El Destino desde 1870 (The fa...

By Im_Vena

31K 2K 373

Completed El Destino desde 1870 is a series that splits its time evenly between two time periods revolving ar... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!

Kabanata 48

91 13 0
By Im_Vena

Olivia,

Sa aking muling pagmulat ay talagang lubos akong nagtaka nang aking mapansing nasa lawa na ako sa pagitan ng San Ignacio at San Fernando. Kasalukuyan akong nakaupo sa may bato at nakalublob ang aking mga paa sa tubig. Ikinataka ko rin ang aking sayang kulay puti. Kabaliktaran ng aking huling naaalala ay wala na akong maramdamang sakit sa pisikal man o sa emosyonal. Masaya ko lamang pinakikinggan ang malamyos na tunog ng pag-agos ng tubig, mahinang huni ng mga ibon at ang nakahahalinang salubong ng dalisay na hangin.

Natigil na lamang ang aking masayang pagmumuni nang masilayan ang repleksyon ng taong aking nasa likuran mula sa tubig na pinaglulubluban ng aking mga paa. Kusa na ring kumurba ng ngiti ang aking labi sa reyalisasyong narito si Ginoong Leonardo. Mabilis ko siyang nilingon at ganon na lamang ang sayang naramdaman ng aking puso nang salubungin niya ako ng ngiti.

Isang ngiting labis niyang ipinagdamot sa akin noon pa man.

"Narito kana, kay tagal kitang hinintay mahal ko." Malumanay ang kaniyang pagtingin sa akin at halos hindi ko iyon maintindihan. Dahan-dahan siyang naupo sa aking tabi at ako ay kaniyang dinaluhan sa pagtatampisaw. Hindi alintala kung tuluyan man mabasa ang kaniyang pang-ilustradong kasuotan.

Lalo kong ikinataka ang bigla niyang paghawak sa aking kamay at pagsandig ng kaniyang ulo sa aking balikat.

"Olivia mahal, patawarin mo ako kung akin mang ipinagdamot ang pagmamahal na nararapat sa iyo." Hindi ko mapigilan mapapikit nang aking marinig ang kaniyang bawat paghinga. Tila mas kaakit-akit ang bagay na iyon sa pandinig.

Gayunpaman malaki pa rin ang aking pagtataka kung nasaan ba ako at kung ano na ang nangyari. "Mahal na mahal kita Olivia, higit pa sa aking pagmamahal sa bayang ating ipinaglalaban. Higit sa kahit anong bagay na kayang ibigay ng mundong ating ginagalawan." Hindi na nawaglit ang aking ngiti nang aking mapakinggan ang kaniyang itinuran. Maging ang pakiramdam ng mainit niyang palad sa aking kamay ay lubos kong ikinagagalak. "Subalit mahal, patawad.." Natigilan ako sa kaniyang sinabi at agad na nagmulat. Umayos ako ng upo at kinatitigan siya na ngayon ay umalis na sa pagkakasandig sa aking balikat. Napupuno ng luha ang kaniyang mata at panay ang paghalik niya sa likod ng aking palad. "Patawarin mo ako Olivia, mahal ko." Nagugulahan man at binabalot man ng pagtataka ay sinubukan ko pa rin ang magtanong sa kaniya.

"Mahal, ano ba ang iyong sinasabi?" Hindi ko na rin napigilan ang biglaang pagpatak ng aking mga luha. Hindi na rin halos iyon mabilang. Lubos akong kinakabahan sa mga susunod niyang sasabihin. Hindi ako mapalagay.

"Patawarin mo ako kung lubos kong hindi maibibigay sa iyo ang pagmamahal na nais mo sa panahong ito." Nanginginig ang kamay ko nang ako ay kaniyang yakapin. Isang mahigpit na yakap na tila hindi na gugustuhin pang ako ay bitawan. "Patawad, mahal ko." Humahagulgol ko sa siyang niyakap pabalik. Yakap na tila hindi na muling mauulit. Yakap na matatagalan pa bago muling mangyari. "Sa susunod, ipinapangako kong muli tayong magtatagpo." Huminga siya ng malalim. "Sa susunod nating buhay ay lubos na kitang ngingitian." Ramdam ko ang bawat pagpatak ng kaniyang luha sa aking likod. Sa pagkakataong iyon ay halos madurog ang aking puso. Namamaalam ba siya? Bakit tila hindi maganda ang pakiramdam ko sa bagay na ito? "Sa susunod nating buhay ay isusulat ko ang ating paglalakbay."

"B-Bakit tila panay ang iyong pagbanggit sa susunod na buhay? Hindi ba natin iyon pwedeng gawin ngayon?" Doon na siya humiwalay sa akin at sa ikalawang pagkakataon ay nginitian niya ako ng husto, bagama't napupuno ng luha ang kaniyang magagandang mata.

"Sa susunod nating buhay, lubos kong ipararamdam sa iyo ang pagmamahal na nararapat mong maramdaman. Sa susunod mahal, kung saan hindi na tayo kailangan ng bayan. Sa susunod kung saan malaya na tayo sa sakit ng nakaraan." Hinaplos ng Ginoo ang hilam sa luha kong mga mata hanggang sa maging ang aking mukha ay kaniya nang haplusin na tila sinasaulo ang bawat anggulo. "Sa susunod mahal, sa susunod." Nang muling magtagpo ang aming mga mata ay unti-unti nang lumapit ang mukha namin sa isa't-isa. Hindi naglaon ay naglapat ang aming mga labi na tila iyon na ang huling pagkakataon na iyon ay mangyayari. Huling pagkakataong mahahagkan ko ang malambot niyang labi.
Naging malalim ang kaniyang paghalik na tila dinadala ako sa ibang mundo. Kung kaya naman napapikit na lamang ako. Lumuluhang sinasabayan ang paghalik niyang lubos kong pangangalagaan at aalalahanin. Subalit ang halik na iyon ay hindi na nagtagal nang maramdaman kong tanging hangin na lamang ang humahalik sa akin. At kasabay ng malakas na pag-ihip nang hangin ay ang mga katagang.. "Paalam mahal, hanggang sa muli."
Doon na ako napamulat at nadatnang wala na akong kasama at tanging mga paru-paro na lamang na lumilipad palayo ang aking nasaksihan. Tuluyang bumuhos ang aking mga luha.

"Leonardo, bumalik ka mahal ko!" Inihiyaw ko iyon na nagpagising sa buong lawa subalit wala nang Leonardong bumalik. Wala ni kaniyang mga bakas. Mag-isa na lamang ako, iniwan na ako ng aking pinakamamahal. Iniwan niya na akong mag-isang lumalaban para mabuhay.

I M _ V E N A

Continue Reading

You'll Also Like

171K 7.7K 27
Kingdom of Tereshle prequel story. (COMPLETED) Maria Estellan. For a year, naging payapa ang pamumuhay ni Mellan. Sa isang malaking mansyon, doon siy...
484K 19.3K 45
Kingdom of Tereshle Story #4 [COMPLETED]. Erika Rysse. A girl who always wanted to become a warrior. Enthrea, one of the four division of Tereshle, w...
1M 37.9K 61
Highest Ranks #1 in Thriller #2 in Mystery/Thriller "Kailangan mong pumatay kung gusto mo pang mabuhay. Kung hindi ikaw ang papatay? Ikaw ang mamama...
616K 49.6K 54
|COMPLETED| After the broken engagement, they need to search for the relics and find it before the demons lay a hand on the sacred relics. Adventure...