MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.5K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 7:

141 4 0
By Sparkyspark15


WINTER POV:

Ikaapat, ang Mini Garden ng Academy. Maganda naman tsaka maraming magagandang bulaklak. May mga maliliit ring faires na nag-aalaga sa mga bulaklak rito sa garden.


Ang ganda talaga nila, they always check the flowers kung nasa maayos ba itong kondisyon.


"Tara, lapit tayo doon. Ang raming mga fairies oh!" turo ko doon. Sumunod naman sila sakin tsaka lumapit na doon.


Nang naramdaman nila na palapit ako ay huminto sila sa ginagawa nila at tumingin sakin. Huminto silang lahat sabay-sabay na lumapit sakin.


"I think nagustuhan ka ng mga fairies ko Ms. Perez." napaharap kami kay Ms. Principal pagkatapos niyang sabihin yon.


"Ms. Principal...." sabay naman kaming yumuko nina Alexis at Samantha.


"I bet naglibot kayo sa campus at napadpad kayo dito. Tama ba ako?"


"Yes, Ms. Principal" sabi ni Samantha.


"Ms. Principal, can I ask some questions?" tanong ko sabay tingin sa kaniya. Ang ganda talaga niya. Mas maganda pa sakin....


"Yes you can Ms. Perez."


"Winter na lang po."


"Sure Winter."


"Diba po, nature rin ang kapangyarihan niyo? Kayo po ba ang nag summon sa kanila?"


"Parte yan ng kapangyarihan ko, ang mag summon ng mga fairies. Bakit mo naman na tanong Winter?"


"Nagtataka po kasi ako kung bakit kayo nakapag-summon ng fairies pero sakin Golems lang ang kaya kong ma-summon pati na rin ang alaga kong si Spikey."


"Magka-iba kasi tayo, fairies sakin pero sayo ay golems. Yes, we have the same power but mag-kaiba tayo pagdating sa summoning." kaya tumango ako.


"Pero Ms. Principal, magkaparehas kayo ng power ni Winter. Di kaya magkamag-anak kayo?" tanong ni Alexis.


"Siguro, di natin alam. Maybe coincidence lang na magkaparehas kami. Baka sa malayong relatives ko na siya, di natin alam."


Her eyes glow and in just a second gumawa siya ng group of vines na may halong bulaklak na pwedeng maupuan. Hindi naman siya masakit dahil wala naman yung mga spikes non. Malambot siya mukha kang naka-upo sa sofa. Mukha kaming nag pi-picnic.


"Here, sit with me." Ano raw?!


"Huwag na po Ms. Principal. Nakakahiya naman po sainyo. Gagawa na lang po ako."


"No need, sigi na tabihan niyo na ako dito."


Wala kaming magawa kong di tabihan si Ms. Principal pero may space parin. Nasa harapan siya namin habang hinahawakan ang mga fairies na lumalapit sa kanya.


"Dito ka rin po ba tumatambay Ms. Principal?"


"Yes, dito. Minsan sila kasi ang nagpapakalma sayo, hindi sa parte sila ng kapangyarihan ko but alam nila kong paano nila pagaanin ang pakiramdam ko. Right Winter?"


"Yes Ms. Principal. Minsan pag badmood ako ay tumatakbo lang ako papunta sa likod ng bahay namin. Nagpatayo kasi si Mom ng garden para sakin, kaya everytime na malungkot ako ay pumapasok lang ako sa garden ko at uupo sa duyan ko doon."


"Talaga Winter? Ginawan ka ng garden?" tanong ni Alexis.


"Yeah, ewan ko lang kay Mom. Siguro nakikita niya akong umaalis sa bahay at pumupunta sa Park. Malapit sa mini garden doon."


"Sinong nag-aalaga sa garden mo? Nandito kana." tanong ni Ms. Principal.


"Si Mom."


"Ms. Principal, sa lahat ng pwedeng ilagay sa pwesto na to bakit mini garden po?" tanong naman ni Samantha.


"Because of my daughter. Kahit sa bahay, may garden rin naman ako doon. Noong baby pa kasi siya ay palagi siyang iyak ng iyak kaya dinadala ko siya sa garden. Maya-maya ay tumahan naman siya sa pag-iyak at nakatulog agad."


"Malaki na po ba siya ngayon, Ms. Principal?"


"Yes, she's just like your age. 17 years old."


"Asan po siya ngayon? Mabait rin siguro siya dahil mababait naman ang magulang niya."


"That's the problem, she's not with me. May kumuha sa kanya." huh?


"May kumuha? So never niyo po siyang nakita?"


"5 days ko lang siyang nahawakan. Simula nung araw na yun ay hindi ko na siya nakita. Pero naniniwala parin akong buhay siya, iba kasi ang pakiramdam ng isang ina lalo na sa anak niya. Feeling ko nga, malapit lang kami."


"Sorry po Ms. Principal." sabi ni Samantha.


"No, it's ok."


"Ikaw Winter, Kilala mo ba ang totoong magulang mo?" tanong ni Ms. Principal.


"Yun nga po eh, hindi ko sila kilala. Bago kasi ako napunta sa pamilyang Perez ay ampon lang rin ako sa kinalalakihan kong pamilya. I tried to ask them kung kilala ba nila ang totoo kong magulang pero sabi nila hindi. Nakita lang raw nila ako sa pintuan ng bahay nila kaya kinupkop na lang raw nila ako."


"Kaya ba nandito ka Winter? Para hanapin sila?" tanong ni Alexis.


"Yeah, ang totoo lang di ko kilala ang sarili ko. Gusto kong malaman kung saan ko nakuha ang kapangyarihan ko, ang ugali ko, gusto ko ring malaman kung bakit puti itong buhok ko pero wala naman akong makukuhang sagot dahil sa totoong magulang ko lang iyon matatanong."


"Winter, what if wala na sila?" tanong ni Samantha.


"Yan rin ang isa sa mga problema ko eh. Pano nga kung wala na sila? Siguro habang buhay na akong unknown. Pero Ok na rin yun, may pamilya namang nagmamahal sakin kahit ampon lang ako."


"Kayong tatlo ni Spring at Autumn. Kita ko ang alaga nila sayo, parang tunay na kapatid talaga. Close talaga sila sayo, tama ba Winter?" kaya tumango naman ako.


"Yes po, close na close kami. Kay Kuya Spring, malaga siya sakin. Natural naman na maraming nagkakagusto sakin dahil maganda ako."


"Edi maganda, yabang mo din."


"I'm not mayabang, I'm just saying the truth."


"Sabi ko nga."


Tumawa naman silang dalawa kaya nakisali na rin si Ms. Principal.


"Minsan may umamin na, pero ni re-reject ko sila ng maayos. Syempre hindi kaya madaling sabihin ang nararamdaman mo sa isang tao, hindi rin natin alam kong saan sila humuhugot ng lakas para sabihin yun. Pero pagdating doon si Kuya ay napaka-protective, mukha siyang bodyguard ko tapos ako yung magandang artista."


"Hoy! Ang gwapo ni Kuya Spring tapos sasabihan mo lang ng bodyguard? Sira ata yang mata mo Winter." sabi ni Samantha.


"Bakit? Sinabi ko bang pangit si Kuya? Tsaka wala bang Gwapong Bodyguard? Meron kaya!" pagdadahilan ko kaya tumawa na naman sila.


"Ano-ano ang umamin sayo Winter? Gwapo ba lahat?" tanong ni Alexis.


"Gwapo naman. May basketball player, Top student, Dancer, Campus Heartthrob, Vocalist at marami pa."


"Nakaka-badtrip naman yang 'at marami pa'. Edi ikaw na maganda." bulong ni Samantha.


"But you rejected?" tanong naman ni Ms. Principal kaya tumango naman ako. Napasigaw naman si Alexis at Samantha kaya napatingin naman ako sa kanila.


"Pero bakit?! Sabi mo gwapo? Pero bakit rejected?"


"Gaya ng sinabi ko sainyo doon sa dorm. I love someone else."


"Did he know about your feelings Winter?" kaya tumango naman ako.


"Yes. Actually, we shared the same feelings."


"So asan siya Winter?" tanong ni Samantha kaya napayuko naman ako.


"Hindi ko alam kong saan siya. Dahil sa isang trahedya na nagyari sa buhay ko, nawalay kami sa isa't-isa. Ang masaklap pa, sa birthday ko pa yun nangyari and also ito yung huling regalo na binigay niya sakin bago siya nawalay sakin." sabay labas sa kwentas na binigay ni Jun sakin.


"Ang ganda naman niyan, pero Winter. Siya parin ba?" kaya tumango naman ako sabay ngiti ng malungkot. Pinunasan ko na rin ang luhang tumulo sa mata ko.


"May I know what tragedy you are referring to Winter?" tanong ni Ms. Principal.


"Sorry Ms. Principal. I'm not ready to say this yet. It still hurts every time I remember what happened. I want to forget it but I still can't. I feel like when I try to forget it, that time will haunt me for the rest of my life."


"It's Ok Winter. Ganyan rin ako nung nawala ang anak ko. Oh? It's 6:25 PM already, kumain na kayo at magpahinga na."


"Ikaw po Ms. Principal? Dito ka lang po ba?" tanong ni Samantha.


"Yes, dito na lang muna ako. It's was nice meeting you. Winter, Alexis and Samantha."


"Same, Ms. Principal. Una na po kami."


Tumango samin si Ms. Principal tsaka ngumiti. Medyo napahinto ako dahil sa ngiti niya. It looks like my smile and her smile is the same. Nah! Gutom ka lang Winter.


Naglakad na kami papasok sa dorm. Napag-planuhan namin na doon na lang kakain at ako ang magluluto.


Pagpasok namin sa dorm ay agad akong dumeretso sa kusina at tumingin sa mga pagkain na pwede kong maluto.


Siguro lulutuin ko na lang ang paborito nina Kuya at Ate pag ako ang nagluto. Yung Kare-kare, kaya kinuha ko ang mga sangkap nito at tinabi na muna. Hindi naman mahirap hanapin kung saan nakalagay ang mga sangkap dahil napaka-arrange ang kusina nila.


Pagkatapos kong I-check lahat ay sinimulan ko na ang pagluluto. Habang nagluluto ako nakikinig lang ako sa usapan nila tungkol kay Ms. Principal.


Kahit ako, naaawa rin ako kay Ms. Principal dahil hindi siya nabigyan ng chance na makitang lumaki ang anak nila.


Patuloy lang ako sa pakikinig ng biglang sumigaw si Samantha. Napa-iling na lang ako dahil sa reaction nila.


"ANG BANGO NA WINTER, GUTOM NA SI ALEXIS! BWAHAHA!"


"ANONG AKO?! PAREHAS TAYONG GUTOM KAYA DAMAY-DAMAY NA TO! BWAHAHA!"


"PAKE MO BA?! ALAM KONG GUTOM AKO PERO MAS ALAM KONG GUTOM KA NA! BWAHAHAHAHA!"


Patuloy parin sila sa pagbabangayan sa sala pero ako busy parin sa pagluluto. Mga ilang minuto ay tapos na akong magluto ay nilipat ko na ito sa lalagyan at dinala na sa lamesa.


"Tama na yan, kain na tayo. Luto na ang niluto ko."


Kaya tumayo naman silang dalawa at lumapit na sa lamesa. Silang dalawa ang naghanda sa mga plato at ako naman ang naghanda sa aming kakainin.


"Ano yan? Mukhang tataba si Alexis nito." tanong ni Samantha kaya sinamaan naman siya ng tingin nito.


"Kare-kare yan."


"Kain na tayo, gutom na ako."


"See, alam ko talaga kong kailan ka na nagugutom! Bwahahaha!"


"Tumahimik ka nga! Alam ko rin namang gutom ka."


Nagsimula na kaming kumain pero yung dalawa ay hindi parin tapos sa pagbabangayan. Hinayaan ko na lang sila dahil gutom na rin ako.


"Tama, wala pala akong chocolate drink ngayon." bulong ko.


"Huwag kang mag-aalala Winter. Maraming ganun ang canteen." sabi ni Alexis.


"Bibili na lang ako mamaya. Pagkatapos nating kumain."


"Pwede pa namang lumabas, 10:00 PM naman ang curfew sa Academy kaya makakabili ka pa. 7:00 PM pa naman." kaya tumango naman ako.


Maya-maya ay tapos na ring kaming kumain at si Alexis ang nakatokang magligpit at ayusin ang lamesa. Si Samantha naman ang nakatokang maghugas ng pinggan.


"Labas muna ako, bibili lang ng chocolate drink."


"Sigi, ingat ka." sabi ni Samantha kaya tumango ako.


Paglabas sa dorm ay deretso agad ako sa elevator tsaka lumabas na. Hindi naman madilim ang hallway dahil may mga ilaw naman na naka-on kada side.


Medyo malamig rin kahit na naka-suot ako ng makapal na damit. Naglakad na ako papunta sa cafeteria at dumeretso sa Vending Machine.


Tama nga si Kuya, may gummies dito tapos yung paborito ko pa. Agad akong lumapit dito not minding the stares of the other students.


Bumili ako ng limang pack tsaka lumapit sa cashier para sa chocolate drink. Bumili na lang rin ako ng limang Chocolate drink.


Habang nilalagay pa ng tindera sa cellophane ang binili ko ay nilibot ko muna ang tingin ko. Again, nakita ko naman sila Irene pero may bago silang kasama. Yung dating tatlong lalake ay naging apat na.


He's wearing a mask, siguro hindi siya kumakain. Nagtama naman ang tingin namin, matagal rin bago kami nag-iwas. Naputol ko ang titigan namin dahil tinawag na ako ng tindera. Pero hindi mawala sa paningin ang pagtayo niya at ang malungkot na tingin ni Irene sa kaniya ng makita itong umalis at lumabas dito sa cafeteria.


Dahil nabili ko na rin naman ang gusto kong bilhin lumabas na ako sa cafeteria. Jeez, kailangan ko talagang mag-grocery bukas dahil ayaw kong bababa pa para lang bilhin ito. Nakakapagod.


Nang makalabas na ako sa cafeteria ay nakita ko naman yung lalakeng naka-mask na nagcecellphone, nakatalikod siya sakin. Hindi ko na lang ito pinansin at tumuloy na sa paglalakad.


Madadaanan ko na sana siya pero agad siyang humarap kaya accidentally na nabangga namin ang isa't-isa. Nabitawan ko ang wallet ko tapos nabitawan naman niya ang panyo niya.


"Sorry." sabi niya sabay lakad paalis. Wait? Yung panyo niya!


"Hoy! Nahulog mo panyo mo!" sabay bigay sa panyo niya.


"Thanks...." tapos nakangiting kinuha ang kanyang panyo. Weird....


Yes, nakangiti siya halata sa mata niya. Hindi ko na lang yun pinansin at dumeretso na sa girls dorm.


Pumasok na agad ako sa elevator at maya-maya ay lumabas na rin. Pagpasok ko sa dorm ay nakita ko silang dalawa na nanonood ng TV. Himala, hindi sila nagbabangayan.


"Tagal mo naman, hinihintay ka namin." sabi ni Samantha.


"Maraming tao sa loob ng canteen, naghahapunan. Ito oh, binilhan ko rin kayo. Ilalagay ko lang tong gummies sa fridge." kaya tumango naman sila.


"Pasok muna ako sa kwarto ko. Samantha, Alexis, medyo napagod ako kanina eh." alam kong nabigla sila sa sinabi ko kanina pero hindi ko na ito pinansin.


Dala ko ang isang choco drink at dalawang pack ng gummies yung natira naman ay nasa loob na ng fridge.


Trip ko kasing habang nanonood ng mga laban sa gangster society ay umiinom ako ng choco drink at kumakain ng gummies.


May sariling site ang Gangster Society. Dyan nila pinopost kung sino ang maglalaban at dito mo rin mapapanood ang laban na magaganap. Ginawa ko tong Youtube.


Makikita mo rin ang ranking, still una parin ang grupo ko at ako parin ang nangunguna sa ranking na pinakamalakas na babae sa Gangster Society. Queen's thing....


Yan lang ang pinapanood ko dahil hindi naman ako katulad ni Ate Autumn na palaging Korean Drama ang pinapanood. Minsan magugulat ka na lang kong bakit biglang titili.


Pinagpatuloy ko na lang ang panonood ko dahil wala naman akong trip at grupo ko rin kasi ang pinapanood ko. May nanghamon siguro.


KAIRON POV:

Kakauwi ko lang galing sa mission ko sa Mortal Realm. Kasama ko sana si Irene pero gumawa ako ng way para hindi siya sumama. Bwisit na babaeng yun, parang higad dikit ng dikit sakin.


Kung hindi lang siya pamangkin ni Tita-Ninang ay matagal ko na tong sinaktan. I mean saying words, hurtful words to be exact.


Excited pa naman ako sa mission ko dahil makikita ko na naman yung babaeng puti ang buhok. She lived in Mortal Realm and I already know na katulad ko rin siya.


Nung dumating na ako sa Mortal Realm ay pumunta agad ako doon sa palagi niyang tinatambayan. But I found no one, walang babaeng puti ang buhok na naka-upo sa bench.


Nagmumukha akong stalker dahil minsan sinusundan ko siya kung saan man siya pupunta. Ewan ko lang kong bakit ginagawa ko to pero isa lang ang alam ko. I like her....


Dahil sa ginagawa kong pagsunod sa kanya ay di ko inaakalang magugustuhan ko pala siya. But sadly, she doesn't know me, nahihiya rin akong magpakilala.


Una ko siyang nakita nung nagpapahinga ako sa punong tinatambayan ko. Nakita ko siyang nakasandal doon na natutulog I think nag-cutting siya non.


Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sakanya ng sobrang tagal. Simula nung araw na yun ay palagi akong nasa puno at hinihintay siyang dadating.


Nalaman ko rin na may kapangyarihan pala siya nung nakita ko siyang binuhay ang namatay na bulaklak.


Nandoon rin ako nung may naka-away siya. Yung time na tinapunan siya ng malaking bato at sapul sa ulo niya. Kita ko rin kong paano niya sinuntok yung babaeng nagtapon sa kaniya ng bato.


Ako rin ang sumalo sa kaniya ng nakita kong matutumba na sana siya. Ako rin ang nagdala sa Hospital at tinawagan ang magulang niya. Kinuha ko ang phone niya sa bag na dala niya at ginamit iyon.


Minsan pinupuntahan ko siya para bisitahin, pero hindi ako pumasok sa kwarto niya. Dadaan lang ako, siguro akala niya may bibisitahin ako sa kabilang kwarto.


Nang makita kong Ok na siya ay pinagpatuloy ko na ang mission ko dito. Excited na excited ako non dahil sa Mortal Realm na naman pero umuwi ako ng nakasimangot dahil hindi mo man lang siya nakita doon sa tambayan niya.


Pagdating ko sa Academy ay deretso ako sa Office ni Tita-Ninang at nag-report. Nakasimangot parin akong nakipag-usap sa kaniya kaya tinatawanan naman niya ako.


Pumunta ako sa cafeteria at tumabi doon sa Ranger na masayang kumakain. Ramdam ko ang titig ni Irene sakin pero di ko na yun pinansin.


Sinadya kong isuot ang mask ko para hindi nila makita na nakasimangot ako. Asar naman ang aabutin ko.


"Chief! Mukhang matamlay ka ata ngayon ah? Anong nangyari?" sabi ni Kenneth. Ako, si Kenneth, si Kenjie at si Kurt ay magkaibigan na bata palang.


"Nagtanong kapa? Baka hindi niya nakita yung babaeng sinasabi niya." sabi naman ni Kenjie kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.


"Hindi mo siya nakita?" tanong ni Kurt.


"Hindi eh. Ewan ko lang kung asan siya. Nagtanong na rin ako sa mga Schoolmate niya pero sabi nila nagdrop-out raw."


"Tinanong mo ba ang pangalan?" tanong ni Kenneth.


"Sinabi nila ang pangalan pero nakalimutan ko. Ang taas kasi...."


"Haha! Kasalanan mo pala eh. Kung inalala mo lang ang pangalan, makikita mo pa rin siguro siya." sabi ni Kenjie kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin.


Nag-uusap lang sila about doon sa babaeng unang pinatulan si Irene. Sinampal pa nga raw eh, good for her. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nahinto pala sila sa kanilang pag-uusap at may tinitigang studyante.


Kaya sinundan ko naman ang tingin nila and there I saw her, siguro siya yon. Her white hair na nakabagsak, ang maputi niyang balat, ang maganda niyang mukha at ang kaniyang magagandang mata. Gusto kong maniwala na siya yun pero kailangan kong masiguro.


Nagkatitigan naman kami ng matagal pero naputol lang yun dahil binigay na sa kaniya ang binili niyang choco drink. Paborito rin niya yun, I already confirmed na siya yun boses na lang talaga.


Kaya tumayo ako at sinandyang pumwesto sa lugar na madadaanan niya ako. Then acted that I'm busy on my phone.


Nang makalapit na siya ay sinandiya ko ring banggain siya. Kaya nahulog ang wallet niya at ang panyo ko.


Sinandya ko ring hindi kunin yun at hayaang siya ang magbigay non and I was right, she call me because of my handkerchief.


Ang laki ng ngiti ko dahil confirmed na siya nga yun. Pero sana magka-klase kami. Nakangiti akong pinasalamatan siya at bumalik na sa loob.


Alam kong na we-weirduhan siya sakin pero atleast ako, alam kong siya yun. Kaya pala hindi ko siya nakita doon dahil lumipat pala siya rito.


Atleast, mababantayan ko siya ng maayos at mapoprotektahan. Pagpasok ko sa loob ay tinanggal ko na ang mask ko at inagaw ang pagkain ni Kenjie.


"Hoy Chief! Akin yan eh! Teka? Anong nangyari sayo bakit ang laki ng ngiti mo? Kanina ang lungkot-lungkot mo pero ngayon abot tenga ang ngiti mo?" pero hindi ko siya pinansin and don't touch me! Masaya ako ngayon. Hehe!


"Should we bring Chief sa Mental? Mukhang malala eh...." sabi ni Claire. Ang nag-iisang babae na naging close ko sa grupo.


Sila lang ni Irene ang babae, pero hindi ko naman siya close. Mabait rin naman siya, hindi ko nga to narinig magmura eh. Tinignan ko naman siya ng masama kaya she close her mouth.


"Sabi ko nga, tatahimik na ako...." at pinagpatuloy ang pagkain.


Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na. I still don't know her name, tatanungin ko na lang sila baka sakaling alam nila.


"Alam niyo ba ang pangalan nung babaeng maputi ang buhok? Yung tinignan nyo kanina?" kaya napalingon naman sila sakin.


"If I'm not mistaken, Windellyn Terrisha Perez." sabi ni Irene.


"Pano ka naman magkakamali? Siya nga yong dahilan kong bakit namumula yang mukha mo. Masakit ba?" tanong ni Claire kaya sinamaan naman siya ng tingin nito.


So siya ang unang babae na pumatol kay Irene. Malakas parin siya hanggang ngayon.


"Anong feeling? Yung may kumakalaban na sayo? Baka dahil sa kanya, malalaos ka niyan. Ano kayang magiging lugar mo once na makuha niya ang titulo mo. Maganda siya, hindi man halata pero mabait siya. Alam na agad na makukuha niya ang attention ng ibang students, sa simpleng lakad niya lang. Ikaw? takot nga sila sayo, pero mas takot sila sa bunsong Perez. Isa lang ang masasabi ko, saktan mo pa siya kami ang makakalaban mo and to tell you frankly, she deserve the title more than you do."


Wait? Sinaktan siya ni Irene?


💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫

Continue Reading

You'll Also Like

931K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...