MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

Bởi Sparkyspark15

7.3K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... Xem Thêm

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO

32 0 0
Bởi Sparkyspark15

KAI POV:

Nagulat ako ng makita ko ang sarili ko na nasa bahay ng Kuya Alden ko, sa pagkakaalam ko ay nasa bahay naman sila, kasama ang adoptive baby ng magulang niya. Sinampal ko naman ang sarili ko at bwisit, ang sakit. So totoo to eh saang planeta kaya ako?

Pumunta naman ako sa balcony at nagulat naman ako ng may lalakeng nakatayo doon, kinuha ko naman yung vase dito para ihampas sa lalake.

"Sino ka?" tanong ko.

Nanlaki naman ang mata ko nung nakita ko si Kuya Alden na nakangiti sakin ngayon. Nabitawan ko naman yung vase at buti na lang hindi yun nabasag. Alam kong siya yun, kilalang-kilala ko siya.

"K-kuya Alden?" ngumiti naman siya sakin.

"It's been 3 years right?" tanong niya kaya tumango naman ako. Lumapit naman ako tsaka tumabi sa kaniya doon sa balcony.

"Kuya, buhay ka?" tanong ko tsaka binatukan siya. Gago buhay nga....

"Aray!" tsaka sinamaan ako ng tingin.

Nag-iwas naman ako ng tingin tsaka tumingin na lang sa langit, bakit dumating pa siya kung kailan nagustuhan na ako ni Winter....

"This is just a dream, hindi ako buhay. Isang oras lang ang binigay sakin para makausap kita." napahinga naman ako ng maluwag.

"Kamusta ka na?" tanong niya.

"Ok lang naman." tsaka ngumiti.

"Ang saya mo ah, magkwento ka naman. Sayang yung isang oras." tumawa naman ako.

"Pero bago yan, asan yakap ko?"

"Kuya, malaki na ako, wala na yang yakap-yakap sakin."

"Tsk...." tumawa naman ako.

"Grade 9 ka nung nawala ako diba?" tanong niya kaya tumango naman ako.

"Kamusta ka naman? Hindi ka pa naman mabubuhay pag wala Mama mo."

"Grabe ka naman! Chief kaya ako! Syempre kaya ko sarili ko!" sabi ko sa kaniya kaya tumawa naman siya.

"Well, nahirapan ako nung una pero hindi na ngayon, marami naman kami." sabay hawak sa bracelet ko na kaparehas nung kay Winter.

"19 ka na diba? May girlfriend ka na no?"

"Wala pa."

"Bakit wala pa? Pero may nagustuhan ka?" tumango naman ako.

"Kwento mo naman sakin kung pano mo siya nagustuhan." sana alam mo na iisang babae lang ang nagustuhan natin.

"May mission ako nun sa Mortal Realm, may kukunin ako na Healing Crystal doon, kasama ko naman sana si Irene pero mas gusto ko na ako lang. 1 week ako doon syempre bago ko ginawa ang mission ko ay naglibot muna ako, hanggang sa nakarating ako sa isang park. Umakyat ako sa isang puno na may katabing bench para doon magpahinga."

"Iidlip na sana ako nung may makita akong babae na umupo doon sa bench tsaka humiga, ginawa niyang unan ang bag niya tsaka naka-uniform pa. Napatingin naman ako doon hanggang sa napunta ito sa mukha niya, hindi ko napansin na nakatingin lang pala ako sa mukha niya hanggang sa nagising siya. Nagulat naman ako nung nalaman ko na tatlong oras na pala akong nakatingin sa kaniya."

"Hinintay ko na umalis siya, para maka-alis na rin ako. Pero ewan ko lang sa sarili ko kong bakit ko sinundan yung babae, naglalakad siya papunta sa isang cafe kaya pumasok na rin ako doon. Palagi siyang sinusundo ng lalake at akala ko boyfriend niya yun hindi pala."

"Everytime na napapagod ako kakahanap sa crystal ay pumupunta ako doon sa puno tsaka hinihintay yung babae. Dahil sa loob ng isang linggo ay parati siyang nandun at nandun rin ako at araw-araw ko rin siyang sinusundan. I didn't thought na magugustuhan ko siya dahil doon sa ginagawa ko, I want to approach her pero nahihiya ako."

"Tatlong araw lang natapos ang mission ko pero hindi agad ako umuwi, dahil hinihintay ko lang siya doon na dadating. Nalaman ko na hindi siya normal na tao nung nakita kong binuhay niya ang namatay na white rose sa gilid. Sa ikaapat na araw ay may naka-away siya, hinagisan siya ng bato at sapol sa ulo niya. Pero kawawa parin yung kaaway niya dahil binugbog niya ng limang beses ata tsaka lumayo."

"Nung matutumba na sana siya ay bumaba na ako sa puno at sinalo agad siya, sinabihan ko naman yung mga kaibigan ng binugbog niya na dalhin yun sa hospital dahil nahimatay. Dinala ko naman siya sa Hospital tsaka tinawagan ang magulang niya tsaka umalis na. Dumadaan lang ako sa room niya para icheck kong gising na ba siya o hindi."

"Nung nakita ko na may pumasok na babae ay umalis na ako, I think nag Summer Class siya. Sa last day ko doon ay hindi ko na siya nakita, hinintay ko siya doon pero wala talaga siya. Tinawagan ko pa si Ms. Principal na mag-e-extend pa ako ng isang araw para lang talaga makita ko siya pero wala parin siya. Umuwi ako na walang gana at nagreport kay Ms. Principal na walang gana."

"Pumunta na ako doon sa cafeteria dahil nandun naman sila tsaka walang gana na tumabi. Nagtataka narin sila kung bakit down na down ako pero hindi ko sila pinansin, until naagaw ng isang babae ang atensyon ko. May feeling ako na siya yun kaya tumingin naman ako sa kaniya at timing rin na lumingon siya sa gawi namin."

"Nagkatinginan naman kami pero naputol lang yun nung binigay na ng tindera ang Chuckie na binili niya tsaka umalis na sa cafeteria. Alam kong siya yun at para masiguro ay lumabas ako at sinadya na kong tumayo doon sa madadaanan niya. Nung makita ko siya ay kunwari nagcecellphone ako tapos aksidente na banggain ko siya tsaka kunwari rin nahulog ang panyo ko."

"Nabitawan niya ang wallet niya kaya kunwari nagsorry ako tsaka umalis at sinadya na iwan yung panyo ko. Gaya ng plano ko ay tinawag niya ako para ibigay yung panyo ko, ngumiti naman ako nung malaman ko na siya nga. Alam kong nawe-weirduhan siya sakin pero wala na akong pake basta alam kong siya yun."

"Kaya simula nung nalaman ko ay palagi ko na siyang inaasar dahil yun lang ang paraan na alam kong papansinin niya ako. Ginagamit ko na rin ang position ko pero ang tibay niya dahil di siya takot." tumawa naman siya.

"For the first time I saw her smile, alam kong natamaan na talaga ako nun lalo na yung tumawa siya. Masakit pag nakita ko siyang umiiyak at nahihirapan, lalo na nung nasampal siya ng Lolo niya sa adoptive family niya. Hindi parin kasi siya tanggap nung time na yun."

"I know she's strong physically but she's weak mentally, sometimes she's sweet but most of the time she's brutal."

"Talaga? What's her name?" niyuko ko na lang ang ulo ko.

"Amara Myrtelle Sanders." tsaka tumingin sa kaniya na may malungkot na ngiti.

"Ow...." nag-iwas naman ako ng tingin.

"Bakit siya pa?" tumawa naman ako, tumawa na lang ako kahit nasasaktan na ako.

"You can't blame me...." kita ko naman ang pagyukom ng kamao niya.

"Ipaubaya mo na siya sakin, dahil sating dalawa, ako lang ang maalagaan siya." humarap naman siya sakin tsaka hinawakan ang kwelyo ng damit ko.

"Hindi porket pinsan kita, ipapaubaya ko na siya ng ganun-ganun lang." at kita kong galit talaga siya.

"Pano mo siya maalagaan kung patay ka na?" tinanggal naman niya ang kamay niya sa damit ko tsaka bumalik doon sa pwesto niya.

"Kahit buhay ako hindi ko siya ipapaubaya sayo kahit gusto mo siya."

"Alam ko, lamang ka lang sakin eh dahil una ka niyang nakilala." sabi ko.

"That's why know your place, sakin siya nung una." napayukom na rin ang kamao ko.

"You should know your place to, dahil ako ang mas lamang ngayon....at ako rin ang buhay ngayon."

Nagulat na lang ako nung bigla niya akong sinuntok kaya sinuntok ko na lang rin siya. Hinawakan ko naman yung labi ko at kita ko naman ang dugo doon.

"Damn, you're an asshole...." tsaka tumayo. Dumudugo rin ang labi niya.

"Beat me, ipapaubaya ko siya." mas hinigpitan ko naman yung pagyukom ng kamao ko.

Ito yung unang away namin na nagsasakitan talaga kami. Susuntukin ko na sana siya nung naunahan niya ako, sinipa naman niya ang tiyan ko kaya napahiga naman ako. Pero kahit masakit ay tumayo ako at sinipa rin siya ng dalawang beses sa dibdib at tiyan niya kaya siya na naman yung natumba.

Hindi ko na hinintay na makatayo siya at pumatong na agad ako sa kaniya para suntukin siya, nahawakan naman niya ang kamao ko at sinuntok ako kaya napa-alis naman ako sa taas niya. Siya lang talaga ang di ko kayang talunin pagdating sa lakas.

"You improve, but not enough to beat me." tsaka nilahad ang kamay niya. Tinanggap ko naman ito tsaka bumalik doon sa pwesto ko, putik sakit ng katawan ko.

"Siya ang una kong kinausap bago ikaw." napatingin naman ako sa kaniya.

"Pinalaya na namin ang isa't-isa at kahit ayaw kong ipaubaya siya sayo ay gagawin ko, dahil gaya ng sinabi mo kanina 'pano ko siya maalagaan kong patay na ako', which is you really have a point." nag-iwas naman ako ng tingin.

"Dahil alam ko, alam kong gusto niyo ang isa't-isa." napangiti naman ako.

"Alam mo naman pala eh, pinipilit mo pa ang sarili mo." sabay ngisi.

"Sa totoo lang nagseselos ako, ako ang unang lalake na nagustuhan niya pero pinalitan mo pwesto ko." tumawa naman ako.

"Pwede bang tumahimik ka o huwag kang mag labas ng emosyon?!" tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Dapat ako yung nandun hindi ikaw, dapat ako ang niyayakap niya hindi ikaw. Ako dapat ang nandun everytime na malungkot siya, nahihirapan siya, nasasaktan siya hindi ikaw. Pero wala akong magawa eh...."

"Wala na akong magawa dahil wala na ako...."

"Pero kahit buhay ako, hindi ko siya hahayaang mapunta sayo kahit gusto mo siya. Paunahan na lang kaya, total ako naman talaga yung una bago ka umeksena." tsaka tumawa.

"Alam mo? Nakaka-bwisit ka, ikaw na nga ang nagsabi na bantayan siya doon sa sulat mo diba? Kasalanan mo rin dahil mas pinaglapit mo kami tapos ngayon sasabihin mong nagseselos ka? Eh p*t*ng*na ka pala eh sana sinabi mo na lang na ibigay lang yung litrato tsaka lumayo punyeta." pero tahimik lang siya.

"Ayaw kong malaman eh, ayaw kong malaman na tumitingin ka sa mata niya the same stare na binibigay ko sa kaniya. Kung mahigpit ba ang yakap na binibigay niya sayo katulad nung ginagawa ko sa kaniya dati...." bulong niya.

"I trust you bro...." napalingon naman ako sa kaniya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Lampasan mo yung pagmamahal na binigay ko sa kaniya noon. Alam kong malalampasan mo yun, just don't hurt her. Mahal na mahal ko siya at alam mo yun."

"Ofcourse, palagi mo siyang kinukwento sakin."

"That's why alagaan mo siya...."

"Oo naman."

"Treat her like a Queen dahil pag yan umiyak ng dahil sayo, babawiin ko siya sa susunod nating pagkikita at hindi ko na siya ibibigay sayo." tsaka ngumiti sakin, pero alam kong nasasaktan siya ngayon.

"Makaka-asa ka sakin Kuya, siya lang rin ang unang babae na minahal ko bukod kina Mama at Lily...." niyakap naman niya ako kaya niyakap ko naman siya pabalik.

"Kamusta sila Mama at Papa doon?" tanong niya pagkatapos niyang kumalas sa yakap.

"Umampon sila ng baby." tumango naman siya.

"And they named it Jun, anak yun ng bestfriend ng Papa mo pero naaksidente ang magulang ng baby. May kotse na bumangga sa kotse nila at sabi ni Tito na sinadya raw yun. Mayaman rin kasi yung bestfriend niya at mukhang pinapapatay sila, yung baby lang yung nakasurvive."

"Hindi sila galit kay Winter pero si Winter yung umiiwas dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala mo. Gusto siyang lapitan ni Tita pero si Winter talaga yung lumalayo." huminga naman siya ng malalim.

"Tsaka may kilala ka bang Ethan?" tanong ko.

"Yeah, kababata namin yun ni Winter. I mean simula baby pa talaga si Winter hanggang lumaki siya ay si Ethan ang kasama niya."

"Pero umalis raw si Ethan?"

"Yeah, alam mo na siguro yung rason."

"Alam mo ba? Matagal ata silang hindi nagkita eh, Ethan tried to flirt with Winter pero sinuntok siya ni Winter. Nung sa School Child Duel naman ay sinipa ni Winter ang mukha niya, hindi halata na magkakakilala silang dalawa." tumawa naman siya.

"Sabi niya kasi sakin kanina ay nag glow-up raw si Ethan kaya di niya nakilala agad. Magkasundo talaga yung dalawa, tapos pag may umaway kay Winter siya ang haharap. Hindi naman kasi pumapatol si Winter noon." tumawa naman ako.

"Sabi pa nga ni Ethan noon na bawal magkagusto sa kaniya pero pano ba yan? Masisisi mo ba ako?" tsaka ngumiti.

"Ang swerte mo, isang katulad niya ang minahal mo. Kahit nagbago siya, hindi mo parin malalayo sa kaniya ang Win-win na ugali niya. Mahal na mahal siya ng Tatay at Nanay niya, lalo na si Calvin na tinuring na niyang totoong kapatid. I wish I can turn back time, kung saan makakasama ko pa siya ng mas matagal."

"Kuya, liligawan ko na siya pag 18."

"You should...." tsaka ngumiti tapos hinawakan ang labi niya.

"I didn't thought she has a soft lips, nakaka-adik." sinamaan ko naman siya ng tingin.

"You kissed her?" mas lumaki naman ang ngiti niya.

"And she kissed me back, sayang naubusan lang ako ng oras. Tatagal pa sana yun."

"Hindi mo pinilit?" tanong ko.

"No, she response immediately. Lumalim pa nga eh." napayukom naman ang kamao ko.

Unfair lang, ilang beses ko siyang hinalikan pero ang tagal pa nung sinagot niya pero pagdating sa kaniya agad-agad? Nakaka-bwisit lang ah?

"Hindi ko nga inaakala na magaling siya sa ganun."

"Siguro kong buhay pa ako ilang beses ko na siyang hinalikan sa isang araw. Lalo na kung nakikisabay rin siya." halos maramdaman ko na yung kuko ko sa palad ko.

"Manyakis ka rin eh."

"No, that's what you called cravings. Hindi pagkain pero labi niya." binatukan ko naman siya.

"Aray ko! Ang sakit nun ah?!"

"Alam mo? Ewan ko lang kong anong reaksyon ni Winter diyan sa mga sinasabi mo!"

"Blushing maybe....."

"Ako lang naman ang makakagawa nun sa kaniya." Bwisit....

"Edi ikaw...." rinig ko naman ang tawa niya.

"Why? Hindi mo pa ba siya nahalikan?"

"I did, pero hindi naman agad siya sumasagot. Tinutulak niya ako o iniiwas niya mukha niya." tumawa naman siya.

"Kawawa ka naman."

"Kuya!" sigaw ko kaya tumawa naman siya.

"Baka mukha ka ring manyakis pag humalik." binatukan ko na naman siya.

"Mukha ba akong ganun?!"

"Ewan ko sayo baka lang you're so aggressive on kissing her, mukha ka tuloy manyakis diyan sa ginagawa mo." natahimik naman ako.

"So totoo, see naaadik ka rin. You can't blame me."

"Ginagawa ko lang naman yun pag nagseselos ako minsan...." bulong ko kaya tumawa naman siya.

"Yan, sobra ka rin. Mukhang yan lang rin naman ang gagawin ko pag nagseselos ako pero ang bata pa namin nun." sabi niya. Tinignan ko naman siya na tumingin sa kamay niya tsaka ngumiti ng malungkot.

"30 seconds na lang, take care of her, for me ok? Pakisabi rin kina Mama at Papa na mahal na mahal ko siya." tumango naman ako.

"Don't worry gagawin ko yun, paalam Kuya, till we meet again."

"I trust you bro, go ahead, you already had my permission." tsaka naglabas ng huling ngiti na hindi ko na makikita pa.

---

JUN POV:

"Kamusta? Nagbugbugan ba kayo?"

"Konting away lang po pero nagkaayos naman kami bago natapos ang oras." tsaka ngumiti.

"Wala ka na bang kakausapin ngayon?"

"Wala na po. Sa wakas, makakapagpahinga na po ako." tsaka ngumiti, tumutulo ang luha ko pero hindi dahil malungkot ako kundi dahil masaya ako.

Kampante na ako at alam ko na ok na si Winter doon dahil sa pinsan ko, alam ko na rin na masaya na ang magulang ko dahil doon sa adoptive baby nila. Maya-maya ay umilaw ang katawan ko at naglaho na, oras na to para maipahinga ko ang ligaw na kaluluwa ko.

---

To end....

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

877K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...