MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.3K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 24:

58 1 0
By Sparkyspark15


KAIRON'S POV:

"Bakit mo sinabi kay Mama?"


"Hoy Kairon. Hindi ako mahilig magsinungaling." sabi niya.


"Asan ang Chief?"


"Wala tayo sa Academy, kaya pangalan lang ang itatawag ko sayo."


"Ok lang naman pero dapat di ka lalayo sakin."


"Walang epekto dito ang punishment mo, wala tayo sa Academy." tsaka tumawa.


"Edi ikakalat ko dito na tayo na." kaya nanlaki naman ang mata niya.


"Sabi ko nga, susunod ako." tsaka inirapan ako. Aalis na sana siya pero hinawakan ko agad ang kamay niya.


"Saan ka pupunta?"


"Kina Kuya, bitawan mo nga ako. Kanina lang siya nakatingin satin." sabi niya kaya binitawan ko na lang siya. Tumawa na lang ako dahil tinaasan siya ng kilay ng Kuya niya kaya tinuro naman niya ako.


"Kukuha ako ng pagkain tapos share na tayo ng plato tsaka tabi tayo ah. Doon oh." turo ko sa table nina Claire kaya tumango naman siya.


Iniwan ko muna siya tsaka kumuha na muna ng pagkain. Gusto ko share lang kami ng plato pero hindi yung gagamiting kutsara baka masuntok ako nun. Dessert lang ang kinuha ko ngayon dahil alam ko naman na hindi siya gutom.


Habang naglalagay ako ng pagkain sa plato ko ay may tumabi sakin kaya hinarap ko naman ito. Si Papa lang pala, kumukuha lang rin ng pagkain.


"She's Winter, right?" kaya tumango naman ako.


"Gusto mo siya no?" tanong ni Papa kaya tumango ako habang nahihiyang tumingin sa kaniya.


"Siya ba yung babae na palagi mong sinusundan sa Mortal Realm?" kaya tumango naman ako.


"Binata na talaga anak ko!" kaya tumawa naman ako.


"Kailan mo popormahan yun?"


"Hindi ko pa ginagawa yun, Pa." kaya napatingin naman siya sakin.


"Bakit hindi pa?! Weak ka naman eh. Yung Mama mo? Pinormahan ko agad." kaya tumawa naman ako.


"Hindi ko nga siya pinopormahan, pero binakuran ko na Pa. Wala nang aagaw kay Winter sakin." kaya ngumiti naman siya ng malawak.


"Grabe! Anak nga talaga kita!" sabay yakap sakin.


"Nga pala Pa, asan si Lily? Hindi ko siya nakita? Alam kong magugustuhan niya si Winter."


"Nandoon sa Garden, nasa duyan niya. Samahan mo na siya doon, kanina ka lang hinihintay nun." kaya umalis na ako tsaka lumapit kay Winter. Sinabihan ko na rin siya na sundan ako kaya sumunod naman siya sakin.


"San tayo pupunta?"


"Sa Garden, nandun kasi yung kapatid ko. Alam kong magkakasundo kayo." kaya tumango na lang siya. Pagdating namin sa garden ay nakita ko siyang nasa duyan niya habang may nakalatag naman na tela sa sahig nito.


"KUYA!" sigaw niya tsaka yumakap sakin. Hindi ko masagot ang yakap niya dahil may dala kasi akong pagkain. Tumingin naman siya kay Winter tsaka nilapitan ito.


"Hello po Ate! Girlfriend ka po ba ni Kuya?" tanong ni Lily.


"No, hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko lang Kuya mo." sabi naman ni Winter.


"Ang ganda mo po! Bagay kayo ng Kuya ko!" kaya napangiti naman ako sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba magugustuhan niya si Winter.


"Halika po Ate, doon tayo. Sakto naman tayong tatlo doon." sabay hila kay Winter. Nauna na silang umupo doon tsaka kinuha yung malaking tablet niya. Umupo na ako sa harapan nila tsaka nilapag ang pagkain.


"Kumain ka na Lily?" tanong ko.


"Hindi pa, hinihintay kita eh." sabi naman niya.


"Sabay kana samin, gusto mo subuan kita?" sabi naman ni Winter kaya agad namang tumango si Lily.


Nagsimula na kaming kumaing tatlo habang sinusubuan naman ni Winter si Lily na tumatawa ngayon. Pagsusubuan kasi siya ni Winter ay hindi niya bibitawan ang kutsara sa bibig niya. Pilit namang hinihila ni Winter ang kutsara pero hindi talaga bibitawan ni Lily ang kutsara niya. Magkaiba kami ng kutsara ngayon.


"Lily naman, huwag mong kagatin ang kutsara!" kaya tumawa naman ako.


"Shubuan mo kashi shi Kuya! Bibitawan ko to!"


"May kamay naman ang Kuya mo tsaka hindi ko naman siya baby eh, ikaw naman yung baby ko kaya ikaw lang susubuan ko!" sabi niya habang hinihila parin ang kutsara.


"Magkakababy rin naman kayo, edi hindi na ako ang baby mo!" kaya nanlaki naman ang mata ni Winter pati na rin sakin.


"Bakit? Totoo po ba?" sabay tanggal ng kutsara sa bibig niya. Sasagot na sana si Winter pero inunahan naman siya ni Lily.


"Magkakababy na kayo?! YEHEY! MAGKAKABABY NA SILA!" sigaw niya habang tumatakbo dito sa garden.


"Hoy! Lily, hindi yun totoo! Hoy, bumalik ka dito!" sabi ni Winter sabay habol sa kaniya. Nagtatakbuhan sila dito sa garden, malaki rin naman ito kaya kita ko kung pano sila nagtatawanan.


"Taga! Taya ka na, Ate Winter!" sigaw ni Lily.


"Taya ako? Daya naman! Di mo naman ako sinabihan eh!" sabi ni Winter kaya tumawa naman kami ng kapatid ko.


"Taya kana! Habulin moko!" sabay takbo. Tumingin naman sakin si Winter sabay takbo papalapit sakin, alam ko na ang iniisip nito.


Tumayo agad ako tsaka tumakbo na rin pero hindi nagtagal ay nataga rin niya ako. Ako na ang taya ngayon kaya tumakbo na ako para habulin sila. Palaging taya si Lily dahil siya ang ginagawang shield namin.


"Ang daya niyo naman! Hindi ako shield!" kaya tumawa nalang kami.


"Sali kami!" kaya napalingon naman kaming tatlo sa kanila. Sina Alexis, Samantha at Claire lang pala.


"Kami rin, sali kami!" sabi naman nina Kurt, Kenjie at Kenneth. Himala lang kasi na gustong sumali ni Kenneth eh mas gusto naman niyang manood lang.


"Sigi! The more the merrier! Taga! Taya ka na Ate Winter!" kaya tumawa naman kami sa reaksyon ni Winter.


"Ang daya mo talaga Lily!" sabi niya kaya nagsitakbuhan na kami dito. Tawa lang kami ng tawa dahil nahihirapan samin si Winter. Pinoprotektahan kasi ni Claire si Lily kaya hindi niya ito matataga.

SPRING'S POV:

Hinanap ko ngayon si Winter dahil pinapahanap kasi siya ni Mom, ipapakilala niya kasi ito sa Mama ni Kairon. Nilibot ko na ang terrace nila pero walang bakas ni Winter pati yung ibang Rangers.


"Taga! Taya ka na Kurt!"


"Ang daya niyo naman!"


"Taya ka na Chief! Tanga mo kasi! HAHAHA!"


"Ang daya mo Chief! Walang gamitan ng powers, lugi kami!"


"Sigi! Gamitin mo pa! Susuntukin talaga kitang lalake ka!"


Agad ko namang sinundan ang mga boses na yun hanggang sa napunta ako sa garden. And there, nakita ko ang kapatid ko na ang sayang naglalaro ng taga-tagaan, together with the Rangers at isang batang babae. Si Winter ang taya ngayon kaya hinabol na niya sila.


Nakangiti akong nakatingin sa kanila, mukha silang mga bata na naglalaro. Umalis muna ako at lumapit agad kina Mom.


"Mom! You need to see this!" sabi ko.


"Bakit? Anong nangyari? Asan si Winter?" tanong ni Mom.


"Basta! Sundan niyo lang ako!" Agad naman akong pumunta sa garden. Nakasunod sakin si Mom, Autumn, Dad, Ms. Principal, Sir. Sanders, Tita Kaira at si Tito Ronny. Pagdating namin sa Garden ay nakita kong ngumiti si Mom at si Dad pati na rin si Autumn.


"Walang gamitan ng kapangyarihan! Daya mo, Chief! Lugi kami!"


"Bwisit kang lalake ka! Gusto mo bang tadyakan kita diyan! Daya ka ah!"


"Ako pa talaga yung mada--Hoy! Andaya, taya agad ako!"


"HAHAHAHA! TANGA-TANGA KA KASI."


"WAAAH! ANDAYA NI KUYA!! UNFAIR NAMAN NIYA."


"T*ng*na ka Kairon!"


"Hoy, gago! May bata!"


"Put-- Andaya mo talagang lalake ka!"


"Kasalan ko bang mabilis ako?!"


"My god, Chief naman! Maawa ka samin, hindi kami kasing bilis mo!"


"T*ng*na, sakit ng lalamunan ko!"


Tumingin naman ako sa kanila dahil tawa ng tawa rin sila. Kasi naman eh andaya ni Kairon, ginagamit niya ang super speed niya tapos si Winter ang palaging matataya dahil siya ang palaging tatagain ni Kairon.


"Time out muna! Bwisit! Sakit ng lalamunan ko."


"Sakit na ng paa ko, letse!"


"Hey! Watch your language may bata dito!"


"Ikaw! Anong problema mo sakin ah? Letse kang lalake ka, may galit ka ba sakin? Hoy! Kairon! Hindi pa ako tapos sayo!"


"Pikon ka lang, eh! Mas mabilis kasi--Aray! Sakit nun ah!"


"Galit ka? Hindi mo kayang magalit sakin!"


"Sinong sabi na hindi ko kaya?!"


"Ikaw! Ang cute ko kasi kaya hindi mo magawang magalit sakin!"


Tumawa naman kaming lahat dito dahil sa pagbabangayan ng dalawa, namumula rin kasi si Kairon dahil sa sinabi ni Winter.


"Namumula ka na nga eh! HAHAHAHA!"


"HOY! WINTER! TUMAHIMIK KA NA! HAHALIKAN TALAGA KITA! SIGI KA!" kaya natahimik naman si Winter.


"AT SA TINGIN MO BA TAKOT AK--- T*NG*NA KA CHIEF!"


Hinalikan nga siya ni Kairon pero sa pisngi lang, halos mamatay na kakatawa yung ibang Rangers habang yung batang babae naman ay kinikilig. Napatingin naman ako kina Mom kung ano ang reaksyon nila. Tumatawa naman silang lahat dahil sa ginawa ni Kairon kay Winter.


"Anak ko nga talaga!" kaya tumawa naman sila Mom sa sinabi ni Tito Ronny.


"M-mom? D-dad? Kanina lang kayo diyan?" tanong ni Winter.


"Yeah, kanina lang. Kita namin lahat, as in lahat!" sabi ni Mom.


"Even the kiss? Aray! Gusto mo bang halikan na naman kita?!" sabi ni Kairon. Hinampas kasi siya ni Winter sa braso.


"Lahat nga diba? Are you bobo o bobo ka talaga?" tsaka iniwan doon.


Lumapit kami sa kanila na naka-upo lang sa bermuda grass nila. Tumingin naman ako kay Winter na namumula ngayon, kaya tumawa naman ako.


"Mom, namumula si Winter!" kaya napalingon naman siya sakin.


"Tumahimik ka nga Kuya!" kaya tumawa naman kami.


"Ok lang naman samin Winter. Boto naman kami kay Kairon." sabi ko kaya nanlaki naman ang mata niya.


"Tell me? Gaano kalakas ang gayuma mo kay Kuya, bakit mo siya napapayag?" tanong ni Winter kay Kairon.


"Hindi ko nga sila ginayuma! Kung may gagayumahin man ako, ikaw yun!" sabi ni Kairon.


"Bakit naman ako?" tanong ni Winter.


"Para ma-fall ka sakin." kaya naghiyawan naman kami. May katapat na si Winter ngayon.


"Pustuhan 500, Winter o Kairon? Winter ako." sabi ni Autumn.


"Sigi, Kairon ako." kaya tumingin na kami kina Winter at Kairon.


"Hindi naman kailangan." sabi ni Winter.


"Huh? Bakit naman?"


"Bakit? Para saan naman yung gayuma kong sayo naman parin ang hulog ko?" gago! Banat yun ah.


"Waaah! Namumula si Kuya! HAHAHAHA!" Inaasar nila si Kairon ngayon na nag-iiwas ng tingin.


"Hoy! 500 ko?" sabi ni Autumn. Wala akong ibang choice kung di bigyan siya ng 500. Talo yung manok ko, rupok eh.

KAIRON'S POV:

Alam kong joke lang yun pero kinilig ako sa banat niya, Letse! Tinignan ko yung oras sa relo ko and it was 6:35 PM already, tumayo na kami at pumunta na doon sa terrace para kumain.


Katabi ko si Lily na hawak ang kamay ni Winter. Masaya naman silang nag-uusap kaya hinayaan ko na lang yung dalawa. Pinatabi ko na rin siya sa upuan namin dahil gusto raw niyang tumabi kay Winter.


Pina-upo muna namin si Lily doon dahil kukuha muna kami ng pagkain. Kumuha na rin ako para kay Lily tsaka bumalik na sa pwesto namin. Kasama namin sina Kuya Spring at Ate Autumn sa iisang table.


Nasa kabilang table sina Mama kasama yung mga former Ranger ng Academy dati. Ranger rin kasi si Mama at Papa kaya doon sila naka-upo. Masaya naman kaming nag-uusap dito, ang topic ay about sa leveling na mangyayari next-next week.


"Nga pala Winter, diba nag-audition ka kanina para sa dance club?" tanong ni Claire.


"Talaga?" tanong ni Kuya Spring.


"Ano naman ang sinayaw mo?" tanong naman ni Ate Autumn.


"Dessert, yun lang kasi ang nasa-isip ko kanina." galing niya doon kanina.


"Makukuha yan si Winter, magaling kasi yang sumayaw." sabi ni Ate Autumn.


"Oo nga eh. Nakita ko na siyang sumayaw. Nung Monday." sabi ni Claire kaya tumango naman kami.


"Hmm? Gusto mo pa ng Mango Float? Sigi, kukunan kita. Wait ka lang dito ah?"


Napaharap naman ako kay Winter na kausap si Lily, tumango naman si Lily kaya tumayo na si Winter. Hawak ni Lily ang cellphone ni Winter, naglalaro kasi siya ng C.O.D. 10 years old palang siya pero alam na niyang laruin yun, tinuruan ko kasi.


Hinayaan ko na lang si Lily tsaka lumingon kay Winter. Nakita ko siyang tahimik na kumukuha ng Mango float hanggang sa may lumapit sa kaniya. Anak siya ng isa sa mga former Rangers dito, tumayo naman agad ako tsaka naglakad papalapit sa kanila.


Rinig ko ang tawag ng mga Rangers sakin pero hindi ko sila pinansin at agad na lumapit kay Winter. Hinawakan ko kaagad ang bewang niya tsaka hinarap yung lalake.


"Tapos ka na babe? Naghihintay na si Lily doon?" tanong ko tsaka alam ko ring nabigla siya pero hindi ko muna siya pinansin.


"H-hoy! Anong--"


"May kailangan ka ba sa Girlfriend ko?" tanong ko doon sa lalake.


"Wala naman Kairon. Magpapakilala lang sana ako." sabi naman nung lalake.


"Magpapakilala o pumuporma ka?" deretsong tanong ko. Nakita ko naman siyang ngumisi kaya mas nainis ako sa kaniya. Hinigpitan ko naman ang hawak ko sa bewang ni Winter kaya mas napalapit naman siya sakin.


"Well, pwede namang both. Alis na ako Ms. Beautiful, see you when I see you." sabay kindat kay Winter. Susuntukin ko na sana siya ng bigla akong tinulak ni Winter para hindi ko siya malapitan.


"You're annoying, just leave me alone." sabi ni Winter.


"I like your attitude, palaban. I'm starting to like you more." Bwisit talaga tong lalake na to!


"Gusto ka ba?" sabi niya.


"Magugustuhan mo ako, walang babae na hindi nahuhulog sa charm ko." Aba!


"So hindi ako babae?" tanong ni Winter.


"You're a girl, my soon-to-be-girl." sabay kindat na naman kay Winter. Isa na lang talaga! Susuntukin ko na talaga ang mukha niya!


Inirapan na lang siya ni Winter tsaka iniwan doon, hinila na rin niya ako kaya nagpahila na lang ako. Nagkatitigan kami nung lalake na ngumisi sakin, sinamaan ko naman siya ng tingin pero parang wala namang epekto sa kaniya yun. Pagdating namin sa pwesto namin ay bad mood akong umupo sa pwesto ko.


"Anong problema mo? Kaya ko namang labanan yun. May pa babe-babe ka pang nalalaman, letse!" sabi ni Winter kaya agad naman akong napangiti.


"Pinopormahan ka nun eh! Ayaw ko ng ganun, binakuran na nga kita diba?!" sabi ko kaya napalingon naman sila sakin. Gago! Rinig yun ng Ate at Kuya niya sigurado.


"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" tanong niya sakin.


"Diba sabi ko huwag kang aalis sa tabi ko? Tapos, hindi mo ba alam ang meaning ng binakuran?" inis na tanong ko.


"Anong tingin mo sakin? Bobo? Syempre alam ko yun!" inis namang sagot niya. Tumayo naman ako tsaka umalis doon sa table namin, pumunta ako sa garden namin tsaka umupo doon sa duyan.


Alam naman pala niya at bakit naman niya kinakausap yung bwisit na lalake na yun? Nakaka-inis kasi eh alam ko naman na hindi interesado si Winter sa kaniya pero dahil sa ginawa niya, hindi na siya pipigilan ng lalake na yun letse!

WINTER'S POV:

Hinayaan ko na yung lalake na yun at bumalik sa pagkain ko. Mang-aagaw siya ng spotlight, dapat ako yung mag-walkout hindi siya. Habang kumakain ako ay napahinto naman ako dahil sa sinabi ni Kuya.


"Sundan mo siya Winter." sabi ni Kuya.


"Huh? Bakit naman?" takang tanong ko.


"Sigi na anak, sundan mo na yun." sabi ni Dad kaya wala akong nagawa kong di ang tumayo at pumunta doon sa garden.


"Ano ba yan, kumakain pa ako eh! Lily, samahan mo ako."


"Dito lang siya, ako na ang magbabantay sa kanya. Sundan mo na yung lalake na yun, suyuin mo. Huwag kang bumalik dito hangga't hindi mo yun nasuyo." sabi ni Ate.


"Sabihin niya talaga ang problema niya kung hindi susuntukin ko talaga ang mukha nun." sabay alis. Rinig kong tumawa sila pero hinayaan ko na lang.


Nagsimula na akong maglakad papunta sa garden nila dahil dito naman ang daan papunta roon. Nakaka-inis lang kasi bakit kailangan ko pang suyuin eh siya naman yung pumunta doon. Anong tingin niya sakin hindi mahina?! Magiging Reyna ba ako kung isa akong mahina?


Pagpasok ko sa loob ng garden ay nakita ko siya doon sa duyan na nakahiga, nilapitan ko agad tong lalake na to tsaka tinanong.


"Hoy lalake! Ano bang problema mo?" tawag ko sa kaniya kaya napalingon naman siya sakin.


"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong niya.


"Bwisit! Sabihin mo na lang kasi ang problema mo, hindi ako makakabalik doon kung hindi raw kita nasuyo, letse!" kaya tumawa naman siya. Tapos ngayon tatawa siya? Baliw siguro tong lalake na to.....


Bigla naman siyang tumayo tsaka naglakad palapit sakin kaya umatras naman ako. Nakatingin lang ako sa mata niya at sinubukang basahin ang ekspresyon niya pero hindi ko kaya. Nakatitig lang siya sa mata ko habang papalapit sakin tsaka may kakaiba eh, nakakatakot yung pagkaseryoso niya.


Hindi naman as in takot na takot, basta di ko ma-explain. Pag tumitig siya sakin gamit ang ganung ekspresyon ay nangingilabot ako, may kakaiba talaga sa titig na yun eh. Mas binilisan niya ang lakad niya kaya nahawakan niya ang kamay ko tsaka hinila papalapit sa kaniya.


Niyakap niya naman ako na parang ayaw na rin niyang pakawalan. Sinubukan ko siyang itulak pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin. Nakahawak ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko tsaka yung isa naman ay nasa likod ko lang.


Nasa dibdib niya ang ulo ko dahil mas mataas naman siya sakin. Rinig ko ang bawat pintig nun at nagtataka ako kung bakit....mabilis?


"Hindi ka naman siguro mahuhulog sa lalakeng yun diba?" sabi niya.


"Wala pa akong oras para mahulog sa iba Chief." sabi ko kaya humigpit na naman ang yakap niya.


"Promise me." promise?


"About what?"


"Huwag kang mahulog sa kaniya o kahit kanino." ano daw?


"I can't promise that."


"Why? Gusto mo ba siya?" ano daw?


"Hindi ko siya magugustuhan, w-wala na rin ang t-taong mahal ko. Ito na siguro ang oras na pakawalan siya and honestly? Nahihirapan ako."


"Kaya kitang tulungan Winter, kahit sa anong paraan." bakit niya ba ginagawa to? Naguguluhan na ako sa kanya.


"Bakit mo ba ginagawa to? Naguguluhan na ako sayo." tanong ko.


"Kaya kong sumugal Winter. Mapalaya mo lang siya. Alam mo ba kung bakit? Dahil nahulog na ako, hulog na hulog. I can't even do anything para pigilan to." sabay kalas sa yakap. Tumingin na naman siya sa mata ko kaya kita ko na naman yung ekspresyon niyang hindi ko mabasa. Gusto kong umalis pero nakahawak ang kamay niya sa magkabilang braso ko.


Maya-maya ay nilapit niya ang mukha niya, my heart also beats fast at ewan ko lang kung bakit, baka kinakabahan lang ako. Halos hindi na rin ako makahinga ng dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, mukha akong hinabol ng ewan ko lang kung ano dahil sa bilis nito. Hinalikan niya ako sa pisngi ko and this time medyo matagal kaysa kanina, nung nilayo na niya ang mukha niya ay ngumiti siya sakin.


Tinulak niya ako patalikod at palabas ng garden. Nasa likod ko lang siya na tulak-tulak ako, pasekretong humawak ako sa dibdib ko dahil medyo nahirapan akong huminga ngayon. Naguguluhan na talaga ako, gulong-gulo. Bakit kasi ginagawa niya yun, ano bang ginawa mo sakin Chief?


"See? Kay Winter lang yan kakalampag!" nabalik ako sa huwisyo dahil sa sinabi ni Kenjie.


"Ano OK ka na Chief? Lawak ng ngiti ah? Anong ginawa ni Winter sayo bakit lawak ng ngiti mo?" sabi niya.


"Anong ginawa mo Winter? Paturo naman oh. Badmood kasi minsan si Chief sa dorm." tanong ni Kenjie kaya napalunok naman ako. Stay calm, Winter hindi naman nila malalaman yun.


"Nag-usap lang naman kami." congratulations Winter! Di ka na-utal galing mo.


"Usap lang talaga?" sabi ni Samantha.


"Oo, why?" ganyan nga Winter. Huwag kang mautal.


Hindi ako maka-concentrate sa pagkain ko dahil ramdam ko ang titig niya sakin.

AUTUMN'S POV:

Simula nung dumating na si Winter at Kairon ay naging tahimik si Winter. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero alam kong naguguluhan tong si Winter.


"Kuya, may napansin ka ba kay Winter?"


"Yeah, tulala kasi siya kanina pagdating nila dito."


Nagkatitigan naman kami ni Kuya tsaka sabay tingin kay Mom na nakatingin rin kay Winter. I think binabasa niya ang isip niya. Lumapit naman kami ni Kuya kay Mom tsaka tinanong kong ano ang nabasa niya sa isip ni Winter.


"Naguguluhan siya kay Kairon, hindi niya alam kong bakit niya yun ginagawa. I think nagseselos si Kairon dun sa lalake na lumapit kay Winter kanina and believe me, mas naguguluhan si Winter sa sinabi ni Kairon kanina." sabi ni Mom. Ano kayang sinabi ni Kairon na nagpagulo kay Winter?


*****

Continue Reading

You'll Also Like

879K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...