MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

By Sparkyspark15

7.5K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 3:

183 4 0
By Sparkyspark15

WINTER POV:

Napuno ng asaran ang pag-uusap namin. Inaasar ko lang siya dahil may gusto kasi siya sa ka-grupo namin sa 'Heartbreakers'.


"Pagkatapos mong kumain magpahinga kana. Ako na ang bahalang maghugas nito. Kailangang bumalik yang lakas mo bago ka pumasok sa Academy." sabi niya tsaka kinuha na ang mga plato.


"Dito ka na muna mag stay Kuya. Bukas ka na lang umuwi. Delikado na ang daan ngayon palabas dito sa Mystic City."


"Sigi, magpahinga ka na. Dito ako hanggang Sabado. Bukas naman ibibigay ang invitation card diba?" tanong niya habang naghuhugas ng plato.


"Oo, tapos pagnakuha ko na ay kinabukasan pupunta na ako doon para kunin ang schedule at dorm number ko."


"Sasama ako sayo, ihahatid kita. Pag nakapasok ka na sa Dorm mo aalis na ko. Uuwi na, tutulongan ko pa si Dad sa mga Transaction niya."


"Di na kailangan, kaya ko naman ang sarili ko."


"Sigi na, kotse mo naman ang gamit mo. Tsaka motor mo ang gamit ko. Ihahatid ko lang ang motor mo para hindi ka na babalik dito."


"Pano naman ang Motor mo? Edi ikaw ang babalik dito?"


"Mag ta-taxi na lang ako."


"Kuya naman eh. Di mo na kailangang gumastos, kaya ko naman ang sarili ko. Sabi mo diba na tutulongan mo pa si Dad sa mga Transaction niya?"


"Ok lang naman, marami naman akong pera. Barya lang sakin yang taxi. Kailangan kitang samahan baka kung anong gawin mo sa Irene nayon." Seriously?!


"Bahala ka dyan. Sigi na Goodnight na." sabi ko tsaka hinalikan ang pisngi.


"Sigi, magpahinga ka na. Pagtatakpan ka na lang namin pag nalaman to ni Dad."


"Sigi, salamat!" sabi ko at pumasok na sa kwarto ko. May limang kwarto dito kaya siya na ang bahala kung saan siya matutulog.


Nagpunas lang ako saglit tsaka natulog na. Pagod na pagod talaga ako ngayon, siguro matatagalan akong gumising bukas.

(10:00 AM)

"Winter? Gising na. Malapit ng magtanghalian. Hindi ka pa naman nakakakain ng agahan. Winter?"


Nagising ako sa boses na tumatawag sakin. Tinignan ko naman ang oras sa mini table ko, kaya pala ang ingay niya 10:00 AM na pala.


"Winter? Gising ka na ba?"


"Opo, gising na po."


"Mag-ayos ka na dyan para kakain na ng tanghalian. Hindi ka pa naman kumain ng agahan."


Bumangon na agad ako at naligo na. Simpleng pambahay lang naman ang sinu-suot ko. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako.


"Goodmorning, Kuya."


"Morning rin bunso. Pupunta rin raw si Autumn, sasama raw siya bukas sa Academy." ano raw?


"Bakit? Ngayon ba siya dadating?"


"Oo, maya-maya siguro. Kumain kana, nakahanda na ang pagkain diyan."


"Bakit naman kailangan niyo pang sumama? Hindi naman ako manggugulo doon."


"Alam ko."


"Alam mo naman pala eh bakit sasama pa siya? Ikaw? Hindi naman sa di ko gustong sumama kayo. Alam mo naman diba na ampon lang ako, baka kung ano-anong isipin nila pag nakita nilang kasama ko kayo."


"Kaya nga sasama kami para patunayan sa kanila na kahit wala kang dugong Perez, ay nararapat ka paring respetuhin. Tsaka alam ko namang hindi ka manggugulo, natatakot ako sa magagawa mo pag napikon ka ng ibang estudyante doon."


"Sigi na nga. Mapilit naman kayo eh." sabi ko tsaka pumunta na sa lamesa namin para kumain. Tinawanan niya lang ako tsaka binalik ang tingin sa TV.


Sinimulan ko ng kumain kaya di ko na namalayan na nakarating na pala si Ate Autumn kung hindi lang nangibabaw ang matinis niyang boses.


"Kuya! Bakit di mo sinabi na dito ka pala matutulog, sasama sana ako sayo nung umalis ka. Tapos hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka dito, kahit text man lang o tawag wala akong nakuha." ang ingay talaga nitong babaeng to.


Kaya ayaw kong isama siya eh dahil baka tinopak na naman si Irene at sugurin ako at timing rin nasa tabi ko siya. Imbis na ako ang aaway, siya pa ang mangungunang atakihin ito.


May pagka-warfreak kasi tong si Ate Autumn. Sana nga lang hindi siya gagawa ng eksena doon, baka masabihan siyang baliw.


"At ikaw naman." turo niya sakin. Ano na naman ba ang ginawa ko?


"Bakit?"


"Anong bakit, ano yung sinabi ni Mom na ginamit mo raw ang kalahati ng kapangyarihan mo? Totoo ba yun?" sasagot na sana ako ng biglang sumabat si Kuya Spring.


"Yes, it is. Huwag mo nang pagalitan yan, sinabihan ko na yan kahapon kaya huwag mo nang dagdagan baka maabutan tayo hanggang bukas diyan sa sermon mo."


"At sino naman ang nagsabi na sesermonan ko to?" huh?


"Bakit hindi ba?"


"Hindi. Babatukan ko lang to Kuya. Winter! Halika ka dito babatukan lang kita. Diba sabi ng doctor mo na nakakasama sayo ang sobrang pagod tapos sasabihin mong ngayon lang?! Halika ka dito sasapakin na lang rin kita baka sakaling tumino ka. Halika dali!?" sabi niya tsaka hinabol ako. Agad naman akong tumakbo paikot sa mesa at pumunta sa likod ni Kuya Spring.


"Winter! Alam mo bang grabeng nag-alala si Mom sayo?! Gusto niyang pumunta dito pero hindi niya magawa dahil alam niyang magtataka si Dad kung bakit pupunta si Mom dito. Tapos sasabihin mong ngayon lang?! Muntikan ng malaman yun Dad kaya buti na lang nabigyan agad ng rason ni Mom. Bilis, lumapit ka. Ginigigil mo akong babae ka." pilit niya akong inaabot pero hinaharangan naman ako ni Kuya Spring. Ginamit na niya ang kapangyarihan niya dahil hindi na niya kayang pigilan si Ate na gamit ang natural niyang lakas.


"Autumn! Ano ba?! Nangako naman siyang hindi na niya uulitin eh. Huwag ka ng mag-eskandalo dyan. Ang importante, bumalik na ang lakas niya." sabi ni Kuya kaya kumalma naman siya. Hanggang ngayon ay nasa likod parin ako ni Kuya dahil anytime ay pwede niya akong puntahan at batukan.


"Siguraduhin mo lang Winter. Oh sya, sasama ako sa inyo bukas. Sa ayaw mo man o hindi. Naintindihan mo?" kaya tumango ako.


"Kuya, may ulam pa? Wala pa kasi akong kain. Hehe~" what the?


"Oo, marami doon. Alam ko naman na matakaw ka kaya dinamihan ko ang pagluto. Ikaw Winter tapos ka na bang kumain?" kaya tumango naman ako at pumunta sa fridge para kumuha ng chocolate drink. Palagi ko kasi yang ginagawa pag nasa bahay lang ako. Kumuha na rin ako ng isa para bigyan si Ate.


"Gusto mo?" sabay abot sa chocolate drink tsaka umupo kaharap niya. Tumango naman siya kaya nilagay ko naman ito katabi ng tubig niya.


"Kamusta ang enrollment? Anong result ng Power Rate mo?"


"I got 96%. Naghihintay na lang ako sa invitation card na dumating para malaman na officially enrolled na ako."


"Nilabas mo ba lahat ng lakas mo o yung natural lang?"


"Natural lang. Kung tutuusin kaya kong ilabas lahat. Hindi ko na lang tinuloy baka sasabog ang scanner." sabi ko kaya pinitik naman niya ang noo ko. Ano na naman ba?


"At may lakas ka pang magbirong babae ka? Akala mo ba bati na tayo?"


"Ate naman eh. Promise hindi ko na gagawin yun. Sinabi naman ni Mom na pag nangyari ulit yon ay uuwi ako sa bahay kahit ayaw ko man o hindi."


"Aba dapat lang. Kailan mo ba makukuha ang invitation ng Academy?" ewan ko lang. Maya-maya ay nag ring ang doorbell sa room ko.


"Speaking of invitation card. I think yan na yun." tumayo naman ako para tingnan pero nakita ko si Kuya na kinuha kay Dianne ang Card tsaka binigay sakin.


"Open it." sabi niya sabay bigay sa card.


"To: Windellyn Terrisha Perez
From: Mystic Academy

Congratulations! It is with great pleasure that I inform you of your acceptance here at Mystic Academy. You have been given this opportunity in recognition of your personal and Scholastic Achievements.

We have enclosed a starter package with this letter so you can familiarize yourself with the campus and the opportunities and facilities we offer. Feel free to reach out to us at any time and we would like to make the transition as easy as possible.

We look forward to having you at our Academy this upcoming academic year.

Sincerely,

Myrtelle Rosé Martinez-Sanders
Mystic Academy School Principal."


"Great, enrolled ka na. Ano? May gamit ka na ba?" hala! sa lahat ng pwedeng kalimutan bakit yung mga school supplies pa?


"W-wala pa, hehe...."


"So ano pang hinihintay mo? Magbihis kana bibili tayo. Akala ko pa naman kompleto na. Ikaw talagang bata ka, papasok kaba ng walang dalang gamit sa classroom niyo?"


"Oo na Kuya, magbibihis na po." sabi ko tsaka pumasok na sa kwarto. Keri naman siguro tong napili ko. Ang cool ko naman dito, sabi ko na nga ba bagay lahat ng mga damit na napipili ko.


Para mas cool dinagdagan ko ng hat para mas gumanda ito. Grabe ang ganda mo talaga Winter.


Paglabas ko sa kwarto ko ay di ko namalayan na sabay pala kaming lumabas sa sarili naming kwarto.


Nagkatinginan naman kaming tatlo at maya-maya tumawa. Mukha kaming baliw diba?


"Ang gaganda nating dalawa Winter. Gwapo naman si Kuya. Grabe siblings goals, Hahaha!" sabi ni Ate Autumn.


"So halika na labas na tayo. Dala niyo na ba ang mga pera niyo? Yung ibang dadalhin, dala naba?" sabi naman ni Kuya.


"Yes, nandito na sa bag ko. So let's go?" sabi ko tsaka pinakita ang bag.


"Tara, para bago naman pumasok sa Mystic Academy si Winter ay naka-bonding pa tayo." sabi ni Ate Autumn. Tama naman siya.


"Yeah, yeah, yeah. Whatever you said Autumn."


"Edi huwag kang sumama Kuya. Kill joy kalang eh." kaya tumawa naman si Kuya. Ewan ko na lang talaga sa dalawang to.


Kinuha ko na ang susi ng room ko sa drawer tsaka ni-lock ang room. Nilagay ko na ang susi sa bag ko tsaka pumunta na sa elevator.


Naka-akbay sakin si Kuya habang si Ate naman ay nakahawak sa braso ni Kuya. Nasa gitna namin siya ni Ate, palaging ganito ang pwesto namin pag trip naming gumalang tatlo. Madalas naman kasi kaming gumagala, you know siblings bonding. Minsan kasi sila ang sumusundo sakin sa School nung nasa Mortal Realm pa ako nag-aaral.


Pagpasok namin sa loob ng elevator ay naghintay kami ng ilang segundo hanggang sa bumukas na ito. Bumabati ang ibang empleyado samin pero si Kuya lang ang bumabati pabalik.


Pagdating namin sa Parking Lot ay sabay rin kaming napahinto. Kaninong sasakyan ang gagamitin? Hassle naman pag isa-isa pa kami ng gagamitin.


"Whose car will be used? Nakaka-hassle na kasi pag kanyang-kanya pa tayo ng gagamiting kotse. It would be better for the three of us to be together." sabi ko. Nagkatinginan naman silang dalawa tsaka binigyan ako ng nakakalokong ngiti. GREAT! JUST GREAT!


"Oo na, Kotse ko na. Bwisit naman oh?!" kaya nag-apir naman yung dalawa. Diyan sila magaling ang pilitin ako. Nakaka-bwisit diba?


"Oh, eto yung susi. Huwag niyong sabihin na ako parin ang magdra-drive?" but they just smile at me. T*ng-ina naman oh.


"Oo na, Bwisit!!" pumasok na ako sa loob kaya sumunod naman sila.


"Sa ganda kong to? Gagawin niyo lang akong driver? Mga bwisit kayo." sabi ko kaya tumawa naman silang dalawa tsaka sinuot na ang seatbelt.


"Don't worry Winter. Si Kuya naman ang magdra-drive mamaya eh." sabi ni Ate Autumn kaya nilingon naman siya ni Kuya.


"Anong ako? Gusto mo bang mapatay ako ni Winter dahil sa bilis kong mag drive?"


"Mas lalong ayaw akong mapatay ni Winter. Parehas lang naman tayong mag drive ah?" ending? Ako parin, walang magbabago.


"Ako na, baka magasgasan tong maganda kong sasakyan pag kayo ang nag-drive." kaya tumawa naman sila pero hindi ko na lang ito pinansin.


Mga 1:30 PM na kaming nakarating sa Parking Lot ng Mall kaya lumabas na kami sa kotse. Paglabas namin sa kotse ko ay saamin agad ang attention nila. Kung ako nga nakakakuha ng Attention pano pa kaya silang dalawa?


"OMG! ANG PEREZ SIBLINGS!"


"Ang gwapo talaga ni Spring."


"Yeah, sana single parin siya."


"Mukhang hindi na, tingnan mo yang babae. Nakahawak sa braso niya."


"Tanga ka ba? Si Autumn yan. Tapos yung inak-bayan naman niya ay ang bunso. Kung hindi ako magkakamali siya yung babaeng nakakuha ng 1st spot sa ranking noong enrollment."


"Yeah siya yun. Windellyn Terrisha Perez ang pangalan."


"Pre, ang ganda ng legs oh ang kinis."


"Hoy tumahimik ka nga, pag ikaw narinig ni Spring patay ka talaga."


"Sino si Spring? Siya ba ang girlfriend nung babaeng naka red o naka black and white na skirt?"


"Tanga, siya ang panganay sa magkakapatid. Kasunod niya yung nakahawak sa kanyang braso tapos yung bunso ay yang inak-bayan."


Hindi na lang namin iyon pinansin at agad dumeretso sa School Supplies Store. Tinulongan nila akong pumili ng magagandang ballpen, notebook at iba pa.


Ang ganda talaga ng napili kong notebook at ballpen. Mahal nga pero kaya ko namang bilhin. I bought 10 pieces of notebooks tsaka 3 sets of ballpens.


"May bag ka na ba?" tanong ni Kuya.


"Wala pa, bibili palang. Kuya, si Ate na ang bahala niyan. Siya naman talaga ang pumipili ng bag ko. Tapos ikaw naman ang sa school shoes ko."


"Sigi, pagkatapos nating bayaran ito. Sa mga bags na tayo pupunta sunod sa sapatos na. Yan na ba lahat?" kaya tumango naman ako. Pumunta na kami sa cashier tsaka binayaran ang pinili ko. Sarili kong pera ang ginamit ko. Hindi ko na kailangang magpalibre dahil madami naman akong pera. Share ko lang.



"10,935 lahat Ma'am."


"Here" inabot ko ang card ko tsaka binalik na sakin. Binigay na rin niya ang paper bag na naglalaman ng mga binili ko.


"Ito na po yung pinamili niyo Ma'am. Balik po kayo dito."


"I will." sabi ko.

Kinuha ni Kuya ang cellophane tsaka sumabay na kay Ate Autumn. Pupunta kami ngayon sa store kung saan nagbebenta ng mga bags.


Nakasunod lang kami kay Ate Autumn na nasa harapan namin ni Kuya. Malaki-laki rin tong shop kaya marami kang mapipiling magaganda.


Honestly marami namang magagandang bag pero hindi ko trip yung design o yung kulay kaya nilalampasan ko na lang.


"Aha! Here, color white. Beautiful right?" Wow! Ang ganda nga.


"I'll take this Ate, look Kuya maganda ba? Bagay ba sakin?" sinukat ko ito habang hinihintay ang sagot nila.


"Bagay naman lahat sayo bunso. Maranong ka kasing magdala ng damit kaya kahit anong design bagay na bagay sayo."


"Yeah, tama ang Kuya, Winter. So ano bayaran na natin?"


"Kuya, ako ang magbabayad neto para kay Winter at ikaw sa sapatos niya." Huh?


"Sure, para kay bunso naman eh."


"Huh? May pera naman ako ah? Hindi niyo na kailangan magbayad niyan ako na."


"Sigi na Winter. Ngayon lang naman. Ang Ate mo dito sa bag nato at ako sa school shoes mo." sabi ni Kuya.


"Ok! Ok! Hindi ko naman kayo mapipigilan eh."


"So, puntahan natin ang cashier para mabayaran nato." sabi ni Kuya kaya pumunta na kami dun.


"5,690 po ma'am."


"Here." binigay ni Ate Autumn ang card niya tsaka binalik na rin niya sa may-ari.


"Heto po ma'am. Balik po kayo."


"We will." sabay naming sabi. Lumabas na kami at pumunta naman sa store kung saan nagbebenta ng mga School shoes.


Pagpasok namin ay bumungad samin ang isang side kung saan puno ng mga boots kaya hinila ko sila para makapunta kami doon.


"You like wearing boots? Hindi ba sasakit ang paa mo niyan?"


"Ano ka ba Kuya, boots naman talaga ang ginagamit niyan kahit nasa Mortal Realm pa tayo. Kahit nga pag naglalaban tayo sa Gangster Society ay boots ang gamit niya. Hindi ka pa ba nasanay?"


"Kung sabagay. Ito sukatin mo to bagay kasi sayo yung black at tsaka white. Pag na sakto yan, kukunin natin yan." Bakit dalawa?


"Bakit dalawa? Isa lang naman ang kailangan ko?"


"Sigi na, madadagdagan pa yan para sa rubber shoes mo." Hala ka!


"Seryoso ka ba Kuya?!"


"Oo, sakto ba yung dalawa?" kaya tumango naman ako.


"Ito naman, rubber shoes mo yan. Maganda diba?"


"Yeah, ang ganda nga." habang sinusukat ko ang rubber shoes na binigay niya.


"Sakto lahat so kukunin na natin to. Hanapin mo nga yung kapatid mo babayaran ko lang ito. Kita na lang tayo doon sa entrance ng shop nato."


"Sigi Kuya." tsaka hinanap na si Ate Autumn. Kung ako si Ate Autumn at nasa ganitong store kami, where would I be? Aha!


"Kung saan may mga heels!" agad naman akong pumunta sa lugar kong saan maraming mapipiling heels.


And there, I saw her holding 2 heels. Black and white. Ang rami na niyang heels sa bahay tapos bibili pa siya?


"Ate, halika ka na. Ang rami mo nang heels sa bahay, bibili ka pa?"


"Yes, sukat mo nga to. Kung sakto sayo sakto rin sakin." so kinuha ko ang binigay niyang white heels. Sakto naman, walang labis walang kulang.


"Saktong-sakto naman ah?" tsaka binigay na sa kanya.


"So kukunin ko tong dalawa. Call Kuya, ask him kung asan siya." so kinuha ko naman ang phone ko tsaka tinawagan si Kuya.


"Bunso?"


"Asan ka Kuya?"


"Nandito sa harap ng cashier, binabayaran yung sapatos."


"Hintayin mo na lang kami dyan. May binili kasing heels si Ate."


"Sure, I'll wait you here." tsaka binaba ang tawag.


"Ate, nagbabayad na siya sa sapatos na kinuha niya."


"So, halika na. Bayaran na rin natin to." tsaka lumapit na sa cashier. Malapit lang naman ito sa pinuntahan namin kaya kita namin si Kuya Spring na hawak ang tatlong paper bag at nasa phone ang attention.


"Pumunta ka na sa Kuya mo ako na ang bahala nito." tumango na lang ako at lumapit na kay Kuya.


"Kuya, ilan lahat?"


"Oh, bunso. 25,375 lahat. Nasan ate mo?"


"Ayun oh?" turo ko kay Ate Autumn na papalapit samin.


"Seriously? Heels? Hindi ba sumasakit yang mga paa niyo?" ano ba naman tong si Kuya di pa sanay, tsk.


"Hindi ka pa sanay Kuya? Palaging namang may heels ang sout ko pag nasa Gangster Society ah!"


"Oo nga naman, sanay naman pala kayo."


"Ikaw Kuya di ka bibili ng sayo?" napansin ko kasi na sapatos ko lang ang binili niya.


"Ang rami ko nang sapatos sa bahay. Dadagdagan ko pa? Tsaka hindi ko nga alam kong saan ko ilalagay ang iba dahil puno na ang cabinet ko." kaya tumawa naman kami.


"Kuya, paki bitbit naman nito please." pero tinawanan lang siya ni Kuya.


"Kay Winter ba yan?"


"Hindi, sakin to."


"Edi dalhin mo. Kay Winter lang ang dadalhin ko, siya naman ang dahilan kung bakit dinala natin siya dito." kaya inirapan na lang niya si Kuya. See? Kahit ampon ako, mahal naman ako ng kapatid ko na parang kadugo nila.


Lumabas na kami sa store na to at humanap ng store na pwedeng kainan ng mga Meryenda. Kung meryenda naman ang pag-uusapan hindi naman kailangan na mahal rin ang importante ay nabubusog kami.


"Jollibee na lang tayo Kuya. Payag ka naman Winter diba?" ofcourse, hindi man halata pero paborito ko ang Jollibee.


"Ofcourse, namiss kong kumain sa Jollibee."


"Sure, kung gusto niyo. Bakit naman hindi?" kaya agad-agad naman kaming pumasok. Again, nasa amin na naman ang attention.


Umakyat kami sa second floor at naghanap ng ma-uupuan. Nakakita kami ng pwesto na nakalagay katabi ng bintana kaya yun ang pinili namin. Wala rin namang nagmamay-ari so why not?

Umupo na kami at nilagay muna ang pinamili sa ilalim ng lamesa. Katabi ko si Ate Autumn tsaka sa harap namin ang pwesto ni Kuya Spring.


"Dito lang kayo, ako na ang o-order ng kakainin natin. Hintayin niyo na lang ako." kaya tumango naman kami. Lumipat si Ate sa pwesto ni Kuya kaya magkaharap na kami.


"Winter, ano yung narinig kong may naka-sagutan ka sa Academy? Totoo ba yon?" saan nya naman narinig yan?


"Saan mo naman nakuha yang tsismis na yan?"


"While choosing some heels, I heard one of them mentioned your name and another name. The girl said you cut Irene while she's talking to you. Sinabihan mo raw na ikaw ang aagaw sa titolo niya doon sa campus tsaka binantaan." mukhang wala na akong takas.


"Oo, siya naman ang nagsimula eh. Sumali na lang ako, kawawa naman kung di ko papatulan." pinitik niya naman ang noo ko like what Kuya do.


"Aray naman! Parehas talaga kayo ni Kuya ang hihilig pitikin ang noo ko!" sabay hawak sa noo ko.


"Bakit mo pinatulan ah?"


"Pati ba naman ikaw? Akala ko pa naman na kakampi ka sakin!"


"Kampi naman talaga ako sayo. Ano? gusto mo bang pagtulongan natin siya?"


"Huwag na, kaya ko naman siya. Madali lang kasing mapikon. HAHA!"


"Sigi, di ako aalma. Pero pag ikaw na disgrasya ng dahil sa kanya, ako talaga ang haharap sa kanya."


"Kung lalaban siya patalikod, may posibilidad na masaktan ako pero hindi naman siguro siya isang duwag para hindi ako labanan ng harap-harapan. Dahil kong labanan ng patalikod ang pagbabasehan, hinding-hindi ako natatalo dyan. Magaling ako dyan eh."


"Yan, yan ang Winter'ng nakilala ko. Hinding-hindi hinahayaang apihin ng kahit sinong hindi niya ka-level." tsaka binigyan ako ng ngiti.


*****

Continue Reading

You'll Also Like

932K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...