggal mo ang takip ko munting binibini," saad nito na ikinagulat ni Olivia. Agad na naibaba niya ang kamay.

"Kung gayon ay maaari mo bang sabihin sa akin ang iyong ngalan Ginoo?" Bakas ang pakikiusap sa boses ni Olivia. Nagkatitigan sila sa mata na pawa bang kapwa nila sinasaulo ang mata ng una nilang pag-ibig. Kumabog nang malakas ang dibdib ni Olivia. Bagay na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya. Hindi siya makapaniwala kagaya nang hindi niya ito mapigilan.

Kasabay niyon ang malakas na sipol ng hangin sa kadiliman na pawa bang ini-ikutan silang dalawa, rinig man ang walang tigil na putukan 'di kalayuan ay para bang may sarili na silang mundo at kapwa nagkakaintindihan.

"Wala ng oras, Binibini! Humayo ka sa dulo ng kagubatang ito. Matatagpuan mo ang lawa at doon ay nag-iwan ako ng bangkang iyong masasakyan patawid at magtungo sa kabilang bayan. Iyong ipagtanong ang lalaking nagngangalang Carlos Laong at matutulungan ka niya. Maiwan na kita." Akmang lilisanin na siya ng Ginoo nang agad niyang hinigit ang braso nito. Labag man sa patakaran ng kababaihan ay wala naman siyang ibang paraan na naiisip upang pigilan ang pag-alis nito. Gulat siyang nilingon ng lalaki.

"Paano ako nakasisiguradong totoo ang sinasabi mo Ginoo? Na h-hindi mo lamang ako n-nililinlang!" Lakas-loob na tanong ni Olivia.

"Kaibigan ako ni Señor Manuel." Matapos iyon ay naglaho na ang Ginoo na tila ba nilamon lamang ito ng dilim. Nangangamba man ay sinunod niya na lamang ang sinabi ng misteryosong Ginoo.

Takbo lamang siya nang takbo papunta sa nasabing lawa. Wala siyang ibang inisip kundi ang makarating na lang doon. Kinakain siya nang ibat-ibang emosyon. Naghihimagsik ang kalooban niya kung bakit niya dinadanas ang ganitong pangyayari.

Nakarating si Olivia doon ng mabigat ang paghinga, at kagaya nga ng sinabi sa kaniya ng misteryosong Ginoo ay nakita niya roon ang bangka. Walang pag-aatubiling sumakay siya roon at sinimulang magsagwan.

Noong una ay nahihirapan pa siya. Bukod sa hindi naman siya ganoon ka-tangkaran at nakakasagabal pa ang saya niya ay hindi naman siya marunong magsagwan, subalit mabilis lamang matuto si Olivia at iyon ang kahanga-hanga sa munting dalagita.

Nang mapansin niyang nakalayo na siya ay lumingon si Olivia sa kaniyang pinanggalingan at kita niya mula roon ang kanilang mansyon na natutupok na nang apoy. Isang luha ang kumawala sa mga mata ng dalagita. Napadasal na lamang siya sa kaniyang isipan, 'Panginoon gabayan mo po ako, sapagkat hindi ko na po alam kung ano ang mangyayari sa akin.'

T E N

Continue Reading

You'll Also Like

85.3K 3.5K 55
Adolescence is such a bizarre term for the fourteen-year old Aya. Wielding wooden swords and doing circuit exercises seem easier than doing make-ups...
4M 155K 46
Kingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangara...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
1M 37.9K 61
Highest Ranks #1 in Thriller #2 in Mystery/Thriller "Kailangan mong pumatay kung gusto mo pang mabuhay. Kung hindi ikaw ang papatay? Ikaw ang mamama...