MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.3K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 8:

125 4 0
By Sparkyspark15


KAIRON POV:

"What do you mean? Anong ginawa mo Irene? Why did you hurt her?" kaya napalingon sila sakin.


"Siya naman ang nagsimula ah? Napakababa naman ng pride kong hayaan ko lang siyang maliitin ako. Pero teka, bakit concern ka?"


"We all know na ikaw ang nagsimula Irene. Siga nga, tell me. Bakit ka lumapit sa table nila at ibuhos sa kaniya ang gatas? Anong ginawa niya sayo para gawin mo yon? Sino ang unang sumampal sa inyong dalawa? Siya ba? Ikaw naman diba dahil natapakan niya ang pride mo. Ayaw mong aminin na mas lamang sya sayo. Tapos sinabihan mo pang, hindi siya mahal ng mga Perez dahil naaawa lang sila sa kanya. Kita mo naman siguro ang galit ng Ate niya ng nakita niya ang ginawa mo. Tapos ang pagtitimpi ng Kuya niya." sabi ni Claire.


"Pano niyo naman nasabi? Wala naman kayo doon."


"Nandoon kami, kitang-kita namin ang simula hanggang huli. Kita nga namin kung pano niya binuhos sa mukha mo ang juice ng kaibigan niya. Kita rin namin na na out of balance ka matapos ka niyang sampalin. Alam rin naman na nahilo ka non. Malakas ba? Tapos hindi ka pa makapagsalita dahil hilong-hilo ka na. Kita naming lahat, may video pa nga ako eh." dagdag ni Claire.


Kaya napatingin naman sa kaniya si Irene. Kita rin sa mata niya ang pagkabigla kaya wala siyang nasabi. May panlaban na sila sakanya.


"Patingin nga Claire. I want to watch it." kaya binigay naman niya sakin ang phone niya. Agad kong pli-nay ang video at pinanood.


Kitang-kita talaga kung paano siya pinuntahan ni Irene. Kitang-kita rin kung pano niya prinotektahan ang kaibigan niya. Kita rin kung pano niya binuhos kay Irene ang juice ng kaibigan niya. Kita rin kong pano niya sinampal si Irene at pano siya sinampal ni Irene.


Kitang-kita ko lahat, so alam na namin na si Irene talaga ang kasalan. Wala naman siyang ginawa eh, prinotektahan niya lang ang kaibigan niya.


"Nandoon kayo? Pero bakit hinayaan niyo lang akong apihin doon?" tanong ni Irene.


"So alam mo na ang feeling ng inaapi diba? Ganyan rin ang nararamdaman ng mga estudyanteng pinahiya mo. Alam mo bang kulang payon? Maraming students ang na-trauma sa ginawa mo. Maghintay ka lang, hindi mag tatagal. Malalaman at malalaman na ito ni Ms. Principal. Hindi naman kami magsusumbong, pero yung bunsong Perez. Hindi nga siya takot sayo kahit alam niyang pamangkin ka ng Principal dito, pano pa kaya sa mga walang kwenta mong blackmail?"


Pagkatapos sabihin ni Claire yun ay tumayo siya at lumabas sa cafeteria. Bahala siya sa buhay niya, nakaka-inis kasi eh.


Sinaktan siya ni Irene at sa mukha pa niya. But she's still the same. Her braveness is one of the reason why I like her.


Palagi ko kasi siyang sinusundan kaya alam kong sino ang naging kaaway niya. She's like an angel in disguise. A beautiful angel, to be exact.


Napangiti naman ako sa naisip ko, alam kong mukha akong baliw pero basta. May chance akong makasama siya o kahit maka-usap man lang. Yung makita mo siyang ngumiti sa harap mo at kahit mahawakan man lang siya.


"I think kailangan na talaga nating dalhin sa Mental si Chief. Nakakatakot na kasi, ngumingiti na lang bigla." sabi ni Kenjie.


"Chief! Umamin ka nga? Ngumingiti ka lang naman kung nakita mo yung babaeng sinasabi mo sakin. Nandito ba siya?" tanong ni Claire kaya ngumiti na naman ako.


"Yeah, she's here."


"Sino? Curious talaga ako. Kung bakit patay na patay ka sa kaniya." sabi ni Kenjie.


"Hindi naman pero parang ganun na nga." sabay ngiti.


"So sino nga?"


"The girl with white hair."


Nagkatitigan naman silang lahat at sabay tumungin sakin. What? May mali ba akong sinabi?


"Yung bunsong Perez?" tanong ni Kenjie.


"Oo, na kompirma ko kanina lang. Hindi ko nga alam ang pangalan niya pero memoryadong-memoryado ko naman ang boses niya."


Kaya nagkatitigan na naman silang apat. Ano bang problema nila?


"Kaya pala nagalit ka bigla dahil sa sinabi ni Irene." sabat ni Kenneth.


"Eh sino namang hindi? Sinampal niya yung magandang mukha niya. Yung mukhang palagi kong tinititigan."


"Malala ka na Chief." sabi ni Kurt.


"Malala na kong malala. Bwisit!"


"She's in our class by the way." sabi ni Claire.


Kaya napalingon naman ako sa kaniya. Totoo? Sure siya dyan? Oh! This is bad, malala na talaga ako.


"Yes, she got 96% nung enrollment." sabi ni Kenneth. Ang lakas talaga niya.


"Well, alam ko namang malakas siya. Kahit sino naman siguro."


"Ikaw lang Chief. Ikaw kayang palaging nandoon kung asan siya pumupunta. Kulang na lang ang maging stalker ka niya." sabi ni Kenjie.


Hindi ko na lang sila pinansin at inaya nang pumasok sa loob ng dorm namin. Pagdating namin sa loob ay dumeretso na agad ako sa kwarto ko.


I didn't thought na makikita ko siya dito. Dati doon sa Park kaya nalungkot ako nung time na yun dahil hindi ko siya nakita. Then, nakita ko siya dito. Bumili ng paborito niyang choco drink at kung hindi ako nagkakamali dala rin niya ang gummies na palagi niyang kinakain.


Nagbihis na ako ng damit para maya-maya ay matulog na. Isang araw na lang, makikita ko na siya ng harap-harapan. Konting tiis na lang Kairon, konting tiis na lang.


Pagkatapos kong magbihis ay humiga na agad sa kama. Kinuha ko muna ang cellphone ko at tiningnan kong may text ba o wala.


Pagkatapos kong ma-check ay tinabi ko na ito at umayos na sa paghiga. Pagod rin ako kaya nakatulog agad ako.

WINTER POV:

(8:30 AM)

Pagkagising ko ay tumayo ako at humarap sa salamin. Tiningnan ko ang mukha kong maganda parin kahit bagong gising.


Pumasok muna ako sa banyo at nag hilamos tsaka lumabas na. Paglabas ko sa kwarto ko ay tahimik pa ang sala so tulog pa sila.


Agad akong pumunta sa kusina at naghanda na para sa agahan namin. Simpleng sunny side-up at hotdog lang ang niluto ko.


Nagluto na rin ako ng kanin para samin dahil ubos na yung niluto ko kahapon. Ang lakas nilang kumain.


Naghintay lang ako ng ilang minuto para maluto na tong niluto ko. Nilipat ko na to sa lalagyan at dinala sa lamesa. Nakahanda na ang lahat, kami na lang ang kulang.


Umakyat na ako at kinatok ang pintuan nila. Kwarto ni Alexis ang una kong kinatok dahil ito naman ang malapit sakin.


"Alexis, gising na. Nakahanda na ang pagkain sa baba." naka-ilang katok pa ako bago narinig ang boses niya.


"Opo, gising na ako." kaya lumipat na ako sa kwarto ni Samantha.


"Samantha, gising na. Nakahanda na ang pagkain sa baba." kagaya ni Alexis ay narinig ko na ang boses niya kaya umuna na ako sa baba.


Pumunta muna ako sa fridge at kinuha ang choco drink ko. Nakita ko ang isang balot ng gummies ko na bukas ang isang pack.


Tumawa na lang ako dahil hindi na lang kasi nila inubos. Hindi naman ako galit, ok lang naman sakin dahil kaya ko namang bumili ng marami.


Pagsara ko sa fridge ay nakita ko silang naka-upo na parang kinakabahan. Tumawa na naman ako dahil akala siguro nila magagalit ako.


"Calm down, hindi ako galit. Ok lang naman atleast may iniwan pa kayo." kaya nakahinga naman sila ng maluwag.


"Kumain na kayo, dahil sasamahan niyo ako sa mall ngayon." tsaka nagsimula ng kumain.


"Anong gagawin natin sa Mall?" tanong ni Alexis.


"Mag gro-grocery tayo tapos dadalaw ako sa Tita ko na may sikat na parlor dito Mystic City."


"Sigi." sabay nilang sabi.


Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain naman ay naka-rinig ako ng doorbell. Sabay kaming tumayo at pumunta sa pintuan.


Pagbukas namin ay may nakita kaming dalawang lalake at isang babae na may dalang dalawang box. Pinapasok ko muna sila at pina-upo sa sofa.


"Your Windellyn Terrisha Perez. Am I right?" sabi ng babae.


"Yes, I am. How can I help you?"


"Ms. Principal is giving this to you, for tommorow. This yellow box is our uniform for Class A Section 1. This green box, that is your P.E and this small Red box is your badge as a Class A S1." sabay lapag sa mga box na dala nila.


"Wait? Is this already on my size? Hindi naman ako nagpasukat."


"No need to worry, pag sinuot mo yan ay ang damit na ang mag aadjust sa size mo. Pero base sa katawan mo, hindi na siguro kailangang mag-adjust. You have a beautiful body by the way." Okay?


"I assume na hindi mo pa kami kilala? Tama ba?" Obvious naman diba?


"Yeah."


"I'm Claire Valentina Villanueva, Lightning is my Power."


"Kurt Aidan Fernandez, Force Field Projection is my Power."


"Kenjie Harold Castillo, Hydrokinesis is my Power."


"And were Rangers." sabi nung Claire.


"So, una na kami. May gagawin pa kasi kami, kami ang naka-assign na mag-decorate ng Gym para sa Opening bukas."


Paglabas nila ay kinuha ko na ang tatlong box at dinala sa kwarto. Mamaya ko na to susukatin. Lumabas na ako at pinagpatuloy ang pagkain.


"Nga pala, what do they mean na Ranger sila? What is Ranger?"


"Sila yung anim na students na napili ni Ms. Principal. Mga malalakas sila tsaka sila rin ang pinapadala sa mga mission. Sila rin ang katulong ni Ms. Principal para alagaan ang Students dito sa Academy." sabi ni Lexis.


"Kasali ba si Irene dyan?"


"Sad to say, yes. Kasali siya, she used her title to bully the student. Si Irene rin ang ikalawang students na malakas dito sa Academy kaya walang nagtangka na banggain siya. Ikaw pa lang."


"Malakas? Kung malakas siya, dapat hindi siya natumba nung sinampal ko siya."


"Isa lang ang meaning non." sabi ni Samantha.


"What do you mean?"


"Na mas malakas ka pa sa kaniya. Halata naman di na kailangang alamin."


Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa kwarto namin at naghanda na. Sa mall na rin kami kakain at balak ko rin silang dalhin kay Tita Daisy dahil alam kong matutuwa siya.


Baka nga ayusan niya yung dalawa at hindi na niya ako papansinin. Pumasok agad ako sa banyo at naligo agad.


Paglabas ko sa banyo ay deretso ako sa cabinet ko at kuha ng damit. Dahil hindi naman malalaman ni Kuya na ito ang susuotin ko kaya ito na lang.


Nang maisuot ko na ito ay tiningnan ko muna kong trip ko ba tong damit na to. Nung kontento na ako ay sinuot ko yung white heels na binigay ni Ate.


Tumayo ako pagkatapos kong maisuot yung heels. Kinuha ko na rin ang sling bag ko kung saan nakalagay ang panyo, susi ng kotse ko, wallet at ang phone ko.


Lumabas na ako sa kwarto at nakita ko sila sa sala na naka-ayos na rin. Naka-skirt si Lexis samantalang si Sam naman ay naka-jeans lang pero bagay naman sa kanila.


Naka-ayos ang kanilang magulong buhok pero nandoon parin ang makapal nilang salamin. Infairness, ang ganda nila.


"Ang ganda niyo sa totoo lang. You should fixed your hair sometimes Alexis. Ikaw rin Samantha, mas bagay kasi sainyo na nakatali ang buhok." kaya nabigla naman sila.


"Talaga Winter?" tanong ni Alexis.


"Nakita niyo naman siguro ang sarili niyo sa salamin diba?"


"Yes naman."


"Nagustuhan niyo ba?"


"Oo." sabi ni Samantha.


"Nagustuhan niyo naman pala eh. Pero believe me. Iba kayo sa ayos niyo dati, baka mamaya yung ibang students dito ay hindi makapaniwala na kayo yan. Ang ayos nyong tingnan."


"Oh~ salamat Winter!" sabay nilang sabi kaya tumawa naman ako.


Lumabas na kami sa dorm at deretso agad sa elevator. Nang tumunog na ito ay lumabas na kami and it's right. Maraming students ang naka-nga-nga dahil sa nakikita nila.


Marami rin akong narinig na usapan tungkol sa dalawang babae na katabi ko. It was all good compliment, pero hindi naman talaga maiiwasan na may mga insecure kaya sinasabihan sila ng masamang salita.


But the rest was a good compliment so far. Kita ko rin ang pagngiti nila habang papunta kami sa parking lot.


Pagdating namin doon ay pumunta agad ako sa kotse ko. Alam kong namangha silang dalawa kaya I snap my finger to them.


"Sasakay kayo o sasakay kayo?"


"Ay, wow. Nahiya naman ako sa choices mo Winter." sabi ni Samantha.


Sa backseat sumakay si Alexis habang nasa passenger seat naman si Samantha. Tumawa na lang ako dahil nagmumukha silang baliw.


Nagsimula na akong magmaneho palabas ng Academy. Maraming nakatingin sakin o I mean sa kotse ko. Ang ganda kasi.


Nagpatugtog na rin ako. Thank you, next ni Ariana Grande. Nung nagsimula naman ang kanta ay sumabay naman silang dalawa.


I can clearly see na masaya sila. Inaanod ng hangin ang buhok namin dahil hindi ko nilagay ang bubong nito.


Sa tingin ng ibang tao ay walang bubong pero pwede ko namang malagyan ito. Na kwento kasi ni Kuya na nilagyan ng button ni Apollo ang kotse ko para malagyan ng bubong. He has Technology Manipulation kaya marami siyang naimbentong bagay na kami lang ang meron.


Medyo mahaba rin ang byahe namin dahil sa traffic. Pag park ko sa kotse ko ay lumabas na kami sa sasakyan at pumasok na sa mall.


Diretso kami sa grocery store at kumuha na nag Shopping cart. Ako ang nagtulak nito at silang dalawa ang kukuha ng mga bagay na bibilhin namin.


Marami na rin kaming nakuha siguro pang one month to na budget. Hindi pa naman masyadong puno ang cart kaya kumuha na rin ako ng dalawang malalaking pack ng gummies.


Napuno agad ang shopping cart namin kaya inutusan ko si Sam na kumuha muna ng isa. Pagdating niya ay may dala na siyang shopping cart.


Dahil puno na ang cart na tulak ko ay kay Sam naman namin nilalagay ang mga trip naming bilhin. Pumunta kami doon sa mga drinks at lumapit doon sa choco drink.


Kinuha namin yung malalaking Chuckie. Lima lahat ang kinuha namin.


"Yan na ba lahat?"


"Tama na to. Ang rami nito, sure ka ba dito Winter?" tanong ni Alexis.


"Yeah, ako na ang magbabayad nito. No buts." kaya tumango na lang sila.


Nagpunta na kami sa cashier at binayaran na ang pinamili namin. 15, 537 lahat pero barya lang yan sakin. Joke lang.


Tapos na itong na pack at pitong plastic bag ang bubuhatin namin. Pina-clone ko si Alexis into 2 at pinadala ito sa kaniya.


Dalawang clone lang ang kaya ng lakas niya kaya hindi ko na siya pinilit na paramihin ito. Nilagay muna namin ito sa likod ng sasakyan. Buti na lang meron at ngayon ko lang din napansin. Maliit lang ito pero buti na lang sakto yung pitong plastic bag.


Sinara ko muna ang likod nito at pumasok na muli sa loob 11:52 AM na pala kaya plano naming dito na lang kumain.


Sila ang pinapili ko kung saan nila gustong kumain. They choose Jollibee kaya pumasok na kami sa loob.


Humanap kami ng pwesto hanggang sa nakakita kami. Pang-anim nga lang, pero ok na yun. Iniwan ko muna sila dahil ako na ang o-order.


Hindi ko na sila tinanong kung ano ang gusto nila dahil parehas lang pala kami. Burger steak lang, drinks, ice cream and also fries.


Yun ang sinabi ko sa cashier kaya binigay na rin sakin ang order ko. Tatlong tray lahat, isa sa lalagyan ng burger steak. Ikalawa ay yung drinks at ice cream. Then the last one is the fries at yung mga kutsara nito. May extra rice din kong sakaling gusto pa nila.


Pagdating ko sa table namin ay nilagay ko na ang pagkain namin at binigay na sa kanila. Nilapag na rin ng mga crew ang ibang tray at umalis na.


"Kain na tayo. Ikaw Alexis, alam kong maraming lakas ang nagamit mo kanina." kaya nagsimula na kaming kumain.


Tumatawa rin kami habang nag-uusap ng may biglang tumawag sa first name ko. I think siya si Claire.


"If I'm not mistaken, you're Claire right? Claire Valentina Villanueva?"


"Yeah, that's me Windellyn."


"How can I help you Claire?"


"Can I sit here? Puro kasi lalake ang nandoon at total nandito rin naman kayo."


"Sure, pwede naman." kaya umupo naman siya sa tabi ni Samantha.

Habang kumakain kami ay nag-uusap naman kami tungkol sa pagiging Ranger nila. Minsan raw mahirap pero minsan masaya raw dahil makaka-trip pa sila ng libre.


Maya-maya ay may tumawag sa kaniyang lalake, I think siya yung Kurt. Paglapit niya dito ay nagtama ang paningin namin.


"Oh? Kasama mo pala ang bunsong Perez?"


"Yeah, ako lang kase ang babae doon kaya dito na lang ako." sabi ni Claire sabay kindat sa kaniya.


"Kung dito na lang kaya kami? Lilipat kami ni Chief dito?" sabi ni Kurt. Huh?


"Seriously, ilan kayo dito? Dalawa na lang ang vacant."


"Lima kaming lahat but don't worry, sakto naman tayo. Kukunin na lang namin yung ibang upuan ng bakanteng table." sabi ni Claire.


"Sigi, I don't mind." kaya tinawag na niya yung ibang lalake.


Gaya ng sinabi ni Claire kanina ay kinuha nila ang ibang upuan at nilipat sa table namin tsaka umupo na.


Napatingin ako kina Alexis at Samantha na nakangiti ng malawak. Ano bang nangyari sa kanila? Kulang na lang siguro ang mag sapakan sila.


"What's with you two? Kanina lang kayo nakangiti dyan?" kaya napalingon naman sila sakin.


"Kasi Winter, nakita namin si Chief na palaging nakatingin sayo." sabi ni Samantha. Who's Chief?


"Who's Chief? I only know three of them? Claire, Kurt and Kenjie. So Ranger kayong lahat?"


"Yeah, Ranger kaming lahat. Malalaman mo bukas dahil may opening ceremony naman. For the question, sino si Chief. Yang lalakeng kaharap mo." sabi ni Claire.


Lumingon ako sa harap ko at may nakita akong lalake. Medyo mataas ang buhok niya na blonde tsaka inipitan ang taas nito para hindi mapunta sa mukha niya ang buhok. He's also a serious type na mukhang minsan lang ngingiti.


Gwapo siya, pero mas naka-agaw ng pansin ko ang mga mata niya. Pamilyar kasi, wait. Siya yung lalake na nakabangga sakin kagabi!


"If not mistaken, ikaw yung lalake na nakabangga ko at nabitawan ang panyo and also the guy na nakangiting kinuha ang panyo. Tama ba?"


"Yeah, that's me."


"So you're the Chief of Rangers?"


"Yeah, Kairon Hunter Castro is the name."


"Ok, nice name to a handsome boy." sabay subo ng huling pagkain ko.


"Ayieee! Kinilig si Chief!" sigaw ni Kenjie.


"Kilig? It just a compliment, unless you like the girl who give compliment to you? Hindi naman siguro diba?" tsaka sabay kain sa fries ko.


Nagulat naman ako ng sabay silang lima na ngumiti ng nakakaloko kay Commander, I mean Chief pala. My mistake......


Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil nagmumukha silang baliw kakangiti sa Chief nila.


"You guys look so weird, stop it. Nawewer-duhan na silang tatlo sainyo." sabi niya. Ang seryoso naman niya.


"Ang seryoso mo Chief. Pero baka deep inside kinikilig kana katulad kaha---Aray!" sabi ni Kenjie.


"Diba sabi ko, tama na. Na wewer-duhan na silang tatlo." dagdag niya.


Pero hindi siya sinunod ni Kenjie, palagi niya itong inaasar kaya napatingin naman ako kay Claire na nakakunot pa ang noo.


"Ganyan ba talaga siya? Yung seseryoso, tapos biglang ngingiti and then mamaya seryoso na naman?"


"No, seryoso lang siya pag kaharap niya ang ibang tao na hindi pa niya close. Pero once na close na kayo, malayo ang pinapakita niya ngayon. Kabaliktaran, he always smile a lot pag nasa dorm na kami." sabi niya.


"Ganyan rin si Winter, sa amin lang niya pinapakita ang magandang ngiti niya. Hindi niyo pa siguro siya nakitang tumawa man lang. Pero believe me. Ang ganda ng ngiti niya at ang cute ng tawa niya." sabi ni Alexis kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.


"Talaga?"


"Yes, minsan lang siyang ngumingiti pero once na ngumingiti siya. Alam mo agad na totoo yun, so far hindi ko pa siya nakitang nagpe-peke ng ngiti." sabi ni Samantha.


Napunta sakin ang attention nila ng biglang nag-ring ang phone ko. Nakita kong si Dad pala ang tumatawag.


Agad ko naman itong sinagot, tiningnan ko sila pero they signal me na continue kaya hindi na lang ako umalis. I press the loud-speak para marinig ko. Medyo maingay kasi dito.


"Dad, napatawag ka po?"


"Kinukumusta ko lang ang prinsesa namin." kaya napangiti ako.


"Patay ako kay Ate nito. Tinawag mo akong prinsesa." kaya tumawa naman siya.


"Kamusta ka na dyan? Asan ka? Bakit ang ingay?"


"Nasa Jollibee ako Dad. With my friends?"


"Talaga may kaibigan kana?"


"Are you doubting me Dad?" tanong ko sabay pout. Tumawa naman sila Alexis kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. I heard him laughed kaya napa-iling na lang ako.


"Ilan na ang naka-away mo?"


"Dalaw--- WALA PO!" kaya tumawa na naman sina Alexis at Samantha sa tabi ko. Binigyan ko naman sila ng masamang tingin. Bwisit, muntikan na yun ah....


"Two enemies eh?" Shit!


"Dad naman eh. Huwag mong sabihin kay Mom baka pauwiin niya ako dyan."


"Too late Winter. Katabi ko lang Mom mo. She heard everything. So ready yourself, ibibigay ko na ang phone sakanya." kaya napalunok naman ako. Tiningnan ko silang lahat na ngayon ay nagpipigil ng tawa. RIP NA LANG SELF.


💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 113K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
1.6M 65.4K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
263K 7.7K 55
What if a mafia queen got reincarnated as a weak? bitch?slut? princess....... and that body becomes her body??? will she accept the truth??or not?? S...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...