MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.5K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 20:

73 2 0
By Sparkyspark15


KAIRON'S POV:

Habang papunta na kami sa area ng mga Grade 7 Class A ay nakatingin lang ako minsan sa kaniya. Hindi naman mabigat tong dala ko kaya hindi ako nahirapang buhatin.


Tumabi ako sa kaniya tsaka sinadyang banggain ang balikat niya. Habang ginagawa ko yun ay hindi niya parin ako pinapansin. Ano ba yan! Pansinin mo naman ako oh!


"Anong kailangan mo?" sa wakas!


"Yung kanina kay Irene, bati na kayo?" kaya humarap naman siya sakin.


"Hindi ko masasabing bati na kami pero I can say na ayos naman kami. Why? Akala mo siguro gugulpihin ko siya no?" sabi niya.


"Hindi, alam ko naman na hindi mo yon gagawin."


"Talaga? Pwedeng kitang gulpihin ngayon." kaya nabigla naman ako sa sinabi niya.


Tumawa naman siya dahil sa reaksyon ko. Alam mo yong feeling na gusto mong magalit dahil naaasar ka pero hindi mo magawang magalit sa kaniya. She's to precious to me, hindi ko na iniwas ang tingin ko sa kaniya na tumatawa pa hanggang ngayon.


"Alam mo? Na-ooffend ako doon pero hindi ko magawang magalit sayo." sabi ko.

"Talaga? Dahil ba masyadong cute ako sa paningin mo?" sabay pa cute.


Umiwas naman ako ng tingin dahil sa ginawa niya. Bwisit! Ang cute niya! Kung di ko lang siguro hawak ang box na to ay kinurot ko na ang pisngi nito.


"Waaah! Namumula ka! So totoo nga!" sabi niya.


"Hindi kaya ako namumula!" depensa ko.


"HAHA! Namumula ka Chief!"


"Sabing hindi eh." kunwari seryoso.


"Hindi mo ako mauuto Chief! So cute talaga ako? Aminin mo na! Nahiya ka pa. Cute talaga ako?" sabi niya.


Bwisit! Bakit ba kasi hindi ko kayang magalit sa kaniya. Hindi rin siya na-aapektuhan sa pagiging seryoso ko tapos hindi rin ako maka-poker face pagkasama ko siya.


"Tumahimik ka na nga!"


"Seryoso seryoso pero ngingiti rin naman. So cute talaga ako para sayo? You can't handle it diba? HAHAHA ang cute ko talaga!" sabi niya.


Hindi ko na lang siya pinatulan dahil alam ko naman na aasarin lang niya ako. Kasi naman eh, ang cute niya lalo na ang tawa niya.


Pagdating namin sa Section 1 ay kumatok muna kami sa pintuan. Actually, hindi siya nakaclose kakatukin ko lang para makuha ang atensyon ng Teacher.


"Oh? Mr. Castro and Ms. Perez right?" kaya tumango naman si Winter.


"Do you need anything?" sabi ng Teacher.


"Manghihingi po sana kami ng konting oras dahil po dito, ok lang po ba?" sabi ni Winter sabay bigay ng letter.


Binasa muna ito ng Teacher tsaka tumango samin. Pinapasok niya muna kami kaya nilagay na namin ang box sa table na nasa harapan nila.


"Everyone, inutusan kami ng Principal para sa form na to. It's only for the transferee, so tutal lahat naman kayo ay isang transferee so you need to fill-up this form. Kung may hindi kayo naintindihan dito, huwag kayong mahiya na lumapit samin." sabi niya.


Tinulungan ko siya sa pagbigay ng Forms para masimulan na nila ito. Habang nagfi-fill-up sila ng form ay may isang student na nagtaas ng kamay.


"Yes, sweetheart? May problema ba?" tanong ni Winter. Sa daming pwedeng itawag, sweetheart pa talaga?


"Can we ask some questions?"


"Sure, kahit ano. Para hindi naman boring, go ask anything habang naghihintay kami sa inyo." sabi ni Winter kaya tumango naman ako.


"May relasyon po ba kayo ni Chief?" tanong ng student.


Nanlaki naman ang mata ni Winter dahil sa sinabi niya, nag-ingay naman ang room dahil sa naging tanong ng kaklase nila. Tumingin sakin si Winter na parang sinasabing 'ikaw-na-sumagot'.


"You heard my student, Ms. Perez...." sabi naman ng Teacher nila, sabay ngiti samin.


"Walang kami, students. Bakit niyo naman natanong?" sabi ni Winter.


Tumawa na lang ako dahil sa sagot niya, hinampas naman niya ako tsaka hinarap na ang estudyanteng nagtanong nun.


"Sayang naman." tsaka umupo na.


Maya-maya ay may nagtaas na naman ng kamay kaya tinawag siya ni Winter. Pwede siyang maging teacher dahil sa trato niya sa mga students dito.


"Pero may chance bang magiging kayo?"


"Maybe no, maybe yes. Nobody knows, hoy Chief. Tulongan mo naman ako dito." kaya tumawa naman sila.


"Grabe, your too young para sa ganyan. Saan niyo naman napulot yan? Ako dati, grade 8 ako that time ay nahihirap pa ako kung pano tumawid ng kalsada ng hindi masasagasaan tapos kayo lovelife-lovelife na?" kaya tumawa naman sila.


"Chief! Kung magkaka-anak ka, ilan gusto mo?" kaya ngumiti naman ako sa nagtanong non.


"Dalawa, isang lalake at isang babae. Ang lalake ay dapat mana sakin tapos ang babae ay dapat mana kay Winter." kaya nagtilian naman sila.


Sinamaan naman ako ng tingin ni Winter dahil sa sinabi ko. Hinampas na naman niya ako kaya pinilit kong saluhin ang kamay niya. Hindi biro ang bigat ng kamay niya kaya masakit kahit hampas lang.


Maya-maya ay tapos na silang mag fill-up nun at pinasa na nila kay Winter tapos nilagay na sa box niya. Naka-staple na rin kaya nagpaalam na kami sa kanila pati na rin sa Teacher nila.


Halos tatlong oras na kami sa ginagawa namin, sa Grade 7 lang naman kami natagalan dahil transferee naman silang lahat. 7:00 AM ang start ng klase namin at 10:00 na ngayon. Start na ng recess ng Academy so we decided na mag-recess na lang muna.


Bumaba na kami sa building ng Grade 9 dahil tapos na rin naman kami sa grade level na yun. Habang papunta sa Cafeteria ay nakita namin ang Rangers kasama sila Samantha at Alexis, I think hinihintay nila kami.


Lumapit na kami ni Winter sa kanila tsaka pumasok na sa loob. Naghahanap muna kami ng pwesto para ilagay tong box na dala namin.


Pagkatapos naming ilagay yun ay sabay na kaming nag-order ng pagkain. May nag burger, may nag Hotdog Sandwich at also fries. Dalawang large fries ang kay Winter tsaka yung Chuckie niya.


Pagdating namin sa pwesto namin ay nilipat muna namin ang box sa ilalim ng lamesa para makakain kami ng maayos. Kaharap ko ngayon si Winter na nagsimula ng kumain.


"Ano pala ang ginawa niyo sa Math? May assignments ba? or nag lesson lang kayo?" tanong niya.


"Yeah, meron. Magpapaturo lang kami sayo, pwede naman diba?" sabi ni Claire.


"Pwede naman, pero anong oras?"


"5:00 PM, sa mini garden sana tayo magstu-study." may lakad kami ni Winter kaya bawal siya---I mean kami.


"Bawal, may lakad kami ni Winter mamaya." sagot ko.


Tinignan naman nila ako tsaka sinamaan ng tingin. Tinaasan ko naman sila ng kilay katulad ng ginagawa ni Winter.


"Cancel mo na lang Chief. Ibigay mo muna si Winter samin, grabe ang sakit ng ulo ko sa Math na yan. Hindi ko alam kong bakit o saan niya nakuha ang 8 na yun lintek!" sabi ni Kenjie.


"Hindi niyo talaga na gets? Alexis? Samantha?" tanong naman ni Winter.


"Hindi nga, ako na nga lang ang nakinig dahil tulog tong bruha na to." turo ni Alexis kay Samantha.


Tumingin naman ako kay Winter na ang lalim ng iniisip. Nagkatinginan naman kaming pito tsaka binalik ang tingin kay Winter.


"Parehas lang ba kayo ng assignment sa Math?" tanong niya.


"Yeah, pero 5 items lang ang samin tapos 10 items kina Claire or sainyo." sabi ni Alexis.


"Dala niyo ba ang notebook niyo?" tanong ni Winter kaya tumango naman sila.


"Akin na, babasahin ko muna para pag naintindihan ko ay sasabihin ko sa inyo." sabi ni Winter kaya binigay naman ni Claire ang notebook niya.


Kita kong binasa na ni Winter ang lesson namin ngayon. Nasa harap ko siya at kita rin ang pagiging seryoso niya habang binabasa ito. Maya-maya ay bigla siyang ngumiti na parang nagyayabang.


"Ang dali lang naman ah?" kalmadong sabi niya. Ano daw?


"Winter, gusto mong bitayin kita? Halos sasabog ang utak ko kaka-intindi sa math equations na yan tapos sasabihin mong ang dali lang? Aba! Gusto mong tadyakan kita diyan?" sabi ni Kenjie. Sinamaan naman siya ng tingin ni Winter kaya nag-peace sign naman siya.


"Tuturuan kita o hindi?" banta ni Winter.


"Oh my god ~~ syempre tuturuan." sabi ni Claire.


Nagsimula ng mag-explain si Winter tungkol doon kung pano yun masolve, tahimik naman kaming nakikinig sa kaniya. Hindi naman siya boring pakinggan dahil ibang-iba ang way ng pagturo niya kaysa sa ibang Teacher.


Kalmado lang siya at mukhang alam na alam niya ang sinasabi niya. Makikita mo rin na hindi sila naboboring na pakinggan yun. I hate to admit it pero mas magaling magturo si Winter kaysa sa ibang Teacher.


Seryoso rin siya na parang sinasabi na huwag mo akong disturbohin, nagbigay rin siya ng example kaya mas naintindihan namin yun.


"Yan, ganyan lang. Hindi naman mahirap diba?" sabi ni Winter.


"T*ng*na, ganun lang pala?!" sabi ni Kenjie.


"Ganun lang pala pero nagmumukha akong baliw kakasolve doon makuha lang ang sagot letse!" sabi naman ni Alexis.


"Ganun lang? Takte! Ikaw na lang Teacher namin Winter." sabat naman ni Samantha.


"Halos sumabog na utak ko tapos ang dali lang pala nito. Bwisit!" bulong ni Kurt.


"Pano mo nalaman to? Binasa mo lang tapos alam mo na agad?" tanong ni Kenneth.


"Ganyan lang pala? Mahirap talaga kung wala si Winter, walang magtuturo satin." sabi naman ni Claire.


Tumawa na lang sa kanila si Winter dahil sa naging reaksyon nila. Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin dahil ilang minuto na lang rin ay mag ri-ring na ang bell.


"Chief, tapos na kayo sa pinapagawa ni Ms. Principal?" tanong ni Kenjie.


"10, 11 at 12 na lang. Siguro makaka-pasok pa kami for afternoon class." sagot ko kaya tumango naman sila.


Maya-maya ay tumunog na ang bell kaya sabay na kaming tumayo tsaka kinuha yung box sa ilalim ng lamesa namin. Lumabas na rin kami sa cafeteria at nagpaalam na sa kanila.


Pumunta agad kami sa building ng mga Grade 10 tsaka binigyan ng form. As usual, about samin ni Winter ang tinatanong nila. May isa ngang nagtanong na nagkiss na ba raw kami kaya agad namang nag-react si Winter.


Hindi naman masyadong matagal dahil hindi naman marami ang mga transferee dito. Ngayon sa building na namin kami papunta, syempre una yung samin dahil nasa pinakamataas naman ang area namin.


Nakatingin lang ako kay Winter while humming a song. Hinayaan ko na lang siya tsaka tumabi sa kaniya, mukhang sanay na siguro siya sa mga ginagawa ko dahil hinahayaan niya na lang ako. And you know what? Edi hindi na siya masyadong na-iilang.


Pagdating namin sa room namin ay kita kong nagtuturo na si Ms. Flores ngayon about sa Art. Kinatok ko na yung pintuan kaya napatingin naman samin si Ms. Flores. Nakangiti siya samin tsaka pinapasok.


"Alam ko na ang kung anong gagawin niyo, nasabi na sakin ng Rangers, go take your time. Ok lang sakin." sabi niya.


"Thanks Ms."


"Sa mga kaklase kong transferees, pwede ba kayong lumapit dito? May form kayo dito na kailangan niyong fill-up-pan." sabi ni Winter kaya lumapit naman samin si Alice at Joey.


Kumuha siya ng tatlong forms dahil transferee rin naman pala siya. Sabay silang nag fill-up ng form, dahil boring ako pagtripan ko na lang muna to si Winter.


Nilagay ko ang ulo ko sa braso ko tsaka pinagmasdan siya. Tumawa naman sina Joey at Alice sakin pero hinayaan ko lang sila. Ang seryoso niya.


"Ang seryoso mo babe." sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig nilang lahat.


"Ano daw? Babe?"


"Gago! Sila na ba?"


"Pasikat talaga tong si Chief. Masuntukan ka sana ni Winter."


"Hayaan mo na nga, inggit ka lang eh."


"Tumahimik nga kayong dalawa, ang ingay niyo."


Sinamaan naman ako ng tingin ni Winter dahil sa sinabi ko. Tumawa sila Joey at Alice dahil sa naging reaksyon niya. Nilagay niya ang ballpen niya tsaka hinarap ako.


"Anong nga yong sinabi mo?" sabay pakita sa kamay niya. It's either susuntukin niya ako o hahampasin, ito naman hindi ma joke.


"Sabi ko ang seryoso mo Winter. Ikaw naman di ma biro." sabi ko.


"Buti na lang biro yun, maniniwala sana ako." kaya nag-ingay naman ang room namin. Nag-iwas naman ako ng tingin dahil sa naging banat niya. Bwisit!


"HAHA! Winter lang malakas!"


"Kinilig si Chief! Ayieeee!"


"Grabe yung banat ni Winter."


"Hashtag kinikilig si Chief."


"Idadag mo rin, hashtag namumula si Chief."


Binigay na ni Joey at ni Alice ang form nila kay Winter. Inipon na ni Winter ang form nilang tatlo tsaka ginamit na ang stapler.


Nagpaalam na rin kami kay Ms. Flores tsaka pumunta na sa ibang section. Hindi rin masyadong matagal ng makarating na kami sa room nila Alexis at Samantha.


Nakita kong walang teacher ang room nila pero isang students ang nagbabantay sa kanila. I think siya ang President.


Kumatok si Winter sa pintuan nila kaya napatingin naman sila samin. Ngayon ko lang napansin na si Eli pala yung President dito sa Class C Section 1.


"Winter? Napadalaw ka sa Section namin, may kailangan ka ba?" kay Winter lang siya nakatingin at never rin niya akong tinignan.


"May inutos kasi si Ms. Principal samin about sa mga transferees, may form kasi sila na kailangang fill-up-pan." sabi naman ni Winter.


"Sure, pasok ka. Oh? Nandito ka rin pala Chief? Hindi kita napansin." busy ka kasi kakalandi sa Winter ko.


"Halata naman diba? Anong tingin mo sakin? Clone?" sagot ko. Hindi na niya ako pinansin tsaka binalik ang tingin kay Winter.


Pumasok na kami tsaka nilagay na ang box sa table nila. Nakatingin parin siya kay Winter na kausap siya ngayon. Ang lawak ng ngiti niya ang sarap tanggalin.


"Everyone, lapit kayo dito kay Winter ang lahat ng transferees para sa form na kailangan niyong fill-up-pan." may lumapit saming walong students kaya binigyan ito ni Winter.


Nakatingin lang ako kay Winter at kay Eli na masayang nag-uusap, ako naman dito sa gilid ay ang sama ng tingin sa kaniya. Gusto kong kunin si Winter pero hindi naman siguro tama yun.


Napatingin naman ako kina Alexis at Samantha na tumatawa sakin. Alam siguro nila na nagseselos ako sa dalawa. Tumayo naman silang dalawa tsaka lumapit samin, ano kaya ang balak nila?


"President! Alam kong pagod ka na kaya umupo ka na doon. Trabaho ko na naman to." sabi ni Alexis.


"Per--"


"Sigi na, Vice President naman si Alexis tsaka Secretary naman ako kaya sigi na magpahinga kana. Bawal dapat mapagod ang President namin." sabi naman ni Samantha.


Walang nagawa si Eli kong di ang umupo sa upuan niya. Napatingin naman ako sa dalawa na pasekretong ng thumbs up sakin. Tumawa na lang ako sa ginawa nila. Now I know kong bakit magaan ang loob ni Winter sa kanila. Hindi kasi sila nahihiyang ipakita ang totoong sila katulad ni Winter.


"Bakit wala kayong teacher?" tanong ni Winter.


"Ewan ko lang, nagbigay lang siya ng activity." sabi ni Samantha.


Nagkatitigan naman yung tatlo tsaka sabay ngumiti nang nakakaloko, ano na naman kaya ang plano nito. Bumalik sila doon sa upuan nila tsaka may kinuha na papel?


"Tama ba yung sagot namin?" sabay pakita sa papel nila. Now I know....


"Nagkopyahan ba kayong dalawa?" tanong ni Winter.


"Obviously." sabi naman ni Alexis.


"Yung 9 dapat b tapos yung 3 dapat c and yung 6 ay dapat a." sabi ni Winter kaya agad naman nilang pinalitan ito. Grabe! Bestfriend goals, matalino rin naman ako pero never naging ganito ang gawain naming Rangers.


Well wala tayong magagawa, dahil pag hindi naman namin alam ang sagot ay kay Winter naman kami tatakbo, katulad sa Math kanina. Kahit wala ako sa klase ay naintindihan ko yon dahil sa kaniya.


Maya-maya ay pinasa na ng mga estudyante ang form na binigay sa kanila. Nagpaalam na kami kay Alexis at Samantha tapos si Winter naman ay nagpaalam rin kay Eli kaya ayun ang lawak ng ngiti. Hinila ko na si Winter papunta sa building ng Grade 12, sa wakas last na lang.


Umakyat agad kami sa hagdanan at pumasok sa room nila. Halos lahat rin sa kanila ay nag-aassume na kami na ni Winter. Well, soon.....


Saktong lunch time ay natapos na namin ang pinapagawa ni Ms. Principal. Bumaba na agad kami at napagplanuhan na mamaya nalang ihahatid kay Ms. Principal.


As usual, nauna sila samin. Nandoon na silang lahat at kami na lang ang hinihintay. Alam kong walang sout na blazer si Winter ngayon kaya kitang-kita ang maganda niyang katawan pero hinayaan ko na lang baka naiinitan lang.


"Hindi parin kayo tapos?" tanong ni Kenjie.


"Huh? Tapos na kami, mamaya na namin to ihahatid ni Chief. Gutom na rin ako eh." sabi naman ni Winter.


"Palagi ka namang gutom." sabi ni Samantha sabay irap. Tumawa naman si Winter tsaka napa-iling na lang.


"Pasok na tayo, gutom na rin ako." sabi naman niya kaya binatukan naman siya ni Alexis.


"Ang galing mo sa part na yun pero gutom ka na rin pala kaya mas mabuti ng tumahimik ka na." sabay pasok sa loob.


Hinawakan na lang ni Samantha ang batok niya tsaka sumabay ng pumasok samin. Nakasimangot lang siya ngayon kaya tumawa na naman sa kaniya si Winter. Ang cute niya talagang tumawa kahit kailan.


Katulad ng ginawa namin kanina ay nilagay lang namin sa ilalim ng lamesa ang box tsaka kumain na. Tapos na kaming mag-order at buti na lang ay nakakita agad kami ng mauupuan.


"Magbibihis pa ba kayo ni Chief ng uniform Winter?" tanong ni Claire.


"Ewan ko lang sa kaniya pero sakin ay hindi na. Susuotin ko na lang ang blazer ko." sabi niya.


Tumango na lang si Claire sa sinabi ni Winter tapos maya-maya ay napunta sa kaniya ang atensyon namin. Nag ring kasi ang phone niya kaya hinintay namin kung sino ang tumawag sa kaniya.


"Yes Kuya?" kuya niya pala.


"Nangungumusta lang kung buhay ka pa ba." kaya napasimangot naman si Winter. Naka-loudspeak kasi kaya rinig namin ang sinasabi ng Kuya niya.


"Kaluluwa ko to Kuya, kaluluwa. Letse!" kaya tumawa naman kami.


"Joke lang, ginamot mo na ba ang sugat mo?"


"Yeah, bakit mo natanong?"


"Wala lang, palagi mong lagyan ang sugat mo para hindi magtatagal sayo. Hindi lahat nagtatagal iiwan ka rin niyan." Wow Hugot


"T*ng*na Kuya, nabusted ka na naman ba?" tanong ni Winter.


"No, I just encountered a couple na naghiwalay dito sa resort."


"Talaga? Meron?"


"Bakit? curious ka?"


"Huwag na lang, baka huhugot ka na naman."


"Just kidding, sis. Lunch time niyo diba? Kumain ka ng marami para hindi ka malipasan. Bye na, umayos ka diyan."


"Bye Kuya." sabay baba ng phone.


"Humuhugot pala si Kuya Spring?" tanong ni Samantha.


"Yeah, pag walang trip. Minsan bumabanat rin, hindi lang naman siya, kaming tatlo. Boring siguro doon, gusto kong pumunta doon para makapag-relax kaso medyo malayo ang byahe tapos may klase pa kaya sa susunod na lang."


"Sasama sana ako pero alam ko naman na ang mahal nun kaya huwag na lang." sabi ni Samantha.


"Yes we can, resort ko yun kaya nasa sakin na kung libre kayo doon o hindi." kaya napanganga naman kami. Ano daw?


"Resort mo?!" sigaw namin.


"Huh? Hindi ko ba nasabi?" kaya tumango naman kami.


"When I turned 20, ako ang magmamana sa resort na yun and also sa dalawang sikat na hotel dito sa Mystic City." Gago! Ang yaman naman pala niya.


"Sila Ate Autumn at Kuya Spring, ano naman ang sa kanila." tanong ni Alexis.


"Sa kanila sana ipapamana yung resort pero mas maaalagaan ko raw yon kaysa sa kanila. Sabi ni Ate na hindi raw niya kayang Ihandle yung resort tapos kay Kuya naman ay ayaw raw niya dahil mapapagod lang raw siya doon. May dalawang Hotel rin naman sila dito." sabi niya.


"Grabe! Ang yaman mo naman pala, hindi halata dahil hindi ka naman isang spoiled brat na palaging nagyayabang." sabi ni Alexis.


"Hindi naman ako ganyan, ayaw ni Mom na magiging spoiled brat kami. Para makuha ang isang bagay, dapat paghirapan raw namin ito. Mas magaan kasi sa feeling lalo na pag nakuha mo ang isang bagay na pinaghirapan mo, worth it talaga."


"Katulad ng?" tanong ni Claire.


"My cards. Mom said na pag honor ako ay bibigyan niya ako ng isang card. I was grade 8 that time when I got my first card. Hindi rin naman ako magastos at minsan ko lang rin ginagamit. May baon rin naman ako, kaya tinatabi ko lang incase of emergency." sabi niya.


"Ilan ang baon no?" tanong ni Samantha.


"1000 pesos." Grabe!


"You want to go there diba?" kaya tumango naman yung tatlong babae.


"I was planning na sa October, since may semestral break naman. Doon tayo for 3 days, mas enjoy siguro kong isasama ko kayo. Don't worry, sakin naman yung resort na yun kaya libre kayo doon as long as kasama niyo ako." kaya napanganga na naman kami.


"S-seryoso?!" sigaw ng tatlo.


"Ayaw niyo? Edi ako na lang."


"Ofcourse sasama kami, pero Ok lang ba?" sabi ni Alexis.


"Actually, matagal nang nag-suggest si Mom na mas enjoy kong may kasama ako. Alam niyo naman siguro na wala akong masyadong kaibigan noon. Yan ang palaging ginagawa ko everytime na sobrang stress ako, minsan kami lang ng gang o boy bestfriend ko ang kasama ko."


Tumango naman kami sa sinabi ni Winter, June pa lang ngayon kaya 4 months pa ang hihintayin pero ramdam ko na na excited na ang tatlo sa sinabi ni Winter. Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin dahil maya-maya ay tutunog na yung bell.


*****

Continue Reading

You'll Also Like

932K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...