MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.3K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 4:

168 4 0
By Sparkyspark15


WINTER POV:

"Sabi ko na nga ba! Kakampi ka sakin!" kaya nag-apir naman kaming dalawa. Ganyan kami ni Ate, pag may kaaway. Kaaway niya, kaaway ko na rin. Dahil pag sasaktan niya si Ate ako ang makakaharap niya tapos pag sinaktan naman ako si Ate ang makakaharap niya. Pero hindi sa lahat ng oras, hindi rin naman lahat ng oras ay kami ang tama. Pag mali namin ay inaamin naman namin kahit labag sa kalooban namin.

"Ofcourse, alam ko namang hindi mo papatulan ang isang tao pag hindi niya sinimulan." kaya napangiti ako.

Nag-uusap lang kami ng natural, topic namin palagi ang trip namin noong nasa Mortal Realm pa kami kasama ang gang. Magkakabarkada talaga kami, nagkakilala kami ng dahil sa kapangyarihan namin.

Apat-apat, apat na babae at apat na lalake. Pagdating naman sa pagiging myembro ng gang ay sila ang kusang sumali kaya wala kaming nagawa ng kapatid ko. Gusto nila eh kaya pinayagan na lang namin.

Sa apat na babae, ako ang tipong ma-attitude. Si Ate naman ang mukhang baliw sa grupo kasama ang isang babae. Tapos chill lang ang last na babae sa grupo namin, siya yung nagustuhan ni Kuya.

Sa apat naman na lalake. Yung bestfriend kong lalake ay katulad ko ma-attitude rin. Tapos yung dalawang lalake ay chill lang. Kasama si Kuya dyan tapos ang last kasama nina Ate at yung isa pang babae namin sa mga kalokohang ginagawa nila.


"Kain na kayo, ito na yung inorder ko. Paparating pa yung iba. Inuna ko na to dahil alam ko naman na gutom na kayo." tsaka binigay samin ang pagkain.

Burger steak saming dalawa ni Ate tapos Chicken Joy naman ang kay Kuya, yung maanghang. Hindi na ako nagtanong dahil alam ko naman na mahilig sa maanghang si Kuya. Ako? I kinda hate and like it.

"Kuya, yung iba ano yun?" tanong ko tsaka sabay subo ng pagkain.

"Mga Burger, Fries at Ice Cream. Yun naman diba ang mga paborito nating tatlo?" kaya tumango naman kaming dalawa ni Ate.

"Speaking of fries, parating na pala kasama ang burger at Ice cream. Ayun sila oh, papunta na dito." tsaka nilingon ang empleyado na may dalang isang tray.

Lumapit ito sa amin tsaka nilagay ang tray, at dahil tapos na rin akong kumain ay kumuha na ako ng fries tsaka ng ice cream.

Ginagawa kong sawsawan ang Ice Cream ng fries ko dahil nasasarapan ako. Ewan ko lang sa kapatid ko kung nasasarapan rin ba sila

"Seriously Winter? Ketchup mo yang ice cream mo? Are you crazy?" tanong ni Kuya.

"Masarap kaya, gusto mo?"

"Ayoko nga, baka sasakit pa ang tiyan ko niyan."

"Edi wag, hindi naman kita pinipilit eh." tsaka nagpatuloy sa pagkain.

"Ako, try ako." sabi ni Ate kaya tiningnan ko siyang sinawsaw sa ice cream niya ang fries tsaka kinain.

"Masarap nga, you should try Kuya." sabay bigay ng fries kay Kuya na may ice cream. Sinubuan siya ni Ate kaya tinanggap naman niya ito.

Hinintay namin ang reaction niya pero tumango lang siya.

"Masarap naman."

"See, masarap diba. Kaya pala di na kailangan mag ketchup ni Winter."

"Masarap iluwa." tumawa naman ako sa reaction ni Ate dahil ang sama ng tingin niya kay Kuya.

"Joke lang, masarap naman talaga." tsaka tinabi ang ketchup.

Kumain naman kami ng maayos. May pinag-uusapan rin minsan nakakatuwa, minsan nakaka-insulto, minsan nakaka-asar rin.

Pagdating sa asaran palaging talo si Ate dahil madali ring mapikon. Sa pang-iinsulto naman ay si Kuya. Minsan nga pinag-tutulongan na nila ako.

"5:45 PM na, dalian niyo na diyan. Maghahanda ka pa Winter." sabi ni Kuya habang kumakain parin.

"Nga pala, anong oras ka aalis bukas Winter?"

"Di ko alam Kuya, kung ikaw? Anong oras ka pupunta bukas?"

"Ako? Ahm....Nung nakuha ko na ang Invitation ay kinabukasan pumunta agad ako sa Academy."

"Mga 10:00 AM na lang Winter. Doon na rin kami kakain ng tanghalian tapos uuwi na kami." sabi ni Ate kaya tumango naman ako.

"Sigi, para makapag-libot na rin ako."

"Ok so 10:00 AM?" tumango naman ako.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami tsaka kinuha na rin ang pinamili namin sa ilalim ng mesa. Lumabas na kami sa Jollibee tsaka pumunta na sa Parking Lot.

Pagdating namin doon ay binuksan ko na agad ang backseat kung saan naka-upo si Ate Autumn.
Nilagay lahat ni Kuya ang pinamili namin katabi sa mga pinamili ni Ate tsaka pumasok na sa passenger seat.

Pumasok na rin ako sa loob tsaka pinaandar na ang kotse. Ako parin ang nag-drive para sure na walang gasgas tong kotse ko.

Pagdating namin sa Parking Lot ng Hotel ko ay bumaba na kami. Ako na ang kumuha sa mga pinamili dahil buhat ngayon ni Kuya si Ate na tulog na ngayon.

Pumasok na agad kami tsaka nagtungo na sa elevator. Buti na lang walang tao ang elevator kaya hindi nahirapan si Kuya na buhatin si Ate.

Pagdating namin sa room ko ay kinuha ko agad sa bag ko ang susi tsaka binuksan ang pintuan. Pinauna ko si Kuya bago ako, nilagay ko muna sa couch ang pinamili tsaka binuksan ang kwarto ni ate para makapasok si Kuya.

Paglagay ni Kuya kay Ate sa kama niya ay hinalikan niya muna ang noo nito bago nilagyan ng kumot.
Sabay na kaming lumabas sa kwarto niya tsaka pumunta sa sala.

Pumunta si Kuya sa fridge at kumuha ng tubig habang ako naman ay naka-upo sa sofa. Papasok na ako bukas, sana nga maganda ang journey ko doon.

"Kuya, baka inaantok kana. Pwede ka nang matulog."

"Hindi pa naman, tulongan na kita dyan." wala akong magagawa kong di ang hayaan siya dahil alam ko namang hindi ko siya mapipigilan.

"Sigi, ilalagay ko lang to sa kwarto ni Ate." tsaka pumasok na sa kwarto at nilagay ito sa table niya. Lumabas na ako at maingat na sinara ang pinto.

"Hindi ka na ba kakain ng hapunan Winter?"

"Hindi na Kuya, busog pa naman ako. Ikaw? Magpahinga ka na Kuya, alam kong pagod ka kakadala ng mga pinamili natin."

"Sigi, Good night na bunso."

"Goodnight na rin Kuya." sabay halik sa pisngi tsaka pumasok na sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nagpunas tsaka nagbihis. Nilabas ko ang extrang maleta para lagyan ko ng mga pinamili ko. Hindi ko naman kailangan ng maraming damit dahil iiwan ko naman ang iba dito. Tatlong maleta lang ang dadalhin ko. Una para sa mga pambahay ko, ikalawa para sa mga panlakad ko and ang huli ay ang mga gamit na pinamili ko.

Sa gamit na lang na pinamili ang aayusin ko dahil nakalagay na naman sa mga maleta ang mga damit na dadalhin ko bukas kaya yung pinamiling sapatos, bag at yung school supplies na lang.

Pagkatapos kong ayusin lahat ay tinabi ko na ang tatlong maleta katabi ng salamin ko dito sa kwarto ko. I also check my sling bag kung nandoon na ba ang mga susi ko. Susi ng Motor tsaka nitong hotel room ko.

Pagkatapos kong I-check lahat ay humiga na ako sa kama para matulog. New journey is waiting tommorow Winter. You should not stressed yourself dahil magagalit yung pamilya mo.

Hindi ko na namalayan ang sarili kong nakatulog na pala. Mukhang pagod nga talaga ako ngayon.

SPRING POV:

Pagkatapos kong magpunas ay humiga muna ako sa kama. This is the first time na malayo si Winter sa amin ng ganito ka tagal.

Alam ko naman na sa likod ng mga ngiti at tawa niya pagkasama kami ay nakatago doon ang isang masaklap na pangyayari noon.

Ang masakit na naramdaman niya noon. Kita ko mismo sa sarili kong mata ang hirap na dinanas niya. Buti nga ngayon ay ngumingiti na siya kahit minsan lang. Noon? Hindi talaga ito ngumiti, pag ngumiti naman siya hindi yung totoo niyang ngiti. Yung peke lang.

Tumayo muna ako at lumabas sa kwarto ko tsaka pumunta sa kwarto niya. Pagbukas ko sa pintuan ay nakita ko siyang nakahiga na. May tatlong maleta na rin katabi ng salamin niya.

I think bago siya natulog ay naghanda muna siya para bukas. Nilapitan ko siya at inayos ang kumot tsaka hinalikan ang noo.

Lumabas na ako sa kwarto niya at maingat na sinira ang punto. Pumasok na ako sa kwarto ko tsaka humiga na rin.

Yan ang nagustuhan ko kay Winter, alam na niyang maging independent. Pero kailangan parin ng gabay namin dahil believe me pag yan nainis walang kawala ang kaaway niyan.

Kung titignan sa aming magkakapatid, si Autumn ang pinaka-warfreak sa amin. Kaya given na na ako ang magpapatigil sa kanya. Si Winter naman, alam ko na ang trip niyan kuntsaba yan sila ng Ate niya.

Pero sa totoo lang si Winter ang may pinaka-maamong mukha samin. Mabait naman siya sa mababait, lalo na sa mga bata. Pero huwag na huwag mo siyang simulan dahil hinding-hindi ka nyan hahayaan lang. Pag sinimulan mo, hindi siya mag-dadalawang isip na sumali sa larong sinimulan mo.

Kaya takot ako sa magagawa niya pag sinagad talaga ni Irene ang pasensiya ni Winter. Kung gaano ka-amo ang mukha ni Winter kabaliktaran naman pag nagalit siya.

Hindi lang naman ako ang takot, pati sina Mom na rin. Dahil minsan na naming nakita si Winter na grabe ang galit nung may naka-away siya noong Grade 8 siya.

Yan ang pinaka-unang record na nakuha niya sa Principal's Office. Kawawa kasi ang naka-away niya. Hindi rin siya katulad ng ibang babae na sa sabunutan magaling. Mas magaling siya sa suntukan kaya napuno ng suntok ang mukha nung kaaway niya.

Hindi siya sumasampal ng tao dahil hindi niya kontrolado ang sampal niya. Mas kontrolado pa niya ang suntok niya kaysa sa sampal.

Namamaga ang mukha ng mga taong sinampal ni Winter. Sasakit talaga ang mukha mo, yung tipong hindi ka na makaka-kain ng maayos dahil masakit ang lalamunan mo. Hindi mo malunok ng maayos.

Biglang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito tsaka tinignan muna kong sino ang tumatawag. Si Mom lang pala.

"Spring, kamusta na kayo dyan. Kumain na ba kayo? Si Winter sana ang tatawagan ko pero naka-off siguro yung phone niya, pati rin kay Autumn."

"Ok lang kami, Mom. Tulog na po silang dalawa."

"Tulog na? Ang aga naman siguro."

"Tanggap na kasi si Winter sa Academy. Bumili lang kami ng gamit. Yung batang yun, kung hindi ko siya tinanong kung may gamit na ba siya siguro wala siyang dala bukas."

"Sa ranking niya, kamusta naman?"

"She got 96%. She's claiming the 1st spot sa ranking. Alam mo Mom, may nakasagutan raw siya doon."

"Ano?! Enrollment pa nga yan, pano pa kaya kong pasukan?!"

"Pero alam mo naman siguro Mom na hindi pumapatol si Winter kong hindi sinimulan ng kaaway niya."

"Ofcourse, natatakot ako sa pwede niyang magawa pag naubos ang pasensiya nun."

"Yan din ang ina-alala ko sa kanya. Pero sabi niya, siya na raw ang iiwas para walang gulong magaganap."

"Ano raw ang dahilan?"

"Alam mo namang maganda si Winter tapos idagdag mo pa the way she walk, yung pang Aphrodite. Tapos kalat na rin sa campus na ampon lang siya ng mga Perez."

"Tapos??"

"So nasa kanya na ang attention ng ibang students. Tapos, may isang babae na gusto niya sa kanya lang ang attention kaya pinuntahan niya si Winter na kina-career ang paglalakad niya hanggang sa hinarang siya."

"Si Winter talaga, pasikat rin minsan."

"Oo nga, kaya doon na nagsimula sagutan nila. Syempre hindi naman papayag si Winter na apihin siya kaya ayun pumatol."

"Hayss, sigi matulog ka na. Alam kong sasamahan niyo si Winter bukas. Ingat kayo ah?"

"Yes Mom. Uuwi na rin kami bukas pagkatapos naming ihatid si Winter. We decided na doon na lang kumain ng tanghalian."

"Sigi, ibababa ko na tong tawag nato. Bye anak, luv you."

"Luv you too, Mom." tsaka binaba na ang tawag. Tinabi ko na rin ang phone ko dahil inaantok na rin ako.

WINTER POV:

(8:00 AM)

"Winter, gising na. Kakain na ng agahan."

Nagising ako sa ingay na nagmula sa pinto ko. Boses ni Ate Autumn habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.

"Opo, gising na po."

"Maghanda ka na. Nakahanda na kami ni Kuya." kaya bumangon na ako at naligo. Paglabas ko sa banyo ko ay kinuha ko na sa cabinet ko ang susuotin ko papunta doon.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto ko tsaka deretso sa lamesa kong saan kumakain na sina Kuya at Ate.

"Kumain ka na Winter. Maya-maya aalis na tayo." sabi ni Kuya kaya tumango naman ako tsaka kumain na.

"Nga pala, pwede bang ako mag-drive sa motor mo Winter?" tanong ni Ate kaya tumango na rin ako.

"Basta huwag mong gagasgasan. Babangasan ko talaga yang mukha mo." kaya tumawa naman siya.

"Teka, akala ko ba may dala kang sasakyan? Anong sinakyan mo papunta dito?"

"Nagpahatid lang ako kay Apollo."

"So, aangkas ka sakin pauwi?" tanong ni Kuya.

"Ofcourse, anong akala mo? Lalakarin ko lang, ang layo kaya!"

"Bahala ka dyan, bakit kasi hindi ka pa nagdala ng motor!"

"Kuya naman eh. Aangkas lang naman."

"Sigi na nga. Bwisit naman oh!" kaya tumawa kami ni Ate.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit ni Ate ang mga plato tsaka si Kuya naman ang naghugas nito. Ewan ko lang kung bakit ayaw nila akong gawin yon.

Nilabas ko na lang ang mga maleta sa kwarto ko tsaka nilagay sa sala. Kinuha ko na rin ang sling bag ko kung saan chi-neck ko kahapon. Tsaka umupo muna.

"Winter, yan na ba lahat ang dadalhin mo?" tanong ni Kuya.

"Yes, Kuya. Yan na lahat."

"So halika na, 9:30 na oh. Para maka-stay pa naman kami doon." sabi ni Ate.

"Sigi, tulongan niyo naman ako nito. Hindi ko to madadala lahat."

"Wala kang dadalhin. Akin na yang dalawa ibigay mo kay Autumn ang isa." sabi ni Kuya kaya binigay ko na lang.

"Sure, akin na yang isa." kaya binigay ko na rin isa.

Sabay na kaming lumabas sa room ko tsaka ni-lock muna ang pinto. Pagkatapos kong ma-lock ay sabay na kaming nagtungo sa elevator, buti na lang walang tao kaya malaya kaming makapasok.

Pagbukas nito ay lumabas agad kami at dumeretso na agad sa Parking Lot. Kinuha ko agad ang susi sa Motor at binigay kay Ate, kinuha ko na rin ang sa kotse ko para mabuksan na ang backseat nito.

Nilagay na ni Kuya ang tatlong maleta tsaka sinarado na ang pintuan nito. Nagpaalam na siya sakin tsaka pumunta na sa Motor niya. Parehas lang naman kami ng Motor, kulay lang ang kaibahan.

Kumaway na rin ako kay Ate bago pumasok sa sasakyan ko. Pina-andar ko na ito tsaka nagmaneho na. Nakita ko naman silang dalawa na nakasunod sa likod ko.

I also wear shades para mas cool. Walang bubong ang sasakyan ko kaya mas cool tingnan dahil ang puti kong buhok ay lumilipad everytime na mahahanginan.

Dahil medyo traffic naman ay nagpatugtog muna ako. My Oh My ni Camila Cabello ang nakatug-tug, gusto ko naman ang kanta niya kaya hindi ko na pinalitan.

10:04 AM na ako nakarating sa Academy kaya deretso ako sa Parking Lot kung saan ay may Motor at kotse kang dinala sa Academy. Katulad ko, kaya doon kami nag park. Paglabas ko naman sa sasakyan ay timing rin na hinubad na ni Ate at Kuya ang Helmet nila.

Bulong-bulongan na naman ang namayani ngayon. Binuksan ko na ang pintuan ng backseat ko kaya kinuha na ni Kuya at Ate ang tatlong maleta na dala ko.

Binigay na ni Ate Autumn ang susi ng Motor ko tsaka ngumiti ng malawak sakin. Alam ko na ang gusto nito. Tumango naman ako tsaka sabay tinignan si Kuya na inaayos ang buhok niya.

"Sure, bakit naman hindi." sabi ni Kuya. Ang ibig nilang sabihin ay lalakad kami kung ano ang lakad namin sa Gangster Society. Me as Aphrodite, Ate as Athena and Kuya as Zues.

"Bes, nandito na yung makakalaban ni Irene."

"Yeah, buti na lang talaga dito niya napiling mag-aral."

"Tingnan mo bes, kasama niya yung Ate at Kuya niya. Tapos ang sweet pa dahil sila ang nagdala sa maleta nang bunso nila."

"Grabe, lakad pa lang nila. Nakakatakot na."

"Siya ba yung sinabi mo na kumalaban kay Irene?"

"Oo, ang ganda niya diba?"

"Siya?! Baka mahina yan. Tsaka ang lakas naman yata ng loob niyang kalabanin si Irene. Bakit malakas ba siya?"

Pagkatapos kong marinig yon ay huminto ako. Huminto rin sina Ate at Kuya tsaka sinamaan ng tingin yung babae.

Lumapit sa kanya si Ate tsaka tinanong kung anong pangalan niya. See? Siya pa ang unang aataki.

"Anong pangalan mo?"

"T-teresa D-dela C-cruz po."

"So Teresa, malakas pa sa inaakala mo ang kapangyarihan ng kapatid ko. Kaya umayos ka, kaya ka niyang ilibing ng buhay ngayon. So.don't.ever.mess.with.her, you understand?"

"O-opo, n-naintindihan k-ko p-po."

"You better." tsaka bumalik na sa tabi namin ni Kuya. Bumalik na kami sa paglalakad papunta sa Principal's Office.

"See, I told you. Mag-ingat ka sa sinasabi mo. Pasalamat ka, hindi ka sinakton non. Tsaka asan ka ba kahapon bakit di mo alam ang result na nakuha niya noong enrollment?"

"N-nasa D-dorm ako n-non."

Hindi na namin narinig ang ibang bulong-bulongan dahil narating na namin ang Principal's Office.

Kumatok ako sa Principal's Office tsaka nakarinig ako ng 'come in'. Unang pumasok si Kuya sunod si Ate and then ako.

"Goodmorning, Miss Principal." bati ni Kuya kaya humarap naman siya samin.

"Oh? Spring, Autumn. Kamusta na kayo?"

"Ok lang po Miss Principal. Maganda parin po." sabi ni Ate kaya napa-iling na lang ako.

"Mas gumanda ka ngayon Autumn. Dalagang- dalaga ka na."

"Ms. Principal naman." pabebe ang baliw tsk. Tsaka pinunta ang tingin sakin.

"You're Windellyn Terrisha Perez right?" kaya tumango ako.

"Yes Ms. Principal. She's my Sister. Adopted lang siya namin pero we treat her like my true Sister."

"Adopted? How old is she?"

"Yes, Miss Principal." sabi ni Ate.

"17. Kaka-17 lang po noong February, 15." sabi ni Kuya.

"Ohh.... here." tsaka binigay kay Kuya ang dorm key tsaka schedule ko.

"Ihahatid muna namin siya Ms. Principal. Babalik na lang po kami dito para makipag-kwentuhan sayo." kaya pinitik naman ni Kuya ang noo niya. Tumawa naman ang Principal habang ako naman ay napahawak sa noo ko.

"Nababaliw ka na ba? Principal yang kausap mo hindi barkada kaya gumalang ka."

"It's OK Spring. Pwede naman. Isa kayo sa mga outstanding students dito noon. Kaya napalapit na kayo sakin."

"Sigi po, Ms. Principal." tsaka lumabas na.

"Anong number ng dorm ko Kuya?"

"Room 235, third floor."

"Ilang floor ang dorm dito Kuya?"

"Limang floor kasali na ang rooftop. Dalian niyo diyan ilalagay pa natin tong gamit ni Winter." tsaka sumakay sa elevator.

Paglabas namin sa elevator ay agad naming hinanap ang dorm ko tsaka pumasok na. Maganda naman, mukhang hotel ko lang pero mas malaki lang yun.

"Mukhang may roommate ka Winter. Tatlong kwarto kasi ang nakita ko tsaka occupied na yung dalawa tsaka yung nasa dulo naman yung vacant katabi ng balcony." sabi ni Ate

Siguro yung may vacant na nakalagay ang magiging kwarto ko. Binuksan ko ang kwarto na kung saan nakalagay ang Vacant. Maganda naman, hindi nga lang kasing laki ng room ko sa hotel pero ok na sakin.

Nilagay na ni Kuya ang tatlong maleta sa tabi ng kama ko tsaka tiningnan din ang kwarto ko.

"Maganda naman ang Room mo, you like it do you?"

"Yeah, simple lang." tsaka umupo sa kama.

"Alis muna kami ah? Hindi na kasi nakahintay si Autumn at pumunta na agad sa Principal's Office. Are you sure na ok ka lang dito?"

"Kuya naman, kaya ko nga ang sarili ko. Hindi ko naman uubusin ang lakas ko."

"Sigi, tawagan mo na lang ako pag kakain ka na sa cafeteria. May dalawa kang roommate, baka sila na ang magiging kaibigan mo. Try to have some friends Winter para hindi ka magiging lonely. Believe me having some friends ay nakakagaan sa pakiramdam. OK?"

"Yes, Kuya. Noted." tsaka hinalikan ang noo ko.

"Mag-ayos ka na ng gamit mo. Basta tawagan mo lang ako pag kakain ka na sa cafeteria. Isabay mo na rin yang dalawang roommate mo." kaya tumango ako. Lumabas na siya sa kwarto ko kaya tumayo naman ako at hinila ang maleta ko.

Nilagay ko ito sa mga Cabinet na nandito. Infairness, sakto lahat yung dala kong damit. Tsaka yung mga sapatos ko naman ay teka? Kay ate Autumn to ah! Pano to napunta sa maleta ko?

"Alam kong nabigla ka dahil sabi ko na akin to pero nasa maleta mo. Actually, binili ko yan para sayo. Para twinning tayo, black sakin white sayo. Umayos ka Winter, wala na kami dyan para alagaan ka.

Also try having some friends dahil mahirap mag-isa lalo na kong wala kang masabihan sa mga problema mo. Kung nagtataka ka kung pano ko nalagay ang heels na yan ay pinasok kita sa kwarto mo mga 4:00 AM dahil nagising ako niyan. Mamimiss kita Bunso, wala na akong masabihan sa mga sekreto ko.

Love, Your Pinaka-pretty'ng Sister
Sweet Autumn :) " tumawa naman ako sa letter na binigay niya. So akin naman pala ito, nilagay ko na ito sa lalagyan ng mga sapatos ko tsaka nahiga muna.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

45.6K 1.8K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
2.5M 188K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
1.6M 65.4K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
4.2M 194K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...