MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.3K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 5:

179 6 0
By Sparkyspark15


WINTER POV:

Habang nakahiga ako sa kama ay may narinig akong nag-uusap. Kaya tumayo ako at inaayos ang sarili ko.


Paglabas ko ay may nakita akong dalawang babaeng nerdy. Hindi naman lahat ng nerdy pangit katulad ng kaharap ko ngayon. Magaganda sila pag-inayusan nila ang sarili nila.


Natatago kasi ang ganda nila sa makapal na salamin at magulong buhok. Makinis naman ang mukha nila kaya yan ang nagpaganda sa kanila. Akala ko talaga noon na ang lahat ng nerd na students ay pangit hindi naman pala.


"Hello....so kayo ba ang ka-roommate ko?" ano ba Winter, tanga lang? Pupunta ba sila dito kung hindi?


Muntik ng maluwa ng isang babae ang tubig niya nung makita ako habang yung isa naman ay naka-nga-nga lang. Parang nakakita sila ng multo pero sad to say ako yung multo.


"Y-yes, k-kami nga yun." sabi nung babaeng naka-suot ng hairband. Takot sila sakin?


Lumapit naman ako sa kanila kaya kita ko rin ang unti-unting pag-atras nila. Takot nga.


Nilahad ko ang kamay ko tsaka nagpakilala. Nabigla naman sila sa inasal ko kaya nagtaka naman ako. Bakit? Ganito naman ako makipag-kaibigan nung bata pa ako ah?


"I'm Windellyn Terrisha Perez, kayo?" they are hesitating to hold my hand pero sa huli tinanggap naman nila.


"A-ako n-naman si Alexis Gabriela Mendoza. Cloaning is my Power."


"A-ako n-naman si Samantha Ashley Gonzales. Telekinesis is my Power."


Nagtataka talaga ako kung bakit mukhang takot sila sakin.


"Can I ask, kung bakit parang takot kayo sakin?"


"H-hindi k-kasi k-kami sanay na may m-maka-usap kami na s-students na mas malakas p-pa s-samin." sabi ni Alexis kaya tumango naman ako. Bakit? Hindi ba sila malakas?


"Kaya ba natatakot kayo dahil baka sasaktan ko kayo? Dahil mas malakas ako sainyo?" kaya tumango naman sila. I think they were bullied.


"Don't worry, hindi naman ako nananakit ng kapwa estudyante ko. Please, wag na kayong mautal na kausapin ako." sabay bigay ng ngiti ko.


Ngumiti na rin sila sakin, ang gaganda naman talaga nila. Lalo na pag ngumingiti hindi lang halata.


"Upo muna tayo, kanina lang kasi tayo naka-tayo." kaya lumapit naman kami sa sofa tsaka umupo. Tabi sila sa isang malaking sofa tapos ako naman sa single sofa.


"Can I ask a question?"


"Sure...." sabi ni Alexis.


"You two are being bullied here do you?"


"Yes, scholar lang kasi kami dito. Tsaka mahina rin kami." sabi ni Samantha. Scholar?


"What do you mean Scholar?"


"Isa kami sa nabigyan ng chance na maka-pag-aral dito sa Mystic Academy kahit hindi namin abot ang Power Rate na kinakailangan para makapasok dito." sabi ni Alexis. Ok?


"Bakit? Ano bang result niyo? Tsaka matagal na ba kayo dito?" kaya tumango naman sila.


"2 years na kami dito." sabi ni Samamtha. 2 YEARS?! EDI 2 YEARS NA RIN SILANG BINUBULLY?!


"So....2 years na kayong na binubully dito?" kaya tumango naman sila pero this time nakayuko na.


"Did the Principal know about this?" umiling naman sila. Ano?! Panong hindi alam?!


"Walang mabubully kung walang bullies, so sino?"


"Si Irene, magsusumbong sana kami pero bina-blackmail niya kami. Pati yung ibang students na binubully niya." sabi ni Samantha. Irene na naman?!


"Kaya pala para kayong nakakita ng multo kanina. Don't worry, pag nasa tabi niyo ako. No one will dared to hurt the two of you." kaya naman nagulat sila.


"What do you mean?" tanong ni Alexis kaya ngumiti ako sa kanya.


"Dahil simula ngayon, kaibigan niyo na ako. Maaasahan niyo ako sa lahat ng problema niyo, handa rin akong tumulong sa inyo kahit ano pa yan." kaya nabigla na naman sila.


"Teka lang, sure ka ba? Hindi kaba nahihiya sa itsura namin?" tanong ni Alexis.


"Kahit baliw pa kayo, wala akong pake. Kaibigan ko kayo and I'm proud of it. Tsaka hindi siguro kayo aware na maganda naman kayo." sabi ko sabay sandal sa malambot na sofa.


"K-kami? M-maganda? S-saan banda?" just what I thought.


"Maganda naman kayo, hindi lang nila napapansin dahil sa magulo niyong buhok at makapal na salamin niyo. Believe me, I'm not lying."


"Sure ka na ba talaga diyan? Hindi sa nagtataka kami. Pero sure ka na ba talaga? Kami? Kaibigan mo?" kaya tumawa naman ako.


Para maniwala sila, tumayo naman ako at lumapit sa kanila para yakapin tsaka bumalik na sa pwesto ko.


"Hindi ako yumayakap sa isang tao kung hindi ko sila close o kaibigan. So swerte niyo may kaibigan kayong katulad ko." sabay wink sa kanila.


"Seryoso talaga siya Samantha...." sabi ni Alexis.


"Oo nga, sabihin mo nga. May ginawa ba tayong mabuti para magkaroon tayo ng roommate katulad niya?" tanong ni Samantha kaya tumawa naman ako.


"Can we ask some questions?"


"Sure, depende sa tanong niyo."


"Anong itatawag namin sayo?" tanong ni Alexis.


"Medyo mataas kasi ang pangalan mo...." sabi naman ni Samantha sabay kamot sa batok niya.


"Winter, you can call me Winter."


"Do you know Autumn and Spring?" tanong ni Alexis.


"Ofcourse, they are my brother and sister."


"So, ikaw yung adopted nila?" tanong ni Samantha kaya tumango ako.


"Anong result ng Power Rate mo?"


"96%" kaya nanlaki ang mata nila.


"Ang lakas din niya. Katulad ng Kuya at Ate niya...." sabi ni Samantha kaya tumango naman si Alexis sa kanya.


"Ilang taon kana?"


"Kaka-17 ko lang noong February 15."


"Pagkatapos ng Valentines Day?" kaya tumango ako.


"Single ka ba?" kaya tumango na naman ako.


"SINGLE KA PA?!" sigaw ni Samantha.


"Sa ganda mong yan? Single ka pa?!" sigaw ni Alexis kaya tumawa na lang ako.


Nag-usap muna silang dalawa na parang hindi parin makapaniwala na single pa ako.


"But I love someone." kaya tumingin ulit sila sakin.


"Sino?" sabay nilang sabi.


"Kung saan man siya ngayon alam kong hindi na siya naghihirap ngayon." kaya nagtataka naman silang tumingin sakin. Ngumiti na lang ako sa kanila tsaka tiningnan ang oras sa relo ko. 11:48 am na pala.


"Gutom na ba kayo? Punta na tayo sa cafeteria gutom na ako eh." kaya tumayo naman sila.


"Sandali lang, hintayin niyo ako dyan. Kukunin ko lang ang wallet ko." tsaka pumasok na sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko na ang wallet ko tsaka bumaba na.


Tumabi na ako sa kanila tsaka lumabas na sa dorm namin. Pinagtitinginan nga kami ng ibang students, nagtataka siguro sila kong bakit magkasama kaming tatlo.


Pumasok na kami sa elevator tsaka naghintay na dadating sa first floor. Pagdating namin sa first floor ay lumabas na agad kami sa elevator at dumeretso agad sa cafeteria.


Mas dumami ang students na tumingin samin kaya ramdam ko ang hawak nina Alexis at Samantha sa magkabilang braso ko.


"Don't worry, hindi ko hahayaang saktan nila kayo." kaya tumango naman sila.


Palagi kong binibigyan ng masamang tingin ang mga students na nilalait sina Alexis at Samantha kaya nag-iiwas naman sila ng tingin.


Pagdating namin sa cafeteria ay sabay kaming nag-order ng pagkain namin. Mukhang masarap naman lahat.


"Order kayo kung anong gusto niyo. Libre ko." kaya kumuha naman sila. Kumuha na rin ako ng sarili ko tsaka binayaran pati na yung sa kanila.


Naghanap kami ng pwesto hanggang sa may nakita kami. Umupo na kami tsaka nilagay ang pagkain sa lamesa.


Kaharap ko ang pintuan ng cafeteria kaya kitang-kita ko ang mga taong pumapasok at lumalabas.


"Tatawagan ko lang sina Kuya at Ate. Sasabay kasi sila sa ating kumain." ngumiti muna sila sakin bago tumango.


Nilabas ko agad ang cellphone ko tsaka tinawagan si Kuya. Dalawang ring lang bago sinagot ni Kuya ang tawag.


"Bunso...."


"Kuya nandito na ako sa cafeteria. Katabi ng Vending Machine. Makikita mo agad ako dahil ako lang naman ang may puting buhok dito."


"Sigi papunta na kami dyan. Kasama mo ba ang roommate mo?"


"Yes, kuya kumakain na nga eh."


"Ok, kumain ka na rin huwag mo na kaming hintayin. Dadating naman kami."


"Sigi Kuya." tsaka binaba ang tawag. Kakain na sana ako ng biglang dumating si Irene kasama ang mga aso niya.


Nagtabihan ang mga estudyante nung dumating siya. May tinulak rin siya dahil paharang-harang sa dinaraanan niya.


Nakita ko siyang bumili ng gatas na nasa basong babasagin. Tsaka nilibot ang tingin namin. Nagtama ang tingin namin o kay Samantha na masayang kumakain.


Nang papalapit na siya dito ay hinanda ko na ang sarili ko. Nang makalapit na siya ay tumayo ako tsaka hinarangan si Samantha.


Ending sa damit ko natapon ang gatas na ibubuhos niya sana kay Samantha. Tahimik ang cafeteria ngayon dahil saming dalawa ni Irene.


"We meet again Irene." kaya alam kong nabigla siya.


"Oh? Harang-harang ka kasi, ayan tuloy. Should I say sorry?" so papatol ka talaga ah?

THIRD PERSON POV:

Napaka-tahimik ng cafeteria ngayon at walang ni isang nagbalak na bumasag nito. Lahat ay nag-aabang sa sagutan na magaganap dito sa Cafeteria.


Pero ang magkapatid na Perez ay nakatingin lang sa bunso nila at naghintay kong anong gagawin.


"Hindi na kailangan, dahil alam ko naman na wala yun sa vocabulary mo ang mag-sorry." sabay labas sa panyo niya at pinunasan ang damit niya.


"Buti alam mo." pero ngumisi lang si Winter. Napa-ngisi na rin ang magkakapatid dahil alam nilang may balak ito.


At meron nga, kinuha rin niya ang juice ni Alexis tsaka binuhus sa mukha ni Irene. Napuno ng singhapan at bulong-bulongan ang cafeteria pagkatapos niyang gawin yun.


"And also, don't expect me to say 'sorry' to you because I'm only saying it to the person who truly deserve it. So meaning You.dont.deserve.it" tsaka nilagay ang baso sa lamesa.


Habang si Irene naman ay tinutulongan ng kanyang mga alalay sa pagpunas ng damit at mukha niya.


Tumingin siya kay Winter na nakatalikod sa kanya dahil nag-uusap sila ng dalawang babaeng bubuhusan sana niya.


Pero mas lumakas ang bulong-bulongan at singhapan ng biglang hilahin ni Irene ang braso ni Winter paharap sa kanya at sinampal.


Para sa kanya yun na ang pinaka-malakas na sampal na nabigay niya at si Winter rin ang unang nakatanggap non.


Ang magkakapatid naman na nanonood ay kalmado lang din dahil simula't sapul alam nilang walang kaya si Irene lalo na kung nabigyan niya ng sugat ang mukha ni Winter.


Sugatan mo lang lahat, huwag lang ang mukha niya dahil hindi siya magdadalawang-isip na doblehin ang ginawa niya sayo.


"Malakas ka. Pero yun na ba ang pinakamalakas mong sampal? Tsk, hindi nga masakit eh." sabi niya sabay pahid sa dugo sa labi niya.


"Talaga? Walang sakit? Bakit dumudugo ang labi mo?" sabay ngisi.


"Suntok o sampal. Pumili ka." tsaka binigyan ng malamig na tingin. Natakot si Irene sa tingin na binigay ni Winter pero hindi niya pinahalata.


"At kung hindi? Sa tingin mo ba matatakot ako sayo?" nilakasan niya ang loob niya para hindi yun malaman ni Winter.


Pero patago pa lang siya alam na agad ni Winter. Panong hindi eh ganyan din ang gawain ng mga taga Gangster Society pagkaharap siya o ang grupo nila.


"Talaga? Hindi? o baka tinatago mo lang? Dahil simula't sapul alam mong wala ka talagang kaya sakin." sabay ngisi.


"Sure ka? Na hindi kita kaya? Baka nakalimutan mo, pamangkin ako ng Principal dito. Kaya kitang paalisin."


"Alam ko, at ano naman ang ira-rason mo? Sigi nga, hindi mo ako mapapa-alis dito kung wala kang rason. Ano yun?" kaya tumahimik naman si Irene. Dahil kahit siya ay wala siyang rason para mapa-alis si Winter dito.


"Oh? Natahimik ka? Wala diba? Pero ako meron. Akala mo ba na hindi ko alam na nambu-bully ka ng mga students dito? Tapos hindi sila makapagsabi sa Principal dahil you're blackmailing them. Am I right? Sa tingin mo ba, natatakot ako sa mga blackmail mo? Test me, baka nakalimutan mo isa akong Perez. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay apihin ako ng isang taong, hindi at hindi magiging ka-level ko. Dahil hindi mo alam kung sino talaga ako, naintindihan mo?"


"Proud ka pa ah? Baka nakalimutan mo ring ampon ka lang. Bakit nga ba? Dahil iniwan ka ng pamilya mo at hinayaang mag-isa ng hindi iniisip ang nararamdaman mo at alam mo ba anong meaning non? Hindi ka nila mahal at never ka nilang minahal, kaya nga iniwan ka diba? Swerte ka lang dahil isang Perez ang umanpon sayo. Pero sa tingin mo ba, mahal ka rin nila? O baka naman naaawa lang sila sayo? Remember, ampon ka lang, wala kang dugong Perez kahit isang patak lang."


Dahil sa sinabi ni Irene ay sinampal agad siya ni Winter. Dahil hindi kontrolado ni Winter ang sampal niya kaya ayon natumba si Irene. Nahihilo na rin si Irene at nalalasahan na rin niya ang dugo sa bibig niya.


Agad naman siyang inalayan ng mga alalay niya dahil hindi parin nawala ang hilo na nararamdaman niya.


"I told you to choose, hindi yung siraan ako. Ano nahihilo ka ba? Alam mo bang mas may ilalakas pa ang sampal na yan once na sinagad mo ang pasensya ko?" pero hindi na nakasagot si Irene dahil nahihilo parin siya.


Lumapit si Winter kay Irene tsaka hinawakan ang baba nito. Alam naman niyang nahihilo siya pero wala siyang pake.


"Balita ko ikaw ang dahilan kong bakit nahihirapan ang dalawang kaibigan kong makapag-aral ng tahimik dahil sa ginagawa mo sa kanila. Pwes ngayon, hindi kita hahayaang saktan mo sila. Dadaan ka muna sakin bago mo sila apihin. You Understand?" pero hindi gumalaw si Irene. Nakatingin lang siya kay Winter na parang may naaalala.


"SA LAHAT NG STUDENTS DITO SA LOOB NG CAFETERIA, SAKTAN NIYO TONG DALAWANG KAIBIGAN KO. TINGNAN NATIN KUNG SAAN KAYO PUPULUTIN KASAMA ANG PAMILYA NIYO. NAINTINDIHAN NIYO BA?!" sigaw niya pero walang sumagot. Lahat sila ay takot kay Winter, mas malalang takot na nararamdaman nila kaysa kay Irene.


"YOU HEARD MY SISTER! NAINTINDIHAN NIYO BA?!" dumagundong ang sigaw ni Spring sa cafeteria kaya tumango naman ang mga estudyante dito.


"At ikaw? Saktan mo pa ang kapatid ko ako ang makakaharap mo. Naintindihan mo ba?" sabi ni Autumn kay Irene pero binigyan lang siya ni Irene ng masamang tingin.


Sinampal naman siya ni Autumn kaya pinigilan na ni Spring at Winter ang Ate niya. Pilit kumawala ni Autumn pero ginamit na ni Spring ang kapangyarihan niya kaya hindi na siya makawala.


Inutusan ni Spring si Winter na samahan si Autumn papunta sa dorm nila. Magtatake-out na lang siya sa cafeteria at dalhin doon.


Pero bago siya sinunod ni Winter ay hinarap niya muna si Irene.


"Winter, remember my name. Mess with me, hindi ako magdadalawang-isip na patulan ka to all of your f*ucking nonsense game at isa pa, huwag kang magtangkang labanan ako ng patalikod dahil nag pa-plano ka palang patapos na ako. Hindi ko na sasabihin na naintindihan mo ba, dahil ang gusto ko itatak mo dyan sa isip mo dahil ang mga taong kagaya mong gagawin ang lahat, manalo ka lang sa huli kahit alam mong nakakasakit ka na ng ibang tao. If you think that I'm scared like the other students because of that f*ucking blackmail, ibahin mo ko. Baka ikaw pa ang matakot once na ginawa ko yan sayo."


Umalis na si Winter na hawak ang kanyang Ate sa braso dahil ang sama parin ang tingin kay Irene. Sumunod sa kanila si Alexis at si Samantha habang si Irene naman ay hindi parin nawala ang takot na nararamdaman niya.


Pero namayani parin ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawa ni Winter. Buong buhay niya, ito ang unang beses na napahiya siya sa mga estudyante dito sa campus.


"Just wait Winter. Pagsisisihan mo talagang binangga mo ako at pinahiya ng sobra." sabi ni Irene sabay kuyom sa kamao niya.


"Anong tingin-tingin niyo diyan?!" sigaw ni Irene kaya nag-iwas naman ng tingin ang mga students sa kanya at nagbigay ng daan kay Irene.


Pumasok si Irene sa Dorm ng mga Ranger. Ipon sa isang dorm ang anim na estudyante na napili ng Principal.


Sila ang grupong pinapapunta sa ibang lugar para sa kanilang mission. Pwede ring individual, pwede ring team. Meaning silang lahat sabay.


May kanyang-kanya silang pwesto tuwing leveling. There formation is like a V. Sa pinaka-unahan ang leader nila and then sunod-sunod na depende sa ranking na binigay sa kanila.


Sila ang katulong ni Principal sa mga student, like student council pero ang kaibihan lang ay hindi na kailangan ng pwesto. They always wear a star na badge that symbolize na sila ang Ranger.


Ranger rin si Irene, ang ikalawang pinakamalakas na student sa campus kaya takot ang ibang students sa kanya.


Sa mga kasama naman niya dito sa dorm, wala siyang close doon. The members secretly hates her pero hindi nila mapakita dahil nga sa salitang "blackmail".

WINTER POV:

"Bwisit yung babaeng yun. Ok ka lang? Yung pisngi mo? Yang labi? Masakit ba? Saan banda?" sabi ni Ate.


"Ok lang ako, hindi naman siya masyadong malakas sumampal."


"Anong hindi?! Dudugo bayang labi mo kong hindi?!"


"Ate naman eh, hindi nga masakit. Tsaka nasampal ko naman siya kaya quits na kami. Diba?" kaya pinitik naman niya ang noo ko. Tumawa naman sina Alexis at Samantha samin.


"Para saan naman yun ah? Parang hindi mo rin sinampal yung bubuyog na yun."


"Binabalik ko lang ang ginawa niya sayo."


"Binabalik? Tsk, bakit ikaw ba ang sinampal? Ha? Ikaw ba?"


"Hindi."


"Hindi naman pala eh, tapos kung maka-react parang siya yung nasaktan. Tumahimik ka nga dyan." sabi ko sabay hawak sa noo ko.


"Hello, ako si Autumn. Kayo? I assume kayo ang roommate ni Winter?"


"Yes, kami po yun. Mukha talaga kayong magkakapatid. Ang gaganda niyo." sabi ni Alexis.


"Alam ko." sabi ni Ate sabay flip ng hair. Papansin din siya, tsk.


"Magaganda rin naman kayo, ayos na lang kailangan para makita ng iba ang ganda niyo. Naka-focus kasi sila sa magulo niyong buhok at makapal na salamin. Siguro pag-inayosan kayo, kasing ganda niyo na kami ni Winter. Right Winter?"


"Ako lang, di ka kasali. Tsk......" tsaka umakyat sa kwarto para magbihis.


Rinig ko ang tawa nila Alexis at Samantha dahil sa sigaw ni Ate. Pikon! HAHA.


Pumasok agad ako sa kwarto at binuksan agad ang cabinet. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto ko.


Nakita ko silang apat na masayang kumakain. Nakarating na pala si Kuya Spring. Close na agad sila.


"Ang saya niyo ah?" kaya tumingin naman sila sakin. Tiningnan ko sila isa-isa pero pagdating kay Kuya ay nagtaka ako dahil ang sama ng tingin niya sakin. Bakit?


"Kuya? Ano bang nagawa ko? Kung tungkol to kay Irene at kung gusto mong mag-sorry ako dahil sinampal ko siya. Ayoko ko, wala akong pake sa bubuyog na yon. Kahit kaladkarin mo pa ako ayo--"


"Bakit ganyan ang sout mo?" Huh?


"Bakit? Damit naman to ah!"


"Huwag mong ipakita ang katawan mo, wala ka sa bahay. Delikado ka sa mata ng mga manyak."


"Hindi yan, tatadyakan ko lang mukha nila or their precious balls."


"Winter...."


"Kuya naman eh. Ang ganda kaya nito."


"Pag ikaw ang nag-suot, maganda talaga kaya magbihis ka na."


"Ayoko."


"Magbibihis ka o magbibihis."


"Mag-aayoko." tatayo na sana si Kuya pero tumakbo na ako. Bubuhatin niya kasi akong parang sako tapos ihahatid ka sa kwarto mo.


"Ate! Patulong naman oh!" sigaw ko habang umakyat sa kwarto pero dahil matigas ang ulo ko. Tumakbo ako papunta sa likod nina Alexis at Samantha.


"Bahala ka dyan. Inaway mo ako kanina. Kuya hahabulin natin siya. Doon ka sa kabila ako rito." tsaka tumayo na. P*ta wala na akong takas nito. Wait? Meron pa! Magte-teleport ako! Bwahaha!


Papalapit na sana si Kuya sakin pero nag teleport agad ako sa likod niya tsaka tumakbo na naman sa kabilang side ng lamesa. Tawa lang ng tawa sina Alexis at Samantha samin dahil nagmumukha kaming baliw rito.


"Anong akala niyo, ganun lang ako kadaling mahuli niyo. Si Winter kaya to! Wala sa vocabulary ko ang magpatalo." sabay tawa ng nakakaloko. Mukha akong takas sa mental pero ok na yun atleast hindi nila ako nahuli.


Nagkatinginan si Ate at Kuya tsaka tumango, hindi ko na lang pinansin dahil busy ako kakatawa sa pwesto ko.


"Sigi, papayagan kita kumain ka na." sabi ni Kuya kaya lumapit na ako sa lamesa.


Uupo na sana ako pero nakita kong tumakbo si Ate papunta sakin. Magte-teleport na sana ako pero huli na ang lahat dahil nahawakan na ako ni Ate. Hindi kasi ako makakapag-teleport pag may humawak sakin.


Para sakin lang kasi ang teleportation, hindi ko madadala ang taong humawak sakin pero yung dala kong bagay masasama ko. Dahil nga nahawakan ako ni Ate bago ako nakapag-teleport kaya hindi natuloy, papalapit na rin si Kuya. Isa lang ang masasabi ko, Goodluck na lang sa sarili ko.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

879K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...