MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.3K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 58:

53 1 0
By Sparkyspark15


WINTER'S POV:

(9:00 PM)

Andito kami sa sala namin ngayon, naglalaro ng whisper challenge. Bibigyan kami ng 5 minutes para hulaan yung word at yung team na pinakamabilis ay mananalo. May mga headphone naman kami. Kasali yung tatlong bata at nakakabilib lang dahil nakukuha rin nila ito.


"Ladies first dapat." sabi ni Kurt.


"Kayo dapat una." sabi naman ni Alexis.


"Bato bato pick na lang. Chief vs Winter." sabi ni Samantha kaya tumango naman ako.


"Sigi yung matatalo sila ang mauuna." sabi ni Chief kaya tumango naman ako. Nagsimula na kaming mag bato bato pick at yung ending ako yung nanalo.


"Balik balik naman yung pattern mo ang daling hulaan." sabi ko kaya tumawa naman sila. Inirapan niya lang ako tsaka sinuot na yung headphone. Tinaas na nila ang kamay nila and meaning handa na sila.

Mory →→ Calvin →→ Kenjie →→ Kurt →→ Kairon →→ Kenneth.

Pinakita ko na kay Mory and word na huhulan nila. Kita ko naman na tumango na siya kaya tinago ko na yung white board na may word doon. Humarap na si Calvin kay Mory nung tinapik nito ang balikat nito.


"Ea-sy Pea-sy!"


"Ano?!"


"Ea-sy Pea-sy!"


"Ah! Easy peasy? Easy peasy! Akala ko ipis-ipis." kaya tumawa naman kami. Saan galing yung ipis-ipis?!


"Ea-sy Pea-sy!" sabi ni Calvin kay Kenjie.


"Ipis-ipis? Gago ano yun?"


"Ea-sy Pea-sy! Ea-sy Pea-sy!?" sigaw ni Calvin kaya tumawa na naman kami.


"Ah! Easy peasy! Gago saan galing yung ipis-ipis?" sabi niya sabay tapik sa balikat ni Kurt.


"Ea-sy Pea-sy! Ea-sy Pea-sy! Kuha mo?!"


"Ano? Bakit antaas?"


"Ea-sy Pea-sy! T*ng*na Kurt umayos ka kung gusto mong manalo!"


"Gago! Antaas!"


"Ea-sy Pea-sy!"


"Ea-sy Pea-sy?"


"T*ng*na Ea-sy Pea-sy!"


"Sakit ng ulo ko sayo letse!" sigaw ni Kurt sabay tapik sa balikat ni Chief.


"Ea-sy Pea-sy! Ea-sy Pea-sy!?"


"Eeasy Peasy? Easy Peasy! Ang talino ko brad!" sabi niya sabay tapik sa balikat ni Kenneth. Gago! Andali nun ah?


"Ea-sy Pea-sy...."


"Egg and cheese?!" gutom ata si Kenneth.


"Ea-sy Pea-sy!"


"Egg and cheese?"


"Gutom ata to si Kenneth eh." sabi ni Alexis kaya tumawa naman kami.


"Ah! Alam ko na!" sabi niya sabay taas ng kamay. May natira silang 1 minute ang 16 seconds, tinanggal na nila ang headphone nila tsaka tinignan si Kenneth.


"The word is....Easy Peasy." kaya tumango naman ako.


"Yes! Ilang oras na lang ang natira?" tanong ni Kenjie.


"1 minute ang 16 seconds." sabi ko kaya tumawa naman sila.


"Tignan niyo ang video, nag aaway pa nga si Kurt at Kenjie eh!" sabi ni Samantha sabay bigay sa cellphone niya.


"HAHAHAHAA! Saan galing yung ipis-ipis?" sabi ni Kenjie kaya tumawa naman kami.


"Turn na ng mga babae." sabi ni Mama kaya pumunta na kami sa position namin tsaka sinuot na ang headphone.

---

KAIRON'S POV:

Lily →→ Alexis →→ Samantha →→ Irene →→ Claire →→ Winter.

Pinakita ko na kay Lily yung word na huhulaan nila ngayon. Alam ko naman na alam niyang magbasa kaya nung hinarap na niya si Alexis ay binura ko na yung word na yun.


"Pu-sa...."


"Puca?"


"Hindi! Pusa!"


"Loca? Puca Loca?" kaya natawa naman kami.


"Pu-sa! Pu-sa! Pu-sa!" sunod-sunod na sigaw ni Lily.


"Ah! Pusa?! T*ng*na asan galing yung Puca Loca?" sabi niya. Tinapik na niya ang balikat ni Samantha kaya natawa na naman kami.


"Pu-sa!"


"Ano?!"


"Pu-sa! Yung kumakalmot!" tapos umakto na parang pusa.


"Ah! Pu-sa! Akala ko mura yun." sabi ni Samantha tsaka tinapik ang balikat ni Irene.


"Pu-sa! Pusa!"


"Pucha?"


"Hindi! Pusa! Pu-sa! Pu-sa!"


"Puta? Gago, pwede ba yun?" kaya tumawa naman kami ng malakas nun.


"Pusa! Meow! Yung ganun?!"


"Ah! Pusa!" tsaka tinapik na ang likod ni Claire.


"Pusa! Pu-sa!"


"Ah! Pusa! Pusa! Pusa!" sabay hampas sa likod ni Winter.


"Aray! Gago ka ah!" sigaw ni Winter.


"Pu-sa! Pu-sa! Pu-sa!"


"Puta?! Gago nagmumura ka na Claire?!"


"Pu-sa! Meow! Meow! Pusa ba yung ganto!" sabay kalmot kay Winter.


"Hindi naman siguro cat women diba?"


"Antaas naman nung sayo! Pu-sa! Pusa!"


"Ah! Alam ko na! Alam ko na!" sigaw ni Winter sabay taas ng kamay. May natira silang 1 minute and 15 second kaya kami yung panalo.


"Pusa! Pusa yung word!" sabi ni Winter kaya tumango naman kami. Tinignan naman nila yung video na kinuha nila kaya tawa sila ng tawa ngayon.


"Akala ko, nagmumura na si Claire." sabi ni Winter.


"Saan galing yun cat women Winter?" tanong ni Samantha tsaka lumakas ang tawa.


"Mukha kasing baliw tong si Claire, may pa kalmot kalmot pa siyang nalalaman." sabi ni Winter kaya tumawa na naman kami.


"Ano ba yan, talo kayo." sabi ko kaya sumimangot naman sila.


"1 second lang naman ang lamang eh...." bulong ni Winter kaya napatawa na lang ako.


Bumalik na kami sa paglalaro at syempre tawa lang kami ng tawa dito. Maglalaro pa sana kami ng malaman namin na 11:00 PM na pala kaya pumasok na kami sa kwarto namin para matulog.


Tulog na si Lily dito sa tabi ko at alam kong napagod tong babaeng to kakalangoy kanina. Kinuha ko naman yung cellphone ko tsaka pumunta sa gallery ko. May mga pictures kami ni Winter dito at yung iba naman ay saming magkakaibigan. May mga stolen shot rin ni Winter but believe me hindi ako stalker ah!


Me:
Hey, gising ka pa?


My Queen👑:
Yup....


Me:
Asan ka?


My Queen👑:
Pool....


Tumayo naman ako tsaka lumabas sa kwarto, lumapit muna ako sa fridge tsaka kumuha ng isang beer. Wala lang, trip ko lang talagang uminom. Wala namang pasok bukas kaya iinom ako ngayon. Binuksan ko muna ito tsaka uminom muna ng konti bago naglakad papunta sa pool. Nakita ko siya doon na naka-upo habang yung paa naman niya ay nasa tubig. Umupo naman ako sa tabi niya tsaka tumingin sa kaniya, lalim ata ng iniisip niya ngayon.


"A penny of your thoughts?" tanong ko pero umiling lang siya.


"You know naman na pwede mong sabihin sakin yang nasa isip mo."


"It was nothing...."


"Halata naman na nagsisinungaling ka lang." sabay inom sa beer ko.


"Tsk....tsk....tsk....umiinom ka na naman."


"Wala namang problema, wala rin namang pasok bukas." sabi ko pero inirapan niya lang ako.


"Huwag kang umiiwas Winter, alam kong may problema ka kaya sabihin mo na sakin." kaya huminga naman siya ng malalim.


"Iniisip ko lang kung ano na ang mangyayari sa susunod. Alam mo naman na tagapagmana ako kaya alam ko na delikado ang buhay ko ngayon. Akala siguro ng taga D.O na patay na ako pero pano na lang kung malaman nila na buhay pa pala ako?" sabi niya sabay tingin sa langit.


"Don't worry, whatever happens andito lang ako para protektahan ka." kaya napatingin naman siya sakin.


"Huwag. Huwag na huwag mong gagawin yan." sabi niya.


"Kahit ayaw mo gagawin ko. Ginagawa ko lang ang favor ni Kuya Alden sayo at kahit hindi niya sinabi gagawin ko parin yun."


"Ayaw ko parin, kahit na si Jun pa ang nagsabi. Sapat na ang isang buhay na nawala para sakin at ayaw ko nang maulit yun." sabi niya kaya napa-iling na lang ako.


"Pano ba yan, handa akong gawin yun?"


"Edi ako na lang ang papatay sayo." sabi niya. Hinampas naman niya ako ng ilang beses kaya tumawa na lang ako habang iniwasan ito.


"Tama na, papatayin mo ba?"


"Pwede ba?" sabi niya sabay irap. Ginulo ko na lang yung buhok niya kaya hinampas naman niya ang kamay ko.


"Sus, nagta-tantrums na naman yung baby ko. Halika ka nga dito yayakapin na lang kita."


"Tumahimik ka nga diyan, baka lulunurin kita ngayon." pero hindi ko siya pinansin. Hinila ko siya tsaka niyakap. Ang likot naman niya.


"Ano ba?! Ang baho mo!" sabi niya kaya tumawa na lang ako.


"Ayan! May tama ka na! Tsk...." sabi niya kaya napa-iling na lang ako.


"Wala pa akong tama, siguro mga limang bote pa." sabi ko sabay akbay sa kaniya. Nakatingin lang ako ngayon sa kaniya, sa sarili niyang mata na hindi ko pagsasawaang tignan.


"Winter...."


"Hmm?"


"What if mahal na kita?"


"What if lang yan, no need to worry."


"Pero what if nga?"


"E-edi ok...."


"Bakit ok lang ang sagot mo?"


"May panahon pa na magbabago yang nararamdaman mo. Masakit mag assume...." sabi niya sabay tingin sa langit.


"Hindi man halata pero umaasa rin ako. Umaasa akong balang araw, susulpot si Jun, sina Nanay at Tatay tsaka pati na rin yung mga kaibigan ko na ok lang sila. Na parang walang nangyaring gulo. Miss ko na sila, yung dating ako yung dating Village namin na ang saya tsaka yung sermon ni Nanay dahil hindi ko pa ginawa ang assignments ko, yung kulitan namin ni Jun at syempre yung kulitan namin nina Nanay at Tatay. Kasama na si Calvin doon." kita ko naman na may luha na tumulo sa mata niya kaya pinunasan ko naman ito.


"Hindi sa ayaw ko kina Mama at Papa, it's just masayahin kasi ako noon hindi katulad ngayon. Labag sa kosensiya ko ang magsungit noon pero ngayon nagagawa ko kong gusto ko. Minsan hinihiling ko na sana hindi na lang yun nangyari pero minsan sang-ayon ako sa nangyayari dahil hindi ko siguro kayo makikilala ngayon." sabi niya sabay yuko sa ulo. Hinila ko naman siya tsaka niyakap siya.


"Alam mo? Nasasaktan ako pag nakikita kitang nasasaktan. Everytime na makikita kitang nagkakaganyan ay nadadagdagan yung determimasyon kong protektahan ka." sabi ko.


"Minsan rin naman na iniisip ko kung pano kung buhay nga ang Kuya Alden ko? Ipaglaban ba kita o ipapaubaya? Nakakatawa lang kasi dahil nagkakagusto kami sa iisang babae---ay hindi, minahal namin ang iisang babae." sabi ko. Ramdam ko naman na tinulak niya ako sabay tingin sakin.


"Ano bang pinagsasabi mo?"


"I already love you Winter. Kaya kong maghintay sayo hangga't wala ka pang mamahalin ngayon. Naiintindihan kita, handa akong maghintay sayo hangga't kaya ko. Hindi ko hinihiling na saluhin mo ako pero sana naman huwag mo akong itulak palayo." sabi ko pero nag-iwas naman siya ng tingin.


"Ayokong mag assume pero nakikita ko sa mata mo. Gusto mo ba ako? Ok lang naman na hindi, katulad ng sinabi ko kanina. Hihintayin kita." sabi ko habang hinihintay ang sagot niya.


"Actually, I don't know. Iba ang nararamdaman ko sayo at iba rin kay Jun. So hindi ako sure kung gusto ba kita o hindi." sabi niya kaya tumango naman ako.


"Ganito na lang. December 25 at 12 AM. Tatawagan kita para iconfirm ang sagot mo."


"Pasko na pasko?"


"Oo naman, regalo mo na yung sagot mo sakin." kaya tumawa naman siya.


"Pano kong ang sagot ko hindi?"


"Ok lang, pinaghandaan ko na yan gago!" sabi ko kaya tumawa naman siya ng malakas.


"So anong gusto mo sa isang lalake?".


"Para sakin, yung hinahayaan niya ako sa gusto kong gawin yung hindi masyadong strick. Ok lang sakin yung nagseselos pero hindi sobra. Ayaw ko sa sobrang clingy, nandidiri ako. Yung maiintindihan yung mood swing ko at syempre yung mamahalin talaga ako. Ayaw ko sa isang toxic na relasyon, I want a mature and healthy. Tsaka madali lang naman akong kausapin, pag sinabi niya na ayaw na niya edi ayawan na." sabi niya kaya tumango naman ako.


"Kaya ko namang gawin yan eh, lahat ng yan." sabi ko kaya tumawa naman siya.


"Advance mo, nahihiya naman ako sayo." kaya tumawa naman ako.


"Basta ah? December 25 at 12:00 AM."


"Yeah, yeah." sabi niya sabay tingin sa phone niya. Tumingin naman ako at nakita ko naman na may katext siya kaya tumingin naman ako dun.


'Queen, the spot is still yours. Binabantayan namin ngayon ang trono mo dahil mukhang may plano si Code---'


Hindi ko natapos basahin yung text na yun dahil sinara na niya ang phone niya.


"Bakit Queen ang tawag nila minsan sayo? And who's code?" tanong ko sa kaniya. Kita ko naman ang pagkabigla niya pero nakabawi naman siya agad.


"Are you aware sa salitang 'privacy'?" tanong niya. May tinatago siya.


"May tinatago ka, sabihin mo na."


"Wala naman akong tinatago ah!"


"Are you sure?"


"Oo nga, kulit mo rin." sabi niya. Napatingin naman ako sa cellphone niya nung nag ring ito.


"Sasagutin mo o ako sasagot niyan." banta ko pero sinagot naman niya agad ito.


"Apoll---I mean Blue, may problema ba?---Thank you---ano ka ba? Hindi kita kakalimutan no?---HAHAHAHAA sigi bye!" sabay baba sa tawag.


"See? Si Blue lang yun."


"Apollo...." bulong ko. I think narinig ko na yan, hindi kaya....


"A-anong Apollo?" hinila ko naman agad ang braso niya tsaka tinignan ang peklat na nalagay doon.


"By any chance, ikaw ba si Aphrodite?" tanong ko sa kaniya.


"H-hindi a-ako ah!"


"Yang peklat na yan? San mo nakuha yan?"


"Diba sa duel namin to?"


"Do you think I'm dumb Winter? Naghihinala na ako sayo pero mas maganda na sabihin mo na ngayon."


"I told you hindi ako si Aphrodite! Pa iba-iba ang buhok niya tsaka naka mask siya. Pano mo naman nasabi na ako yun? Katulad mo nanonood lang rin ako!"


"May ebidensiya ako. Confirmation na lang ang hinihingi ko Winter."


"Go ahead, drop it! Anong ebidensiya mo?" sabi niya sabay tayo. Tumayo naman ako tsaka kinuha ang kamay niya.


"This bracelet, nakita ko to. Tsaka yung posisyon mo sa pagtapon ng dagger at posisyon mo sa paghawak ng baril ay alam kong ikaw yun. Katana? Main mo yun diba? The way you use katana ay alam ko rin na ikaw yun. Lastly, kung kailan susulpot si Aphrodite wala ka sa Academy at kung kailan wala si Aphrodite ay andito ka naman. Lahat ng sugat mo ay match sa sugat ni Aphrodite, now tell me. Totoo lahat diba?" sabi ko. Kita ko naman na umiling siya tsaka hinarap ako.


"Stop being delusional Chief." sabi niya at aalis na sana siya ng hinila ko papalapit sakin.


"I'm not being delusional Winter. Your not good at lying at alam kong alam mo yun." sabi ko sabay hawak sa pisngi niya.


"Pano kung ako nga, may magagawa ka ba?" sabi niya tsaka nilabas ang signature smirk niya.


"Ok lang sakin. Ayaw mo nun? Isang Reyna pala ang minahal ko?" sabi ko tsaka hinalikan agad siya. Nagulat na lang ako nung sinagot niya sa loob ng limang segundo bago niya ako tinulak.


"W-why did you do that?!" sabi niya sabay takip sa labi niya.


"Then why did you kiss me back?"


"I didn't!"


"Yes you did!"


"I told you I didn't!"


"Talaga lang? 5 seconds pa nga yun eh."


"Sabi ngang hindi eh! Tigas rin ng ulo mo no?"


"Nahihiya ka lang---"


"What are you two doing? It's already 1:00 AM pero nag-aaway pa kayong dalawa na parang mag-asawa?" kaya sabay naman kaming napalingon doon.


"Wala lang yun Pa. Nagkapikonan lang...." sabi ni Winter kaya tumango naman ako.


"Bukas niyo na yan ituloy, matulog na kayo." kaya tumango na lang kami ni Winter. Unang pumasok si Winter kaya sumunod na lang ako sa kaniya.


"I saw what you did." sabi ni Tito sabay pat sa balikat ko tsaka sumabay na kay Winter. Umiling na lang ako tsaka sumabay na lang rin sa kanila.


"Goodnight Pa. Ikaw na rin Chief goodnight." kaya napangiti naman ako.


"Umaga na kaya Goodmorning sa inyong dalawa." kaya tumawa naman kami.


"Goodnight Tito, goodnight Winter."


"Yeah...." sabay pasok sa kwarto nila ni Calvin.


"Makakahintay ka naman siguro sa prinsesa ko diba? Huwag kang mag-alala, pag 18 na siya ipapaubaya ko na ang anak ko sayo. Huwag mo siyang sasaktan o iwan dahil malalagot ka talaga sakin." kaya tumango naman ako habang nakangiti.


Pumasok na ako sa kwarto ko tsaka humiga na sa tabi ni Lily. Sarap sa feeling na sinagot ni Winter ang halik ko, bahala na siya basta para sakin sinagot niya ang halik ko. Isa lang ang masasabi ko, mukha siyang may experience dahil marunong siya. Nakaka-adik letse!

---

WINTER'S POV:

(WEDNESDAY 10:00 AM)

Sa tatlong araw na stay namin dito ay masaya naman. Unang araw ay naligo kami sa pool at naglaro ng whisper challenge. Sa second day naman namin ay naglaro kami ng volleyball sa beach at sa gabi naman ay nanood kami ng horror movies.


Sigaw ni Kenjie at Samantha nga ang nangingibabaw nun. Ngayon naman ay nagligpit na kaming lahat para umuwi, nililigpit ko na ang gamit namin ni Calvin ngayon. Pagkatapos kong magligpit ay lumabas na kami sa villa na tinutuluyan tsaka sumakay na sa kotse namin.


Sa kotse ko ay si Calvin ang kasama ko, sa kotse naman ni Chief ay si Lily, sa kotse naman ni Kurt ay si Samantha, sa kotse naman ni Kenjie ay si Alexis at Amory, sa kotse naman ni Kenneth ay si Claire habang sa kotse naman ni Papa ay si Mama at Irene. Sabi ni Mama ay susunduin niya raw kami ni Calvin sa Hotel papunta sa mansyon namin bukas. Doon nakatira ang Pamilya ni Irene pati sina Mama. Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko pero sana matanggap ako ng Lola ko.


"Ate, may gusto akong puntahan."


"Asan naman?"


"Sa Village natin...." kaya nabigla naman ako. Oo nga pala, sabi ni Jun sa sulat niya ay nasa Village lang raw namin ang espada nakalagay. Hindi ko alam kong saan pero sabi niya andun daw.


"Isasama kita sa Friday. Sabi kasi ni Jun ay nasa Village raw natin ang espada. Malaki ang Village natin kaya matatagalan tayong hanapin yun."


"Isasama ba natin si Yukio?"


"Oo, feeling ko kasi ay konektado siya sa espada dahil sa Village ko rin natin siya nakita. Ewan ko lang kong pano siya nakapasok dun eh may pader naman akong nilagay." sabi ko kaya tumango naman siya. Pagdating namin sa Hotel namin ay deretso siya higa sa higaan niya.


"Ate, tabi tayo." kaya napangiti naman ako.


"Ililigpit ko muna tong gamit natin."


"Sigi na...."


"Sigi na nga. Hindi halata na 10 years old ka na dahil sa ginagawa mo ngayon." sabi ko sabay tawa. Tumabi na agad ako sa kaniya kaya niyakap naman niya ako.


"Baby mo naman ako diba?"


"Oo naman." sabi ko sabay yakap rin sa kaniya. Tumabi na rin samin si Yukio tsaka natulog na rin sa tabi ni Calvin. Nasa gitna si Calvin habang nasa gilid naman kami Yukio.


"Mukhang pagod ata tong baby ko eh." sabi ko sabay halik sa noo niya.


"Pagod ka rin ba Yukio? Tulog ka lang naman ng tulog ah?" sabi ko tsaka hinahaplos ang balahibo niya. Kinuha ko naman yung cellphone ko nung narinig ko itong tumunog.


"Ma?"


"Nadisturbo ba kita? Gusto kasi ng Grandma mo na dito ka kakain ng dinner. Gusto ka na niyang makita tsaka doon narin kayo matulog, may kwarto ka dito."


"Sigi Ma, maya-maya paggising ni Calvin ay pupunta kami diyan tsaka pwede ko bang dalhin si Yukio?"


"Oo naman, I know your Grandma won't mind."


"Ok Ma. Nga pala hindi ko naman alam kong saan ang mansyon natin."


"I se-send ko ang address natin."


"Sigi Ma, hihintayin ko na lang ang text mo."


"Ok baby, hihintayin kita dito ok? Bye!" sabay baba sa tawag. Nilagay ko na ang cellphone ko sa nightstand tsaka natulog na, total pagod rin naman ako.

---

(8:00 PM TO BENTEGREAT MANSION)

"Ate, sigurado ka bang pwede ako dun? Diba Bentegreat lang? Hindi naman ako Bentegreat ah?"


"Si Mama na nga ang nagsabi na pupunta tayo dun para mag dinner." sabi ko habang nag dra-drive papunta sa mansyon namin.


"Ate naman, doon na lang kaya ako?"


"Hey! You're my adoptive brother so pwede ka dun." sabi ko.


"Ate naman eh, kinakabahan ako. A-anak ako ng tao na kumuha sayo...." kaya tumingin naman ako sa kaniya.


"Iniisip mo ba na galit sila kay Tatay?" kaya tumango naman siya.


"Don't worry, hindi sila galit...."


"Talaga?"


"Oo nga!" kaya huminga naman siya ng maluwag. Hindi nagtagal ay narating na namin yung mansyon ng Bentegreat.


"Wow...." sabi ni Calvin. Oh Men Holy shit! Mukha siyang palasyo.


"Sino po sila?" sabi nung guard.


"Windellyn Terrisha Perez...." biglang bumukas yung malaking gate kaya nabigla naman ako.


"Welcome Home Lady Amara." kaya ngumiti naman ako sa kaniya. Pumasok na kami ni Calvin tsaka nag park na. Paglabas namin sa kotse ay napa-nganga agad ako.


"Ate, nasa palasyo ba tayo?"


"Nasa palasyo ata...." sabi ko. Hawak ni Calvin ang kamay ko habang hawak ko naman ang tali ni Yukio sa right side ko. Naglakad na kaming dalawa papunta sa pintuan ng mansiyon na to.

---

To be continue....

Ps. Happy 700 reads!🥰

Continue Reading

You'll Also Like

879K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...