Why Do BIRDS Suddenly Appear?

By BlackLily

11.5M 188K 16.5K

More

Why Do BIRDS Suddenly Appear?
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Five
Epilogue

Forty-Four

172K 3.3K 266
By BlackLily

44.

Lumunok ako ng ilang beses at huminga ng malalim bago iniabot ang pinto ng kotse.

“I’ll call the moment I arrive.” Mahinang sabi ko kay Gretchen. She looked at me sadly.

“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Xiara naman! Sayang kayo. Oo nga sinabi ko dati na desisyon mo kung ano ang pipiliin mo pero deep inside my femininity gusto ko talagang si Angelo Jhudiel ang piliin mo.” Nakaingos na siya nung sinabi niya yun at ang tanging nagawa ko sa kanya an gang pilit na ngiti.

“Alam mo naman kung ano ang pinili ko di ba? Alam mo naman na siya ang pinili ko. Pero Gretchen, ano ang magagawa ko kung ang taong pinili ko ay todo iwas sa akin?” Pagkatapos ng pag uusap naming ni Mama, nabuo ko ang desisyon na siya ang pipiliin. Aaminin kong nanghinayang ako sa opportunity but then if he was able to give up his profession for me, why can’t I do the sam for him?

Kaya siya ang pinili ko. Umuwi ako nung araw nay un sa condo. Tinext ko siya, tinawagan, hinagilap kung saan saan pero hindi ko siya makita. Tatlong araw ko yun ginawa. Oo nga at maiksi lang ang tatlong araw pero kung hindi niya ako pinagtataguan sa unang araw pa lang alam ko na kung nasaan siya.  Pero hindi eh kaya alam ko ding pinagtataguan niya ako.

At nasasaktan ako sa ginawa niya. Oo nga sabihin na natin na hindi sapat ang pagmamahal ko sa kanya to give up my dreams. Sabihin na natin na mas higit ang pagmamahal niya sa akin that he is willing to give up everything for me and I can’t do the same. But won’t he give me a chance at least? Oo nga nagdalawang isip ako kung ano ang pipiliin ko pero sana pinakinggan niya ang choice ko. Hindi pa naman ako nakapili di ba? Bakit niya agad ako iiwasan?

“Gretch, kapag nakita mo siya, pakibigay sa kanya.” Sabay abot ng brown envelope na naglalaman ng signed annulment papers namin. Yes. I signed it. And yes I’m leaving for the US. I will chase my dream dahil ang taong pinili ko ay naggive up na sa akin? Saan pa ba ako pupunta? Dalawa lang naman ang choices ko di ba?

Kumugot ako ng isa pang malalim na hininga para kalmahin ang sarili ko at para mapigilan ang paninikip ng lalamunan ko dahil sa nagbabadyang pag iyak ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang pinto ng kotse at binuksan ito. Mabibigat ang mga hakbang kong pababa ng kotse. Ni hindi ko makuhang pilit na ngumiti kay Gretchen nung nag wave siya. Pati paglakad ko papasok sa airport, ang bigat bigat ng mga paa ko.

Parang may hinihintay. And I know who it is. Dahil sa kaibuturan ng puso ko umaasa ako na darating siya. Na pipigilan niya ako. That he would ask me again to be with him. Sadya kong bnabagalan ang paglakad because I am buying for time na baka nahuli lang siya at magkasilisihan kami.

I am still hoping that he would stop me and that he didn’t really give me up. I am hoping na sana magbago ang isip niya. Nasa sana maging selfish na lang siya at pigilan niya ako. Na sana pinosas na lang niya ako para di na ako umalis sa tabi niya. I am hoping now na sana hindi niya ako sobrang minahal to the point that he would sacrifice his love for my dreams.

And I didn’t stop hoping. Ang bagal bagal ng mga kilos ko. Patingin tingin ako sa paligid lalo na sa entrance. Atubili akong magcheck in kahit na boarding na ang flight ko. At kahit na nagboboard na ang flight hindi pa din ako tumatayo sa kinauupuan ko. Hindi ako tumitingin sa nagboboard, tumitingin ako sa entrance.

Pero walang Jhudiel na dumating. And when that realization hit me, kusang tumulo ang mga luha ko and I can’t seem to stop it kahit na yung ibang tao ay nakatingin na sa akin.

I wanted to wail. I wanted to shout. Gusto kong magalit sa kanya kasi hindi siya dumating. I am not a fan of romance yet gusto kung sa mga sandaling ito, gusto kong mangyari ang mga cliché scenes na pipigilan ng lalaki ang babae na umalis and that he would declare his love for her and that they would kiss and make up.

“Philippine Airlines is pleased to announce the final boarding call for Philippine Airlines flight 303 to New York . All ticketed and confirmed passengers should now be on board the aircraft at gate 3. Again…" Pero ni hndi ako tumayo sa kinauupuan ko. Hanggang sa makita ko ang huling taong halos takbuhin na ang gate 3 para makaboard. Ilang minute pa akong nakaupo at nagihihintay.

“This is the final boarding call for passenger Jamie Xiara Garcia booked on Philippine Airlines flight 303 to New York. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Jamie Xiara Garcia. Thank you.”

And that signals it all. Malungkot akong napatingin sa Gate 3 at kahit mabigat ang dibdib ko, pinilit ko ang sarili kong tumayo. PInahid ko ang mga luha ko. I clenched my jaw and hold unto my suitcase. Sobrang higpit ng hawak ko as suitcase ko na parang ito ang lifeline ko.

At naglakad ako. At bawat hakbang ko tumatanim sa puso’t isip ko na naging tama ang desisyon and I know darating ang araw that I would reminisce this day, this hour, this moment. At kahit  ano man ang mangyari hindi ako magsisisi, hindi ako manghihinayang. Dahil ito ang pinili ko.

Ito ang naging decision ko. 

Jude’s POV:

“Ang arte mo!” Bulyaw sa akin ni Ralph habang nag uusap kami sa condo ko at umiinom at kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Jamie Xiara. At ilang beses na din siyang tinawagan ni Xiara kung alam nito kung nasaan ako. Pero dahil nga sinabi kong wag sabihin kahit papaano hindi naman ako ipinagkanulo ng pinsan ko.

At oo, sabihin na nating maarte ako dahil alam ko naman na gusto akong kausapin ni Jamie Xiara pero pinagtataguan ko siya. Yes, I am deliberately doing it. Dahil alam ko kung ano ang sasabihin niya. Her mother hinted to me that she would changed her mind and would not accept the post at FBI ng dahil sa akin. At makikipagbalikan siya sa akin.

Alam kong yun ang dahilan niya at yun ang gagawin niya, pero ayaw kong gawin niya yun dahil sa akin. Ayaw ko na ng dahil sa akin hindi niya matutuloy ang pangarap niya. Nung una oo, gustong gusto ko siyang umalis sa bureau. Para akong nakabitin sa bangin kapag nasa operation siya. Para akong unti unting pinapatay. And I didn’t expect that I would feel this way. That I would be so concerned with a person that I feel like my life is on edge.

At nung nakita ko siyang binaril pakiramdam ko sa akin tumama ang bala, pakiramdam ko ako ang nag aagaw buhay. And that day, I died. Not physically though. That day I’ve realized that I couldn’t be like this forever. Hindi ko pwedeng ipilit kay Xiara ang gusto ko pero hindi din pwedeng habang buhay akong matatakot para sa kanya. I have to give something up and the choices are not that many. I choose to give up my love for her. Para maabot niya ang pangarap niya dahil dahil hindi pwedeng maging hadlang ang pagmamahal ko sa pangarap niya. If I trully love her, I should respect her decision and her dreams. And I cannot impose on her life. Ako ang sabit kaya ako dapat ang maggive up.  And that decision ended my life.

At kung nagpakita ako sa kanya nitong mga huling araw na hinahanap niya ako at papayag akong magbalikan kami, alam kong darating ang araw na sisisihin niya ako dahil pinigilan ko siyang abutin ang pangarap niya at ayaw kong mangyari yun. That was my decision and I stand by it.

Pero ngayon bakit nagdadalawang isip ako? Alam kong ngayong araw ang flight niya and every minute nagiging balisa ako. Something in me wanted to be selfish at pigilan siyang umalis. At naguguluhan ako. Magpapaubaya ba ako o makikipaglaban ako sa pangarap niya?

Inisang lagok ko ang beer na nasa center table. Napabuntunghininga si Ralph.

“Hays pusong mahabagin. Jude, alis muna ako ha. Baka hinahanap na ako ni Ana.” At iniwan ako ng pinsan ko.  And I was left alone fighting with myself.

Napasandal ako sa sofa at napapikit.

“Damn! Damn you Jamie Xiara!” Dahil kahit ipikit ko ang mga mata ko, mukha niya ang nakikita ko.

“God! This is crazy.” At tumayo na ako at nagmamadaling kinuha ang susi ng kotse ko sa center table at lumabas ng condo.

Halos gibain ko na ang elevator dahil sa bagal nito at halos banggain ko na ang mga sasakyan sa unahan ko.

I need to get to her. Hindi ko siya hahayaang umalis. Damn! Kahit na itali ko siya para manatili sa tabi ko gagwin ko pero hindi ko hahayaang lumayo siya.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero wala akong nahagilap. Lalo akong napamura. Tatlong araw na pala yung patay at naiwan ko sa condo na inupahan dati ni Ralph kung saan ako nagstay these past few days.

At kung minamalas ka nga naman, may banggaan pa sa EDSA kaya natraffic pa ako. Wala na akong nagawa kundi ang maghintay, ang kabahan at ang magmura.

I arrived at the airport 2 hours later at habang tumatakbo ako papasok nananalangin ako na sana na delay ang flight niya.

Pero hindi dininig ang panalangin ko. Because I was informed that her flight left an hour ago. Nanlumo ako. Parang binagsakan ako ng buong bubong nag NAIA.

And with a hunch shoulder , I left the airport. 

Continue Reading

You'll Also Like

323K 25.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
881K 1.5K 2
This story is signed under Dreame. If you want to continue reading this, please visit Dreame app. Thank you
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...
760K 19.5K 6
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...