MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.5K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 68:

45 1 0
By Sparkyspark15

WINTER'S POV:

Pinanood ko lang si Audree at yung mga kasama niya na nag-release ng arrow at halos lahat ng yun ay nasa 10 or 9. Magaling rin naman ang Khisfire Academy pero may isang sablay kasi sila kaya nanalo ang Filicy Academy.


"Mystic and Broiny. Your in...." sabi ni Host Cathan. Unang tumayo si Nicole dahil siya naman ang una.


"Remember, 9 and 10 is our goal." sabi ko kaya tumango naman siya. Tumunog na yung buzzer at yun ang signal nila para pumana na.


Napatingin naman ako sa kalaban namin at siya yung babae na humampas kay Irene ng tray kaya napahigpit naman ang hawak ko sa pana. Sabay silang pumana at parehas sila na nakakuha ng 30 points. Tatlong tries lang kasi each player.


"2nd player." sabi ng isang lalake na nagbabantay, baka kasi may daya. Tumayo na si Claire at pumalit doon sa pwesto ni Nicole.


"Good job."


"Yeah, thanks." sabi naman ni Nicole. Pinanood ko lang si Claire and sa last try niya ay nakakuha siya ng 8 but yung taga Broiny ay 9. Lamang na sila ng isa.


"It's ok Claire, you did a great job. Kami na bahala ni Samantha diyan." sabi ko kaya tumango naman siya.


"3rd player." kaya tumayo na si Samantha. Nagulat na lang kami ng biglang tumawa si Samantha at Nicole kaya nagkatinginan naman kami ni Claire.


"Gago anong tira yun?" sabi ni Samantha sabay tawa. Nung nalaman namin ni Claire ay tumawa na rin kami.


"Anyari dun?" tanong ni Claire sabay tawa. Sa unang dalawang tira kasi ng kalaban ay naka 10 points sila tapos sa last ay 4 points.


"Edi lamang na kami HAHAHAHAA!" sabi ni Samantha kaya tumawa na naman kami. Napatingin naman kami sa taga Broiny Academy na ang sama ng tingin samin.


"4th player." kaya tumayo na agad ako.


"GO WINTER!" sigaw ni Chief. Halata naman na boses niya yun.


"Ayiieee ~~ sana all chini-cheer ~~" boses ni Samantha yun halata rin.


"SUPPORTIVE BOYFRIEND BE LIKE!" sigaw naman ni Alexis kaya pasekreto naman akong ngumiti.


Nagsimula na akong mag release ng pana at yung unang dalawang tira ko ay sapul talaga sa 10 points. Hindi ko muna pinakawalan ang last arrow ko para panoorin yung kalaban and it was 10 points. Perfect lahat ang tira nila, tumingin naman siya sakin sabay ngiti ng nanghahamon. Nilabas ko na ang signature smirk ko and ibig sabihin nun ay sila lang ang nakaka-alam.


"Bring it on Bitch." sabi ko sabay bitaw sa pana.


Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya ng makita niya ang resulta ng huling tira ko.


"SHE BROKE THE LENSE!" sigaw ni Host Cathan.


"Nacucurious na ako sa babaeng to, kanina ang bilis niyang tumakbo tapos ngayon ang asintado niya?" tanong ni Host Koa. Humarap naman ako doon sa babae tsaka binigyan ng ngisi.


"Next time, know your place. Dahil wala ka talaga basta Mystic student ang kalaban mo." sabi ko. I flipped my hair sabay balik sa upuan ko.


"Congratulations Mystic Academy. Khisfire vs Broiny, fighting for 3rd place." sabi nung nagbabantay samin.


"Now, Khisfire Academy and Broiny Academy will play again for 3rd placer. Mystic and Filicy Academy will play again for 2nd placer. Ang mananalo sa Mystic vs Filicy Academy ay makakalaban ang Jade Academy for Championship." sabi ni Host Koa kaya pinanood ko lang sila na naglalaban habang hinihintay ang turn namin.


Habang nanonood ako ay nahihirapan na naman akong huminga, kanina ko lang tong umaga nararanasan pero hindi ko sinabi kina Mama baka hindi nila ako pasalihin dito. Kahit nga sila ay hindi ko sinabihan. Hinayaan ko na lang dahil mga 1 minute ay mawawala rin naman. Gaya ngayon ay nawawala na kaya nakahinga na ako ng maayos ngayon.


"Winter ikaw na." ako na?


"Tatayo na." grabe hindi pala 1 minute....


"Tsk, this is easy." kaya napalingon naman ako doon.


"Let's see." sabi ko kay Audree kaya tinaasan naman niya ako ng kilay.


"Hindi porket binigyan mo kami ng towel magiging mabait na ako sayo."


"Don't assume bitch, hindi ko yun binigay dahil sainyo. Do you think mag so-sorry ako pagkatapos ng nangyari sa pinsan ko? Tsaka wala akong pake sa inyo dahil in the first place, talo naman talaga kayo." sabi ko sabay tira ng ikalawang arrow. Pinanood ko lang siya na ni-release ang last arrow niya and she also broke the lense.


"See that?" sabi niya sabay ngiti sakin. Sinira ko na lang rin yung lense kaya umingay na naman ang Gymnasium.


"And you also see that, and sorry your journey ends here. Lamang kami ng 2 points Ms. 3rd placer." sabi ko kaya napatingin naman siya doon sa scoreboard.


"No way...." bulong niya.


"Yes way...." sabi ko sabay ngisi.


"That girl already broke 2 lense, huwag niyo ng lagyan ang target board nila baka maubusan tayo ng lense. By the way, welcome to championship Mystic Academy." sabi ni Host Koa kaya naghiyawan naman sila.


"Now is the championship. Jade vs Mystic Academy. Dito natin malalaman kung sinong school ang asintado ngayon. Mystic? O Jade? Malalaman natin ngayon. Sinong mananalo sa magkakaibigan na to." kaya natawa naman ako. Bumalik na muna ako sa upuan ko dahil si Nicole pa ngayon.


"Claire sino yung nanalo kanina sa 3rd place?"


"Khisfire Academy. Winter, aminin mo nga. Ano bang nangyayari sayo? Kanina lang kita nakikitang nahihirapang huminga."


"Wala lang yun Claire, hayaan mo na yun." sabi ko sabay ngiti.


"Alam kong seryoso yun. Huwag mong itago yun please."


"Ok lang talaga ako Claire." sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.


"Talaga?"


"Oo nga, sigi na. Tapos na si Nicole." kaya tumayo naman siya. Ngumiti muna si Claire kay Katelynn at ngumiti rin naman si Katelynn sa kaniya.


Hindi nagtagal ay natapos na sila at pati na rin si Samantha kaya ako na naman ang lalaban ngayon. Nagkatinginan naman kami ni Iris tsaka sabay na tumawa.


"So magtatawanan lang kayo diyan?" tanong ni Host Cathan kaya tumawa na naman kami. Nagsimula na kaming tumira at sa ikatlong tira ko ay nahirapan na naman akong huminga kaya nahirapan akong itutok sa gitna.


"Are you OK?" tanong Iris kaya tumango naman ako. Nabitawan ko na yung arrow at alam kong hindi yun sapul sa gitna. Muntikan na akong matumba sa sahig kung hindi ako tinulungan ni Iris.


"Ok ka lang ba talaga?"


"O-ok lang a-ako." sabi ko habang hinahabol ang hininga ko. Tumayo na ako ng maayos tsaka hinarap siya.


"Congrats." sabi ko sabay ngiti.


"Thank you." sabi niya kaya niyakap ko naman siya.


"Congratulations Jade Academy!" kaya nagpalakpakan naman sila. Lumapit na ako sa kanila tsaka sabay na binalik ang pana.


"Winter, sabi mo OK ka lang?" tanong ni Claire.


"Winter, what happen there? Tsaka let me heal you." sabi ni Nicole pero pinigilan ko siya.


"I'm ok." sabi ko kaya tumango naman siya.


"Winter hindi ka Ok! Bakit pinipilit mo ang sarili mo!" sigaw ni Samantha kaya napatingin naman sila sakin.


"Sasabihin ko to kay Sir. Sanders." sabi ni Claire sabay alis.


"Sandali Claire, huwag!" pero naglakad parin siya palapit kay Papa.


"Is it about the sword?" tanong ni Nicole habang inalalayan ako.


"Siguro, hindi ko alam." sabi ko kaya tumango naman siya.


"Why Claire?"


"Sir. Sanders, nahihirapan si Winter na huminga ng maayos. Kanina lang po to sa recess nahahalata pero sabi niya ok lang daw siya." kaya napayuko naman ako.


"Hey, what happen out there? Alam kong asintado ka kaya nakakapagtaka lang na nakakuha ka ng 8 points?" tanong ni Chief.


"Wal---"


"Nahihirapan siyang huminga, kaya nahirapan siyang itutok ng maayos ang pana niya." sabi ni Samantha kaya napa-iling na lang ako.


"Punta tayo sa Clinic."


"Ayoko, dito lang ako manonood." sabi ko.


"Iwan niyo muna kami." kaya umalis naman yung dalawa.


"As much as I want you to watch it, importante parin ang kalusugan mo. Maybe parte yan ng espada kaya nahihirapan kang huminga ngayon." pero umiling ako. Napatingin naman ako kay Audree na ang sama ng tingin sakin kaya nakaramdam na naman ako ng inis.


"Mapipilitan akong buhatin ka Winter."


"Wala akong pake." sabi ko habang nakatingin parin kay Audree. Hinawakan naman niya and chin ko paharap sa kaniya kaya mukha niya na ang nakikita ko.


"Huwag mo ngang pansinin si Audree, nagseselos lang yun sayo eh. Naiingit lang yun sayo dahil nahahawakan kita, nayayakap and lastly...."


"Nahahalikan...." bulong niya kaya hinampas ko naman siya.


"Ang lakas mong tawaging manyakis si Ad pero mas malala ka pa pala." sabi ko habang hinahampas siya.


"Pinipigilan ko lang ang sarili ko na halikan ka kung alam mo lang. May respeto rin naman ako sayo."


"Dapat lang, anak ako ng Principal diba?" kaya pinitik naman niya ang noo ko.


"Sumbong kita kay Tita-Ninang eh." kaya inirapan ko naman siya.


"Amara, you should go to the Clinic. That is not good for you. You need to have some energy for tomorrow dahil iche-cheer mo pa si Kairon bukas." sabi ni Papa.


"But sa kwarto lang ako ni Irene." kaya tumango naman si Papa.


"Halika, ihahatid na lang kita." sabi ni Papa kaya tumango naman ako.


"Baka mahalata tayo." sabi ko kaya tumawa naman siya.


"Let them overthink." sabi ni Papa sabay gulo sa buhok ko.


"Umupo ka na doon Kairon, baka tatawagin na kayo mamaya." kaya tumango naman si Chief.


"Pupuntahan na lang kita mamaya." kaya tumango na lang rin ako. Nagsimula na kaming maglakad ni Papa palabas ng Gymnasium at habang naglalakad kami ay may tinanong siya sakin na nahihiya akong sagutin.


"Gusto mo na si Kairon no?"


"L-luh?" sabi ko sabay iwas ng tingin.


"Ok lang naman sakin, alam mo? Nung time na nilabas mo yung limang Golem at si Spikey kasabay ng paggamit mo sa teleportation mo ay nabigla ako. Lutang akong pumasok sa office ng Mama mo at doon na kami naghinala na baka ikaw yung nawawalang anak namin. It was also the time na lumabas kayo ni Kairon, pumasok kasi siya sa office para magtanong kong ano ang magandang regalo para kay Kaira. Nasabi rin ng Mama mo na kung anak ka nga namin ay ok lang sa kaniya na si Kairon ang makatuluyan mo dahil alam naman niya aalagaan ka niya ng maayos." sabi ni Papa kaya ngumiti naman ako.


"Pa, pero what if sa simula lang siya ganun? Iiwan rin niya ako sa huli?" sabi niya kaya napahinto naman siya.


"Hindi yun Amara at kung gagawin man niya yun, ako na bahala sa kaniya." kaya tumawa naman ako.


"Tsaka sa tingin mo ba di magagalit si Calvin?"


"Ewan ko sa batang yun. Magkasundo pa naman sila ni Chief." sabi ko.


"So gusto mo ba siya?" kaya tumango naman ako.


"Kailan mo sasabihin?"


"Sakin na yun!" kaya tumawa naman siya.


"Pa, pano mo nagustuhan si Mama? Marami ka bang kaagaw?"


"Marami. Pero hindi naman sila makakalapit sa Mama mo dahil bantay sarado ko. Natatakot naman yung ibang students sakin. Pero Mama mo lang ang pumapatol sakin, matigas rin kasi ang ulo ng Mama mo. I love her, you know that, she's so fragile and at the same time strong, feeling ko kasi kailangan ko siyang protektahan. May mean side tong Mama mo, yung tipong magsusungit siya pero hindi ko alam kong bakit? Dun na ako kakabahan dahil ano yung nagawa ko, pag sasabog tong Mama mo end of the world na." kaya tumawa naman ako.


"Kuhang kuha mo ang ugali niya, ganyan rin siya katulad mo. Tapos yung sweet side naman niya ay nakakakilig. Lalake ako Amara pero natutunaw rin ako sa Mama mo. Hindi naman siya mahilig sa mga Chocolate at flowers, mas gugustuhin pa niya ang chocolate cake kaya yun na lang ang binibigay ko pag pupunta ako sa mansyon nila."


"Hindi ba mahirap ligawan si Mama?"


"Hindi naman. Na-challenge lang ako kay Rio dahil ang tibay rin ng lalakeng yun. Sabi niya para maligawan ko yung Ate niya ay tatakbo ako sa Field dalawang lap kaya ginawa ko naman. Napa-iling na lang yung Ate niya pero yung ibang Ranger naman ay tawa lang ng tawa. Nakakainsulto rin kasi sila minsan." tumawa naman ako.


"And don't get me wrong, hindi sa ayaw kitang magka-boyfriend. Matagal ka ring nawala samin syempre gusto ko ring alagaan ka. Gusto ko rin na may lalake akong anak and all of a sudden, dumating si Calvin. Ang saya ko lang." ngumiti naman ako. Pagdating namin sa loob ng Clinic ay pumasok na agad kami sa room ni Irene na natutulog parin.


"Iwan na kita dito ah? Magpahinga ka, sasabihin ko na lang sa Grandpa ang nangyayari sayo baka sakaling alam niya." tumango naman ako sabay yakap sa kaniya.


"Sorry kanina, nadala lang kasi ako sa galit ko."


"Galit o selos."


"Wala naman ako sa lugar para magselos tsaka hindi rin ako nagseselos. Galit lang, she's so annoying, hindi niya ako titigilan kaya hindi ko napigilan na sumabog kanina." tumawa naman siya.


"Ok lang yun but next time don't do it OK? Bullying yung ginawa mo kanina." kaya tumango naman ako. Hinalikan naman niya ang noo ko tsaka lumabas na. Humiga agad ako doon sa malaking sofa tsaka nakatulog na agad.

---

KAIRON'S POV:

"Congratulations Mystic Academy." humarap naman ako sa kalaban ko tsaka ngumiti ng nakakaloko.


"Chamba nga naman."


"Your no match for us Kace, just admit it."


"You, are no match for me. Maganda yung babae na palagi mong kausap. Siya na siguro ang pinakamagandang laruan na nakuha ko." napahinto naman ako.


"I just want to try how soft her lips is, I want to see her beg in front of me na bumalik sa kaniya. I want to see her cry ng dahil sakin. Siya na siguro ang mas magandang babae na iniyakan ako." hinila ko naman ang damit niya palapit sakin.


"Don't touch her. Pinipigilan kong huwag kang patulan dahil hindi sa takot ako sayo, ayaw ko lang makulong. Temper goes from zero to prison. At ako na ang magsasabi sayo, she's not like other girls, walang silbi ang tinatawag mong charms sa girlfriend ko."


"Try me, nakukuha ko ang gusto ko." sabi niya sabay tulak sakin kaya nabitawan ko naman yung damit niya. Kinalma ko na lang ang sarili ang sarili ko tsaka nagpaalam na muna sa kanila. Pupuntahan ko na kasi si Winter.


"Kai!"


"Sir. Sanders?"


"Babalik na tayo sa Hotel, kung gising na si Irene at Amara tell them na babalik na tayo. Andun ang Grandma at Grandpa niya." kaya tumango naman ako. Pagdating ko sa loob ay nagulat ako ng makita ko si David, Caelan, Azai at Abigail.


"Oh? Surprise to see us?" tanong ni David na umiinom ng tubig.


"Tsk. Ayos ka na?" tanong ko kay Irene.


"Ok na, anong nangyari sa kaniya?" turo niya kay Winter.


"Nahihirapan siyang huminga, kaya second lang tayo sa Archery laban sa Jade."


"Ok lang basta huwag lang yung Filicy Academy. Ano raw ang dahilan?"


"Baka raw sa espada." tumango naman siya.


"Babalik na daw tayo sa Hotel gigisingin ko lang si Winter."


"Bakit wala si Mr. and Ms. Bentegreat dito? Sabi kasi ni Sir. Sanders na andito daw sila."


"Hindi naman pumunta sila Grandpa dito." tumango naman ako.


"Winter wake up...."


"H-hmm?" sabi niya kaya napahinto naman ako. Napatingin naman ako kina David na nag-iwas agad ng tingin.


"L-lalabas muna ako." sabi Azai tsaka dali-daling lumabas.


"Kalma lang Caelan...." bulong niya sa sarili niya.


"W-winter, g-gising n-na."


"Why?" sabi niya. T*ng*na ayoko na.


"Ako na nga lang!" sigaw ni Abigail kaya lumayo naman ako.


"Hoy Amara babalik na raw kayo sa hotel." bumangon naman si Winter pero nakapikit parin yung mata niya.


"Anong oras na ba?" tanong niya kaya namula agad ako.


"Damn it...." bulong ni David.


"Winter ayusin mo nga yang boses mo! May nahihirapan dito." sabi ni Irene sabay tawa. Tumawa naman si Winter kaya napaubo naman kaming tatlo.


"Isa pa nga?" tumawa na naman siya.


"Winter stop it." sabi ko pero tumawa na naman siya.


"Just kidding, nanalo kayo?"


"Yeah, halika na. Balik na tayo sa Hotel dahil mukhang inaantok ka pa." sabi ko.


"Kayo? Saan kayo nagsta-stay?"


"Sa Hotel parin. Manonood kasi kami sa School Festival." sabi ni Abigail kaya tumango naman si Winter.


"Ikaw babae, ok ka na?" tanong niya sa pinsan niya.


"Ok lang. Alam ko na kong ano ang ginawa mo doon sa mga babae. Mas maganda rin kasi na dapat nandun ako."


"Pinagalitan pa nga ako ni Papa eh." sabi ni Winter sabay tawa. Maya-maya ay pumasok na si Azai tsaka tumabi kay Caelan.


"Una na rin kami Amara." sabi ni Abigail sabay beso kay Winter. Niyakap na rin ni Winter yung dalawa kaya napasimangot naman ako. Sinamaan ko naman ng tingin si David nung hinawakan niya ang bewang ni Winter sabay sagot sa yakap.


"Balik na tayo dun sa Bus, baka hinihintay na nila tayo." sabi ni Winter kaya tumango naman kami ni Irene. Sumabay samin yung apat pero may sarili naman silang kotse papunta sa Hotel na tinutuluyan nila.


"See you tomorrow Amara!" ngumiti naman si Winter sa kanila. Tumingin naman siya sa Mama niya tsaka niyakap ito.


"Anong nangyari sa Prinsesa ko? Nakakapagtaka lang kasi dahil nakakuha ka ng 8 points."


"Nahihirapan akong huminga, ewan ko lang kung bakit." sabi niya.


"Sabi ng Grandpa mo, kakausapin ka raw niya mamaya pagdating natin sa Hotel. Siya na raw ang papasok sa room niyo."


"About ba yun doon sa cafeteria?"


"Hindi, about diyan sa feeling mo."


"Feeling ko?"


"Yes, about sa feeling mo kay Kairon." napatingin naman ako sa kanila. About sakin?


"Ma!" sigaw ni Winter kaya tumawa naman yung magulang niya.


"Joke lang, about diyan sa nararamdaman mo. Kung bakit ka nahihirapang huminga." kaya tumango naman si Winter. Sumunod na ako sa kaniya na pumasok sa loob ng bus tsaka tumabi na agad sa kaniya.


"Hoy ano yung sinabi ni Tita-Ninang kanina?"


"Hayaan mo na yun."


"Sigi na, gusto kong malaman."


"Tsk, hayaan mo na nga!"


"Gusto mo na ako no?"


"Buti ka pa advance, yung feelings ko hindi." sabi niya kaya sumimangot naman ako.


"Manonood ka ba bukas?"


"Sa Basketball? Oo naman."


"Talaga?"


"Oo nga." sabi niya kaya napangiti naman ako.


"Kahit naman ayaw mo ay manonood ako." t*ng*na this....


"T*ng*na Winter, huwag mo akong pakiligin!" sabi ko kaya tumawa naman siya.


"Kinilig ka naman?" sabi niya kaya hinayaan ko na lang siya. Pagdating namin sa Hotel ay deretso agad kami sa sarili naming kwarto para magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas agad ako sa room namin tsaka pumasok doon sa room nila Winter.


"Apo, naiinis ka ba this past few days? Or kahit sama ng loob?" tanong ng Lolo niya.


"Ngayon lang po. I can't remember na naiinis ako....oh! Naiinis ako pag nakikita ko si Alessia, palagi siyang nasa Academy noon para lang bwisitin ako." sabi ni Winter kaya tumango naman ang Lolo niya.


"Iwasan mong mainis o magalit dahil hinihigop ng espada ang lakas na nilalabas mo pag nagagalit ka."


"Pano yung kanina? Hindi naman ako galit kay Iris pero bakit yun ang oras na inatake ako?"


"Pinarusahan ka ata ng espada Amara, dahil sa ginawa mo kanina." kaya napatakip naman siya sa mukha niya.


"Pano ba yan, hindi naman ako mabait?" tanong niya kaya tumawa naman kami.


"Being a good person doesn't mean you can't be evil either." sabi niya kaya napaface-palm na lang kami.


"Hangga't hindi pa lumalabas ang espada, magiging mabait muna ako."


"Pero hanggang kailan?!" sigaw niya kaya tumawa na naman kami.


"Kailan pa ka kasi lalabas?! Pinapahirapan mo ang master mo!" sigaw niya sa pulsuhan niya.


"Next time baka sa mental na ako matutulog." sabi niya kaya napa-iling na lang ako.


"Aalis na kami ng Grandma mo, magpapahinga lang." sabi ng Lolo niya kaya nagpaalam naman kami sa kanila.

*KNOCK!* *KNOCK!*

"Ma? Pa?"


"Did you eat some snacks?"


"Hindi pa." sabi ni Winter tsaka pinapasok ang magulang niya.


"Here." sabay bigay ng tatlong box.


"Nilalagnat ka ba Ma?" tanong ni Winter kaya tumawa naman kami.


"Hindi maman ah...." bulong naman ni Winter.


"Just eat the brownies, wala akong nilagay diyan."


"Mamatay?" sabi ni Winter.


"Kahit mamatay." tumango naman siya.


"Bigay ko yan sa inyo, dito na lang rin muna kami." sabi ni Ms. Principal tsaka nakikain na rin samin.


"Anong sabi ng Granpa mo?" tanong ng Papa niya.


"Sabi niya, hinihigop daw ng espada ang lakas na nilalabas ko everytime when I'm pissed or angry." sabi niya sabay subo ng brownies.


"So kailangan mo maging mabait." sabi ng Mama niya.


"Wala sa dugo ko ang pagiging mabait." sabi niya kaya hinagisan naman siya ng unan ni Irene.


"Oh diba? Pati si Irene brutal?" sabi niya kaya napa-iling naman yung magulang niya.


"Never show your bad side to make someone stay. Show your bad side to see who stays. Yan yung sinabi ni Nanay sakin. I already had this kind of attitude pero mas masama talaga ako ngayon kaysa noon, inaamin ko yun." sabi niya kaya tumango naman ako.


"Hindi mo kailangang magbago Amara. Tanggap ka namin kahit demonyo ka." sabi ng Papa niya kaya tumawa naman kami ng malakas.


"Grabe ka naman Pa." sabi niya tsaka tumawa na lang rin.

---

To be continue....

Continue Reading

You'll Also Like

933K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...