MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.5K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 60:

50 2 0
By Sparkyspark15


WINTER'S POV:

"So kailan tayo magsisimula? Excited na akong maglibot dito! Naboboring na ako...."


"Bat di mo sinama si Eli?" tanong ko. Kita ko namang ngumiti siya pero umiling agad.


"Hindi ko na siya sinama."


"Inlove na inlove ah!" sabi ko sabay hampas sa balikat niya.


"Hindi naman masyado."


"Hindi masyado. Sumbong kita kay Tito eh." sabi ko kaya sumimangot naman siya.


"Ano nga yung sinabi mo kagabi?" tanong niya kaya hinagisan ko naman siya ng unan.


"Mas maganda na hindi tayo magtagal dito, pero mismo ako ay hindi alam kong saan nakalagay ang espada." sabi ko sabay hinga ng malalim.


"Asan kaya yung espada na yun. Alam mo ba Yukio?" sabi ko sabay haplos sa kaniya. Nagulat na lang ako ng tumahol ito bigla tsaka tumakbo palabas.


"Yukio! Saan ka pupunta?!" sabay habol sa kaniya. Habol lang ako ng habol sa kaniya hanggang sa narating namin ang Garden.


"YUKIO?!" sigaw ko sa pangalan niya dahil hindi ko na siya nakita ngayon.


"Asan siya?"


"Hindi ko alam kong saan siya!" sabi ko. Medyo nagpa-panic na ako ngayon kaya palakad-lakad na ako dito.


"Hey calm down ok? Hahanapin natin siya...."


"How can I f*cking calm down kung nawawala si Yukio?!" sigaw ko.


"Bwisit! Ang laki pa naman ng Garden na to!" sabay sipa sa bato.


"Hindi yan makakatulong, tatawagan ko muna sila para tulongan tayong hanapin si Yukio." sabi ni Chief. Bahala siya diyan sa buhay niya importante si Yukio.


"P*TANG*NA! STRESS NA STRESS NA AKO KAHAPON PATI BA NAMAN NGAYON?! GODDAMN IT!" sigaw ko tsaka sinuntok yung puno dito.


"HOY! ANO BA?!" sigaw ni Chief sabay kuha sa kamay ko.


"Kumalma ka nga, papunta na sila dito." sabi niya sabay tingin sa kamay ko. May sugat ito but luckily hindi ito dumudugo.


"Luckily, hindi mukha yung nasugatan mo." kukunin ko na sana ang kamay ko ng hinigpitan niya ang hawak nito.


"Calm down ok? Pag hindi ka kumalma, mapipilitan akong gawin yun."


"Huh? Ang alin?"


"Ito." tsaka hinalikan ako. Hindi nagtagal ay lumayo na siya sakin. Napahawak naman ako sa labi ko.


"See? Kumalma ka...." sabay ngisi. Hinampas ko naman siya ng ilang beses kaya tawa naman siya ng tawa.


"What the? Kulang pa yun?" sabi niya kaya hinampas ko na naman siya.


"Tumahimik kang lalake ka!"


"Nung Monday, you kiss me back tapos ngayon di mo ako tinulak? Nakakabigla lang ah?"


"Nabigla lang ako kaya huwag kang assuming!" sigaw ko pero tumawa lang siya.


"Why not? You kiss me back remember?" bulong niya kaya tinulak ko naman siya.


"Nakita niyo na si Yukio?"


"Hindi pa Irene, masyadong malaki tong Garden. Dito kami lahat nagpra-practice ng kapangyarihan. So mas mabuti na maghiwahiwalay tayo." sinabi ko na sa kanila ang lugar na pupuntahan nila kaya nagsimula na kaming maghanap. Kasama ko si Calvin ngayon na nakahawak sa kamay ko.


"Ate doon ako, baka andun si Yukio." kaya tumango naman ako. Halos isang oras na kaming naghahanap kay Yukio pero hindi parin namin siya nakikita.


"My god, Yukio. Where are you?" bulong ko. Maya-maya ay may nararamdaman akong malakas na enerhiya and it's like that energy is telling me to go near it.


"Cal, wala ka bang nararamdaman? Na something malakas na energy galing doon?"


"Hindi naman Ate...." kaya tumango naman ako. Impossibleng wala siyang naramdaman nun?!


"So weird...." tsaka tinawagan si Chief.


"Winter? Bakit?"


"Puntahan mo nga ako dito, I feel something weird about this area. I ask Calvin kong nararamdaman ba niya yun but he said no. Weird right?"


"Ok, isasama ko na lang sila. By the way, any news about Yukio? Wala siya dito."


"Wala pa. I'll wait you here." sabay baba sa tawag. Sabay naman kaming napalingon ni Calvin sa area na yun ng may narinig kaming tahol. Humawak si Calvin sa kamay ko tsaka sabay na naglakad papunta don.


Pagpasok namin doon ay si Yukio agad ang nakita ko kaya lumapit naman ako at binuhat siya.


"Ate...."


"Bakit Calvin?"


"May umiilaw sa bandang dun...." turo niya sa isang area na puno ng mga damo.


"Ngayon ko lang napuntahan ah, nakapasok ka na ba dito Cal?"


"Hindi rin, nabigla nga ako eh dahil hindi ko alam na may ganitong area pala dito eh doon naman kami nalalaro noon." Oo nga naman....


"Here, hawakan mo muna tong si Yukio. Pupuntahan ko yun, may something sa damong yun. Diyan ka lang huwag kang lalapit sakin pag hindi ko sinasabi."


"Ate...."


"Don't worry, hindi kita iiwan. Mag-iingat ako promise...." kaya tumango naman siya. Naglakad naman ako papalapit doon at habang palapit ako doon ay palakas ng palakas ang enerhiya na nararamdaman ko. Hinihigop rin ng katawan ko ang enerhiya na nararamdaman ko at feeling ko ang lakas ko, parang nawala lahat ng stress na nararamdaman ko kanina.


"Refreshing...." bulong ko. Inalis ko na yung damo na nakatakip sa isang bato, medyo marami ang damo kaya natagalan akong alisin yun lahat.


"Found you...." sabi ko. Isa lang naman ang nakikita ko ngayon.


"Ate...."


"Yes Calvin, ito na yung hinahanap natin." sabi ko. Nakita ko na yung espada na malalim na nakatarak sa isang bato. Medyo umiilaw ito at ang ganda talaga. Mas maganda pa sa inaakala ko. Pagkahawak na pagkahawak ko nun ay feeling ko ang lakas lakas ko. Nakakagaan sa pakiramdam nung hawakan ko tong espada na to. Feeling ko nasa isang mahangin na lugar ako tsaka isang preskong hangin ang tumatama sa mukha ko. Ansarap!


"Ate...." hinila ko na yung espada tsaka humarap kay Calvin. Kita ko ang takot sa mata niya kaya napakunot naman ang noo ko.


"Cal?" pero patuloy parin siyang umaatras sakin.


"A-ate yung m-mata mo...." sabi niya. Ano daw?


"Anong nangya---ARGHH!!" hindi ko natuloy ang sinabi ko ng biglang sumakit ang pulsuhan ko kung saan andun ang espada na hawak ko. Feeling ko, mapuputol ang pulsuhan ko sa sobrang sakit.


"AHHH! ARGHH!" patuloy na sigaw ko. Ang sakit talaga at mukhang hinihigop ng espada lahat ng lakas ko kaya unti-unti na akong nanghihina ngayon.


"Ate!? Ate!"


"H-huwag kang l-lalapit, baka m-masaktan kita. Ok l-lang sa Ate." sabi ko habang naka-upo na sa lupa.


"Ahh!!"


"Ate! Sandali, tatawagan ko sila Kuya Kairon."


"Shit! Shit!!" bwisit, ansakit na. Di ko na kaya. Napahiga na ako sa lupa dito habang hinahawakan yung pulsuhan ko. Nanghihina na rin ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Bago ako nawalan ng malay isang matandang lalake ang nakita ko bago ang boses nila.

---

KAIRON'S POV:

*CALLING: CALVIN*

"Cal---"


"Kuya! Si Ate Winter!" sigaw niya habang umiiyak.


"Bakit?!"


"Sigaw siya ng sigaw dito, mukha siyang nasasaktan. Puntahan niyo agad kami please!" sabi ni Calvin and umiiyak na nga siya.


"Shit! Sundan niyo ako faster!" kaya nagtakbuhan naman kami papunta doon sa pinuntahan nila Winter.


"Ate!"


"Ate naman! Sabi mo ok ka lang!".


"Ate!" pagdating namin doon ay nakita namin si Winter na nakahiga na sa lupa at puno ng pawis.


"Hey! Amara, please wake up. Amara, please!" sino siya?


"Winter!" sigaw ni Irene sabay lapit sa pinsan niya.


"Winter naman, gumising ka na!" sabi ni Irene sabay alog kay Winter.


"Don't worry, the Sword is on her. Sa loob ng kamay niya." sabi nong lalake.


"Who are---No way...." kaya nagkatinginan naman kami dito.


"You're not my Grandpa, aren't you?" tanong ni Irene sa kaniya.


"Yes I am."


"No way! Grandma said you died! How dare you copy my Grandpa's face?!" sigaw ni Irene tsaka nagsummon ng air spike tsaka pinaulanan yung lalake. Gumawa ng barrier si Kurt para samin para hindi kami matamaan nito.


"Calm down! I'm your Grandpa! Anak ka ni Rio hindi ba?" kaya nahinto naman sa paglabas ng Air spike si Irene.


"Pano mo nalaman yan?!"


"Trust me! Anak ka ni Rio, ang bunso kong anak. Siya naman ay anak ni Rosé. Hindi ako namatay, kinulong ako sa espada ng Dark Lord kaya wala kayong bangkay na nakita. You're Irene Juliana Bentegreat and she's Amara Myrtelle Bentegreat Sanders. Calm down Apo, please...." sabi nung lalake kaya kumalma naman si Irene.


"How come your alive? Walang araw na hindi ka iniisip ni Grandma."


"I know Apo, I love your Grandma very much. But before that, please carry my Apo carefully." kaya lumapit naman ako sa kanila tsaka binuhat na si Winter.


"A-ate...."


"Don't worry Cal. Your sister is strong so don't worry." kaya tumango naman siya sabay buhat kay Yukio.


"Hey there kiddo, don't worry. Later, your sister will wake up. She's a strong girl." sabay gulo sa buhok ni Calvin. Hinawakan naman niya ang kamay nito tsaka sumabay samin sa paglalakad.


Pagdating namin doon sa bahay na tinutuluyan namin ay pinasok ko siya agad sa isang kwarto tsaka maingat na nilagay sa kama. Umupo muna ako sa kama niya tsaka inalis ang buhok na nakatakip sa mukha niya. Lumabas muna ako tsaka umupo doon sa sofa, andun rin ang Lolo nila.


"Nung nagkaharap kami ng Dark Lord ay syempre naglaban kami. Pinatakas ko na ang asawa at anak ko dahil alam kong idadamay niya sila. Hindi naman talaga ako namatay, gumamit ng isang forbidden spell yung Dark Lord tsaka kinulong ako sa espada na yan.


"More than 10 years at hindi ko na mabilang. Sa loob nun ay isang madilim na lugar, yung wala kang makikita. Malalagyan lang yun ng liwanag kong may lalabas na isang scene, doon ko nakita ang paglaki ng magulang niyo hanggang sa nagkaroon sila ng asawa hanggang sa pinanganak kayong mag pinsan. Ang saya ko nun ng makita ko si Amara na may puting buhok, dahil siya ang susunod sa yapak ko."


"Nakita ko rin ang scene kung pano niya kinuha si Amara but that guy didn't kill Amara. Inalagaan niya ito, walang araw na hindi ko kayo binabantayang magpinsan. Tatay nung nagkuha kay Amara ang naglagay sa espada ko dun na ngayon ay kay Amara na."


"Iisipin niya lang yun na gusto niyang gamitin ang espada at kusa yung lalabas sa kamay niya. Let say na malakas si Amara, which is totoo naman. Triple ang lakas na meron siya pag gamit niya ang espada. That's how strong she is...." kaya tumango naman kami. Mas lalakas pa pala si Winter ngayon lalo na't nasa kaniya na ang espada. Pagkatapos niyang magkwento ay bumalik ako sa kwarto tsaka umupo ulit sa kama niya."


"Ikaw talagang babae ka, ngayon ka pa nahimatay nung wala ako sa tabi mo para saluhin ka." sabi ko sabay hawak sa kamay niya and intertwined it with mine.


"Kinabahan ako sa sinabi ni Calvin kanina pero buti na lang andun ang Lolo mo. Inatake pa nga ng pinsan mo ang sarili niyong Lolo eh." sabay tawa.


"Pasalamat ka mahal kita. Hintayin mo lang na mag 18 ka, liligawan talaga kitang babae ka. Aish! See? Mukha na akong baliw dito, gumising ka na kasi! Hindi ko alam kong ano ang dahilan kong bakit ka nahimatay pero alam kong hindi madali yun para sayo." sabi ko sabay hawak sa pisngi niya. Kahit kailan talaga ang lambot ng pisngi niya.


"Ehem...." kaya napalingon naman ako sa pintuan dito.


"Mr. Bentegreat...." sabi ko tsaka tumayo na.


"Anong nagustuhan mo sa Apo ko?"


"Every bit of her. She's the only girl who caught my attention. Sa lahat ng estudyante sa Academy ay siya lang ang naglakas loob na patulan ako ng hindi natatakot at marami pa." sabi ko habang iniisip yung pagbabangayan naming dalawa.


"Alam niya?"


"Opo, nakakainis lang kasi dahil ang rami kong karibal." kaya tumawa naman siya.


"Nasa dugo ata ng asawa ko ang ganyan. Yung wala pa siyang ginagawa pero may nagkakagusto na agad sa kanila? I can't blame you, maganda ang asawa ko, ang anak ko at syempre tong dalawang apo ko." sabi niya sabay hawak sa pisngi ni Winter.


"I can see na determinado kang mahalin ang Apo ko. Sana huwag mo siyang saktan, you already have my permission but once na sinaktan mo siya, babawiin ko yun sa ayaw o sa gusto mo." kaya tumango naman ako.


"By the way, what's your name? Kilala ko na yung iba doon ikaw na lang."


"Kairon Hunter Castro po, Ranger's Chief." sabi ko kaya tumango naman siya. Maya-maya ay gumalaw ang kamay ni Winter kaya lumapit naman ako sa kaniya.


"Shit! W-wala ata a-akong lakas n-ngayon." sabi niya. Bumukas naman ang mata niya tsaka pilit na tumayo.


"Hey! Careful!" sabi ko tsaka tinulungan siyang isandal sa headboard ng kama na to.


"Where's Yuk---Damn...." sabi niya ng makita niya ang Lolo niya.


"I'm not hallucinating right?" sabi niya and poke her grandfather's cheeks.


"Totoo ka?! How come? What the heck exactly happened?" tanong niya sakin.


"Give us some privacy please." sabi ng Lolo niya kaya lumabas naman ko tsaka umupo muna sa couch doon.


"Oh? Asan si Mr. Bentegreat?" tanong ni Samantha.


"Nasa kwarto ni Winter, gising na siya. Katulad ni Irene ay nabigla rin siya. Medyo nanghihina pa siya ngayon." kaya tumango naman sila. Tumingin naman ako kay Calvin na natutulog sa sofa katabi si Yukio.


"Kanina lang yan hindi mapakali, kaya siguro nakatulog." sabi ni Irene habang hinahaplos ang buhok ni Calvin. Maya-maya ay napatingin kami sa pintuan ng kwarto ni Winter dahil sa tunog nito.


"Ate!" sigaw ni Calvin tsaka niyakap agad si Winter.


"Ang sama mo! Sabi mo ayos ka lang! Takot na takot ako kanina! Sigaw ka ng sigaw, tapos sabi mo ayos ka lang tapos maya-maya ay nahimatay kana!" sabi niya habang hinahampas ang Ate niya. Niyakap naman siya ni Winter tsaka pinunasan ang luha.


"I'm ok now, see?"


"Kahit na! May ok bang nasasaktan ah?!" sabi niya kaya hinampas na naman siya ni Calvin.


"Promise, hindi na yun mangyayari." sabi ni Winter tsaka pinunasan na naman ang luha ni Calvin. Umupo na muna yung tatlo tsaka tumingin samin.


"Amara, are you ready to use that?" kaya tumango naman si Winter. Lumabas kami para tignan si Winter na ilalabas ang kaniyang espada.


"Like what I said kanina, concentrate and think para malabas mo yun. Mararamdaman mo yun kung lalabas na dahil mahahawakan mo." kaya tumango naman si Winter.


Nakita namin siyang pumikit at maya-maya ay umilaw ang buhok niya, pero nakakapagtaka lang dahil minsan mawawala ito tapos bumabalik na naman tapos mawawala na naman. Nagulat na lang kami dahil napa-upo siya bigla sa lupa habang nakahawak sa dibdib niya.


"B-bakit ayaw?" bulong niya.


"Anong nararamdaman mo habang pinapalabas yun?" tanong ng Lolo niya sabay lapit sa kaniya.


"Hinihigop niya ang lakas ko Grandpa, everytime na naglalagay ako ng lakas para ilabas yun ay hinihigop lang ng espada." sabi niya habang hinihingal.


"Weird....can you walk?" kaya tumango naman si Winter.


"Cuz, uwi na nga tayo. Don't force yourself." sabi ni Irene kaya tumango naman ito.


"Sumama na kayo samin para doon na tayo kakain." sabi ni Irene kaya tumango na lang rin kami. Sumakay na kami sa Van tsaka sumunod sa kanila. Ako ang nag dra-drive ngayon tapos sa kotse naman ni Winter ay si Irene. Kasama niya doon si Calvin, Winter, Yukio at si Mr. Bentegreat.


Pagdating namin sa mansyon nila ay napa-nganga kaming lahat dahil sa laki nito. Mukha kaming nasa palasyo.


"OMG? Palasyo ba to?"


"Hindi na ako mag-assume na mala palasyo rin ang sa loob."


"Damn, pano na lang kung maligaw tayo?"


"Grabe anlaki!"


"Chief, buhatin mo na lang si Winter tulog na kasi siya agad." sabi ni Irene. Lumapit naman ako sa kanila tsaka binuhat na si Winter. Bakit ang gaan ng babaeng to? Pagpasok namin sa loob ay nakita namin yung mga magulang ni Winter at Irene pati na rin ang Lola nila.


"Thank go---" nahulog ang cellphone na hawak ng Lola nila ng makita niya si Mr. Bentegreat.


"I'm back, my love...." sabi ni Mr. Bentegreat.


"A-austin?"


"Callie...." lumapit naman sa kaniya ang Lola nila tsaka niyakap ito.


"Don't worry my love, hindi na ako aalis." tsaka niyakap ito.


"Chief, follow me." kaya sinundan ko naman si Irene. Pagdating namin sa kwarto ni Winter ay nilagay ko agad siya sa kama niya.


"Anlaki ng kwarto niya, tapos siya lang at si Calvin ang matutulog dito."


"Mas malaki nga yung sa kanya eh kaysa sakin. Ano? Dito ka lang?"


"Dito lang ako, babantayan ko siya."


"Ok. Bantay lang ah? Baka anong gawin mo." kaya tumawa naman ako. Lumabas na siya sa kwarto ni Winter kaya ako na lang ang natira. Nilibot ko muna tong kwarto niya at grabe, anlaki talaga. May piano pa siya dito tsaka ang ganda ng walk in closet at balcony niya. Umupo na muna ako sa kama niya habang pinagmamasdan siya. Ngayon ko lang napansin na namumutla pala siya.


"W-what are y-you doing h-here?" gago!


"Hey? Why are you blushing?" bwisit na!


"Hey!" tawag niya sakin sabay upo. Nilapit naman niya ang mukha niya kaya nanlaki naman agad ang mata ko.


"Why are you blushing?" pag ako nasapian ng tukso walang sisihan....


"Ibalik mo sa normal ang boses mo, pag hindi ko napigilan ang sarili ko lagot ka sakin...." sabi ko sabay harap sa kaniya.


"My voice was normal and your not. Balisa ka ata? I didn't do something weird right?"


"Yes! You didn't do something weird but your voice....basta!" she's so sexy on her husky voice. Nakakaturn-on bwisit....


"Why? Natural naman na ganto yung boses ko. Masama kasi ang pakiramdam ko." sabi niya kaya hinarap ko naman agad siya.


"Ba't hindi ka nagsabi?"


"Nothing to worry, so back to the topic. Does my voice making you turn on?" sabay bulong niya sakin.


"I swear Winter, don't tease me. Walang sisihan talaga pag di ko napigilan ang sarili ko." tumawa naman siya tsaka humiga ulit sa kama. Bwisit! Pati ba naman tawa niya?!


"Anong nangyari sa baba? Masaya ba si Grandma?"


"I think, hindi ko natapos ang palabas dun eh dahil hinatid na kita dito sa kwarto mo." sabay higa sa tabi niya.


"Yah! Umalis ka nga diyan, ayokong magkaroon ng amoy ang kama ko. Amoy lalake...." sabay tulak sakin at dahil masama ang pakiramdam niya wala siyang lakas ngayon.


"Make me...."


"Pasalamat ka, wala akong lakas ngayon...." kaya tumawa naman ako.


"Edi ako ang mag-aalaga sayo...." sabay harap sa kaniya.


"I can take care of myself. Stress lang to...."


"Alam kong stress ka tapos madadagdagan pa ngayon dahil hindi pa lumalabas ang espada sayo. Kailangan maayos ka na, start na ng training para sa School Festival natin. Babawiin pa natin yung trophy diba?"


"Ofcourse."


"Sa December 25 ah? Baka makalimutan mo."


"Oo nga, excited ka masyado...." kaya tumawa na naman ako. Napatingin naman ako sa pintuan namin dito kaya binuksan ko naman ito.


"Tita-Ninang, Tito."


"Andito ka pala? Akala ko hindi ka sumama?" tanong ni Tito kaya tumawa naman ako. Lumapit sila kay Winter tsaka hinawakan ang noo nito.


"May lagnat ka, bumaba na kayo para kumain." sabi ni Tita-Ninang.


"Magbibihis po muna ako...." tsaka tumayo na at pumasok doon sa walk in closet niya. Hindi nagtagal ay lumabas na kami sa kwarto niya. Katabi niya si Tita-Ninang habang katabi ko naman si Tito.


"Why didn't you tell me na may sakit ang anak ko?"


"Ayaw niya po Tito." kaya tumango naman siya.


"Kumain ka na, para uminom ka na ng gamot."


"I hate medicine...." bulong niya kaya napa-iling na lang ako.


"But kailangan mong uminom!"


"Kahit na mamatay ako Ma, ayaw kong uminom ng gamot...."


"Ano pala ang iniinom mo kung may sakit ka?"


"Gamot, pinipilit ako ni Mommy pero niluluwa ko pag hindi na siya nakatingin." kaya napa face-palm na lang kaming tatlo.


"Isusumbong kita sa Grandma mo."


"Ma naman! May magic ka naman kaya Iheal mo na lang ako! Sigi na Mama!" sabi niya pero hindi siya pinansin ng Mama niya.


"Ma!"


"Mama!"


"Mama naman, isang magic lang naman eh tapos maayos na ako. Sigi na!" pero sinamaan lang siya ng tingin ng Mama niya. Lumapit na lang si Winter sa Papa niya tsaka yung Papa na naman ang ginugulo niya.


"Pa, si Mama oh...." pero hindi naman siya pinansin ni Tito.


"Papa naman eh, ikaw rin. Babalik na nga lang ako dun." tsaka naglakad na pabalik sa kwarto.


"Amara Myrtelle Sanders...." tawag ni Tito sa kaniya pero patuloy parin sa paglalakad si Winter.


"Hon, gamutin mo na lang kaya yun?"


"Alam mo naman na hindi na lahat ng spell ay tatalab sa kaniya diba dahil nasa kaniya na ang espada?"


"Edi sabihin natin sa kaniya. Alam mo naman siguro na pagnagtampo yun ay nagtatampo talaga yun."


"Alam mo naman siguro na masama pa ang loob nun dahil hindi niya napalabas yung espada sa kaniya." kaya napa-iling naman si Tito.


"Ihahatid ko na lang yung pagkain."


"Hon, she needs to know about that. Ayokong magtampo si Amara satin."


"Si Dad na ang bahala diyan. Mas may alam siya tungkol diyan kaya mas maiintindihan yan ni Amara. Halika na Kai, bababa rin yun." sabi ni Tita-Ninang kaya tumango na lang ako tsaka sumabay na sa kanilang kumain.

---

To be continue.....

Continue Reading

You'll Also Like

931K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...