El Destino desde 1870 (The fa...

By Im_Vena

31K 2K 373

Completed El Destino desde 1870 is a series that splits its time evenly between two time periods revolving ar... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!

Kabanata 15

183 21 0
By Im_Vena

IKA-APAT NA KABANATA
Filipinas 1869
Ika-19 ng Desyembre

Isang oras ang lumipas bago nila narating ang daungan. Ala-sais ng umaga kaya't maraming tao ang nagdaratingan upang sunduin ang kani-kanilang mahal sa buhay.

Bumaba ang dalawang magkapatid sa kalesa. Inutusan ni Carlos si Goryo —ang kutsero nila na rumenta ng mapagpapahingahan ng kabayong ilang oras ding naglakad.

Habang naghihintay ay sumandal si Ramiro sa isang gilid at inilabas ang isang kwaderno at uling na siya mismo ang nagpatulis upang gamitin sa pagguhit ng tanawin. Hinayaan naman siya ni Carlos subalit nang may dumating na isang Señor na mayaman at mukhang negosyanteng Tsino ay nagpaalam ito na mag-u-usap lamang sila.

"Ramiro, maiwan muna kita rito. May mahalaga lamang kaming pag-u-usapan." Tango lamang ang isinukli sa kaniya nito sapagkat naging abala ito sa pagguhit sa isang barkong papalapit sa daungan.

Nang matapos iguhit iyon ay naghanap siya ng mas magandang lugar. Kaya naman tumayo siya at naglakad-lakad. Hangang sa dalhin siya ng kaniyang mga paa sa isang ilog na naghahati sa bayan ng San Fernando at San Ignacio.

Nakadama siya ng lungkot nang maalalang ang lawa na karugtong ng ilog na iyon ay naging saksi sa pagbabago ng buhay niya. Malungkot man ay umupo pa rin siya sa may punong may kaliitan at doon sinimulang iguhit ang mga tanawing kaniyang nakikita.

Ilang tanawin ang kaniyang naiguhit at hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Masyado siyang nabighani sa tanawin at tanging pagkagutom ang nagpaalala sa kaniya na masyado na siyang nawili.

Nanlalaki ang matang pinagmasdan niya ang kaniyang anino na tanging nagiging basehan niya ng oras.

"Hindi maaari!" bulalas na lamang niya nang mapansing halos tirik na ang araw. Nagmamadali siyang bumalik sa pinanggalingan, subalit nang dahil doon ay hindi na niya napansin ang isang hukay sa dadaanan niya. Kaya naman, nahulog siya roon.

Malakas na napasigaw siya bagama't hindi naman ganoon kalakas ang pagbasak ng binibini sa lupa. Sadya lamang na ikinagulat niya ang biglaang pagkahulog. Mula sa pagkakalupagi sa sahig ay napatayo siya at sinubukang umakyat. Subalit masyado siyang maliit para doon.

"Ano bang klaseng paghihirap ito? Naku naman!" inis na bulalas niya. "Señor! Ginoo! Tulungan ninyo po ako! Ako po ay nahulog at kasalukuyang hindi makaahon! Hilahin ninyo po ako sa hukay na ito!" Ilang beses din niyang sinubukang umakyat subalit wala pa ring nangyari. Tila ba ay isang napakalaking kalokohan ang ginagawa niya at tanging pagpapahirap lamang sa sarili ang napapala.

"Tulong! Tulong!" Akmang muli niyang pipiliting makaakyat mula sa hukay nang bigla na lamang may nagsalita.

♪Kay tagal kong sinusuyod
Ang buong mundo
Para hanapin, Para hanapin ka
Nilibot ang distrito ng iyong lumbay
Pupulutin, Pupulutin ka

"Kahibangan iyang iyong gustong gawin kung iniisip mong ikaw ay makaaakyat diyan, Ginoo." Nakaramdam ng sobrang kaba si Ramiro na ultimo paghinga niya ay napigilan na. Alam niyang may tao sa likuran niya subalit ang hindi niya maintindihan ay kung paanong may tao roon.

Dahan-dahan siyang humarap dito at nang tuluyan na siyang makaharap ay bumungad sa kaniya ang isang lalaki na nagtataglay ng nakamamanghang kagwapuhan.

Kung titingnan siya ay tila ba napakabata niya pa at nasa edad labing walo lamang siya subalit ang katotohanang dalawampu't tatlo na ang kaniyang edad ay hindi mai-a-alis. Matangos ang ilong nito na tila ba hinulma ng pinong-pino para maging ganoon ka-perpekto. Maputi at dinaig pa ang isang binibini sa kakinisan ng balat nito. Nakasuot ang Ginoo ng napakagarang kasuotan subalit kataka-takang may bitbit ito sa kaniyang likod na isang tampipi.

Sinusundo kita, Sinusundo
Asahan mong mula ngayon pagibig ko'y sayo
Asahan mong mula ngayon pagibig ko'y sayo♪

Sa puntong iyon ay bigla na lamang humangin ng hindi inaasahan. Tila ba'y ang kalikasan na mismo ang gustong magpabuko na si Ramiro ay isang binibini at nagpapanggap lamang na ginoo. Hindi napansin ni Ramiro na tinangay ng hangin ang kaniya sumbrerong suot dahil doon ay naladlad ang kaniyang buhok. Patuloy lamang siyang namamangha sa lalaking kaharap. Ramdam na ramdam ni Olivia ang malakas na pagtibok ng puso niya. Ito'y pamilyar subalit hindi niya maalala.

"Ginoo, tumutulo na ang iyong laway," saad ng lalaki habang nakangisi pa. Hindi niya ipinahalata na nagulat siya nang mapagtantong babae pala ang kaninang naririnig niyang humihingi ng tulong. Isa itong napakagandang babae. Pamilyar ang mukha niya na para bang nakita na ng binata ang mukha ng dalaga kung saan.

Ilang segundong pag-i-isip ang inabot ng lalaking nagngangalang Leonardo bago mapagtantong ito ang dalagitang babaeng kaniyang tinulungan limang taon ang nakararaan. Babaeng kaniyang inihabilin sa matalik niyang kaibigang si Carlos.

"Hindi kanais-nais ang iyong hitsura, binibini." Ang biglaang pangbubuska ng ginoo ang nagpakunot sa noo ni Olivia. Nagbalik siya sa katinuan at lakas-loob na sinagot ang ginoo.

"Mawalang galang?" makangiting anas nito. Isang pilit na ngiti.

"Huwag kang ngumiti, hindi nababagay," ngumisi pa si Leonardo. Mababakas sa boses ng ginoo ang malamig na pakikitungo nito na para bang kinasanayan na niya.

Aba't sumosobra na ang bastos na ginoong ito ah!

"Huwag kang mag-alala Ginoo, ganoon din naman ang tingin ko sa'yo." Taliwas sa kaniyang iniisip kanina ang kaniyang binigkas.

"Malabo na yata ang iyong paningin, binibini?" Doon na napansin ni Olivia na kanina pa siya tinatawag na Binibini ng Ginoong hanggang ngayon ay hindi pa rin niya namumukhaan.

"Mukhang may problema ka, ginoo. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohanang lalaki ako!" bulalas niya.

Siya ata si Olivia at kahit na si Ramiro ang pagkatao niya, para sa nakakakilala sa kaniya ay hindi pa rin niyon ma-i-a-alis ang katotohanang palabang tao siya.

Nagulat siya nang mas lumawak lang ang ngisi ng Ginoong kaniyang kaharap. Unti-unti itong lumapit sa kaniya at sa bawat hakbang na ginagawa ng ginoo ay nagbibigay kaba sa kaniya.

Sa puntong nakalapit na ito ay bigla na lamang itong lumuhod matapos ay tumayo ito hawak na ang sumbrero niya. Doon na nanlaki ang mata ni Olivia at napagtanto niyang nabuko siya ng Ginoo.

"G-Ginoo, m-mali ang i-iyong—" Hindi siya pinatapos ni Leonardo.

"Sa susunod ay mag-ingat ka, Olivia. Ma-swerte ka at ako ang nakarinig sa pagtawag mo." Ikinagulat niya nang tawagin ng ginoo ang totoo niyang pangalan. At halos mapaatras siya nang hawiin ng Ginoo ang buhok niya at ito mismo ang magsuot sa kaniya ng sumbrero.

"S-Sino k-ka?" Halos kainin ng takot si Olivia. Isang mapaglarong ngisi ang iginawad ng binata.

"Leonardo, asan ka? Leonardo!" Narinig iyon ni Olivia at alam niyang galing iyon sa kaniyang kapatid na si Carlos.

"Nandito ako, Carlos!" hiyaw ng Ginoo na ikinalaki ng mata ni Olivia.

Doon na lamang niya napagtantong ito nga ang lalaking kinaiinisan niya. Ang katotohanang magpasahanggang ngayon ay ni hindi pa rin pumasok sa isip niya na ito rin ang nagligtas sa kaniya at ito rin ang lalaking una niyang inibig sa isang napakaikling panahon.

"Oh, nariyan ka pala Leonardo! Teka, nariyan ka rin Ramiro?" Napatingala ang dalawa at doon bumungad sa kanila ang mapaglarong ngiti ni Carlos.

T E N

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.6K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
3.5M 115K 57
[COMPLETED] Mage /māj/ A skilled magic user who, unlike wizards and sorcerors, needs no staff as an outlet of his magic, but instead uses his hands...
657K 27.2K 48
Kingdom of Tereshle Story # 2 [COMPLETED] Anastasia Miller. A strong and one of the top Agent of Tynera. Gustong-gusto ni Ana ang trabahong pinasok...