MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

Par Sparkyspark15

7.3K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... Plus

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 6:

166 3 0
Par Sparkyspark15


AUTUMN POV:

"WAAAAH, KUYAAA, IBABA MUNA AKO. PROMISE MAGBIBIHIS NA AKO. WAAAH, NAHIHILO NA AKO. TAMA NAAAAA!!" sigaw ni Winter.

Bwisit tong babaeng to, ang ingay. Tumingin naman ako kina Alexis at Samantha na kanina lang tumatawa.

Yung sinabi ko kanina na maganda sila ay totoo. Lalo na pag nakangiti sila, pero mukhang kulang sila sa confidence. Di katulad namin ni Winter na confident dahil sa ganda namin.

"I'm sorry, you need to see that. Ganyan kasi si Winter everytime na ginaganun siya ni Kuya. Makulit rin kasi to si Winter minsan."

"Ok lang po, nakakatuwa kasi dahil sa likod ng cold personality niya ay may nakatagong makulit na Winter." sabi ni Samantha.

"Yes, pero ngayon lang yan. Noon, bihira mo lang siyang makitang nakangiti."

"Huh? Talaga po?" tanong ni Alexis.

"Yeah, may pinagdaanan kasi siya. About sa pamilya niya bago siya napunta samin. Because of that tragedy, mahirap pangitiin ang isang Winter noon. Kung di ka niya kilala, wala siyang pake sayo. Kung kaaway ka naman niya, hindi ka niya hahayaan lang. Pero once na maging kaibigan mo siya, hinding-hindi ka talaga magsisisi lalo na pag siya ang nag-alok o maski na inalok niyo siya. Papanindigan niya talaga yun hangga't buhay pa siya pero huwag niyo talaga siyang traydurin dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari once na nagawa yun sa kanya. May posibilidad kasi na saktan niya ang sarili niya."

"Talaga? Pero anong trahedya ang sinasabi mo?" tanong ni Samantha.

"Wala ako sa lugar para sabihin yun. You should ask Winter pero huwag muna ngayon dahil hanggang ngayon nararamdaman parin niya ang sakit na naramdaman niya noon. Hindi pa siya ready'ng magkwento. Hintayin niyo lang, magkukusa naman si Winter. Huwag lang talaga ngayon."

"So behind her beautiful smile, is a painful past." bulong ni Alexis.

"Yes, but please take care of Winter. Malakas siya physically pero pagdating sa emotion, diyan siya mahina. Hindi niya pinapakita ang sarili niya pag umiiyak siya. Nagtatago siya, yung tipong hindi niyo malalaman na umiiyak na pala siya. Dahil ayaw niyang makita siya ng ibang tao na mahina."

"Kawawa naman si Winter...."

"Yes, naawa na ako kay Winter everytime na umiiyak siya. Pero huwag niyong ipakita na naaawa kayo sa kaniya dahil hate niya ang ganun. Kami nga kahit alam naming naghihirap na siya ay nagpapanggap na lang kami na hindi namin yun nakita o narinig."

"Siguro ganun talaga kalala ang pinagdaanan niya, yung tipong naghihirap parin siya hanggang ngayon." sabi ni Alexis.

"So that's why I want you guys to do a favor, for me."

"Sigi po, para kay Winter." Samantha said.

"I want you two to bring Winter's smile back. Alam ko namang close na kayong tatlo. Unti-unti ng bumabalik ang ngiti niya. Konting push na lang, babalik na yung Winter na nakilala namin bago nangyari ang trahedyang yun."

"Sigi po. " sabi ni Alexis.

"And also please, pakibantayan siya. Dahil masamang magkaroon ng kaaway ang isang Winter. Yung nangyari kanina ay nagtitimpi na siya doon pero pag yun naubusan ng pasensiya baka ilang araw ng tulog ang Irene na yun."

"Talaga po? Ganyan ka brutal si Winter?"

"Mas brutal pa sa inaakala niyo. Tanungin niyo siya kong bakit ganun siya ka-brutal. Mabibigla talaga kayo."

"Mabibigla?"

"Yes, hindi siya ordinaryong babae na nakilala niyo. She's like Devil in Disguise." sabay wink sa kanila.

Nakakunot ang noo nilang dalawa pero hinayaan ko lang ito dahil bumaba na si Winter na nakasimangot ngayon.

"Yan, bagay rin naman sayo kaya nagtataka ako kung bakit kailangan mo pang mag-suot nun." tsaka tumabi sakin. Nasa gitna siya namin ni Kuya na kasalukuyang binibigyan ng pagkain.

"Andami naman niyan. Balak mo ba akong patabain?!"

"Shhh, kumain ka na ang dami mo pang satsat eh." kaya nagsimula na siyang kumain.

Habang kumakain ay nakita ko siyang may hinahanap. Siguro yung chocolate drink niya, hindi kasi to mabubuhay kong hindi nakaka-inom ng paborito niyang chocolate drink. Pero ok na rin yun kaysa sa alak.

"Kung hinahanap mo ang paborito mong chocolate drink, nandoon sa fridge niyo. Kunin mo yong lima doon, isa-isa tayo." sabi ni Kuya.

Tumayo naman si Winter tsaka pumunta doon sa fridge. Tumawa naman kami ng mahina dahil alam naming badtrip siya ngayon. Pati nga rin ang dalawang roommate niya ay natawa.

"Here, bakit ito lang. Walang bang gummies doon? Kahit isang pack lang?" kaya napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Bakit?"

"Nakalimutan ko bunso." sabi ni Kuya.

"Ano ba yan, ang daming pwedeng kalimutan yung gummies ko pa?! Kainis naman oh!"

"Oo na, dadaan tayo sa canteen niyo. Bibilhan kita dahil pagkatapos nito uuwi na kami ng Ate mo."

"Sabi mo yan ah?"

"Oo, pero kiss muna. Dito oh?" turo ni Kuya sa cheeks niya.

"I change my mine, mag gro-grocery na lang ako bukas. Bibili ako ng isang box, bwisit...." kaya tumawa kaming lahat.

"Edi wag, parang kiss lang naman eh."

"Manigas ka dyan. Hilong-hilo ako kanina dahil binuhat mo ako."

"Sigi na bunso. Isa lang naman."

"Isang suntok? Sigi bigyan kita. Saan banda diyan sa mukha mo?"

"Aba, bastos kang bata ka ah! Kuya mo to, Kuya!"

"Bakit? Kailan kita tinawag na Ate? Kuya naman diba. Kahit naman maging bakla ka mas maganda parin ako sayo."

"Ikaw na panalo. Wala naman akong laban sayo."

"Alam ko."

Tumawa naman kaming lahat dahil sa sagutan nila. Kahit kailan talaga tong si Winter ang galing sa sagutan.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin at habang kumakain kami ay nag-aasaran naman kami.

Inaasar namin si Winter pero ang ending kami ang naaasar. Tawa lang ng tawa ang dalawang roommate ni Winter habang kami ay busy sa pagbabangayan.

Maya-maya ay tapos na kaming kumain at nagpapahinga muna bago kami umuwi. Nandito kami sa sala nila, nonood ng TV.

Busy sa kanyang cellphone si Winter. Nasa gitna siya ni Alexis at Samantha na nanonood na rin ng TV. Tiningnan ko ang relo ko kung anong oras na and it's 12:46 PM.

"Kuya, 12:46 na. Uuwi na ba tayo?"

"Oo nga no? Halika na, baka hinihintay na tayo ni Mom doon sa bahay." tsaka tumayo na. Tumayo na rin ako at kinuha ang dala kong bag na nasa mini table ng sala nila.

"Uuwi na kayo?" tanong ni Winter

"Yes, baka naghihintay na si Mom samin."

"Hatid na namin kayo." tsaka tumayo na rin sila.

Sabay na kaming lumabas ng dorm tsaka nagtungo sa elevator. Naghintay kami ng ilang segundo hanggang sa nakarating na kami sa first floor.

Paglabas namin sa elevator at sa dormitory nila ay deretso kami sa Parking lot kung saan magkatabing naka park ang motor ni Kuya at ang kotse ni Winter.

"Winter, umayos ka dito ah? Wala ako para resbakan ang kaaway mo. Aray!" sabi ko pero binatukan naman ako ni Kuya.

"Iba rin ang trip mo no? Ako na dyan, suotin mo na tong helmet. Bwisit ka." kaya tumawa naman kami.

"Winter, umayos ka dito. Wala na kami para alagaan ka at please lang kung may umaway sayo huwag mo nang patulan baka ilibing mo ng buhay. Tapos, yang lakas mo. Huwag matigas ang ulo, please lang. Bawal kang maubusan ng lakas dahil delikado yan sa kalusugan mo. Patay ka talaga kay Dad pag nabalitaan niyang nahimatay ka dahil naubusan ka ng lakas. Naintindihan mo ba?"

"Yes, Kuya naintindihan ko. Pero yung huwag patulan ang kaaway? Di ko siguro magagawa yon." kaya tumawa naman ako. Nice one, Winter.

"Ikaw talagang bata ka, basta kung napapagod kana pahinga ka agad. Bawal kang napagod ng bongga. Bibisita lang kami dito kasama yung barkada sa susunod." sabi ko.

"Ok, promise. Hindi ako magpapagod ng sobra. Ingat kayo sa daan pabalik doon sa Mortal Realm." sabay halik sa pisngi ko. Hinalikan na rin niya ang pisngi ni Kuya Spring.

Nilapitan ko muna yung dalawang roommate niya para magpaalam.

"Si Winter ah? Alagaan niyo. Mag-ingat rin kayo dito. Pakibantayan na lang siya dahil bawal sa kanya ang mapagod ng todo."

"Sigi po, Ate Autumn. Ingat po." sabi ni Alexis. Nakipag-beso ako sa kanila tsaka lumapit na kay Kuya na hanggang ngayon pinapayuhan parin si Winter.

"Alis na kami. Mag-ingat kayo dito girls. Winter, remember the things I said to you. Bye, take care." sabi ni Kuya tsaka sumakay na sa Motor. Sumakay na rin ako sa likod niya at nag wave sa kanila.

Nag wave na rin silang tatlo and then umalis na. Humawak ako ng mahigpit kay Kuya dahil sa bilis ng pagmaneho niya.

WINTER POV:

Pagkatapos nilang umalis ay humarap muna ako sa kanila.

"Akyat na tayo, inaantok kasi ako."

"Sure." sabi ni Samantha.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa dorm namin. Ramdam ko ang mga tingin ng ibang students sakin pero hindi ko na lang ito pinansin.

Maya-maya ay may humarang saking apat na babae. Mga kalahi siguro ni Irene to.

"Hi! Ako si Nicole. Nicole Bautista." So?

"So?"

"Balita ko sinampal ka raw ng malanding Irene na yun. Totoo ba?"

"Ano naman ang pake mo kong sinampal nga ako?"

"Ang harsh mo naman, kinakamusta lang naman kita."

"Hindi na kailangan, you're just a nobody to me."

"Yeah, I know that. I just want to be friends with you. You should hang out with us, except that two ugly ducklings behind you."

"Ugly ducklings? Behind me?"

"Yes, yung tayo lang. Tayong magaganda, hindi sila pasok sa standard ko ikaw lang."

"Wala naman akong nakitang mga ugly ducklings sa likod ko, pero sa harapan ko meron. Apat pa nga sila eh." kaya tumawa naman sina Alexis at Samantha sa likod ko.

"Excuse me? Ako ba ang sinasabi mong ugly ducklings?"

"May iba pa bang tao sa harapan ko bukod sa inyo?"

"Ang kapal naman ng mukha mo, in-approach kita ng mabuti tapos ganito lang ang ibabalik mo sakin?"

"Sino ba ang nagsabing I-approach mo ko? Wala naman siguro."

"Sariling desisyon ko to."

"Desisyon mo naman pala eh. Kaya desisyon ko ring tanggihan ang alok mo. Matataas kasi ang standard ko sa pagpili ng kaibigan. Dahil tinanggihan kita, alam mo na kung bakit."

"Hindi ako pasok sa standard mo, pero sila? Ano sila? Alalay mo? Oh! Why would I ask about that, natural alalay talaga."

"Kaibigan ko sila."

"You're kidding, are you?"

"Do I look like I'm kidding?"

"Akala ko mataas ang standard mo? Bakit sila? Eh pwede namang ako? Mas maganda pa naman ako sa kanila ah? Kami?"

"Yeah, mataas nga. Yung tipong sila lang ang nakaka-abot. Pero ikaw? Hindi ka umabot sa standard ko at never kang aabot doon."

"I hate you, I really hate you."

"Hating on me doesn't make you pretty darling."

"I don't like you, and never kitang magugustuhan. Hindi ka naman maganda."

"It's ok if you don't like me, not everyone has a good taste." tsaka iniwan siya doon na tulala.

Pagdating namin sa dorm ay napa-upo ako sa sofa. Bwisit na Nicole yun, nakaka-stress siya. Tiningnan ko yung dalawa na kanina lang tumatawa simula nung makapasok kami dito.

"Ang cool mo doon, Winter. Tulala si Nicole, BWAHAHAHA!" sabi ni Samantha.

"Ano ka ba? Winter lang malakas! Whohoooo!" sabi naman ni Alexis.

"Tumahimik nga kayo, natural lang naman sakin yun. Madalas akong may maka-sagutan noon sa Mortal Realm mas malala pa sa Ugly Duckling na yon at sa bubuyog na naka-away ko kanina." kaya tumawa na naman sila.

"Badtrip yun, halata naman. BWAHAHAHA!" kaya tumango naman sa kaniya si Alexis na hanggang ngayon ay tumatawa parin. Napatawa na lang ako dahil sa kanila. Mukha kasi silang mga baliw ginagaya pa nila yung nangyari kanina.

"Akyat muna ako, na-stress ako kanina. Mga 4:00 PM gisingin niyo ako. Pwede ba?"

"Sure, maglibot na rin tayo pagkagising mo. Pwede ba?"

"Sure, bakit naman hindi. Hindi pa naman ako masyadong pamilyar dito." kaya tumango naman sila.

Pumasok na ako sa kwarto ko tsaka pabagsak na humiga sa kama. Bago pa nga ako dito pero ang rami ng nangyari, pano pa kaya sa susunod na araw?

Bwisit, mas mabuti pa sigurong matulog. Bawal ma stress ang beauty ko. Siguro dahil sa pagod rin ako, nakatulog na agad.

(4:00 PM)

"Winter? Gising na. Meryenda muna tayo sa Cafeteria."

Nagising ako dahil sa boses na nagsasalita sa pintuan ko. Alam ko na na si Samantha yun. Bumangon agad ako at tumingin sa salamin.

Tiningnan ko ang sarili ko kung magulo ba ang buhok ko o may muta ba ang mata ko. Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako sa kwarto ko.

Nakita ko silang nakahanda na kaya sumama na agad ako sa kanila. Paglabas namin sa dorm ay pinagtitinginan na naman kami.

Pumasok agad kami sa Elevator at naghintay. Paglabas naman namin ay may ibang student na naka-nga-nga. Bakit?

"Bakit? Ang weird ng tingin nila satin?"

"Hindi satin, Winter. Sayo lang." sabi ni Samantha. Sakin?

"Bakit sakin?"

"Your not wearing make-up right?" tanong ni Alexis. Ano daw?

"Minsan lang naman ako gumagamit ng make-up. Pag may okasyon lang. Bakit?"

"Nakatingin sila sa mukha mong bagong gising. Ang ganda mo kasi." yun lang?

"Yun lang naman pala, alam ko naman yan. Dati pa, akala ko pa naman may dumi ang mukha ko."

"Edi ikaw na, yabang mo din." sabi ni Alexis.

"Hindi ako mayabang, I'm just stating the fact you know."

"Sabi mo nga."

"Yeah, whatever" tsaka sabay pumasok sa canteen. As usual, nasa amin ang attention I mean na sakin.

Ewan ko lang kung bakit binigyan nila ako ng daan pero ok na rin para madali kaming maka-order.

"Pumili lang kayo, libre ko parin ngayon."

"Huwag na may pera naman ako." sabi ni Samantha.

"Oa mo, masamang tumanggi sa grasya. Mamalasin ka talaga, bahala ka." kaya tumawa na lang ako sakanila.

"Huwag mo nang gamitin ang pera mo Samantha.  Itago mo na lang muna yan, baka dadating ang araw na kailangan mo ng pera. May ilalabas ka pa." tsaka nag-abot ng pera sa cashier.

Humanap agad kami ng pwesto hanggang sa nakakita kami. Occupied yung katabi naming table. Marami sila, kasama nila si Irene na namumula ang pisngi.

Pero iba ang treatment nila kay Irene, parang hindi siya pinapansin. Kung magsasalita naman si Irene hindi siya binibigyan ng pansin.

Dalawa lang silang babae at tatlong lalake. Nagtama ang tingin namin ni Irene pero siya ang umiwas. Tumingin rin sakin ang mga students na kasama niya sa table.

Umupo na kami at nagsimula ng kumain. Sapat na sakin ang large fries pero hindi isa, tatlo. Hehe.

"Winter, yung nangyari kanina sainyo ni Nicole. Alam ba yun nina Kuya Spring at Ate Autumn?" tanong ni Samantha.

"Hindi na kailangan."

"Huh? Diba sabi ni Kuya Spring ay umiwas ka sa away?" tanong ni Alexis.

"Ang away dapat ang iiwas sakin hindi ako." sabay subo ng fries.

"Winter naman eh! Seryoso nga!"

"Kailan pa ako di nagseryoso?"

"Winter naman!"

"Joke lang, di ko na kailangang sabihin lalo na kay Ate."

"Bakit?"

"Hindi yun magdadalawang-isip na bumalik dito at sugurin si Nicole. Katulad ng ginawa niya kay Irene." nilakasan ko ang boses ko sa part na yun kaya napansin kong napatingin sila Irene samin.

"Kaya ba, hindi mo sinasabi dahil alam mong sasaktan rin siya ng Ate mo?"

"Yeah, dati pa yun. Ayaw talaga nila akong makitang nasasaktan o umiiyak man lang. Nandyan rin sila, everytime I need comfort."

"Kaya pala todo bigay sila sayo ng guide. Alam mo, ang swerte mo. May Kuya kang katulad ni Kuya Spring at may Ate ka ring katulad ni Ate Autumn." sabi ni Samantha.

"Yeah, napaka-swerte talaga. Kahit sina Mom at Dad ay parang totoong anak na rin ang turing nila sakin. Dahil bunso ako, nasa akin rin ang attention nila. Kung anong gusto ko, binibigay nila. Pero hindi naman ako nanghihingi dahil sapat na yung binibigay nila sakin."

"Pero Winter, pala-away ka ba talaga?"

"Halata naman diba?"

"Pala-away nga...."

"Pero hindi naman ako papatol kong hindi sinimulan. Pero pagsinimulan niya, hindi talaga ako mag dadalawang-isip na patulan siya. Kawawa naman kong de-deadmahin ko lang." sinadiya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig ni Irene.

"Pero, kailan ka nagalit ng grabe? Anong nangyari sa kaaway mo?" nice question.

"Marami naman akong naka-away. Yung Grade 8 pa ako, sa labas ng School yun nangyari. Ako na ang umiwas dahil alam kong siya ang kawawa pag pinatulan ko siya. Pero dahil matigas ang ulo niya hinintay niya talaga ako sa paboritong kong tambayan sa park."

"Tapos anong nangyari?"

"Aalis na lang sana ako pero may tinapon siyang bato, hindi naman ako pwedeng mag teleport dahil nasa Mortal Realm ako non. Iiwas sana ako pero huli na ng dumapo na ang bato sa ulo ko."

"What? Malaki ba?"

"Yes, kasing laki ng kamao ko."

"So dumugo ang ulo mo non?"

"Yeah, mukha nga akong naligo ng dugo eh."

"Tapos anong ginawa mo."

"Mukha akong nawala sa sarili non. Ang na-alala ko lang ay sinuntok ko siya sa mukha ng limang beses. Pagkatapos non ay tumayo ako, nanlabo na rin paningin ko that time. Tumayo ako dahil nakita kong nahimatay na yung babaeng binugbug ko. Pero katulad niya nahimatay rin ako, natumba ako noon pero na feel ko na may sumalo sakin non pero hindi ko na maaninag ang mukha niya. But sure akong lalake siya."

"Ano?! Kung si Irene nga sinampal mo lang ng isang beses nahilo na, yun pa kayang sinuntok mo ng limang beses?! Ano nang itsura non?" kaya napatingin na naman sila samin.

"Sabi ni Kuya that time, tanggal raw ang tatlong ngipin tsaka bali rin ang buto sa ilong niya."

"Grabe ka Winter. Nakakatakot ka, tapos anong nangyari? Pinagalitan ka ba?"

"Hindi, dahil may nagsalita naman na School Mate ko na hindi ko kasalanan. Kita niya kasi kong pano ako natamaan ng bato. Yung babae naman, 2 weeks tulog."

"Two weeks?!" sabay nilang sigaw kaya hindi lang kina Irene ang nakuha nilang attention pati na rin ng ibang students.

"Pagkatapos non, medyo na guilty kasi ako that time kaya binisita ko siya sa hospital kong saan siya na confine. Nag sorry ako sa Mama niya at sinabing ako na ang bahala sa mga gastusin sa hospital. Because dahil sakin, tulog ang anak nila."

"Tapos? Did she accept it?" tanong ni Samantha.

"Yes, alam naman nila ang behavior ng anak nila. Pero nakakalungkot lang na kahit magulang sila, hindi nila maalis ang anak nila sa gang na sinalihan niya. Sabi pa nga niya eh karma niya siguro yun."

"Tapos?"

"Simula nung nangyari yun, tinuruan ko ang sarili ko na kontrolin ang lakas ko. Siguro kong hindi ako nahimatay that time napatay ko siya."

"Pero Winter, pag napatay mo siya nung araw na yun? Susuko ka ba sa pulis?"

"Oo, susuko talaga ako."

"Akala ko hindi."

"Simula rin nung araw na yun ay iniiwas ko na ang sarili ko sa away o gulo pero partida kasi yung away pa ang lalapit sakin. Kahit anong iwas ko ay mapapa-away talaga ako."

Tumango na lang sila at pinagpatuloy ang pagkain. Ramdam kong may nakatitig sakin at alam ko rin kung sino yun.

Sila Irene yun at yung mga kasama niya sa table. Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ng Fries.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami at nagsimulang maglibot.

Una nila akong dinala sa mga classroom, sa magiging building namin. Iba-iba pala kami ng klase. 4 floors ang building kasali na ang rooftop.

First floor ay may limang room. Sa isang room ay hanggang 20 Students lang dapat. Dito ang Area ng mga Scholar katulad nilang dalawa. May limang section rin. Class C ang tawag sa mga Scholar. So pwede silang tawaging Class C Section 1. Hanggang 5 lang Section nila pati na rin sa Class B na nasa 2nd floor at Class A na nasa 3rd floor.

Second, sa Gym. Dito rin ako pumunta nung enrollment. Sabi nila dito raw pupunta sa Monday bago pumasok sa classroom nila para sa Opening na gaganapin. Siguro ang pag welcome ng mga bagong students katulad ko. Dito rin gaganapin ang mga party na magaganap dito sa Mystic Academy.

Third, ay sa Arena. Dito raw ginaganap ang duel at leveling na magaganap after 2 weeks. Napakalaki ng Arena dito sa Academy. Mukhang yung lugar kung saan nagco-concert yung paboritong kpop boyband ni Ate na BTS. Ganun kalaki tapos my invisible shield rin daw ito para hindi raw madamay ang mga taong nanonood tuwing leveling. May stage rin at upuan na nakaporma ng letter V. Hindi ko alam kung para saan yun at hindi ko na lang pinansin.

*****

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

38.4K 1.6K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
138K 4.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
15.7K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
86.5K 4.4K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...