MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

Galing kay Sparkyspark15

7.3K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... Higit pa

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 55:

48 3 0
Galing kay Sparkyspark15


WINTER'S POV:

(FRIDAY AT 9:00 PM)

Sa loob ng isang linggo dito sa Academy ay maganda naman ang stay namin dito. Dahil sa ginawa ni Ms. Andrea ay medyo magkasundo na kami doon sa classroom. Medyo close na rin kami ni Iris tsaka yung ibang kaklase niya pero si Katelynn ay ganun parin, mas lumala lang ngayon.


Sabi niya ang plastic ko raw dahil ang pinsan niya ay napa-ikot ko raw. A manipulative bitch sabi nga niya edi bahala siya kung ganun ang tawag niya sakin. Si Ms. Bellatrix naman ay ayun nilipat sa ibang class dahil doon sa ginawa niya.


So far, masasabi ko na masaya talaga ang stay namin dito. Andito ako sa rooftop ng girls dormitory, hindi kasi kami nakatira sa iisang bubong kaya sabay kami na kumakain sa cafeteria every dinner time. Sa isang room ay kami ni Claire ang magkasama tsaka katabi naman namin yung dalawa.


Si Yukio naman ay miss ko na ngayon, hindi kasi ako sanay na malayo sa kaniya ng ganito katagal. Sanay kasi ako na katabi ko yung asong yun everytime na matutulog ako. Kinuha ko muna yung phone ko tsaka sinagot ang tawag ko.


"Yes?"


"Ate! Sem-break na! Anong gagawin natin?" Oo nga pala, di ko pa nasabi.


"Gusto mo bang maligo ng pool?"


"Oo naman! Pero asan?"


"Sa resort ko...."


"Resort mo?!" kaya natawa naman ako.


"Oo, yung pinakamahal na resort dito sa Mystic City."


"Gago! Ang yaman mo talaga Ate!"


"No cursing...."


"Sorry Ate, kailan tayo pupunta doon?"


"Sa Monday, 3 days tayo dun at kasama natin ang mga kaibigan ko."


"Hindi ba sila magagalit? Yung mga magulang mo?"


"Hindi naman, pwede naman tayo dun."


"Ate, isasama ko sana si Mory...."


"Edi isama mo, wala namang problema sakin."


"Talaga?"


"Oo naman, para mag enjoy ka dun. Pupuntahan kita bukas ok?"


"Sigi po pero pagkatapos natin doon?"


"Punta tayo sa Mortal Realm."


"Ok ok."


"Kamusta si Yukio diyan?"


"Ok lang naman, tabi nga kaming natulog eh."


"Malapit na ang bedtime mo, sigi na matulog kana."


"Ok. Goodnight Ate Winter."


"Goodnight Cal." sabay baba sa tawag.


"Kapatid mo?" kaya napatingin naman ako sa kaniya.

---

IRIS POV:

"Kapatid mo?" kaya tumingin naman siya sakin.


"Ah Oo."


"Akala ko tatlo lang kayo?"


"Kapatid ko siya sa unang pamilya na umampon sakin." kaya tumabi naman ako sa kaniya.


"Nagkikita parin kayo? Hindi ka ba galit sa kanila dahil inabandona ka nila?"


"They didn't, namatay sila sa ambush at yung kapatid ko ngayon ay akala ko namatay rin pero hindi pala. 4 months ago ay nalaman ko na nasa bahay siya nila Katelynn at ginawang katulong." sabi niya kaya nabigla naman ako.


"T-talaga?!"


"Yeah, may mga pasa at sugat rin. Nung time na kukunin ko na siya ay hindi raw ibibigay ng Mama niya ang kapatid ko kung hindi ako nagbayad. Kaya binigyan ko sila ng 500,000." sabi niya kaya napa-iling naman ako.


"Arrange lang kasi ang magulang niya kaya siguro ganun ang ugali ng pinsan ko. Arrange rin naman sina Mama at Papa pero minahal naman nila ang isa't-isa." sabi ko sabay tingin sa paligid. Simple lang tong Academy namin pero maganda rin naman.


"Babalik na kayo bukas diba?"


"Yeah...." kaya ngumiti na lang ako ng malungkot.


"Malungkot ka ata...."


"Hindi ah...."


"I'm leaving, dapat masaya ka?"


"Hindi naman ako ganun...."


"Alam ko pero bakit nga?"


"Kahit na nag-away tayo nung Monday ay kaibigan na ang turing ko sayo." sabi ko kaya napatingin naman siya sakin.


"Ok lang naman sakin. Kami nga ni Irene dati ay magka-away pero duo na kami ngayon." sabi niya sabay tawa kaya tumawa na lang rin ako.


"Ewan ko lang kong bakit ganun pero ok na rin yun. Ayaw ko ng gulo eh." sabi niya sabay tingin sa langit.


"Nung nakasama kita sa activity nung Monday ay nagulat ako nun dahil pano mo nalaman na hindi ako marunong gumamit ng espada."


"Halata naman, mali ang hawak mo sa espada especially na yung posisyon mo. Kailangan kasi yan eh dahil isang maling galaw, ikaw o ako ang mapapahamak. Both long and short is my main. Katana for short and then bow and arrow sa long. Idagdag mo na ang baril doon." sabi niya. Lakas ng babaeng to pero nakakabigla lang dahil bawal sa kaniya ang mapagod ng sobra.


"Sa Pamilya mo naman? Ok ka dun?"


"Ok naman. Sa papel ako ang bunso ng Perez. Legal ang adoption paper ko. Si Ate Autumn naman at Kuya Spring ay tinanggap ako ng walang angal. Mukha nga akong spoiled eh pagdating sa kanila. Sa mga pinsan ko naman ay magkasundo naman kami, tinanggap rin nila ako. Kaya nga utang ko and buhay ko sa kanila."


"Binigyan pa nga nila ako ng properties dito eh, dalawang Hotel at yung resort ay pinamana sakin. Nagtataka nga ako eh dahil ayaw ng mga kapatid ko na manahin ang resort. Ayaw ni Kuya tapos tinatamad daw si Ate kaya ayun sakin napunta." sabay tawa.


"Sa inyo ni Kairon, I can see na may something sa inyo. The way he looks at you, yung pag-aalala niya sayo, tapos yung sa Clinic kong pano ka niya ginamot at niyakap. Kaibigan lang ba talaga yun?"


"HAHA! Alam kong magtatanong ka niyan. Sabi niya sakin gusto niya raw ako. Sinabi niya sakin nung Party sa Mystic Academy." sabi niya kaya ngumiti naman ako ng nakakaloko sa kaniya.


"Eh ikaw? Gusto mo ba siya?"


"Actually, I don't know." what?!


"Anong I don't know?"


"I think I like him pero may mahal akong iba...."


"Ano?!"


"Namatay rin ang first love ko sa ambush. Alam mo yung feeling na mukhang gusto mo siya pero hindi mo parin makakalimutan ang first love mo?" sabi niya kaya tumawa naman ako.


"Edi mag move on ka."


"Ginagawa ko naman yan pero ewan ko lang. Hayaan mo na yang buhay ko." sabi niya sabay tawa.


"Nagkiss na kayo?" kaya kita ko naman na nanlaki ang mata niya. Boom! Confirm!



"Ilang beses?" tanong ko pero inirapan niya lang ako.


"Tatlo...." sabi niya kaya tumawa naman ako ng malakas.


"Nakatatlo na pala yun?" sabi ko habang tumatawa parin.


"Ewan ko sayo, matutulog na ako. Inaantok na rin ako ngayon." sabi niya.


"Sigi goodnight."


"Yeah, goodnight...." sabi niya sabay alis sa rooftop. Hindi rin naman ako nagtagal doon at bumalik na rin sa ako sa room ko. Pagpasok ko sa loob ay gising pa si Katelynn.


"Saan ka galing?"


"Sa rooftop...."


"Yeah, kausap yung babaeng nilalandi ang lalakeng gusto mo...." sabi nya kaya napatingin naman ako sa kaniya.


"Ano bang problema mo sa kaniya? Sa inaakto mo ngayon ay inggit ka sa kaniya. Wala naman siyang ginawa sayo ah!"


"Ako? Maiingit sa kaniya? Kalandian lang naman ang meron nun ah!"


"Inggit ka lang eh, alam mo? Ewan ko lang kung saan galing yang galit mo eh wala namang ginawa sayo si Winter!"


"So kinakampihan mo na siya kaysa sakin? Yan na nga ang sinasabi ko eh. Huwag kang lapit ng lapit sa babaeng yun ayan tuloy napaikot ka niya ng hindi mo nalalaman!"


"You know what? You're being immature again. Sabihin mo na lang kong naiingit ka kay Winter hindi yung sinisiraan mo siya!"


"Oo na! Naiingit na ako!" sigaw niya.


"Kahit na ampon lang siya ay ang saya ng Pamilya niya tapos tanggap pa siya. Tapos sina Mama at Papa ay hindi nga magkasundo eh! Away lang sila ng away sa bahay! Ni hindi nga nila ako kinakamusta eh, ni hindi ko nga silang nakitang nag-aalala sakin! Hindi pa ako niyakap ni Papa, minsan lang rin niya akong pinapansin tapos si Mama ang higpit niya sakin. Gusto ko lang naman ng atensyon nila eh! May magulang nga ako pero parang hangin lang ako para sa kanila!" sigaw niya habang umiiyak. Niyakap ko naman agad siya tsaka hinahaplos ang likod niya.


"Naiingit ako sa kaniya. Nung leveling nila ay nahimatay siya at kitang-kita ko kong pano siya pinuntahan ng magulang niya ng puno ng pag-aalala. Nung ako nga nahimatay dahil sa sakit ay hindi nga nila alam. Bakit ganun? Ampon lang siya pero bakit mahal na mahal siya? Ako na totoong anak ay parang hindi nila kilala...." sabi niya. Kaya pala....


"Pero hindi yun sapat para siraan siya. Kung alam mo lang, hinahanap rin niya ang atensyon ng totoo niyang magulang."


"Huh?"


"Oo nga ampon siya, minahal siya pero sabi niya sakin gusto niyang makilala ang magulang niya. Gusto niyang tanungin kong pano siya nawalay sa kanila."


"Pano mo nasabi?"


"Minsan kasi nag-uusap kami. Minsan rin siyang nag-oopen sakin. She even said na everytime na malungkot siya ay bumabalik ang depression niya. Si Kairon lang ang nakaka-alam nun dahil ayaw niyang mag-alala ang kaibigan niya." sabi ko kaya napatingin naman siya sakin.


"Hindi ko sinasabi na ka-kaibiganin mo siya. Ang akin lang ay huwag mo siyang siraan o maiingit sa kaniya dahil kahit siya ay hindi perpekto ang buhay. Hindi niya rin alam kong bakit raw may galit sa kaniya ang ibang tao at dahil siguro yun sa ugali niya pero ayaw naman niyang magbago para lang magustuhan siya ng ibang tao. Hindi naman raw siya nabuhay para magustuhan lang ng iba. Kung sino lang raw yung nakaka-appreciate ng ugali niya edi yun lang ang pakikisamahan niya." sabi ko tsaka pinunasan ang luha niya.


"Tsaka andito naman ako eh, hindi naman kita iiwan. Ikaw lang ang kakampi ko at syempre ikaw lang ang sinasabihan ko sa mga problema ko dahil hindi ako nag-oopen kina Mama."


"Akala ko kasi iiwan mo ako at sasama ka na kay Winter."


"Siya pa nga ang nagsabi na kahit anong mangyari ay hindi kita iiwan dahil alam niya na atensyon lang ang kulang sayo. Kailangan rin naman niya ang care dahil sa likod ng maamo niyang mukha ay may pinagdaanan yun. Ayaw niyang ipakita na mahina siya dahil alam naman niya na pwede yung gamitin laban sa kaniya." sabi ko.


"Matulog na tayo, tayo ang haharap sa kanila dahil aalis na sila bukas." sabi ko tsaka niyakap siya ng mahigpit. Pumasok na kami sa kwarto namin tsaka humiga na sa kama ko para matulog.

---

(SATURDAY AT 9:00 AM)

"Thank you Mystic Academy for staying here with us. We hope we can do it again. Be careful on your way back to your Academy." sabi ni Ms. Avery sabay yuko sa kanila.


"We will Ms. Avery. It was fun staying here with you and don't worry, mag-iingat po kami." sabi ni Winter sabay ngiti.


"See you sa School Festival this December." sabi naman ni Ms. Avery. Yumuko naman sila ng sabay tsaka nakangiting tumingin samin. Nakita ko naman yung dalawa na nagbabangayan ng dahil sa gamit nila.


"Kaya ko naman Chief kaya ako na lang."


"Ako na nga, huwag nang matigas ang ulo...."


"Ako pa talaga yung matigas ang ulo?"


"Oo ikaw kaya akin na tong bag mo." sabi niya sabay nila sa bag ni Winter.


"Sarap mong tadyakan kong alam mo lang...." sabi ni Winter kaya natawa na lang ako.


"Eh kung halikan kita diyan?"


"Kamao ko yung mahahalikan mo letse!" sabi niya kaya natawa na naman ako. Nabigla na lang ako ng lumapit siya sakin tsaka may hinagis na mini bag, buti na lang nasalo ko agad.


"See you sa School Festival...." sabi niya tsaka sumakay na sa Bus nila. Tiningnan ko naman yung mini bag at Chanel pa talaga. Nanlaki agad yung mata ko tsaka tumingin sa Bus nila na paalis na.


"Woah! Chanel yan ah tsaka original pa, kanino galing to?" tanong ni Katelynn sabay kuha sa mini bag.


"Kay Winter...." sabi ko kaya napatingin naman siya sakin. Kinuha ko naman ito tsaka binuksan. May panyo doon at dalawang Liptint, mamahaling Liptint tsaka isang sticky notes din.


"I decided to give this to you, ayaw kasi nila kaya sayo na lang. Kung ayaw mo bigay mo kay Katelynn, alam kong magugustuhan niya yan. Sayang kasi kong itatapon ko to kaya ibibigay ko na lang. Dalawa ang Liptint diyan ikaw na bahala kong kanino mo yan ibibigay but I suggest na kay Katelynn mo yan ibibigay." basa ko kaya kita ko naman ang pagkabigla niya. Kahit na gusto ko to ay ibibigay ko na lang to sa kaniya, alam kong magugustuhan niya ito.


"Ayoko niyan, sayo na lang pero kukunin ko yung Liptint." sabi ko sabay bigay sa bag.


"Sayo yan binigay diba?" tsaka binalik sakin.


"Ayoko ng ganyan...."


"Oa mo, ang ganda-ganda ng bag tapos ayaw mo?"


"Sayo nga yan!" sabi ko sabay balik sa room.


"Edi akin na lang...." sabi niya tsaka sumunod na sakin papasok sa room.

---

ROSÉ POV: (MS. PRINCIPAL)

(SUNDAY)

"Hello?"


"The DNA test result is here...." kaya napahinto naman ako. Uuwi na kasi ako mamaya sa bahay pero may tinatapos pa kasi akong report kaya kailangan ko lang mag-stay dito. Umuwi na rin ang ibang students pero may iba rin namang nag-stay.


"Pwede ka bang pumunta dito?"


"Sure, I'll be there in 30 minutes. Tell your husband, I know na gusto niya rin itong malaman."


"Thanks Amell...."


"Para sa asawa ni Chief."


"Yan ka na naman eh, hindi ka parin nagbago."


"Ofcourse! Ako parin yung cupid sa lovelife niyo ni Chief." kaya natawa na lang ako.


"Sigi-sige Rosé, ibababa ko na ito."


"Ok bye...." sabay baba sa tawag. Tinawagan ko agad si Jake na andun sa dorm ng mga Rangers. Doon niya kasi ako hinihintay every sem-break.


"Hon? Napatawag ka?"


"Tumawag si Amell, he already has the result and pupunta siya dito....."


"Sigi, pupunta ako diyan.---Alis muna ako, pupuntahan ko muna si Ms. Principal niyo.---Sigi po Tito, tulog pa si Winter ngayon kaya di siya nakasali sa kulitan natin ngayon---No, it's ok. Bye kids---Bye Tito!---Pupunta na ako diyan Hon, hintayin mo ko." sabay baba sa tawag. Naglakad-lakad lang ako dito sa office ko habang hinihintay si Amell at si Jake.


Kinakabahan na ako ngayon at wala na rin sa katinuan kong gagawin ko pa ang report ko. Kinakabahan ako dahil baka siya na nga yung mawawala naming anak o baka hindi siya. Kung siya man yun ay napakagandang regalo iyon sa pasko ngayong taon. Maya-maya ay biglang pumasok si Jake tsaka hinawakan ako.


"Kumalma ka Hon...."


"How? Andito na yung resulta...."


"Just calm down OK?" kaya tumango naman ako. Hindi rin nagtagal ay pumasok na si Amell tsaka binigay na ang papel.


"That's the result." sabi niya habang nakangiti samin.


Nanginginig ang kamay ko ngayon habang tinatanggap ang result ngayon. Pagkabukas na pagkabukas ko ay napaupo agad ako sa upuan dito habang nakahawak sa bibig ko. Kinuha ni Jake ang result sa kamay ko tsaka binasa na rin ang nakasulat doon.


"Probability of Paternity: 100%...." sabi niya kaya umiyak na ako ngayon.


"Congrats, ang aga ng regalo niyo ngayon." sabi niya sabay ngiti samin.


Niyakap na rin ako ni Jake at alam kong umiiyak siya ngayon. Hindi dahil sa sakit kundi tears of joy. I didn't thought na makikita na namin si Amara and I didn't thought na nakakasama na pala namin siya.


"Una na ako, May mga pasyente pa akong aasikasuhin." sabi niya. Nagpasalamat muna kami sa kaniya tsaka nagpaalam na. Umalis na siya ngayon kaya tumingin naman ako sa kaniya. Bakas ang luha sa mata niya kaya pinunasan ko naman ito.


"We found her no, we already found her...." bulong niya sabay halik sa noo ko.


"So what are we waiting for?" tanong niya. Hinila niya agad ako palabas sa office ko tsaka naglakad na papunta sa dorm nila. Kumatok na ako sa pintuan nila until Kairon open the door for us.


"Tita-Ninang? Tito? May problema po ba? Pasok po kayo." without hesitation, pumasok agad kami at hinanap si Winter. Tulog parin ang anak ko?


"Kulang ata kayo? Asan si Winter?"


"Tulog parin ang Reyna na Chief." sabi ni Kenjie.


"Tulog mantika naman yun eh...." sabi ni Kairon kaya tumawa naman sila.


"Basta Hari talaga, kilalang-kilala ang Reyna niya." sabi ni Alexis kaya nagkatinginan naman kami ni Jake tsaka sabay na ngumiti.


"Hindi ba siya pwedeng gisingin? May sasabihin akong importanteng bagay...." sabi ni Jake.


"Ako na lang ang gigising nun." sabi ni Alexis tsaka pumunta na sa kwarto ni Winter.


"Halaka Winter! Ano kayang ginawa mo ngayon? Baka letter yun para sa mga violation mo?"


"Bakit? Violation ba ang pagiging maganda at matalino ko?" sabi niya at halata na inaantok pa talaga siya.

"Expelled ka sana...." sabi ni Alexis kaya natawa naman kami dito. Tumingin naman ako kay Kairon na tinulak si Kurt sa tabi niya para doon uupo si Winter.


"Itong si Chief, ang sarap tadyakan...." sabi niya tsaka tumabi na lang kay Samantha. Inakbayan pa nga niya ito eh at mukhang ok lang rin naman kay Samantha.


"Ms. Principal, kong ano man yung kasalanan o violation na ginawa ko sorry." sabi niya kaya tumawa naman agad kami.


"Wala kang kasalanan. May sasabihin ako sayo...."


"Bakit sakin lang?"


"Kung bibigyan niyo po siya ng solo mission, isama niyo po ako kahit ako lang po." sabi ni Kairon kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Winter.


"T*ng*na naman, I swear wala akong ginawa...." sabi niya kaya tumawa na naman kami.


"Alam ko na wala kaya huwag kang kabahan. Here, look at this." kaya kinuha agad ito ni Winter. Bubuksan na sana niya ito ng sumimangot ito.


"Huwag kang chismoso Chief, doon ka nga!" sabi niya kaya walang nagawa si Kairon kundi ang umalis sa tabi ni Winter.


"Naninigurado lang na di yan Love Letter o Marriage Contract...."


"Pano kong pangalan natin ang nakalagay sa Marriage Contract?" hindi nakapagsalita si Kairon tsaka tumalikod na lang. Alam kong nagpipigil to ng ngiti.


"Ngiting psychopath na naman...." bulong niya kaya sumimangot na lang si Kairon.


"Sa lahat ng banat ni Winter hindi makakasagot si Chief." sabi ni Kenneth kaya hinagisan naman siya ni Kairon ng unan. Napahawak naman ako ng mahigpit sa kamay ni Jake dahil sa naging reaksyon ni Winter sa harapan namin habang binabasa ang result na binigay ko sa kaniya.


"Probability of Paternity: 100%...." bulong niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.


"No way...." bulong niya.


"I knew it...." bulong rin ni Kairon na nasa likod ni Winter. Nagkatinginan naman yung iba dahil nagtataka sila kong bakit ganun ang reaction ni Winter.


"I-isa....i-isa a-akong Bentegreat?" tanong niya sakin kaya tumango naman ako.


"Ano daw?" sigaw ni Alexis.


"Bentegreat?!" tanong ni Kenjie.


"Kung ganun...." bulong ni Samantha.


"Si Winter yung tagapagmana...." dugtong naman ni Kurt.


"At ang nawawalang anak ni Ms. Principal at Sir. Sanders...." sabi ni Kenneth.


"Hindi na ako nagtataka kong bakit magkasundo si Irene at si Winter...." sabat ni Claire.


"But how? This is a DNA test? Anong ginamit niyo dito? Sure ba kayo na sakin talaga yun? Gusto kong malaman ang totoong magulang ko pero ayokong mag-assume na ako nga to. Pano kong akala niyo lang na ako to porket kuha ko ang kapangyarihan niyo?" kaya napangiti naman ako sa kaniya. Tumayo si Jake at niyakap si Winter.


"Your beautiful and smart just like your Mom. Your authority and aura are mine. We're sure about it, why? Because straw ng chuckie ang ginamit namin. Kinuha ko yun secretly and sa kanilang lahat? Ikaw lang ang mahilig dun." sabi Jake kaya rinig ko na ang iyak ni Winter ngayon.


"Shhh....don't cry, ayokong umiiyak ang prinsesa ko...." sabi ni Jake sabay punas sa luha na Winter. Lumapit na ako sa kanila tsaka niyakap na rin si Winter.


"Mom's here na, don't cry baby...." sabi ko sabay halik sa noo niya.


"Ma....Pa...." sabi niya kaya napaiyak naman ako. Ang sarap pakinggan sa tenga.


"At last, natupad na ang nag-iisang hiling ni Winter...." sabi ni Samantha.


"Bwisit! Bakit ako naiiyak?!" sabi naman ni Alexis habang nakatingin sa bubong.


"Walang ibang hinihiling si Winter kundi ang makilala ang totoong magulang niya." sabi ni Claire.

---

KAIRON'S POV:

Hindi ako yung nawawalang anak pero ang saya ko, wala na kasing ibang hinihiling si Winter kundi ito. Ang tagal ko na dito pero ngayon ko lang nakita si Tito na umiiyak. Who would thought? The most serious Teacher here in the Academy have a soft spot when it comes to his daughter.


"But how?" tanong ni Winter habang pinupunasan ang luha niya.


"Halata naman, kaya pala may namumukhaan ako sayo sa poker face mo." sabi ko kaya tumango naman sila.


"Magpinsan nga...." sabi ni Samantha kaya tumawa naman sila.


"Kung gano ka brutal si Irene, mas brutal si Winter. Ma-attitude rin ang dalawa." sabi ni Kurt.


Tawang-tawa naman silang lahat ngayon kaya sumimangot naman si Winter. Umupo na muna si Winter sa pwesto niya tsaka hinarap ang magulang niya. Alam kong marami siyang tanong tungkol sa sarili niya.

-----

To be continue.....

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

879K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...