El Destino desde 1870 (The fa...

By Im_Vena

31K 2K 373

Completed El Destino desde 1870 is a series that splits its time evenly between two time periods revolving ar... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!

Kabanata 74

211 13 0
By Im_Vena

Leonardo,

Patuloy lang ako sa pagsusulat ng one shot story na 'Ang Buhay ng Pulubi' sa loob ng aking silid nang maramdaman kong may tao na sa loob ng kwarto ko, hindi ko na iyon ikinabigla bagkus ay labis na ikinamangha.

"Narito ka na?" tanong ko sa batang kararating lang kasabay nang pagpasok ng kakaibang lamig ng hangin, "Kanina pa kita hinihintay," dagdag ko habang tinitingnan ang maliit na batang ngayon ay nakahiga sa aking kama. "Nakatutuwa palang isipin na noo'y kinakabahan talaga ako nang una kong makita ang sarili ko sa hinaharap." Natawa na lang ako sa isiping iyon. "By the way, I'm Peter, from the year 2018, you can call me Ten, a writer." Naglahad ako nang kamay at nang biglang umingos ang batang ako ay lalo akong nangiti. "Maniwala ka sa akin Peter from 2013, masasanay ka rin." Ganito pala talaga ang pakiramdam ng bagay na ito. Nakakamangha.

"N-Nais kong makuha ang pocket watch," saad niya na inaasahan ko na kaya naman tumango-tango na lang ako. Kinuha ko iyon sa tabi ng laptop at ibinato sa kaniya. Mabilis naman niya itong nasalo at balak na sanang ilagay sa bulsa nang pigilan ko siya.

"Oppss! No, not that Peter. Ilagay mo sa kaliwang bulsa ang pocket watch ko at ilagay mo naman sa kanan ang iyo. Hindi ka pwedeng malito, tiyak na magkakagulo," utos ko sa kaniya dahil natitiyak kong kaunting pagkakamali lang ay magkakagulo na ang lahat. Nakahinga ako ng malalim nang sundin naman niya ang nais ko. Great! "Bukas, ika alas-tres ng hapon, iwan mo ang pocket watch sa hagdanan ng simbahan ng San Ignacio. Darating si Laveinna roon at makakasama mo sa iyong pagbalik sa taong 1869." Tumango na lamang ito at bumaba na ng kama bago lumabas. Tiyak kong maglilibot-libot siya kaya naman pinili ko na lang ipagpatuloy ang pagsusulat. Nang matapos din naman ay agad akong lumabas para kumuha ng tubig.

"Ibig sabihin ba nito ay naging manunulat ako?" Natigilan ako sa pagkuha ng tubig nang itanong niya iyon. Kagaya ng una ay inaasahan ko na kaya natawa ako lalo. Ang weird sa pakiramdam pero alam kong totoo.

"Kung writer ba naman na matatawag ang kagaya ko. Siguro, oo naman." Sa tuwing binabalingan ko si Peter ng taong 2013 ay hindi ko mapigilang matawa. Kung iba akong tao ay tiyak na magfe-freak out na ako. "I'm sorry, natatawa lang ako sa isiping kinakausap ko ang sarili ko ring nakaraan." Nang tumawa siya ay alam kong palagay na siya sa akin kaya naman sinabi ko na ang bagay na narinig ko rin naman. "By the way! Maingay si Laveinna. Ihanda mo nalang sana ang sarili mo. Mukhang pareho tayong mahihirapan sa kaniya." Matapos kong sabihin iyon ay bumalik na ako sa kwarto at nagpatuloy sa pagsusulat.

Kinabukasan din, matapos ang araw na iyon ay hindi na ako pumasok at nagpaalam na sa school administration na babalik na sa Spain for some reason. Buong maghapon ay naghintay lang ako at tumayo sa isang gilid kung saan matatanaw ko sa huling pagkakataon si Laveinna.

Umaasang matapos ito ay masasagot ko ang lahat ng katanungang bumabalot sa aming nakaraan. Matapos ito ay maisusulat ko ang aming kwento, na matapos ang araw na ito ay matutupad ko ang aking pangako. Subalit kapalit naman niyon ang aking paglayo. Gayunpaman, kung ito ang mas makabubuti upang hindi magulo ang itinakda ng panahon ay hahayaan kong muli siyang pakawalan.

Hindi naman nagtagal ang aking paghihintay dahil dumaan din ang ilang minuto ay natanaw ko na si Laveinna na tumatakbo at ang aking labing tatlong taong gulang na sarili sa harap ng simbahan. Kasabay ng pagkadapa ni Laveinna ay ang pagkawala na rin ng aking batang pigura sa harap ng simbahan. Gayundin naman ang bigla kong pagkahilo at ang biglang pagliliwanag ng talaarawang hawak ko. Saglit akong sinilaw niyon na halos mapapikit ako. Mabuti na lamang talaga at nang makaramdam ako ng hilo ay agad akong nakakapit sa may poste roon.

Ang nangyari ay parang isang sandali lang at nang magmulat ako ay tumatayo na rin si Lavienna sa tulong ng kaibigan niya. Doon na ako malungkot na napangiti.

"Adios Mi Amore." Kasabay nang aking pagbanggit niyon ay ang pagtulo ng aking luha habang tinatanaw ang natatawang si Laveinna na mukhang wala lang nangyari. Matapos iyon ay nagdesisyon na akong talikuran siya. Sa isiping magkikita muli kami, sa oras na nilaan sa amin.

Hindi ko na siya maaaring guluhin dahil tiyak na iyon lamang ang maidadala ko sa kaniya lalo na at mga bata pa naman kami sa panahong ito. Kailangan naming hulmahin ang aming mga sarili. Patatagin at kamitin ang buhay na kayang ibigay sa amin ng panahong ito, upang sa susunod naming pagkikita ay deserve na namin ang pagsasamang taong isang libo walong daan at pitumpo pa naming hinahangad.

Sa loob ng maghapon ay binasa at sinulat ko ang kwento ng Arrow Pen. Kasabay ng pagbabasa ko sa talaarawang isinulat ni Olivia. Gamit ito ay napag-alaman ko ang nararamdaman niya. Gamit ito ay napag-alaman ko ang pagtataksil ni Agnes at ni Carlos, bagay na ikinagulat ko. Subalit ang wakas ng talaarawan ang lubos kong hindi inasahan. Pinatay ni Olivia ang lahat ng taong sumira sa alyansa. Kagaya nang kung ano ang aming napagkasunduan at pinirmahan. Hindi man niya isinalaysay kung papaano niya sila pinatay ay narito naman sa kaniyang talaarawan ang kaniyang mga plano.

Habang patuloy na tumitipa sa laptop ay hindi ko mapigilang maluha. Hindi ko lubos inasahang mauuwi ang lahat sa ganitong trahedya, na sa likod ng biglaang pagkawala ng bayan ng San Fernando sa mapa ay ang malagim na trahedyang iniwan ko kay Olivia. Hindi ko inasahang mauuwi ang lahat sa ganito. Nasasaktan ako, nalulungkot at naguguluhan sa naging desisyon ni Carlos at Agnes. Subalit sa kabilang banda ay naiintindihan ko sila. Nagmahal lang si Agnes at hindi lamang kinaya ni Carlos ang makitang nahihirapan si Olivia. Sa pagkakataong iyon alam ko sa sarili kong kahit ako ay gagawin iyon.

I M _ V E N A

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
4M 155K 46
Kingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangara...
171K 7.7K 27
Kingdom of Tereshle prequel story. (COMPLETED) Maria Estellan. For a year, naging payapa ang pamumuhay ni Mellan. Sa isang malaking mansyon, doon siy...
445K 19.7K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...