MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.5K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 48:

42 1 0
By Sparkyspark15


KAIRON'S POV:

"Tawagan ko muna siya...." sabi ko sabay kuha ng cellphone ko.


"Yes?"


"Busy ka?"


"Hindi naman, why?"


"Meet me at the balcony, may ibibigay ako." sabay baba ng tawag.


"Ang bastos mo sa part na yun...." sabi ni Kurt kaya natawa naman kami dito.


"Pupunta na ako dun, walang makikinig sa usapan namin. Lagot kayo...." sabi ko sabay labas sa kwarto ko at pumunta na sa balcony.


Habang naghihintay ako sa kaniya ay pinagmasdan ko muna yung mga litrato na ibibigay ko sa kaniya. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti ng ganito.


"Anong ibibigay mo sakin?"


"Close your eyes first...."


"Huh?"


"Basta...." kaya pinikit naman niya ang mata niya. Kinuha ko yung kamay niya tsaka nilagay sa palad niya ang limang litrato na pinabibigay ni Kuya Alden.


"Open your eyes...." pagbukas ng mata niya ay nakita ko ang pagkabigla niya tsaka tumingin sakin.


"T-this p-pictures. P-pano??"


"Bigay---"


"Kilala mo ba si Jun? This picture was taken few years ago. How come may ganto ka?!"


"Teka---"


"Kaano-ano mo si Jun? Wala akong picture nito dahil sabi niya itatago niya raw?!" ayaw mong tumahimik ah?


"Hoy! Pano ka---" hindi natapos ang sinabi niya ng hinalikan ka agad siya.


It was a long gentle kiss and she was stunned right know kaya napangisi naman ako. Kahit kailan talaga ang lambot ng labi niya. Tinulak niya naman ako sabay punas ng labi niya.


"Yan ang makukuha mo everytime na hindi mo ako pinapatapos."


"Gago kang lalake ka ah!" sabi niya sabay suntok sakin. Buti na lang nailagan ko agad, ayaw kong masuntok ako ni Winter dahil alam kong ang sakit nun.


"Pano ko sasabihin kung palagi mong pinuputol ang sinasabi ko!" kaya inirapan naman niya ako.


"So pano nga? Kaano-ano mo si Jun? This picture was taken on my birthday."


"Remember what I asked kanina?"


"Yeah, yung Alden Baxter Castro."


"Pinsan ko siya, he died three years ago...."


"Wala akong pake sa pinsan mo."


"So wala kang pake kay Jun?"


"Huh? Ano ba yang sinasabi mo?"


"Jun Lander Santos...."


"Pano mo nalaman ang full name niya? I didn't remember na sinabi ko yan?"


"Ang pinsan ko at si Jun ay iisa...." kaya kita ko ang pagkabigla niya.


"You got to be kidding me...." bulong niya.


"Here read this...." sabi ko sabay bigay ng letter sa kaniya.


Pinanood ko lang siyang binabasa ang letter ngayon at maya-maya ay tumulo yung luha niya kaya niyakap ko naman siya.


"Bakit naman ako magagalit sa kaniya, ako naman ang dahilan kong bakit nawala siya...." sabi niya habang umiiyak.


"Siya dapat yung buhay eh hindi ako!" dagdag niya kaya hinigpitan ko na lang yung yakap ko sa kaniya.


"Don't say that, ayaw ni Kuya na makita kang nasasaktan...." sabi ko sabay haplos sa buhok niya. Gaya ng sinabi ni Kuya sa sulat, kumalma nga siya.


"Thank you for giving me this. Ito na lang kasi ang naiwan niya para sakin kasama tong kwentas na to...." sabi niya sabay hawak sa kwentas na nasa leeg niya.


"Can I ask something?" tanong ko.


"Go ahead...."


"Saan nangyari ang ambush?" tanong ko. Napatingin naman siya sakin and then sa langit.

KENNETH'S POV:

"OK lang naman kung ayaw mong sabihin, may susunod pa naman...."


"Sasabihin, I think kaya ko naman...."


"Stop forcing yourself. Kung di mo kaya huwag mong gawin...."


"It's my decision to do it...."


"Tigas talaga ng ulo mo. Ano kaya ang nagustuhan ni Kuya sayo...."


"Eh ikaw? Anong nagustuhan mo sakin? Weeks pa lang kitang nakilala yet gusto mo na ako? Ano? Love at first sight? Ay hindi, like at first sight? Ganun?" sabi ni Winter kaya pinigilan naman naming tumawa dito.


Lahat kami dito ay nakikinig kasama yung mga babae. We even saw them kiss. I mean Chief kiss Winter and Winter nearly punch Chief face pero buti na lang nakaiwas siya agad.


"Deny ng deny kanina si Winter but hindi na ngayon~~" sabi ni Alexis kaya tumawa naman kami dito.


"Infairness ah, tinagalan talaga ni Chief...." sabi ni Samantha kaya natawa na naman kami.


"Tahimik ka ata? Pikon na naman si Chief." sabi ni Winter sabay tawa.


"Alam mo? Mas makulit ka pa kay Jun. Pero mas madali siyang mapikon kaysa sayo."


"Close pala talaga kayo...."


"Close na close. Hindi siya sweet dahil palagi naman niya akong inaasar. Buhok niya palagi ang ginugulo ko tsaka yung noo ko naman ang pinipitik niya. So minsan umuuwi kami sa bahay na namumula ang noo at magulo ang buhok. Masarap kasing hawakan ang buhok niya kaya yun ang palagi kong ginugulo." sabi niya kaya kita naman namin na nakasimangot na si Chief ngayon.


"Nagseselos siya sa sariling niyang pinsan...." sabi ni Kurt kaya tumango naman kami.


"Balik tayo sa tanong mo. Are you familiar of Armagonia Village?" tanong niya kay Chief.


"Diba yun yong isang Village ng Mystic City na nawala sa mapa? Pero hindi sinabi ang dahilan kong bakit?" tanong ni Claire.


"Oo nga at sabi rin nila na wala na raw'ng nakaka-alam kung saan yun." sabi naman ni Kenjie.


"Baka alam ni Winter...." bulong ni Samantha sakin.


"Yun yung ikalimang Village ng Mystic City pero nawala siya sa mapa. Kahit na si Ms. Principal hindi alam kong bakit nawala yun sa mapa. Wala na ring nakaka-alam kung saan yung Village na yun...."


"Wala talaga, doon naganap ang ambush eh...." sabi niya kaya nagkatinginan naman kami dito.


"So ikaw lang yung nakaka-alam kung saan yun?" tanong ni Chief kaya tumango naman siya.


"Dinala ko na sina Samantha at Alexis dun. Hindi lang nila alam na yun yung Armagonia Village. Inayos ko yun eh." sabi niya kaya napatingin naman kami sa dalawa ngayon.


"Doon sila nag-training at doon ko rin nakita si Yukio. Bago ko naging aso si Yukio, isa siyang mabangis na lobo nun. Nacorner ni Yukio yung dalawa tapos wala ako nun dahil nagluluto ako. Narinig ko na lang si Samantha na sumigaw kaya dali-dali akong lumapit sa kanila. When my eyes and Yukio's eyes met, kumalma siya and maya-maya naging aso."


"But you said bigay yun ni Tita Sandra?" sabi ni Alexis sabay lapit sa kanila. Nagkatinginan naman kami dito tsaka lumabas na rin sa pinagtataguan namin.


"Hindi pa kayo tulog?!" sabi ni Winter.


"Obvious ba?" sabi ni Alexis.


"Armagonia Village yun?" tanong ni Samantha kaya tumango naman si Winter.


"Alam kong nagsinungaling ako, that time ay hindi ko pa kayang balikan yun. But when nalaman kong buhay yung kapatid ko I think nawala lahat. Kahit na yung takot ko sa kidlat at dilim ay I think nawawala na." sabi niya kaya napangiti naman kaming lahat dito.


"Here, gusto niyong tignan? This is the time na Win-win pa ang tawag nila sakin." sabi niya sabay bigay ng picture doon sa mga babae.


"Ang gwapo pala ng pinsan ni Chief...." bulong ni Samantha.


"Kaya pala, pumupunta siya sa flower shop namin tsaka bumibili ng white rose. Tapos ang laki rin ng ngiti niya." sabi naman ni Claire.


"Palagi naman niya akong binibigyan ng ganyan. Minsan kasi umaalis siya pero hindi ko alam kong asan. Sabi niya bayad na lang raw niya yung white rose." sabi ni Winter.


"Winter, we're so happy na sinabi mo yun. Hindi kaya biro ay pinagdaanan mo. Hayaan mo tutulongan ka naming hanapin ang kapatid mo." sabi ni Alexis kaya tumango naman kami.


"Di na kailangan, I trust Aspen. Alam kong malalaman niya kung saan na ang kapatid ko ngayon. Sa ngayon, matulog na muna tayo. Goodnight." sabi niya. Nag goodnight na rin kami sa isa't-isa tsaka pumasok na sa kwarto namin at natulog na.

WINTER'S POV:

(9:00 AM)

"Bes! May nakita akong lalake kanina. Naka black leather jacket tapos naka-shades pa."


"Yeah, nakita ko rin siya. I think may binisita siya dito."


"Gwapo niya no? Single pa kaya yun?"


"Ewan ko lang, look papunta siya sa cafeteria!"


"Grabe ang gwapo niya...."


"Sino kaya yun?" bulong ni Samantha.


"Kahit naka-shades siya, alam kong gwapo siya." sabi naman ni Alexis kaya natawa naman ako.


"Halata naman eh, hingin kaya natin ang number niya?" sabi naman ni Claire kaya natawa na naman ako.


Papunta na kasi kami sa cafeteria ngayon at yung lalakeng pinagbubulongan ng tatlo ay si Detective Aspen.


"Una na muna kayo, hindi ako sasabay sa inyo ngayon...."


"Huh? Eh saan ka?" tanong ni Chief.


"Basta...." sabi ko sabay lakad papalapit kay Aspen. Gwapo naman talaga siya.


"Lady Winter...." sabi niya sabay yuko sakin.


"Thank you for your time Aspen."


"No problem Lady Winter, ano yung ipapagawa niyo sakin."


"Before that, kumain ka na ba?"


"Hindi pa pero busog pa ako. Ikaw, kumain ka na ba? Gusto mong ako na lang ang bibili?"


"Huwag na, hintayin mo na lang muna ako." sabi ko sabay bili ng pagkain ko. Madadaanan ko ang table ng Ranger kaya ramdam ko ang tingin nila sakin.


"Atleast eat this." sabi ko sabay bigay ng burger sa kaniya.


"Huwag na, busog pa ako."


"Sigi na, kunin mo na. Magtatampo talaga ako." sabi ko sabay pout. Kita kong ginulo niya ang buhok niya tsaka kinuha na lang yung burger.


"Ikaw talaga, iba talaga ang charms mo." sabi niya kaya tumawa naman ako.


"Balik tayo sa topic natin kanina. Here, I want you to look for this person. The sooner the better." sabi ko sabay bigay sa kaniya nung ginuhit ko.


"Sino to?"


"Kapatid ko siya. Nakasurvive kasi siya sa ambush at kahapon ko lang nalaman. Gusto kong hanapin mo agad siya. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kapatid ko." sabi ko kaya tumango naman siya.


"Don't worry, hahanapin ko siya para sayo. Give me 4 days."


"Babayaran lang kita. Just do everything para mahanap mo siya." sabi ko sa kaniya.


"Don't worry, I will do everything para sayo. Tsaka hindi mo na kailangang magbayad, sapat na yung Detective Agency na binigay sakin ni Ma'am Sandra." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.


Binawi ko na lang yung kamay ko dahil pakiramdam ko nilalamig ako. Selosong lalaki, ako pa talaga ang mag-aadjust?


"Aalis na ako. Don't worry hahanapin ko siya. Ano bang pangalan niya?"


"Calvin Dash Marquez. 10 years old na siya ngayon." sabi ko kaya tumango naman siya. Niyakap ko muna siya tsaka nagpaalam na. Tumabi na ako doon sa kanila tsaka umupo na, pwesto ko naman talaga ang bakante sa harap ni Chief.


"Anong sabi?" sabi ni Samantha.


"Sabi niya bigyan ko raw siya ng 4 days para gawin yun. I'm willing to pay him kahit na magkano but he said hindi na."


"Anong gagawin mo kong makita mo na siya?" tanong naman ni Alexis.


"Ofcourse kukunin ko siya, may pera naman ako ngayon kaya bibilhan ko siya ng mga bagay na gusto niya. Tsaka babawi rin ako, sa loob kasi ng tatlong taon akala ko wala na rin siya dahil hindi ko siya nakita sa bahay namin nung nawalan ng buhay sina nanay at tatay. Sasabihin ko rin sa kaniya na wala na si Jun, magkasundo rin kasi yung dalawang yun." sabi ko kaya tumango naman siya.


"Required bang hawakan niya ang kamay mo?" sabat niya kaya napahinto naman kaming lahat dito. Kurt and Kenjie whistled while the girls and Kenneth smiles like crazy.


"Oo nga hinawakan niya ako but binawi ko naman yun." sabi ko kaya tumango naman siya.


"Gusto ka ba nun?"


"Ewan ko lang....Jeez, huwag ka ngang magselos. Sa tingin mo ba makakalapit ako sa ibang lalake? Ang higpit mo kaya sakin! Mas mahigpit ka pa sa gang at kay Kuya, especially Blue...."


"Prinoprotekthan ko lang yung pinapabantay sakin...."


"No need, alam kong alam na ni Jun na kaya ko na ang sarili ko...." sabi ko sabay inom sa Chuckie ko.


"Still, he ask me na alagaan ka tsaka gusto ko rin naman kaya bakit naman ako aayaw." sabi niya kaya napa-irap na lang ako.


"Be thankful, dahil bukod sa Mama niya ay ikaw lang ang babaeng mahal nun...." sabi niya kaya huminga na lang ako ng malalim. Alam ko naman eh dahil mahal ko rin naman siya.

DETECTIVE ASPEN POV:

(FRIDAY)

For the past 3 days, may nakuha na akong impormasyon sa pinapahanap na batang lalake ni Winter which is kapatid niya pala. Ngayon papunta ako sa address na nakuha ko to make sure na andoon nga siya. Pagdating ko dun ay may nakita akong lalake na may buhat na isang balde, I think tubig ang laman nun.


"Pwede bang bilisan mo? Kailangan kong diligan tong mga halaman ko!"


"Opo, bibilisan na po!" sabi niya.


Kinuhaan ko ng picture yung lalake para may maipakita ako kay Winter. Alam kong ito na yung bata na hinahanap ni Winter pero kailangan ko paring siguraduhin. Sumandal muna ako sa pader at hinihintay na lumabas siya. Nung lumabas na siya ay agad naman akong lumapit sa kaniya at kinausap.


"Calvin Dash Marquez...." kaya napalingon naman siya sakin.


"Pano mo nalaman ang pangalan ko?"


"Do you have a sister?"


"Meron, pero hinahanap ko pa siya ngayon."


"Name?"


"Windellyn Terrisha Marquez...."


"Do you want to see her?"


"Oo naman, kilala mo ba siya?"


"Yes, I'm a detective. She ask me to look for you. Akala niya kasi namatay ka rin kaya hindi ka niya hinanap. She had a depression nun but buti na lang nalabanan niya ito."


"Kamusta yung Ate ko? Gusto ko siyang makita, ok lang ba siya?"


"She's OK now, here." sabi ko sabay bigay ng litrato na ginuhit ni Winter.


"S-siya po yung gumuhit nito?"


"Oo, yung ate mo...."


"Saan po siya ngayon, gusto ko siyang makita...."


"Makikita mo siya but answer my question first." sabi ko kaya tumango naman siya.


"Sinasaktan ka ba nila?"


"Opo, pero kailangan kong tiisin yun. Wala rin kasi akong matitirhan."


"Gusto mo na bang umalis diyan?"


"Opo...."


"Ok keep that. Bukas na bukas, babawiin ka na ng Ate Winter mo." sabi ko kaya kita ko naman ang saya sa mata niya.


"Hintayin mo siya, palagi niya akong tinatawagan para ipaalam kong nakita na ba kita. Gustong gusto ka nang makita ni Winter kaya konting tiis na lang babawiin ka na ng Ate mo, at malalagot sila pag nakita niya ang mga pasa mo." sabi ko kaya tumango naman siya habang nakangiti.


"Pumasok kana, huwag mo ring sabihin na pupuntahan ka ng Ate mo." sabi ko sabay tulak sa kanya papasok ng bahay na tinutuluyan niya ngayon. Kita ko naman na pumasok na siya dala ang picture na ginuhit ni Winter. Bukas ko na sasabihin sa kaniya na nakita ko na ang kapatid niya.

WINTER'S POV:

(SATURDAY 10:00 AM)

Nasa sala lang ako ngayon katabi si Chief, syempre tahimik lang akong nagbabasa ng libro na binigay sakin ni Ad. Maya-maya ay biglang nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko naman agad ito.


"Yes?"


"Winter, nakita ko na siya...." kaya binaba ko muna yung libro na hawak ko ngayon.


"Asan siya?!" sabi ko sabay akyat papunta sa kwarto ko para magbihis. Sinabi na niya ang lugar kung saan niya nakita ang kapatid ko.


"I'll wait you here." sabi niya sabay baba sa tawag. Pagkatapos kong magbihis ay dali-dali akong lumabas ng kwarto ko tsaka deretso na sa Parking Lot.


Rinig ko ang tawag nila sakin pero hindi ko muna sila pinansin. Sumakay na agad ako sa kotse ko tsaka pinaandar ng mabilis hanggang sa makarating na ako doon sa sinasabi niyang lugar. Sa hindi kalayuan, nakita ko na si Aspen na nakasandal sa pader kaya nilapitan ko agad siya. Pinindot ko na yung doorbell nila tsaka naghintay sa bubukas nito.


"Winter?"


"Katelynn?" dito siya nakatira?


"Anong ginagawa mo dito at pano mo nalaman ang bahay namin?"


"I will tell you later but first would you mind kung papasok ako?"


"Just state your business!"


"Kukunin ko na yung kapatid ko...."


"Kapatid? The heck are you saying?!"


"Calvin Dash Marquez...."


"Ah si Calvin! I'm sorry but you can't...."


"Why?"


"Because he's---Katelynn! Sino yan?---Hindi ko siya kilala Ma!---Teka, anong sadya ng isang Perez dito? Halika pasok ka muna...." sabi ng Mama niya kaya pumasok naman ako tsaka umupo sa upuan nila.


"Anong sadya mo dito? Magtatanong kaba kung saan ang bahay ng Mayor?" tanong ng babae sabay bigay ng juice sakin.


"Hindi ako nandito para sa Mayor, I heard na dito nakatira si Calvin Dash Marquez?"


"Anong kailangan mo sa batang yun? May kasalanan ba siya sayo? Lintek yung batang yun! Pabigat na nga siya, may gana pa siyang gumawa ng masama! Tawagin mo nga yun!" utos niya kay Katelynn. I clenched my fist very tight at ramdam ko na rin ang kuko ko sa palad ko.


"Ikaw'ng bata ka! Anong ginawa mo sa kaniya?!" sabi niya sabay hila kay Calvin. Agad naman akong napatayo at tinulak ang Mama ni Katelynn.


"C-calvin...." sabi ko sabay hawak sa pisngi niya. Napatingin naman ako sa braso niya na puno ng pasa at sugat.


"Anong ginawa niyo sa kapatid ko?"


"Kapatid? Kapatid mo tong pabigat na to?" turo niya kay Calvin.


"Do I need to answer that?"


"Hindi mo siya makukuha ng basta-basta samin, kami ang nag-alaga sa kaniya kapalit ng pagtratrabaho niya dito sa bahay namin. Kulang pa ang pagtratrabaho niya dito kaysa sa mga pera na nagastos namin sa kaniya." sabi ng Mama niya kaya napangisi naman si Katelynn sakin.


"500,000." sabay bigay ng cheque sa kanila.


"And dali mo naman palang kausap eh." sabi niya sabay kuha sa cheque na binigay ko.


"Ate Winter, saan mo nakuha ang ganung kalaking pera?" bulong sakin ni Calvin.


"Mamaya ko na sasabihin ok? Don't worry, andito na ako." sabi ko sabay punas sa luha niya.


"Barya lang yan sakin." sabi ko sabay ngisi. Kita ko ang pagkabigla nila kaya tumawa naman ako.


"Gulat kayo? As the youngest of Perez, natural na marami akong pera. I can even buy this house in just a snap. So don't ever test me, someone will end up homeless later...." sabi ko sabay labas sa bahay nila kasama si Calvin. Napatingin naman ako kay Aspen na umupo para makaharap ang kapatid ko.


"I told you right? Babawiin ka ng kapatid mo." sabi niya sabay gulo sa buhok ni Calvin.


"Thank you talaga Aspen, are you sure na hindi na kita kailangang bayaran?"


"Hindi na kailangan Lady Winter, sobrang laki na po ang naitulong ng Pamilya mo samin. Una na po ako...."


"Teka, ito kunin mo to, tanggapin mo. No buts." sabi ko sabay bigay ng cheque sa kaniya. 50,000.


"Sobra naman po ata to pero salamat...." sabi niya sabay lakad paalis. Umupo naman ako para makaharap si Calvin ngayon.


"Calvin, sorry. Akala ko kasi nawala ka rin. Pagkatapos kasi nung ambush ay nagkaroon ako ng depression, tatapusin ko na sana ang buhay ko pero buti na lang may kaibigan ako at tinulungan akong lampasan yun." sabi ko sabay yakap sa kaniya. Niyakap naman niya ako pabalik tsaka umiyak sa balikat ko.


"Buti na lang hindi mo tinuloy, ayoko na pong mag-isa. Tsaka ang importante po ay magkasama na tayo ngayon." sabi niya kaya pinunasan ko naman ang luha niya.


"Don't worry, hindi ka na maghihirap. Andito na ako aalagaan na kita." sabi ko kaya ngumiti naman siya.


"Ate, asan po si Kuya Jun?" tanong niya kaya ngumiti naman ako ng malungkot sa kaniya.


"Mamaya na natin pag usapan yan, halika na. Alis na tayo sa bahay na to...." sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Sumakay na kami sa kotse ko tsaka nagmaneho papunta sa hotel ko. Pagpasok namin sa room ko ay pina-upo ko muna siya dahil magluluto muna ako.


"Ate Winter! VVIP area to diba?! Bakit ka nakapasok dito?! Tsaka yung kotse mo! Bakit walang bubong!" sabi niya sabay takbo papalapit sakin. Kumuha siya ng isang upuan tsaka binuhat palapit sakin. Tumungtong siya doon tsaka pinanood akong nagluluto.


"Wala tayong pambayad dito! Lagot tayo!" kaya tumawa naman ako.


"Hindi natin kailangang magbayad Calvin, hotel ko to." kaya nanlaki naman ang mata niya.


"Ano?!"


"Kilala mo naman siguro ang Perez no?"


"Sila yung mayayaman dito eh...."


"Inampon nila ako tsaka tinuring na rin na isang anak. Kaya may ganun akong kalaking pera tsaka sakin din binigay ang hotel na to." sabi ko kaya tumango naman siya.


"Ang saya ko ngayon Ate, akala ko talaga na hindi na kita makikita."


"Ano ka ba, walang iwanan diba?" kaya tumawa naman siya.


"Ikaw, nagalit ka ba sakin?"


"Bakit naman ako magagalit sayo? Mas ok na ako yung maghihirap kaysa sayo." sabi niya kaya napangiti na lang ako.


"Halika ka na, kakain na tayo. Damihan mo ang kain mo ngayon, pumayat ka kasi...." sabi ko kaya ngumiti naman siya tsaka tumango. Nagsimula na kaming kumain ngayon at makikita ko talaga na hindi siya inaalagaan ng maayos doon.


"Nga pala, asan po si Kuya Jun? Diba dapat po magkasama kayo?" tanong niya kaya sinabi ko na sa kaniya ang nangyari. Kasali na ang pag-ampon ng Perez sakin.

-----

To be continue....

Continue Reading

You'll Also Like

931K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...