MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.3K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 35:

37 1 0
By Sparkyspark15


WINTER'S POV:

"Makakalaban ka ba niyan? Katelynn already know your weak spot which is your arm kung saan nandoon ang sugat mo."

"Oo nga Samantha, tsaka anong akala niyo sakin talunan?"

"Alam namin na hindi ka talunan, pero Winter may sugat ka at sabi mo uuwi ka mamaya anong sasabihin mo sa pamilya mo doon?"

"Hindi nila mapapansin yun."

"Tigas talaga ng ulo mo, sigi na nga. Nandyan na ba si Irene?"

"Wala pa, pero sabi niya paparating na raw siya."

Nandito na kami sa Arena ni Samantha, wala si Alexis dahil may binili pa siya kasama sila Claire. Si Irene na lang ang hinihintay ko para makapagsimula na kami.

"Tagal naman ng kasama mo. Is she a chicken?" sabi ni Katelynn kaya inirapan ko na lang siya. Ngayon ko lang nalaman na si Nicole pala ang kasama niya.

"Kong isa man akong manok yung high class, hindi yung low class na kagaya mo." kaya napatingin naman ako kay Irene na kakarating lang.

"Ang tagal mo naman! Ano bang ginagawa mo?"

"Nakatulog ako eh. By the way, thank you sa chocolate ah."

"Tsk....tsk....tsk....you're welcome. Physical combat lang ang gagawin natin but also kailangan nating bantayan si Nicole dahil healing pala ang kapangyarihan ng bwisit na yun. Ibibigay ko na si Nicole sayo, sakin na si Katelynn. Ako na ang bahalang gumulpi nun."

"Sure! Mag-ingat ka ah, sugat mo ang target ni Katelynn ngayon." kaya tumango naman ako.

Marami ng students ang nanonood ngayon dito sa Arena, karamihan sa kanila ay mga kaklase ko.

"We're ready." sabi ko kaya ngumiti naman si Irene sakin.

"Ok ang unang matutumba ay talo, ano game?"

"Game." sabay naming sabi ni Irene.

"Duel begins in 3....2....1....Go!" sigaw ng mga students. Sila kasi ang cue namin pag may duel na magaganap.

Unang umatake si Katelynn sakin and Irene is right, sugat ko ang target niya but sadly hindi ako tanga para mahalata yun. So bago niya masipa ang braso ko ay agad ko siyang sinipa sa tiyan ng dalawang beses kaya agad naman siyang napa-atras. Agad ko naman siyang inatake at ginamit ko ang bilis ko, naglabas ako ng sipa at suntok at the same time.

May iba sa atake ko na nasangga niya pero halos lahat ng yun ay tumama sa kaniya. Kita kong malapit na siyang matumba pero agad naman niyang na balance ang sarili niya.

"Argh! You will gonna pay for this bitch!"

"Magkano? A million? Handa akong bigyan ka ng ganung halaga."

"Hindi ko kailangan ang pera mo!" sabay suntok sakin pero naiwasan ko naman agad ito tsaka sinuntok siya. Gago! Ang tigas naman pala ng mukha niya.

"Oh? Ano? Hanggang diyan lang ba ang kaya mo? Oh come on, you're no fun! Ang boring mong kalaban." sabay sipa sa dibdib niya kaya napaluhod naman siya.

Hinintay ko siyang tumayo pero nakaluhod parin siya ngayon, nabigla na lang ako dahil bigla siyang naglabas ng kapangyarihan. Bwisit! Acid naman pala ang power nitong kupal na to!

"Acid Rain." sambit niya sabay ngisi sakin. Agad naman akong nagteleport sa tabi ni Irene tsaka bumuo ng isang barrier.

---

KAIRON'S POV:

Lahat kami ay nabigla dahil sa ginawa ni Katelynn, akala ko ba physical combat lang at medyo delikado din ang kapangyarihan niya dahil acid ito. Hindi namin makita kong kamusta sila dahil natakpan sila sa mga alikabok, si Katelynn lang at si Nicole ang nakita naming nakangiti.

"Hey! She's cheating! Stop this duel!" sigaw ni Samantha.

"P*t*ng*na ka Katelynn! Ang daya mo, lagot ka sakin pag may nangyaring masama kay Winter! Papatayin kitang babae ka!" sigaw rin ni Alexis na pinipigilan ni Kenjie na pumunta sa Arena.

"Katelynn is cheating, disqualified na dapat siya!" sigaw rin ni Claire. Hindi lang silang tatlo ang nagprotesta, halos lahat rin ng students dito na nasa Arena.

"KATELYNN! STOP THIS DUEL NOW!" sigaw ni Asher.

"Why would I? Hindi pa kami tapos." sabat ni Nicole. Winter, asan kana?

Maya-maya ay may vines na sumulpot sa likod ng dalawa at tinali sila, kasabay rin nun ang pagkawala ng alikabok sa Arena. Little by little, nakikita namin ang isang vines na nakaporma ng bilog and I think nasa loob silang dalawa nito, vines to ni Winter!

"Impossible! Bakit hindi yun nasira?!" sigaw ni Nicole.

"Hindi ko alam! Yun ang skill ko na pinakamalakas, dapat tunaw na yung vines na yan!" sigaw rin ni Katelynn.

Maya-maya ay biglang bumukas ang bilog na nagsisilbing shield nila Winter, and there she is kasama niya si Irene na nakangisi ngayon. Halos lahat ng students dito sa Academy ay nag-ingay lalo na nung makita nilang ligtas yung dalawa.

"Thank god!" sabi ni Samantha.

"Salamat ligtas siya." bulong ni Alexis.

"Buti na lang ligtas siya." sabi naman ni Claire.

Kita ko kong pano naging Dark Green ang mata niya, patay galit siya.

"Pakawalan mo kami! Lumaban ka ng patas!" sabi ni Nicole kaya kita rin namin kung pano humigpit ang vines na nakatali sa dalawa.

"At sayo pa talaga nang galing yan? Sa tingin mo ba palalampasin ko yung ginawa niyong dalawa?!" sigaw ni Winter.

"I already told you, don't ever play dirty games with me, but you didn't listen." sabi ni Winter.

"Patay! Galit na si Winter!" sabi ni Samantha.

"Hindi ko ba nasabi sayo na walang makakaputol sa vines ko kundi ako lang diba? Kaya walang epek yang pisteng Acid Rain mo sa vines ko."

"At isa lang rin ang ibig sabihin nun. I'm indestructible, so as my vines."

"Arggh!"

"Ang sakit!"

"And do you think matatalo niyo ako sa simpleng pandadaya niyo? Nah! Mga duwag lang ang gagamit nun." sabay suntok sa mukha ni Katelynn.

"That's for pulling my hair noong Monday." and then suntok.

"Para yan sa mga salita na binitawan mo tungkol sakin." and then suntok na naman.

"And the last blow ay para sa sugat ko kanina. Ginamitan pa naman ako ng alcohol nun which is I hate the most." hindi pa siguro kontento si Winter at sinampal pa niya ito.

Maya-maya ay nawala na ang vines na nakatali sa kanila kaya napaluhod sila sa sahig ngayon.

"Irene! Switch." kaya agad naman silang nag switch.

"Ikaw naman, sa tingin mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin?" sabay suntok kay Nicole.

"May healing power ka diba? Gamitin mo yun, tutal parehas naman tayong nandadaya na ngayon." sabay sipa kay Nicole kaya ayun nakahiga na siya sa sahig.

"And that's for laying your dirty hands on my beautiful face." sabi ni Irene sabay sipa ng malakas kay Katelynn.

(BUZZZZZZZZZZ!)

Teka tunog yun ng buzzer ah? Agad naman kaming napatingin sa stage kung saan nakatayo si Ms. Principal at si Sir. Sanders na nakahawak sa buzzer.

"Irene Juliana Martinez and Windellyn Terrisha Perez win!" kaya napuno ng hiyawan ang Arena dito.

Agad namang tumakbo yung tatlo at niyakap si Winter at Irene, inshort group hug.

"Akala ko talaga natunaw na kayo sa acid na yon!" sabi ni Samantha sabay hawak sa dibdib niya.


"Buti na lang talaga na summon agad ni Winter ang vines niya." sabi ni Irene.

Nakatingin lang ako kay Winter na nakatingin kay Katelynn habang nakayukom ang kamao at isa lang ang ibig sabihin nito, hindi pa siya kontento sa ginawa niya. Lalakad sana siya papunta kay Katelynn pero agad ko namang hinawakan ang kamay niya.

"Where are you going?"

"Tutulungan ko lang siya." kaya binitawan ko naman siya at hinayaang puntahan si Katelynn.

"Saan raw siya pupunta?" tanong ni Irene.

"Tutulungan niya raw si Katelynn." sabi ko pero napatingin naman ako kay Alexis na tumatawa na ngayon.

"Akala ko ba tutulungan, bakit niya sinuntok?" sabay tawa. Agad naman kaming napalingon kay Winter na nakangisi na ngayon.

"Akala ko ba tutulungan mo?"

"Tinulungan ko siyang di makatayo." sabi niya kaya napatampal na lang kami sa noo namin. Nakalimutan kong tuso pala tong babaeng to.

"Where's Yukio?"

"Na sakin." sabi ni Kenneth sabay bigay ni Yukio kay Winter.

Agad naman niyang kinuha si Yukio at niyakap ito, kaya siguro siya ang pinili ng aso na to dahil alam niyang maaalagaan siya ng maayos ni Winter.

"Iiwan muna kita sa kanila ah? Babalik naman ako sa Monday." sabi niya sabay halik sa ilong ni Yukio but dinilaan ni Yukio ang pisngi ni Winter kaya ayun natulak niya ito.

"Mahal kita Yukio pero huwag yung mukha ko." kaya ayun tumawa naman kaming lahat.

"Puntahan ko muna si Angelique." sabi ni Irene sabay alis.

"Sa Garden muna tayo." sabi ni Claire kaya sumunod na kami sa kaniya.

Nung nakarating na kami sa Garden ay agad namang humiga sa grass si Alexis, tapos tinabihan naman siya ni Claire at ni Samantha.

"Winter! Dito ka sa gitna!" sabi ni Claire.

"May sugat ako Claire, uupo na lang ako."

"Edi dito ka na lang sa tabi ko, malayo sa sugat mo."

"Sigi na nga." sabi ni Winter sabay higa sa tabi ni Claire. Nasa tiyan ni Winter nakahiga si Yukio ngayon.

"Ngayon ko lang nakita si Claire na ganyan kasaya, wala kasi siyang ibang kalaro kong di tayo lang." sabi ni Kenjie kaya tumango naman kami.

"Other girls hate her dahil palagi natin siyang kasama kaya thankful ako nung nakilala niya yung tatlo." sabi naman ni Kenneth.

"Ang bango mo naman Winter! Anong cologne mo?---Yuck! Claire naman ang wierd mo---Ano namang weird dun?---Huwag mo ngang halikan ang pisngi ko!---Ang lambot kasi ng pisngi mo!---Eww! Claire, you're so disgusting!---Isang halik lang naman Winter!---Huwag ako yung dalawa na lang!---Matigas ang cheeks nila, sayo na lang!---Yuck! Claire! Bwisit nandidiri na ako sayo---Yes! Isa pa---Claire naman! Tama na nga!---Ang lambot naman kasi ng cheeks mo, so floppy, squishy little cheeks.---Maawa ka sa pisngi ko Claire!"

"Bwisit! Ang ingay naman ng dalawang to!" sabi ni Alexis.

"Inggit ka lang eh, gusto mo halikan kita?" sabi naman ni Samantha.

"Mas gusto ko pang mahalikan si Yukio kaysa sayo." kaya tumawa naman kami.

"Wala na, knock out na si Winter." sabi ni Kurt kaya tumawa naman kami dito. Naka-upo lang kasi kami sa damo at medyo malayo sa mga babae. Boys talk kami dito and girls talk naman sila doon.

"Boys? Asan yung---anyari kay Claire at Winter?" tanong ni Ms. Principal.

"Waah! Claire! Hindi mo naman siguro ako gagahasain no?"


"Siguro pag lalake ako gagahasain kita."

"My god Claire! Mukha ka lang inosente!"

"Hinahalikan kasi ni Claire ang pisngi ni Winter pero ayaw ni Winter." sabi ko kaya natawa naman samin si Ms. Principal.

"Hoy! Ang ingay niyo, nandito si Ms. Principal." sabi ni Alexis sa kanila.

"H-huh andit---Ow! Tigas pala ng ulo Claire!"

"Ang tigas rin kaya ng ulo mo Winter!"

"Tell me your tanga without telling me your tanga. Nagka-umpugan yung dalawa." sabi ni Alexis.

"Hindi kaya magkapalitan sila ng ugali? Si Winter ay ugaling Claire na tapos si Claire ay ugaling Winter na?" sabi naman ni Samantha.

"Sigi! Lawakan niyo pa ang imagination niyo, bwisit ka!" sabi ni Winter sabay hawak sa ulo niya.

"But sadly hindi nangyari." dagdag nito.

"Are you OK Winter? Nasaktan ka ba sa duel?" tanong ni Ms. Principal.

"Hindi nga po ako nasuntok nun eh. Tsaka ayaw ko na pong magkasugat ng hindi si Kuya at Ate ang gagamot." kaya tumawa naman kami. Takot kasi siya sa Alcohol, cute!

"Bakit naman?"

"Takot siya sa Alcohol!" sabay naming sabi.

"Takot ka sa Alcohol Winter?"

"Hindi naman siguro masama no kung takot ako?"

"Hindi naman ang cute lang kasi." sabi ko sabay tawa.

"Nga pala, pano niyo po nalaman na may duel?" Oo nga no?

"Students loud noise, so I decided na panoorin kayo." kaya tumango naman kami.

"Mas epic parin yung tutulungan niya raw si Katelynn." sabi ni Alexis kaya ayun nagtawanan naman kami.

"Si Chief kasi di pinigilan." sabi ni Samantha. Ako pa talaga?

"Sabi niya kasi tutulungan niya raw kaya hinayaan ko siya."

"Tsk....tsk....tsk....akala niya siguro madadaan niya ako sa pandadaya niya." sabi niya sabay irap. Maya-maya ay nag ring yung phone niya kaya agad naman niyang sinagot yun.

"Yes Kuya?" Hindi ba siya marunong mag hello?

"Pupunta ka ba dito?"

"Oo nga, bakit?"

"Hinahanap ka na ng kambal."

"Sinabihan mo ba na pupunta ako diyan mamaya?"

"Hindi, dapat surprise. Kahit na yung tatlo hindi rin alam."

"Ok, pupunta naman talaga ako diyan."

"Sigi, hihintayin kita. Bye."

"Bye!" sabay baba sa tawag.

"I think I need to get ready." sabi niya.

"Aalis ka na ngayon?" tanong ni Samantha.

"Oo eh, alagaan niyo si Yukio ah."

"Balik ka ah, kailangan nandon ka sa leveling." sabi ni Alexis kaya tumango naman siya.

"Malamang, huwag kayong mag-alala."

"Dalian mo ah? Mamimiss ka ni Chief." Gago!

"O---k?"

"Bye po Ms. Principal. Hey Yukio, mommy well comeback ok?" sabi niya sabay tayo.

"Samantha at Alexis, pag narinig kong may ginulpi kayo lagot kayo sakin. Tinuruan ko kayo para hindi manggulpi naintindihan niyo?" kaya tumango naman sila.

"Take care Winter, send my regards to your parents ok?" sabi ni Ms. Principal sabay yakap kay Winter.

"Sigi po Ms. Principal." niyakap na rin ni Winter yung iba hanggang sa turn ko na.

"Yayakapin mo ako o hindi?" sabi niya.

"Mamaya na, halika ka na ihahatid na kita." sabay hila sa kaniya. Rinig ko naman na nagtatawanan sila pero hindi ko na pinansin.

---

WINTER'S POV:

"Huwag ka ng mag-alala kay Yukio, marami naman kaming magbabantay sa anak natin."

"Anong anak natin? Anak ko lang yun no!"

"Para sakin anak natin yun."

"Tsk....tsk....tsk....Una nako. Doon na lang ako kakain and please pakibantayan sina Samantha at Alexis para sakin."

"Sure, basta partner tayo sa party ah?"

"Diba pumayag na ako?"

"Naninigurado lang." kaya inirapan ko na lang siya.

Sasakay na sana ako sa Motor ko ng hinila niya ako pabalik tsaka niyakap. Medyo matagal din akong hindi nakapag-react dahil sa ginawa niya. Mahigpit ito pero hindi naman nakakasakal.

"Kita na lang tayo sa Monday, kasama ang anak natin." sabay kalas sa yakap.

"Bahala ka diyan." kaya tumawa naman siya. Agad naman akong sumakay sa Motor ko tsaka kumaway sa kaniya and then nagmaneho na.

(MORTAL REALM)

Nandito ako ngayon sa cupcake shop para bilhan yung kambal, cupcake kasi ang paborito nila tapos BT21 ang design. Bumili ako ng dalawang box, nung binigay na nila ang cupcake ay lumabas na agad ako at sumakay na sa motor ko. 40 minutes ang byahe dito hanggang sa mansion ng mga Perez, inshort sa bahay namin.

"Excuse me miss sino po sila?" kaya agad ko namang inalis ang helmet ko.

"Ikaw pala Lady Winter, sorry po hindi ko nahalata."

"Ok lang Kuya Aaron."

Maya-maya ay bumukas na ang gate namin kaya agad naman akong nakapasok. Pi-nark ko na ang Motor ko tsaka bumaba na sabay tanggal sa helmet ko. Agad naman akong naglakad papunta sa malaki naming pintuan, may dalawang guard rin ang nakabantay doon.

"Welcome back, Lady Winter." sabay bukas sa pinto.

Pagpasok ko ay bumungad sakin ang malawak na hallway. With a box of cupcake in my hand, naglakad ako papasok papunta sa Dining area namin. Alam ko kasi na nandoon na silang lahat. Nilagay ko muna ang bag ko sa sofa tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating ko doon ay sinilip ko muna sila na masayang kumakain, syempre bakante yung upuan ko dahil wala naman ako doon. Kita ko yung kambal na nagbabangayan, as usual.

"Ang daya! Hindi niyo ko hinintay!" sabi ko kaya agad naman silang napalingon sakin.

"Ate Winter!" sabi ng kambal sabay takbo papunta sakin.

"Oops! No hugging, hindi niyo ko hinintay eh." sabay bigay ng cupcake na binili ko sa maid. Agad ko namang hinarap yung dalawa na iiyak na.

"Syempre joke lang yun, where's my hugs sunshine?" kaya ayun niyakap agad nila ako. Muntikan na nga akong matumba eh.

"Na miss kita Ate Winter!" sabi ni Summer.

"Me too miss kita!" sabi ni Sunny.

"Miss ko rin ang kakulitan niyong dalawa." sabi ko sa kanila sabay gulo sa buhok nila.

"Unfair talaga ng world satin, pag ako ang gumulo ng buhok ng kambal magagalit sila pero pag si Winter ok lang sa dalawa." sabi ni Cloud sabay lapit sakin.

"Infairness, pumuti ka na." sabi ko sabay yakap sa kaniya.

"Aba! Loko ka ah!" sabi niya sabay pisil ng ilong ko kaya hinampas ko naman ang kamay niya.

"Huwag mo yang hawakan nag glow-up yan, alagang silka. Welcome back Cuz!" sabi ni Thunder sabay yakap sakin kaya niyakap ko na rin.

"Welcome back Cuz! How's your stay there?" tanong ni Storm sabay halik sa noo ko.

"Ito kakatapos ko lang sa duel." sabi ko sabay yakap sa kaniya.

"Duel?" tanong ni Ate Autumn sakin sabay beso.

"Yes, she use some dirty tricks but she didn't make it, tuso rin kaya ako."

"That's my sister."

"Anong nangyari diyan sa braso mo?" tanong ni Kuya Spring sabay halik sa pisngi ko kaya napatingin naman silang lahat sakin.

"Oops! Uunahan ko na kayo. Hinamon ko ng duel si Samantha at Alexis para malaman kung nag improve ba talaga sila. I'm the one who trained them." sabi ko kaya tumango naman sila.

"Ginamitan ka ng Alcohol no?" tanong ni Cloud.

"Oo." kaya tumawa naman sila.

"Eh kasi wala akong choice." sabi ko kaya ayun mas lumakas ang tawanan nila. Lumapit ako sa kanila para halikan ang pisngi nila. Ni Mom, ni Dad at pati sa mga Tita ko.

"Leveling niyo na sa Monday diba?" tanong ni Dad kaya tumango naman ako.

"Kamusta ka naman doon Winter?" tanong ni Tita Julie.

"Ito po, President ng buong Grade 11. The Principal said na Acer rin ako and syempre sa sobrang ganda ko famous na ako sa Academy." kaya napa-iling naman silang lahat.

"Still, I always like your guts my dear pamangkin." sabi ni Tita Olive kaya napangiti naman ako.

"Summer, Sunny. Bumili ako ng favorite cupcakes niyo." kaya ngumiti naman sila sakin.

"Really? Yung BT21?" tanong ni Sunny.

"Ofcourse, bakit ko naman kakalimutan yun." kaya nag-apir naman yung dalawa.

Sumabay na akong kumain sa kanila and syempre yung boses ni Thunder, Cloud at ni Ate Autumn ang nangibabaw. Masaya rin kaming nag kwe-kwentuhan at masasabi mo talaga na reunion to namin.

Maya-maya ay tapos na kaming kumain at ngayon ay nandito kami sa sahig ng sala namin naglalaro ng Uno. Walo kami dito kasama na yung kambal, kahit na 7 years old na sila ay hindi mo talaga ma de-deny na matalino sila. Ang matatalo ay lalagyan ng icing sa mukha, magaling ako dito eh kaya wala pa akong talo.

"Bakit kasi ang galing ni Winter!" sabi ni Cloud.

"Kasalanan ko bang matalino ako?"

"Mamaya ka lang! Pag ikaw natalo puno agad yang mukha mo."

"Sure! Subukan niyo." sabi ko kaya tumawa naman sila Mom.

"Oo nga, hindi ko pa nakitang natalo si Winter. Ang linis pa ng mukha niya oh?" sabi ni Tita Julie.

"Yeah, I didn't see her na natalo before. She's so galing." sabi naman ni Tita Olive.

"Mom! Stop being so conyo."

"Hayaan mo na si Tita Olive, minsan nga conyo ka nagreklamo ba kami?" sabi ko.

"Huh? I'm not kaya!"

"See? May pa 'I'm not kaya' ka pang nalalaman." sabi ko kay Cloud kaya nagtawanan naman sila.

"Oo nga, sometimes nga na-iisip ko that Kuya Ulap is gay." sabi ni Summer.

"Sigi na talunin niyo na ako." sabi ko.

"Walang sisihan Winter ah?" sabi ni Kuya kaya tumawa naman ako.

"Hindi ko naman ikakamatay ang icing na yan." kaya balik kami sa laro namin ngayon.

11:00 PM na ngayon but still wala parin akong icing sa mukha ko. Nagrereklamo na sila dahil puno na raw ng icing ang mukha nila at marami na raw silang tissue na nasayang. Tsk....tsk....tsk....mayaman naman kami kaya ok lang na maubusan kami ng tissue.

"Stop na yan, sleep na kayo. Sunny and Summer, lagpas na kayo sa bedtime niyo." sabi ni Tita Olive.

"Mommy! I'll sleep beside Ate Winter mamaya!" sabi ni Summer.

"Sure! Magpunas muna kayo, so you can be with your Ate Winter ok?" kaya agad naman silang nagtakbuhan papunta sa kwarto nila para magpunas.

"Akyat na rin po ako, magpupunas na lang." kaya tumango naman sila sabay halik sa pisngi ko.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko tsaka pumasok na sa loob. Agad naman akong nagbihis tsaka humiga na sa kama ko habang hinihintay yung kambal. Sabi kasi nila na tabi raw kaming matutulog ngayon.

Balak kong pumunta muna sa balcony namin tutal wala pa naman yung kambal kaya dito na lang muna ako magpapahangin.

---

To be continue....

Continue Reading

You'll Also Like

877K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...