The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

4.7M 107K 20.7K

Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
The Girl in Worst Section: Special Chapter Edition Book
Special Chapter

Chapter 100

27.6K 548 99
By whixley

Chapter 100: Holidays

Tinapos namin ang pasok, two weeks ang vacation namin at January na ang balik. Siguro tinamad ng magturo ang mga Teacher kaya nagpa-assignment at puro quiz na lang, hindi na sila nagturo.

Nag-stay ako sa bahay ni Phoenix dahil miss ko na si Phoebe at Preston tapos sa condo niya ulit ako pero syempre kailangan alam ulit ni Mama kaya nagpaalam ako.

Nakarinig ako ng katok sa labas ng bathroom. "Faster, I need to get a shower now."

"Tapos na ako!" Binalutan ko ng towel ang katawan ko bago lumuhod para kunin ang snake sa box. "Relax ka lang, Ginger, huh? Ayan, very good," Hinaplos ko ang ahas at behave naman siya.

Hindi ko makakalimutan ang huling ginawa ni Phoenix sa akin!

"Babe!" Katok ni Phoenix sa labas.

"Tapos na nga ako." Maayos akong tumayo matapos itago ang ahas para hindi niya muna makita. Binukasan ko ang pinto at bumungad naman mukha niyang bored na bored. "Nagmamadali ka ba?"

"I'm not..." Bumaba ang tingin niya sa towel ko.

Ano'ng nasa isip niya?

"Gusto mong alisin ko?" Nakabihis na ako kanina pa, strapless lang ang crop top ko at naka dolphin shorts lang rin ako.

"H-Hey, don't," nautal siya bigla.

"Okay lang 'yan." Inalis ko ang towel at parang napatigil naman siya. "Gagi, bihis na ako."

"I thought you don't have c-clothes," aniya at nag-iwas ng tingin.

"Well, thought mo lang 'yon." Iniwan ko siya.

"Babe! What the fuck is this again?" dinig kong sigaw ni Phoenix sa loob ng bathroom. "Fuck! May ahas sa loob ng shower!"

"Hindi 'yan nangangagat, bal!" Sagot ko, nasa pinto ako at pinapakinggan ang mga pagmumura niya sa loob. "Say hi to Ginger!"

"Remove this fucking snake!"

"Mabait si Ginger, love! Hindi naman siya nangangagat!"

"Shit! He's coming near me! Miranda! I'm not joking! I don't like snakes. Love! Ayoko ng ahas!"

Binuksan ko ang pinto ng bathroom. "Bal-" Natigil ako sa pagsasalita nang makita ang itsura niya. "Bal, ilang inches ka?" kusa na lang lumabas sa bibig ko ang salitang 'yon.

Iniwas ko rin ang tingin ko.

"Oh, fuck!" Kumuha siya ng towel at tinakpan ang sarili. Namula ang tainga niya bago mapahilamos sa mukha gamit ang isang palad.

"Joke lang! Wala naman akong nakita!" Malakas akong tumawa bago lumapit kay Ginger na nasa sahig. "Biro lang 'yon!" tumalikod na ako. "Pero ilan nga, Bal?" tanong ko at humarap ulit. "Eight or nine inches?"

"Darlene!" Sinara ko na ang pinto ng bathroom nang marinig ang sigaw niya.

Nilagay ko ulit sa kulungan ang ahas. Ibabalik ko na 'to sa may ari. Hiniram ko lang 'to. Pinatong ko sa kama si Ginger.

Tawa-tawa akong pumunta sa kitchen para magluto ng lunch. Sa Internet ako kumokopya ng recipe. Marami ng laman ang ref niya, pinapunta ko siya sa supermarket para bumili ng mga stocks rito.

Nasa kalagitnaan ako ng paghihiwa ng gulay nang tumunog ang cellphone ko. Binaba ko ang kutsilyo para sagutin ang tawag.

"Hello?" Sagot ko sa tawag. "Sino 'to?" Walang sumagot sa kabilang linya.

"Babe, alisin mo si Ginger sa kama!" Tapos na palang maligo si Phoenix kaya rinig na rinig ko na naman ang sigaw niya.

Hindi ko pinansin si Phoenix dahil nasa cellphone ang focus ko. Para hahawakan lang ang ahas, hindi pa magawa. Hindi naman 'yon nangangagat.

"[Darlene! Sorry natagalan! Walanghiyang Gavin kasi 'to, kinuha ang cellphone ko kaya hindi kita matawagan. Anyways, about our Orphan thing, bukas na tayong lahat mag-aayos, ha! Don't forget!]"

"Okay!" Sagot ko.

May sinabi pa si Laureen bago ibaba ang tawag. Nagpatuloy ako sa ginagawa para matapos na.

"Bal, may tanong ako," sabi ko nang dumating si Phoenix.

"Stop asking questions." Pangunguna niya.

"Hindi mo nga sinagot ang tanong ko kanina. Hindi mo sinagot kung ilang inch ba 'yan."

"Stop."

"Pero sa tingin ko... mga eight inche-biro lang." Humalakhak ako. "Iba na kasi ang tanong ko ngayon," natatawa kong sinabi.

Hindi naman maipinta ang mukha niya.

Tumigil na ako baka kasi ako naman ang pagtripan nito, mahirap na baka ako pa ang magdusa.

Nagluto na lang kaming dalawa ng lunch para makakain na kami. Ako ang nagsaing kasi hindi siya marunong. Iyon na nga lang ang basic gawin bukod sa pagluluto ng pancit canton, at pritong itlog at hotdog tapos hindi niya kaya.

Noong sinabi ni Laureen about sa donations for Orphanage ay ginawa namin. Naghanap ulit ako ng mga damit at bagay na hindi ko ginagamit para ma-donate sa kanila.

Pero wala rin akong mga lumang damit na nakita, puro kasi bago pero dahil nga lagi akong binibinili ni Mama ng mga bagong damit araw-araw, nakapagdesisyon kong piliin ang hindi ko masususot para maibigay sa kanila.

Iyong mga bagay na hindi rin ginagamit para sa mga batang ka-edad ko. Tinulungan kami ni Ate Anya para sa gagawin namin. Nagprovide ng pagkain at gifts si Mama for those kids. Pati sa mga baby, tinanong namin si Sister kung ano ang size ng mga babies doon.

Naging abala kami sa pag-aayos. Balak rin kasi namin na mag-christmas party ang mga bata doon para naman bago sumapit ang pasko, masaya sila. Kaming dalawa ni Phoenix ang naka-assigned sa mga gifts kaya ito namimili kaming dalawa. Susunod naman sina Finn rito kasi maraming bibilhin, e.

Pati iyong mga nakikita namin na mga homeless bibigyan na rin namin ng mga pagkain at iyong mga bata bibigyan namin ng regalo. Mas mabuti kasi kung gano'n na lang kaysa sa pera, minsan kasi ang mga pera ay ginagamit sa masama, sa halip na sa pagkain.

Balak rin kaming bumisita sa isa pang Orphanage pero sa elderly. Iyong mga matatandang iniwan ng mga anak at nakikita sa kalye ay doon idinadala lalo na ang mga may sakit para na rin maalagaan.

"Bal, bakit ka ba tumitingin ng baby girl stuff diyan? May inaanak ka bang babae?" tanong ko kay Phoenix nang mapansin na kanina pa siya tumitingin doon.

"I don't have a godchild, but a child with you, yes." Kinuha niya ang pang three to four months na damit.

"Bal, nagsisimula ka na naman," siningkitan ko siya ng mata.

"Hindi na," mahina siyang natawa bago umayos. "But remember Ellice? The baby you adopted for almost an hour?"

"Oo naman! Cute kaya no'n, bal!" Sagot ko.

"I know." Tumango siya. "Why don't we give her a gift?"

"Hala, oo, bilhan rin natin siya ng kailangan niya as a baby for gift na natin sa kaniya."

Binilhan namin siya ng magandang baby stuff. Maganda naman ang nabili namin pero sana magustuhan niya.

Nang matapos kami sa pamimili ay agad kaming pumunta sa toy store para naman sa mga bata. Bumili kami ng iba't-ibang laruan para sa kanilang lahat. Iyong badget na gamit namin, ito 'yong ipon namin lahat. Pinagsama-sama namin para makabili kami ng ganito.

Iba pa 'yong mga galing sa parents namin na donation. Hindi lang kasi sa isang Orphanage kami magdodonate, pati na rin sa iba para lahat sila, e, masaya. Para walang malungkot this coming Christmas 'di ba? Dapat masaya lang!

Pinabalot na rin namin lahat ng gifts para inaayos na lang sa box.

"God, Gavin, ang tagal, ha!" dinig kong reklamo ni Laureen.

Nasa labas ako ng kotse para tumulong sa pagbubuhat kaso hindi ko kaya, e. Isa lang talaga akong dakilang pakielamera ngayon.

Papunta na kami sa Orphan.

"Babagal niyo naman magbuhat." Naupo ako sa monobloc chair.

"Excuse me, Darlene. Nasasaktan at nabibigatan rin ang muscles namin!" Madramang sabi ni Gael.

"Ano'ng muscles? Tanga, buto-buto lang 'yan!" Sabad ni Renz.

"Ano'ng buto-buto?! Hiyang-hiya naman diyan sa patpatin mong katawan!" ganti ni Gael.

Hindi naman patpatin si Renz, ganda kaya ng katawan nito. Halatang nag-gi-gym, si Gael naman may muscles rin. Actually, lahat sila magaganda ang katawan. Lalo naman nitong lalaki sa harap ko na kanina pa nakatingin sa akin.

"Darlene!" Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

Nakita ko si Reid na bumaba sa sasakyan niya. Tumayo ako para puntahan na siya.

"Bakit?" tanong ko kaagad.

"I told Relie about your Orphanage thing and she wants me to give this to you." Nagbigay siya ng white envelope at pera ang laman no'n nang silipin ko. "She wants to donate also to those kids."

Tumango ako. "Sige, ako na ang bahala. Pero sino nga ulit 'yon?"

"The girl who... you know... slapped me," natawa siya.

"Ampucha, iyon na nga talaga ang true love mo," natawa rin ako. "Pakisabi salamat rito, ako na ang bahala sa donation niya. At pakisabi salamat sa simpleng donation."

"No worries," aniya. "I need to go back to Quezon. Take care always, cousz."

Bumalik ako kung nasaan ako kanina.

"Babe, why is Reid here?" tanong ni Phoenix.

"Iyong girlfriend niya nag-donate for the kids sa Orphan."

Tumingin ako sa harap ko, tapos na palang magbuhat ang mga lalaking 'to kaya kaniya-kaniya ng kain!

"Hindi man lang ako inaalok ng pagkain, bal?" tinuro ko sila. "Tapos nang-iinggit pa ng-" Nilagyan niya ng siopao ang bibig ko kaya nahinto ako sa pagsasalita.

"Eat," aniya.

Nginuya ko na lang ang siopao na nasa bibig ko.

Hindi rin nagtagal ay umalis na kami. Sinimulan namin sa mga homeless people na nakikita namin sa mga daan. Binigyan namin sila ng pagkain, inumin, at gifts.

Ang sarap lang tumulong sa mga taong nangangailan. Mas nakakatunaw sa puso ay iyong kapag masaya sila dahil sa mga maliliit na tulong na naibigay namin. Kahit na simple lang, ang saya pa rin kasi tuwing nakikita mo ang saya sa mata nila parang kumpleto ka na kasi alam mong masaya sila at higit sa lahat nakatulong ka.

Mas masaya sa puso kapag tumulong ka ng bukal sa puso mo at walang hinihingi na kapalit.

Malaki man o malaki ang tulong mo, ang mahalaga ang nakatulong ka pa rin. Wala ng sasaya sa ginawa namin ngayong araw! Pagod man kaming lahat pero sulit naman dahil masaya ang mga tao sa Orphanage Home! Lalo na iyong mga citizens, ang saya nilang lahat! Nakakatunaw ng puso ang mga mata nila puno ng saya at pagmamahal.

Nang pumunta naman kami kung nasaan si Ellice agad ko siyang kinuha at may good news rin akong nakuha. This coming week ay may taong aampon na sa kaniya. Magandang pamilya naman 'yon, mayaman at kilala.

Masaya naman ako para kay Ellice kasi finally may pamilya na siyang matatawag. Inaayos na lang ang papers niya at pagkatapos no'n ay kukunin na siya ng mag-asawa.

"I'm so tired...." Nahiga sa kama si Phoenix. "But it's happy."

"Sobra." Humikab ako. "Antok na ako." Alas-dose na kami ng gabi nakauwi dahil sa traffic.

Tinabi ko muna ang laptop para makahiga at matulog na.

Magkakaroon rin kami ng christmas party lahat, kami nila Phoenix at ng mga kaibigan namin. Nagdecide kaming huwag na mag-Christmas party sa School para hindi doble gastos.

Sa mansion ni Lolo gaganapin para hindi na gagastos sa lugar, lahat ng mga pinsan ko dadalo. Lahat rin mga kaibigan ni Mama at Papa, kilala na nila si Lolo kaya hindi na bago sa kanila ang pumunta sa mansion. Pati mga kaibigan nina Mama na magulang ng mga hamog na 'to.

Minsan napapaisip rin ako kung paano ba nagsimula ang mga friendship nila. Ang galing, e. Biruin niyo hanggang sa magkaroon ng mga pamilya ang bawat isa sa kanila, hindi pa rin nila nakakalimutan ang pagkakaibigan nila.

Ang sabi sa akin ni Mama na mayroon raw akong Ninong at Ninang sa mga kaibigan niya. Kilala ko naman ang mga Ninong at Ninang ko dahil parang tropa ko sila tuwing nakikita ko sila. Binibigyan rin naman nila ako kaso si Ninong Harold, tuwing nandiyan ako parang hangin lang ako sa kaniya!

May sinasabi pa siyang wala raw siyang maalala na inaanak niya ako! Ang daya! Kaming dalawa ni Darius ang inaanak niya!

Saka, girl, kailangan ko ng mamasko! Walang bata-bata kapag manghihingi ng papasko!

Baka nga nakikain lang sila noong binyag ko tapos naghanap ng shanghai at nag-uwi. Kailangan ko lang singilin ang mga kinain nilang shanghai. Isang shanghai, isang libo rin ang kapalit!

Tsaka, ang yayaman nila! Iniisip ko na nga kung magkano ba makukuha ko kung sakaling dumating ang araw ng Christmas party.

Masyado na rin makalat rito sa bahay namin dahil dumating ang mga regalo na para raw sa akin! Akalain mong may regalo ako pero ang dalawang brother ko, e, wala.

"Bakit siya lang ang may regalo? What about me? I don't have a gift this Christmas?! That's unfair!" Reklamo ni Darius nang makita ang mga regalo sa sala.

"What's inside of the box?" Bumaba rin si Kuya habang buhat-buhat si Amir gamit ang isang kamay.

"Hi, brothers! Regalo raw para sa nag-iisang maganda 'tulad ko!" Ngumisi ako, nagyayabang.

"Wow! What kind of gift is this?" Bumaba si Amir mula sa braso ni Kuya.

"Wala akong clue pero sure akong mamahalin 'yan. Packaging pa lang palong-palo na," sagot ko.

Kinuha ko ang isang regalo, pink ang gift wrapper with matching letter kaya binasa ko ang nasa loob.

Merry Christmas, Michelle. I hope I see you this coming year! Enjoy my gift.

Love, Aunt Carmilla.

Ay, ito 'yong sinasabi ni Darius na Tita namin sa Spain! May regalo siya sa akin! Mabuti pa siya kilala ako, samantala kasing ako hindi, hindi ko siya kilala.

Isang designer bag ang regalo niya. Cream ang kulay ng bag. Ito na lang siguro ang gagamitin ko tuwing papasok ako.

Iba't-ibang regalo ang natanggap ko ang karamihan ay alahas at sapatos. Maganda naman ang mga regalo pero tinabi ko sa walking closet. Pang-display lang ang mga 'to, para kunwari bag and shoes collectors ako.

At nga pala nagkaroon na rin kami ng bunutan, at ang nabunot ko ay si Kuya. Ang malas nga, e. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya! Kaya ito, nagpapatulong ako kay Ate Anya kasi hindi ko talaga alam.

"Hindi ko na talaga alam ang ire-regalo ko! I'm out of... basta wala na akong maisip." Patalon akong nahiga sa kama kung saan nakahiga si Ate Anya.

May kinakain siyang kung ano, hindi ko gusto ang itsura pero sarap na sarap siya. Hinayaan ko na lang siya at tumingin na lang sa kisame.

Dapat si Phoenix na lang ang nabunot ko! Alam ko na ang gusto niya kaya hindi ako mahihirapan. Pero ayoko ng gift! I mean, may mga clip video kasi kami ng mga sweet moments namin at pictures tapos cinocombined ko silang lahat sa iisang video. Iyon sana ang balak kong iregalo kung sa siya sana ang nabunot ko pero syempre may kasama 'yon!

"Wala ka bang maisip na gift? What does your brother likes?" Tanong ni Ate Anya.

Napaisip ako.

"Ikaw." Ngisi ko. "Ikaw ang like niya. Ikaw na lang kaya ang i-regalo ko? Ilagay kita sa box tapos balutan ko ng gift wrapper?"

Natawa siya sa sinabi ko. "Ano ka ba! Think about what he likes! Iyong mga nakikita mo palaging nagagamit niya."

Napanguso ako. "Wala talaga, e!" Bakit kasi si Kuya pa?! Pwede rin naman si Darius ang mabunot ko, reregaluhan ko siya ng papel.

Papel para sa pag-aaral niya. Lagi ba namang dumadayo sa classroom ko para lang mang-hingi ng papel?! May classmates naman siya na pwede hingian.

"Suggest naman diyan, sissum!" Umunat ako.

"Uh... you really want me to help you?"

"Syempre naman! Tara mall tayo! Tatawagan ko lang si Bal para may kasama tayo. Ayokong kasama si Kuya dahil kapag nangyari 'yon malalaman niya ang regalo ko sa kaniya." Tumayo ako para kunin ang cellphone sa side table.

To: bibi
Bal!! Busy ka ba? Like walang ginagawa gano'n?

Tumingin ako kay Ate Anya nang magsalita siya.

"Sure! But let's go somewhere first, Darlene." Ani Ate at tumayo na rin. "Magpapalit lang ako ng damit. And don't tell this to your brother!"

"Syempre naman. Pupuntahan na lang kita rito kapag tapos na ako magpalit," ngumiti ako at dumiretso na sa labas.

Saktong kakalabas lang rin ni Darius sa kwarto niya. May dala-dala pa siyang cellphone sa kamay at halatang nagtatype. Natatawa pa siya.

Napangiwi ako. Ka-chat na naman niya siguro 'yong dump account na chat nang chat sa kaniya sa IG.

Pumasok na ako sa kwarto ko para makapagpalit. Habang naghahanap ng simpleng damit, tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Phoenix ang nasa caller ID.

"[I'm not busy, babe. Why you want to see me? Well I want that also.]" bungad niya.

"Sira! Gusto ko kasing ipagdrive mo kami ni Ate Anya papunta sa mall para na rin may kasama kami. Wala kaming driver dahil nasa pamilya nila for Christmas kaya wala akong taga-drive," sabi ko habang inaalis ang pang-itaas na damit ko.

Nilipat ko sa kabilang tainga ang cellphone.

"[Okay, I'll drive you, love.]" Sang-ayon niya.

"Yes! Thank you! Love you, muah! Magbibihis lang ako, punta ka na rito, ha? Ingat ka, love you!" binaba ko na ang linya para makapagbihis ng maayos.

Suot ko ang satin camisole top at high waist jeans nang tingnan ko ang sarili sa full length mirror. Nagsandals lang ako para hindi mahirap maglakad, kinuha ko na ang bag ko sa kama para mailagay ang cellphone at wallet.

Claw hair clip lang rin ang ginamit ko para maitali ang buhok. Nilagay ko sa gilid ang mahaba kong bangs. Tiningnan ko ulit ang sarili sa salamin.

"Ang ganda ko," puri ko sa sarili.

Lumabas na ako sa kwarto para puntahan si Ate Anya kaso lumabas na siya sa kwarto ni Kuya. Simple lang ang suot niya pero maganda.

"You're so pretty," aniya.

"Small thing!" Sagot ko. "Maliit na bagay in tagalog."

Nauna siyang bumaba at sumunod naman ako.

"Mama, where are you going?" Tanong ni Amir nang makita ang Mommy niya na nakabihis. Lumapit siya kay Ate Anya at humawak sa kamay.

"I'll go with your Tita Ganda," humalik siya sa pisngi ni Amir.

May nakita akong cookies sa plato kaya kumuha ako ng isa.

"Where's your Dad?" Si Ate Anya naman ang nagtanong.

"In the kitchen, Mommy," sagot ni Amir.

Lumabas na ako para maghintay kay Phoenix sa labas dala-dala ang limang cookies sa kamay. Nakasandal ako sa gate habang kumakain at naghihintay.

"Why can't I come?" Tanong ni Kuya, sumunod siya kay Ate Anya na nasa tabi ko na ngayon.

"Because I don't want to see your face. That's simple, Drake," may halong inis ang boses ni Ate Anya.

Huh?! Wala namang ginagawang masama si Kuya, ha?! Ba't naiinis?

"Please, umalis ka muna sa harap ko? Naiinis talaga ako." Tumalikod si Ate at naiwan namang nakatayo lang si Kuya.

"I didn't do any fucking wrong," dinig kong bulong ni Kuya.

"Lumayas ka sinabi, Drake! Puntahan mo si Amir sa loob," utos ni Ate Anya.

"Okay! Okay!" Napilitan pumasok si Kuya dahil inis na inis na ang boses ni Ate Anya.

Sinundan ko lang siya ng tingin.

Ano'ng mayroon at bakit parang palaging inis si Ate Anya kay Kuya? Wala naman talagang ginagawa si Kuya, ha? Pero bakit inis na inis?

May sasakyan na tumigil sa harapan ko, bumaba kaagad ang salamin ng kotse.

Pinagbuksan ko ng pinto si Ate Anya bago ako maupo sa shot gun seat.

"Why are you going to the mall?" Agad na tanong ni Phoenix matapos humalik sa pisngi ko.

"Para lang sa gifts kinemechu," sagot ko.

Bibilhan ko rin ng regalo ang kaibigan namin! Para fair lahat.

"Wait, before we go to the Mall. Can we go to the Hospital first?" Singit ni Ate Anya sa usapan.

Lumingon ako sa kaniya. "Okay." Tumango na lang ako.

Ano ang gagawin niya sa Hospital? Hindi na ako nagtanong. Pumunta na kami sa Hospital na pagmamay-ari ng Pamilya ni Dash.

Hindi magawang humarot ni Phoenix dahil nasa likod lang si Ate Anya. Kung kami lang siguro rito sa sasakyan baka kanina pa niya ginagamit ang mga banat lines niyang nakakairita minsan.

Nang makarating kami sa Hospital ay agad akong bumaba. Sumunod naman si Phoenix sa akin at humawak sa kamay ko. Nasa harapan namin si Ate Anya, sa kaniya lang kami sumusunod. Hindi ko nga alam kung saan ba ang destination niya.

Hanggang sa tumigil kami sa... Obstetrics Gynecologist clinic.

"Bal, 'di ba pang-buntis lang ang clinic na 'to?" mahinang tanong ko habang nakaupo sa vacant seat sa loob ng clinic. "Buntis ka, 'no? Sinong ina niyan?" biro ko.

May mga buntis rin rito kasama ang mga asawa nila. Iyong iba napapatingin sa amin, akala yata magpapacheck-up ako.

Wala po itong laman!

"Ikaw." Natawa siya. "But kidding aside, babe, why is your Drake's girlfriend-"

"Correction fiancé," pagtatama ko.

Fiancé siya ni Kuya dahil nagpropose pala si Kuya tapos hindi man lang kami sinama?! Ang daya! Kaya pala iniwan si Amir sa bahay dahil may date na naging proposal! Sayang, hindi ko nakitang umiyak si Kuya.

Kaya rin pala nagbabalak ng bumukod ang Kuya ko dahil mag-aasawa na pala siya. Malapit na silang ikasal. I mean, hindi pa dahil gusto ni Kuya tapos na ang kinginang mga nangyayari ngayon bago sila magpakasal. Ayaw niya raw na may manggugulo sa araw ng kasal niya.

"Okay, fiancé," aniya. "Don't you have doubts that maybe she's pregnant?"

Hala, bakit hindi ko naisip 'yon?

"Sa bagay, baka nga preggy siya," sabi ko. "Tapos may morning sickness rin siya. At palagi siyang gutom."

"What about you? You're not pregnant but you're always hungry." Grabe! Masarap lang talaga kumain!

"Masarap kasi ang pagkain!" Umirap ako. "At hindi lang 'yon ang napapansin ko kay Ate, lagi rin kasi siyang inis kay Kuya. Alam mo 'yon? Wala namang ginagawang masama 'yong kapatid ko pero inis na inis siya."

"I think that it's called paglilihi. I remembered my Mom was pregnant with Phoebe, she always irritated to me and my Dad. Ayaw raw akong makita ni Mommy noon."

"Ang malas naman ng kapatid mo, sa 'yo pinaglihi," biro ko.

Hindi na siya nagsalita dahil tumayo na ako nang lumabas si Ate Anya. May tinitingnan siyang papel nang makalapit sa amin. Lumabas kami gano'n pa rin siya.

"Ano bang tinitingnan mo riyan?" Tanong ko habang naglalakad. Binigay niya sa akin ang papel at hindi lang basta papel dahil ultrasound picture 'to!

Nanlaki ang mata ko.

"What's that?" Nakitingin na rin si Phoenix.

"Bal, buntis nga siya." Nakatingin ako sa ultrasound picture. "Tingnan mo. Six weeks na siyang pregnant."

"Wow, congrats." Kinuha ni Phoenix ang ultrasound picture sa kamay ko.

"Thank you," ngiti ni Ate Anya. "But, Drake still doesn't know about this."

"Diaper na lang ang ire-regalo ko kay Kuya. Pang new born para maguluhan siya kung bakit gano'n regalo ko." Napangisi ako.

"Oo nga 'no..." Bulong ni Ate Anya. "Give him a gift like that then, I'll tell him about my pregnancy if he gets confused."

"Galing naman Christmas gift mo. Anak ang regalo ngayong Christmas." Natawa ako at gano'n rin naman siya. "Ikaw, bal, gusto mo rin?"

"Ng anak bilang regalo?"

"Iyong ibang regalo. Hindi gano'n." Ano 'yon, bibigyan ko siyang anak?

Natawa naman siya at ibinigay sa akin ang ultrasound picture.

"I want a baby girl, Darlene, kailan mo ako bibigyan?" panggagago ni Phoenix.

Kinurot ko siya sa braso. "Ano ba? Bawal pa 'yon!"

"Uhm, I guess, if we're married?"

Ayan na naman siya, nag-i-imagine ng wedding namin. Delulu talaga 'to, e.

Pumunta na kami sa mall para bumili ng mga regalo. Syempre, katulad ng sinabi ko kanina, iyong pang-new born baby diaper ang binili ko. Magkakaroon naman siya ng anak, e, ayos lang na ganito ang regalo ko.

At katulad rin ng sinabi ko kanina na ibibili ko sila ng gifts ay ginawa ko. Alam ko naman ang mga gusto nila kaya hindi ako nahirapan.

"Nga pala, bal, sino ang nabunot mo?" tanong ko habang kumukuha ng pera sa wallet, nasa cashier na ako para magbayad.

Si Ate Anya pinaupo ko muna roon sa may waiting seats. Buntis siya, 'di ba? Bawal siyang mapagod.

Nagshrugged siya.

"Ang daya mo naman, sabihin mo na. Hindi ko naman ipagsasabi sa iba, baka nga tulungan pa kita."

"You're a talkative person, love," sabi niya na parang totoong madaldal talaga ako!

Palagi na lang akong nakukulangan ng pera.

Tumikhim ako. "Pahiram akong 1k."

Hindi man kami pinapansin ng cashier lady panay naman ang tingin niya kay Phoenix. Hindi naman ako bothered kasi wala namang pakialam si Phoenix, panay nga ang hawak sa buhok ko at laro.

"I don't have cash." Kinuha niya ang card niya sa wallet at binigay doon sa cashier lady.

"Love, daig ko pa may sugar daddy." Pati iyong cashier lady natawa sa sinabi ko pero agad rin umayos.

"I hate the word sugar daddy, but you can call me daddy," ngisi niya.

Hinampas ko siya sa braso at tumawa. Pati cashier lady tumawa na rin.

Nang matapos kaming magbayad ay pinabalot ko ang regalo pero 'yong iba sa paper bag na lang para hindi hassle bitbitin. Kumain na rin kami sa labas for dinner kasi inabot kami ng gabi sa mall.

Natatakot nga ako, e, baka pagod na si Ate Anya. At para mawala ang takot ko umuwi na kami. May regalo rin ako kay Amir, hindi ko na pinabalot kasi sisirain niya lang din kaagad, sayang lang ang wrapper. Ang mahal pa naman no'n.

"Lin." Pababa na sama ako ng kotse nang tawagin ako ni Phoenix.

Una ng bumaba si Ate Anya nang pagbuksan siya ng men-in-black sa labas.

"Bakit?"

"Kiss," aniya at lumapit.

Natawa ako at lumapit para ikiss siya sa pisngi. "Bye. Love you."

"That's all?" tanong niya na parang kulang pa ang ginawa ko.

"Ano ka siniswerte? Saka na lang."

"Come on, another one. Here." Tinuro niya pa ang labi niya.

Ginawa ko na ang hinihingi niya para matapos na. "Okay na po, ha? Pasok na ako sa loob, ingat ka po." Lumabas na ako sa kotse niya.

"I will, I love you," ngumiti siya.

"Love you!" kumaway ako.

Pagpasok ko sa loob, walang tao sa sala pero bukas lahat ng ilaw. Pinaakyat ko na sa kwarto ko ang mga gifts. Pinuntahan ko ang movie room at nandoon sila Kuya, sinasamahan si Amir na manood ng star wars yata 'yon.

Halatang ayaw ni Mama at Papa pero sinasamahan nila si Amir. Hindi kasi sila makaalis lahat.

"What's up," bati ko nang makapasok sa movie room.

"Where have you been?" tanong ni Mama nang makalapit ako para humalik sa pisngi niya.

"Sa Mall at Hospital." Putangina, bakit ko sinabi?!

Hala, nadulas ako.

Hindi nagpahalatang nagulat si Ate Anya, nakaupo lang siya sa sofa at panay ang haplos sa buhok ni Amir.

"Why are you in the Hospital?" tanong ni Darius.

Mag-palusot ka, gago.

"Naalala mo, Darius? Si Arissa? Iyon binisita ko lang." Pasensiya ka na Arissa at nadamay ka pa.

"The girl who is suffering from heart disease?" Paniniguro niya.

Tumango ako. "Oo," sagot ko.

Ang daldal ko nga! Muntik ko pang masabi ang sikreto ni Ate Anya ngayon. Hindi pwedeng malaman ni Kuya! Sa Christmas party pa niya dapat malaman para surprise.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 3.6K 72
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
85.1K 1.7K 71
Tác giả: Ám Dạ Lưu Tinh Thể loại: Ngôn Tình Nguồn: morphobblue.com Trạng thái: Full Thể loại: Quân nhân văn, ngôn tình, HE Số chương: 69 chương + 2 P...
229K 6.8K 23
I'm an old friend of Inuyasha. We were very close, until he fell in love with that human. From then on, we grew apart. I watched as he grew closer an...
360 109 13
Cristel was a kind and gentle soul, always eager to help those in need. She was a devoted member of her church community, where she met a charming an...