The Girl in Worst Section (Co...

Por whixley

4.7M 106K 20.7K

Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous... Más

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
The Girl in Worst Section: Special Chapter Edition Book
Special Chapter

Chapter 93

26.9K 597 108
Por whixley

Chapter 93: Halloween

Takang taka ako sa kilos ni Darius pero hindi ko na pinansin, ayaw niyang magpa-istorbo, e. Kanina pa siya tahimik at malalim talaga ang iniisip niya.

“Gusto mo ng kiss?” Tanong ko kay Darius, nginuya ko ang gummy bear.

Nilingon niya ako. “No thanks, my little sis.” Iling niya at pumasok sa kwarto at gano’n rin ako para mag-ayos.

Suot ko na ang plane white white v-neck dress at white ankle strap heels. Kulot rin ang ibaba ng buhok ko, at simpleng makeup.

Seven ng gabi kami umalis para hindi mahuli sa event kaso hinatid pa namin si Amir sa Mommy ni Ate Anya dahil gusto doon, sayang lang… wala akong kalaro. Pagawa kaya ako?

Hinayaan naman nila Ate at Kuya na doon muna si Amir para hindi madamay kung sakaling may mangyari na naman. Nag-iwan lang ng mga bodyguards para may bantay si Amir.

Sa kotse ako ni Darius nakisakay kasi may ganap yata sila Mama at prin apa dahil mukhang aalis pagkatapos ng party. Kanina pa kami bumabyahe dahil traffic. Nag-text ako kay Phoenix na baka mahuli kaming lahat.

Nakatanggap rin ako ng text messages sa mga ugok, tinatanong kung sasama ba kami sa halloween party sa GFS. Ang sabi ko hindi ko sigurado dahil sasamahan ko nga si Phoenix.

Gusto ko siyang samahan halata rin kasi sa kaniyang ayaw niya pero dahil nga may respeto pa rin siya doon pinapakisamahan niya ng maayos.

Sana lang makahabol kami sa halloween party. Ngayon lang kasi ako makakapunta doon nang may kasama, noon kasi ako lang mag-isa kasama ang mga yaya at bodyguards ko.

“Darius, ano bang nangyayari sa ‘yo?”

Para na kasi siyang ewan. Hindi ko ma-keri, okay sana kung maayos lang siya ngayon kahit ganiyan siya

Nagpakawala siya ng mabigat sa pagpahinga. “About what you said… hindi ‘yon mawala sa isip ko. It haunts me, Lin. Though… I always said that it was just a coincidence, maybe Nix really said your name in front of her that’s why she said that. But, shit were just the same…” Bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan.

Tumingin ako kay Mama, nakatingin pala siya sa akin. Tinuon niya ang paningin sa harap at inaayos ang buhok niya na parang wala lang ang narinig niya.

“Huh?” Tanong ko ulit.

Gets ko ang sinabi niya pero ‘yong tungkol sa same na sinasabi niya ay hindi. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin doon.

“I accidentally bumped into someone while I was in grocery yesterday. She’s a woman also and believe me, Lin, she even say my name. I was shocked that time, ako lang naman mag-isa kahapon habang bumibili ako ng mga pinabili ni Mama sa ‘kin. I didn’t even say my name in front of her. She apologized and mentioned my name,” sagot niya. “Basta basta niya akong iniwan pero pinahanap ko ang babaeng ‘yon kay Jin, at ang sabi niya sa akin nasa Tagaytay raw.”

Nagulat naman ako sa sinabi niya. “Kaya pala nasa Tagaytay si Jin…” bulong ko. “Hindi lang siya nandoon para sa samahan si Lala, nandoon pala siya dahil may pinapagawa ka.”

“He’s there?”

Tumango ako. “Oo, Darius! At tama ka nga dahil may nakakakilala rin sa akin sa Tagaytay. Iisang babae lang kaya ang pinaguusapan natin?” Tumingin ako sa kaniya.

Hindi siya nakasagot.

“Paano nga kung hindi nga siya patay? Hindi rin naman kasi ako sure, e, kasi hindi ko alam kung paanong patay ba ang ginawa sa kaniya. Wala akong alam dahil pinatakas niya ako, hindi ko sigurado kung patay nga ba talaga siya.”

“Damn, I don’t know the answer. I’m stuck between yes and no.” Bumaling siya sa harap. “We will know the answers soon. For now, let’s go to your boyfriend’s family.”

Nandito na pala kami kaya siya huminto. Inalis ko ang seat belt ko para makalabas na. Nilagay ko sa balikat ko ang sling bag.

Tumingin ako sa wrist watch ko, 7:34 PM na. Ang bilis talaga ng oras kapag hindi mo binibilangan.

Unang pumasok sina Mama at Papa sa loob. Nang makapasok kami sa loob ay marami agad tao.

Nakalimutan kong nandito pala ang Lolo ko. Shems, ano kayang mangyayari? Magkikita ‘yong dating magkaibigan!

“Wine, Miss,” alok ng waiter.

Kumuha ako ng isa para inumin kaso paepal si Darius. “Thank you,” ngiti ko bago magpatuloy sa paglalakad.

Nanatili kaming nakatayo sa harap ng isang table. May kaniya-kaniya kaming baso habang tumitingin sa mga tao. Iyong tingin ni Mama parang nanghuhusga kahit hindi naman.

“This party is elegant. I like it.” Inikot ni Mama ang paningin.

“Si Lala raw ang may gawa nito lahat. Wala namang alam si Phoenix dito.” Diniretso ko ang wine.

“It’s true, walang alam o hindi marunong ang mga lalaki sa ganitong party.” Tango ni Mama.

“Why are you looking at me?” si Papa.

“Wala naman…” sagot ni Mama.

May dumating sa table namin na kakilala ni Mama at Papa tapos umalis papunta sa kabilang table. Daig pa ang artista sa sobrang daming nakakakilala sa kanila.

May dumating rin na kakilala ni Kuya at masasabi kong may itsura, I mean gwapo naman sila kaso mas-gwapo ang boyfriend ko.

“Where is your son, Drake?”

Kanina pa sila nag-uusap habang tahimik lang kaming dalawa ni Darius.

“He’s with my mother-in-law.” Wow, may pa mother-in-law!

“Angas…” sabay na bulong namin ni Darius.

Napatingin sa amin ang apat na lalaki.

“That’s my siblings. Darius and Darlene,” pakilala ni Kuya. “This is Yuan, Adam, Kailo, and Kester.”

Kilala ko na ‘yong Kester, ano! Nandoon kaya siya sa party ni Kuya.

At ‘yong Kester ay halatang ruthless, I mean ang cold ng mukha niya tapos ‘yong presensya niya ay ang bigat sa pakiramdam. Tapos ‘yong tatlo naman gwapo rin, pero mas gwapo pa rin si Phoenix.

“I know them…” Sagot ni Darius.

Ngumiti lang ako sa kanilang apat. Hindi naman kami nagtagal ni Darius doon dahil umalis na kami, ayaw kong marinig ang usapan nila Kuya.

Nakita ko sina Trevor na simpleng suit lang ang suot. At ‘yong iba… mukhang tanga.

“Mukha kayong tanga, alam niyo ba ‘yon?”

Mga naglalagay kasi ng kung ano sa mukha.

“Didiretso kami sa halloween. Balak ko ngang mag-vampire costume, e! Required kasi mag-costume!” si Renz.

“Ako, balak kong mag-penis costume—aray, Harris,” binatukan ni Harris si Gael. “Sakit, ah!”

“Tangina ‘yang bibig mo,” sabi ni Harris. “May babae, oh.”

“Kung ako sa ‘yo, Castillo. Mag-vavagina costume ako para intense,” malakas na tumawa si Finn.

“Tangina nitong mga ‘to,” vagina daw, gago.

“Ikaw, Darlene, ano ang halloween costume mo?”

“Wala.” Wala naman talaga, e.

Ayokong mag-costume.

“Magda-dwarfs kami! Tapos ikaw si Cinderella!”

Bobo amp, si snow white ‘yon!

“Gago! Si Snow White ‘yon! Hindi ‘yon si Cinderella,” malakas na tumawa si Finn.

Sinundan naman ng tawanan ng mga ungas.

“Ay, Snow White pala!” Pati siya tumawa. “Ikaw si Snow White tapos—”

“Ayoko, gago ka? Kayo na lang!” Tanggi ko agad.

“Hindi ka makakapasok hangga’t hindi ka naka-costume,” sabat ni Gavin na kakarating lang.

Nasa likod niya sina Gianna.

“True!” Sang-ayon ni Laureen. “Anyways, bestie, look mo.” Naka-white dress si Laureen at may pa-flower crown pa sa ibabaw ng buhok. “I’m so pretty, ‘di ba? I’m an angel but I don’t have a… you know, ‘yong nasa ibabaw na circle tapos color yellow yata or white? Uh, I don’t know.”

“Ay, angel in disguise pala ‘to,” basag trip ni Gavin.

“Shut up,” irap ni Laureen. “Si Renz nga nagandahan, e.”

“Wala akong sinasabi!” Tanggi ni Renz.

“Ako kasi ‘yon. Kailan pa naging Renz ang pangalan ko?” Irap ni Gavin.

“Excuse me? Hanggang dito lang ang usapan.” Gumawa pa ng imaginary line si Laureen.

“Tss… hindi ka lang maka-move on, e,” mahinang tumawa si Gavin, namula naman si Laureen.

Naguluhan naman kaming lahat. Hindi maka-move on saan?

“This life sucks,” umalis si Laureen. “I hate you.”

“Hoy!” Sumunod si Gavin sa kaniya.

Nagkatinginan naman kaming lahat.

“Ano’ng nangyari doon?” Tanong ko.

Nag-shrugged sila..

Nanatili na lang kami sa isang table hanggang sa pumunta sila kung nasaan si Phoenix. Busy kasi ang bebe kong ‘yon. Ako naman nandito sa mga drinks kasama si Darius.

“Belinda, you didn’t change.”

Natigil ako sa pag-inom matapos kong marinig ang pangalan na ‘yon. Pangalan ng Lola ni Phoenix. Shit, nandito na pala sila.

Binaba ko ang wine glass at inayos ang sarili. Nakatayo lang ako habang pinapakinggan ang usapan nila.

“This party is an elegant, huh?” Ramdam ko ang pag-ngisi ng babaeng kausap ng Lola ni Phoenix.

“I know, my grandson did this. Actually, he’s with someone, remember I told you that he has a fiancée?”

Naningkit ang mga mata ko.

“Relax lang…” Bulong ni Darius, tinapik niya ang balikat ko. “Masydo kang high, my twin.”

May fiancée nga ang boyfriend ko.

“Wait for me here. I’ll call our grandfather and parents. Huwag kang iinom ng marami,” paalala niya bago umalis. Hinalikan pa niya ako sa noo.

Tumango ako at tinuon ang tainga sa mga nag-uusap.

“Fiancée?”

“Yeah, he’s with Hazelle.”

Anak ng pucha naman, oh! Magkatext lang kaming dalawa kanina, ah?

“Oh, my grandson is here!” Napalingon ako sa matanda. “Nix, come here.”

Bumaling ang paningin ko kay Phoenix, naka-itim na slacks siya, itim na suit jacket at ang pang-ilalim ay putting polo sleeve. Naglalakad siya habang inaayos ang relo niya. Diretso lang ang tingin niya sa akin kaya napatingin rin sa akin ang Lola niya. Hanggang sa makarating si Phoenix sa pwesto ko nasa akin lang ang paningin niya.

“Hey.” Humawak siya sa siko at humalik sa pisngi ko bago bumulong. “You’re so beautiful.”

“Thank you pero kailangan mo pa rin mag-explain.”

“Explain for what?” Tanong niya, naguguluhan.

“Kasama mo raw ‘yong Hazelle,” mahinang sagot ko.

“Well, that’s true but I am immediately away from her. She’s annoying,” halata nga. “I love you,” siniil niya nang halik ang labi ko. “You wore the dress I bought for you.”

Ngumiti ako. Kumapit ako sa braso niya.

“Phoenix.”

Tumingin ako sa Lola niya nang magsalita. Maganda naman siya, halatang hindi namimilit ng kasal. Nakasuot ng classy dress, at may gucci silk neck scarf.

“Who is this young lady?”

Future wife ng apo mo.

“Darlene this is my grandmother, Belinda,” pakilala ni Phoenix. “Lola, this is the love of my life and girlfriend, Darlene Miranda.”

Parang tumigil ang mundo ng Lola niya nang marinig ang pangalan ko.

“Miranda? Are you related to Mariella and Danilo Miranda?” Halata ang pagiging mataray sa boses niya.

“Yes, they are my grandparents,” ngumiti ako.

“And you have a relationship with my grandson? Excuse me, Hija, but my grandson has a fiancée and she’s here.”

Halatang-halata na ayaw niya sa akin. Iyong boses niya parang handang magbaba ng ilang milyones hiwalayan ko lang ang apo niya.

“Excuse me too, but your grandson loves me more than everything.” I smirked.

“How can you be so sure?” Sabat ng isang babae.

Nilingon ko ‘yon. Siya yata ang fiancée nito.

“Well… he’s willing to do everything just for me,” sagot ko.

“Iyon lang ang basehan mo?” Tinaasan ako ng kilay ng babae.

Hinawakan ni Phoenix ang kamay ko. Nakatingin siya sa babae. “Can you stop—” Pinutol ko ang sinasabi niya.

“Hindi, aabutin kasi ng siyam-siyam kung sasabihin ko lahat-lahat. Saying that he loves me is enough for you to shut up,” peke akong ngumiti bago umirap.

Hindi man lang siya nakasagot.

Tumingin naman ako sa Lola ni Phoenix. Iyong tingin niya sa akin parang hindi makapaniwalang mayroong kasing taray niya.

“Any words, Mrs. Velasquez? Are you gonna stop my relationship with Phoenix?” Tinaas ko ang isang kilay ko. “What? Kindly answer my question, please?”

“No. I-I’d rather shut up.” Tumingin siya pabalik.

Napangiti ako. “Then good.”

Madali naman pala siyang kausap.

Hindi makapaniwala si Phoenix. “You just made her shut up, love.”

“Like grandfather, like granddaughter,” umiling pa ang Lola niya.

“Because you didn’t change. You are still doing your family tradition even though your grandson doesn’t like it.”

Lumingon kami sa nagsalita. Si Lolo nandito, tiningnan lang siya ng Lola ni Phoenix.

Mahabang pag-uusap ang nanaig sa table nang mapag-desisyunan naming kumain. Hindi ko lang gusto na nandito ang babaeng nagsalita kanina.

Si Hazelle.

Nasa isang table ang family Miranda, Avellanda at Velasquez. At suggest rin ito ng Lola ni Phoenix.

I know it’s awkward kasi hindi naman kami sanay sa ganito. Si Mama nga shut up lang sa tabi ni Papa. Magkakatabi kaming lahat. Sa pinakadulo ako, sa tabi ni Phoenix tapos ang katabi naman niya ay si Darius. Bale, nasa gitna namin siya, sa magkabilang dulo ng lamesa ay si Lolo at ang Lola ni Phoenix.

“Bal, ang awkward,” bulong ko.

“I know, baby. It’s really awkward,” binaba niya ang kamay sa hita ko. “Really awkward…” pinasok ba naman ang kamay sa loob ng dress ko?!

Pasimple ko siyang kinurot sa braso. “Itigil mo,” kunyaring hikab ko.

“So, what’s with the big table?” Pagsisimula ng Lolo ni Hazelle.

“Nothing, I just want to have dinner with my old friend and his family. Long time no see, Danilo,” bati ni lola Belinda. “It’s nice to see you again.”

“The same thing to you, Belinda,” sagot ni Lolo.

Halatang hindi happy.

“I heard that you are planning to arrange a wedding for Phoenix and Hazelle? It’s that true?” Tanong ni Lolo.

“Yeah, it’s true.” Parang nabuhayan ng dugo ‘yong Hazelle.

Akala ko ba… wala na siyang pakialam?

Tumingin si Hazelle sa akin, nagyayabang. Palihim ko siyang inirapan bago umayos ng upo. Binalik ko ang tingin sa kaniya at mas lalong nagyabang nang nilapit ko si Phoenix sa akin.

Siya naman ang hindi natuwa dahil sa nakikita. Nginisian ko siya saka nag-angat ng tingin sa mga nag-uusap.

Pinisil bigla ni Phoenix ang hita ko. Nilingon ko siya. “Pretty,” he mouthed.

“Family tradition, huh?” Halatang nampa-plastic si Lolo.

Nasa lahi yata namin ang pagiging plastic.

“Hmm, yeah. I’m happy with my tradition and Hazelle’s family agreed, too. They want this marriage.”

Pero hindi nga po gusto ng apo niyo! Mas makulit pa sa makulit, e.

“But, you see, he’s in love with my beautiful granddaughter.” Shet, kaya labs ko si Lolo. “And the feeling is mutual, isn’t it?” Tumingin si Lolo sa akin.

“Naman. Akin lang ang baby ko,” tinapik ko ang pisngi ni Phoenix.

“And Darlene is mine too. I don’t want to marry that… I don’t know,” si Phoenix, tiningnan niya ang babae.

“It’s fine, you’ll get to know each other if you both marry each other.” Isa rin ‘tong kunsintidor na nanay.

Nanampal ako! Pigilan niyo ako! Masasapak ko ‘to.

“Yeah, if that happens, we will be the best wedding couple in the world,” ngiti ni Hazelle.

Ang sarap niyang sampalin.

Napatigil ako nang maramdaman ang kamay niyang panay ang haplos sa hita ko. Pinagdikit ko ang dalawang hita ko kaso hinila niya lang pabalik at pinisil.

“Nix…” Lumingon ako sa kaniya.

“What?” tanong niya. “I love this. Wait, Love, you’re sweating…” aniya. “Are you okay?” Parang tanga na tanong niya.

Tumingin ako sa kaniya.

“Hmm, why?” tinaas niya ang kilay.

Binalik ko ang tingin sa harap.

“So… Emmanuel agreed too, in that fucki—I mean marriage?” Si Papa.

Mapapamura ka na lang talaga minsan.

“I agreed, Dylan. It’s for my daughter’s happiness. I can do everything just for her. She’s my only princess,” sagot ng Emmanuel.

Princess. Ew.

“Hindi na talaga mapipigilan ang kasal na ‘yan? Your decision is complete now? Well, imbitahan niyo na lang kami sa kasal pero ‘yan ay kung papayag ang anak ko,” sambit ni Mama.

“Payag naman ako,” Tumingin ako sa lahat.

“Babe, what the fuck?” Gulat na sabi ni Phoenix. “Hindi mo ba ako mahal? Payag kang pakasalan ko ‘to?”  

Aba, mahal ko siya, ano.

“Payag naman akong ipakasal ka kay Hazelle kapag naubos niya ang tubig sa Manila Bay gamit lang ang bibig niya.”

Masama kaagad ang tingin sa akin ni Hazelle.

“That would be fantastic. Sana lang makaya mo,” si Darius.

“Kaya nga confident ako, e. Hindi mo kaya ‘yon, at hindi mo rin kaya na maging Mrs. Velasquez. Sorry pero naka-reserved na ‘yon para sa akin,” ngumisi ako, nang-aasar.

“Damn, that’s my girl,” sang-ayon ni Phoenix.

“I’m sorry, Hazelle, pero walang kasal na mangyayari. At kung meron man, aba kami ang ikakasal, hindi kayo. Kaya kung pwede, huwag ka ng mag-illusion? Kasi hanggang dream mo na lang na ikakasal kayo.” Tumingin ako kay Hazelle.

“It’s true, I don’t want to marry you.”

Iyong tingin ni Hazelle parang hindi ko maintindihan. Halata ang galit sa mata niya bago ibaling ang paningin kay Phoenix.

“No, Belinda agreed on this marriage! She even promised to us that if my granddaughter agreed, she’ll help our company! And my granddaughter agreed!” Galit na sabi ng Lolo ni Hazelle.

“But I didn’t agree,” sambit ni Phoenix. “And how can she do that if she has nothing—”

“Shh!” Sinipa ko siya sa paa.

Tumahimik naman siya, sumandal siya sa kinauupuan bago ibaling sa akin ang paningin.

Inalis ko ang kamay niyang kanina pa nakalagay sa hita ko, hinawakan ko na lang ang kamay niya habang nakatingin ako sa harap, at nakikinig sa usapan ng tatlong Pamilya.

Pero ilang minuto lang binalik na naman.

“Nix, do what I said,” Tumingin si Lola Belinda kay Phoenix. “You need to marry her. That’s our tradition.”

“I don’t want to marry her. I only want marry is her,” tinuro ako ni Phoenix. “We are having a baby soon.”

“What?” Gulat na sabi ni Papa, Kuya, Darius.

“Ayokong lumaki ang bata na wala ako, na wala siyang ama. I want the baby grow with a complete family. I don’t want the baby to grow up with me,” panggagago ni Phoenix sa lahat.

Tumalim ang tingin ni Kuya kay Phoenix.

“Hindi ‘yon totoo,” tanggi ko agad.

“Kuya, is it true, I’m having a nephew na?” Tanong ni Phoebe.

“Hindi ‘yon totoo!” Tanggi ko. “Ano ka ba,” binalingan ko si Phoenix ng tingin.

“It’s true. I don’t want the baby to grow up without his or her father.” Tarantado, hinaplos pa ang tummy ko. “Gusto kong lumaki siya na punong-puno ng pagmamahal.”

“The fuck,” mura ni Darius.

“Ano ba kayo?! Hindi kasi totoo! Parang tanga!” Kinurot ko sa braso si Phoenix. “Gusto mo bang mawalan ako ng uuwian, ah, Phoenix?”

“Oh, right! It was a joke,” mahina siyang natawa. “There’s no baby. Wala kaming anak, sa future pa.”

“Muntik na akong makapatay ng tao,” dinig kong sinabi ni Kuya.

“Then the wedding must be continued,” ulit ng Lola ni Phoenix.

Bwisit naman, o!

“But Phoenix didn’t agree just like your son, Belinda. Don’t you think it wasn’t too much? Look, you are forcing Phoenix to marry Hazelle just like what you did to your son. The relationship between you and Phytos was damaged because of that tradition.”

Nuxs, pinaglalaban ni Lolo!

“He died without talking to you normally, how sad, isn’t it, Belinda?” Diniretso ni Lolo ang alak na nasa kaniyang baso. “Love is the most important thing in marriage, how can you marry that someone if you didn’t love him or her? Do you think they’ll live happy? No.”

Tama!

“If you marry someone, Belinda, make sure that he or she loves that person. Hindi lahat kailangan ng family tradition.”

“Love is the main center of marriage.” Tumingin ako sa kanila. “Saka, girl, kung pakakasalan ka nito tapos hindi naman siya masaya, baka magloko pa ‘to sa ‘yo. Masasaktan ka lang kaya mas mabuting masaktan ka na lang sa pagtanggi kaysa sa panloloko. ‘Di ba, Mommy?”

“True, sweetie,” sang-ayon ni Mama. “Kaya kung ako rin naman, hindi na ako magpapakasal kasi alam mo ‘yon? We’re not happy anyway, although I was the only one who’s happy in that marriage but I don’t want be a martyr! I’m not stupid.”

“Ang high, ha? Hindi ko ma-reach,” inayos ko ang buhok ko.

“Reach it. But, seriously don’t marry someone without love. Masasaktan ka lang kapag ganiyan.”

“Is this your daughter or your sister?” Tanong ng Mama ni Hazelle.

“She’s my daughter, how beautiful of her, hmm? Well having three bloodlines no longer surprising,” sagot ni Mama at ramdam ko ang pag-ngisi niya. “She’s beautiful indeed.”

Ano ba ‘yan! Ako lang naman ‘to, oh. ‘Yong maganda niyang anak.

“How can you be so sure that he cheated? Did your husband cheat-.”

“If that happens, I’m gonna kill him and his mistress immediately,” putol kaagad ni Mama. “Or maybe kahit saan sila magpunta sasama ako, they will never be happy.”

“I won’t cheat, honey, I’m happy with my life,” si Papa. “I am happy with my wife and three kids.”

“Kaya nga! Kakalbuhin ko magiging kabit mo, Papa, kung sakali. Sanib pwersa kami ni Mama.”

“So I was saying, Belinda. Don’t force Phoenix to that marriage or else you’ll end up just like what happened to you and your son.” Damn, lakas ni Lolo. “Family tradition lang ‘yan. Love and family bonding is the most important thing in life.”

“Bal, did your grandfather used to be an adviser back then?” Bulong ni Phoenix.

Tumingin ako sa kaniya. “Oo yata, galing, ‘no?”

Hindi kaagad nakapagsalita ang Lola ni Phoenix.

“What about your promise, Belinda?!”

Nakatingin lang si Lola Belinda sa Lolo ni Hazelle, napabuntong hininga bago magsalita. “Promise are meant to be broken.”

“Means?” Tanong ko.

“There’s no wedding.” Baling niya sa akin.

Then I need to celebrate!

“What?! No! I have a wedding gown already! Kailangan matuloy ang kasal!” Nag-histerikal ang babae. “Mahal ang gown na ‘yon! Dad, I need to marry him!”

“Tell me, how much that gown? Dodoblehin ko para hindi ka na maghisterikal diyan,” sambit ni Mama habang kinukuha ang cheque sa bag.

“It’s a million! You know how much that is?!” Pati nanay ni Hazelle.

“Oh?” Nagtaas ng kilay si Mama. “It’s just a coin for me, I’ll give you a billion for that gown with land titles.”

Basta-basta na lang tumayo si Hazelle at umalis. Napatingin pa ang lahat sa kanilang lahat dahil sa pag-alis ng pamilya niya. Naiwan kaming nakaupo rito sa table.

“That was a fantastic scene,” comment ni Darius.

“How burn, huh?”

“Doesn’t mean that I stopped the wedding, I’ll stop getting what you have right now.” Napatingin ako sa Lola ni Phoenix.

What the freak?

“What?” Tinakpan ni Tita Grace ang tainga ni Phoebe, si Lala kay Preston.

“As if I’ll let you do that, Lola,” sagot ni Phoenix. “You can’t get what I have right now. My money and my riches are in my hands. It was all on me.”

Hindi nagsalita ang lola niya at basta-basta na lang umalis. Naiwan na lang talaga kami nila papa rito, may mga pagkain pa sa mga plato nila samantalang ako… ubos na ubos. Said na said pa.

“Ano’ng trip niya?”

“She’s getting all what I have, she believes that I can’t handle a company,” sagot ni Phoenix.

“Then let her believe that, she can’t get that.”

“Mapapagod rin ‘yan,” sambit ni Papa.

“You’re not Velasquez for nothing,” saad ni Lolo at diretso ang tingin kay Phoenix.

Hindi naman nagsalita si Phoenix. Hindi kami nag-tagal sa table. Umalis kami ni Phoenix, at pinakilala niya ako sa mga kakilala niya.

Nakilala ko rin ang pamilya niya, iyong Oliver? Masyadong mahangin, I mean ‘yong dating niya iba tuwing tumitingin kay Phoenix.

Ang sabi sa akin ni Phoenix, isa ‘yon sa gustong kumuha ng yaman niya. Iyon raw kasi ang first born, well for they to know, Phoenix’s is the first born!

Hindi naman daw kasi ‘yon totoong Velasquez. At siya lang ang gusto ni Lola Belinda na humawak ng ari-arian ng Lolo niya, na napunta sa Dad niya, na ngayon ay sa kaniya na. Pero parang hindi na bothered si Phoenix, parang may ibang plano ang isang ‘to.

Nang matapos ang party, nagawa namin humabol sa halloween party. Kahit papaano ay nagpaalam pa rin ako sa kanila bilang pag-galang sa kanila.

Samantalang sa hotel mananatili ang pamilya niya dahil bibisita sa cemetery.

Nakita ko si Phoebe, Preston, at Tita Grace kaya lumapit ako para mag-paalam.

“Take care, bye,” ang pogi ng ngiti ni Preston, may dimple.

Ngumiti ako pabalik bago tuluyan maglakad.

Ang magulang ko naman umalis rin. Dahil may importante silang pupuntahan, sinabihan niya lang kami na mag-iingat. Si Kuya naman kasama si Ate Anya para sunduin si Amir. Si Darius, nandoon na sa school.

“Magpapalit ako ng damit.” Nasa sasakyan na kaming dalawa.

“Why? Aren’t you comfortable in that dress?”

“Hindi naman sa ganoon,” sagot ko.

“Don’t change your dress, it’s fine. You’re beautiful with that dress.”

Hindi na lang ako sumuway at nanahimik sa loob ng sasakyan. Habang papunta kami sa school, hindi kami nawawalan ng pag-uusapan.

Una akong bumaba sa sasakyan niya. Hinawakan naman niya naman ang kamay ko nang makita kung gaano kadilim sa loob.

“Ay, putangina.” Napahawak ako sa dibdib ko nang may malaglag na pugot na ulo sa entrance.

Nakarinig ako nang pagtawa mula kay Phoenix.

May mga sapot ng gagamba sa bawat hallway, may pa spider effect rin. May mga na nanakot rin habang naglalakad kami papunta sa quadrangle kung saan ginaganap ang pinaka-party.

Nakita ko kaagad sa stage si Finn at nangunguna sa music.

“Nuxs! ‘Yong lovers sumunod!” Nakita kami ni Ivan kaya agad na lumapit.

Naka-vampire costume ang gago.

“Tangina, Ivan, ilan na nakagat mo ngayong gabi?” Tanong ni Harvey nang sumulpot.

“Nakakatatlo na ako!” Ngumisi si Ivan. “Tara doon tayo!”

Pumunta kami sa unahan kung nasaan silang lahat.

“Ang daya, hindi naka-costume ‘yong dalawa!” Si Arvin.

Kaming dalawa nga lang ni Phoenix ang hindi nakacostume. Pero ayos lang naman daw. May pagkain rin rito kaso hindi ako kumain dahil busog pa ako, I mean except sa mga chocolate brownies na binili nila.

Hindi ko napapansin si Iris rito, hanggang sabihin sa akin ni Laureen na hindi raw umattend. Sayang lang… sana nandito siya. Kahit na may ginawa siya sana nandito siya, parte pa rin naman siya ng friendship kahit na inaaway niya ako.

“Bakit walang Teachers?” Puna ko.

“Mga Council lang ang may pakana nito and since no classes tomorrow until November 3, we decided to make this party! Saya, ‘di ba?”

Ang daming estudyante, ‘yong iba nagpapalipad ng fireworks.

Nasa isang table kaming lahat habang may iniinom. Nandito kami sa stage kaya parang dumadagundong na ang eardrums ko sa sobrang lakas ng music.

“Hindi na kailangan ni Gia mag-costume. Ghoster na siya, e,” sabi ni Andrei sa malakas na boses kaya bumaba ang tingin namin sa kanila. “Lakas mang-ghost.”

“Pakyu!” Sagot ni Gianna, may ka-text sa cellphone.

Natawa ako.

“Laureen, punta tayo sementeryo.” Lumingon ako kay Gavin nang sumigaw siya. “Bisitahin natin ‘yong puso kong namatay dahil sa ‘yo.”

“Ew, how corny, Gavin!” Umirap si Laureen.

“Baka naman kasi pinatay mo talaga…” sabi ko.

“Of course not!” Tanggi ni Laureen.

Iyong mga ungas naroon sa baba kasama si Phoenix.

“Anyway, Darlene, look at this.” Hinila ako ni Laureen at may pinakita sa cellphone. “That woman, is that familiar to you?” Zinoom in niya ang picture.

“Sino ‘yan?”

“Malay! I’m asking you nga, e, kasi hindi ko alam,” sagot niya.

May stalker ba ako? May sumusunod sa akin! Hindi ko kita ang mukha pero halatang may sumusunod sa akin. Napatingin ako kay Gianna nang mapansing nakatingin siya sa ‘kin, umiwas rin naman agad siya.

Aksidente kong na-swipe ang picture ni Gavin. Naka-topless si Gavin sa picture. “Ayan, ah!”

“Hey, it’s for a purpose!”

“Edi wow. For purposes pero bakit naka—” Tinakpan niya ang bibig ko na agad kong inalis. “Hindi ko naman sasabihin!”

“Darlene, for sure aasarin niya ako. Huwag kang maingay, please?” Parang naging maamong aso siya.

“Paanong asar?”

“Na pinagnanasaan ko ang picture niya.” Hindi ko mapigilan ang tawa ko. “Don’t laughed!”

Ang cute niyang mamula. Panay lang ang tawa ko sa mukha niya. Hanggang sa napilitan akong tumigil dahil naiinis na siya.

Nawala na rin ang mga ugok dahil namataan kong kasama nila ang girlfriend nila.

“Dapat pala ay hindi ko ‘to sinuot.” Inalis ni Laureen ang nakabalot sa katawan niya.

“May angel bang halos kita na ang harapan?” Naupo sa monobloc chair habang kumakain ng barbecue.

“Mayroon! Ako, look. Laki, ‘di ba—” Napatigil siya nang marealized na maliit lang ang mayroon siya. “Never mind.”

Bumaba na ako sa stage at dumiretso kay Phoenix na kanina pa nakatingin sa akin.

Pinulupot niya kaagad ang braso sa baywang ko nang makarating ako sa tabi niya bago paulanin ng halik ang pisngi ko.

“Why were you laughing so hard earlier?”

“Basta. May pinakitang picture si Laureen sa akin.”

“And what is it?”

“May picture lang na nakita niyang may sumusunod sa akin.” Kinuha ko ang juice niya at doon uminom.

“Did you see the face?”

Umiling ako. “Hindi.” Lumingon ako sa kaniya. “Masyadong tago, e.”

“Then we will figure it out, but first let’s enjoy the party.”

Kinuha niya ang juice sa kamay ko. “Enough of this, Miranda. It has vodka.”

“Halloween party ‘to pero bakit naghahalikan? ‘Di ba dapat trick or treat?” Tumingin ako kay Phoenix.

“The treat was the kiss, baby,” sagot niya.

Pwede ba ‘yon?

Iyong iba naman nagsasayaw at ang mga ungas nasa stage kasama ang mga bebe nila. Si Finn nangunguna na naman sa laptop, inis na si Solace sa kaniya.

Nanatili kami sa halloween party, maraming ganap sa party tapos walang tigil sa paghalik sa labi ko ang gago.

“Stop eating her mouth,” sumulpot ni Darius, masama ang tingin niya kay Phoenix.

“I’m not eating her mouth, I was enjoying it.” Aba, hayop. “It tasted sweet.”

“Hey, Darius.” May lumapit na babae kay Darius.

“I have a girlfriend,” deadma ng kapatid ko bago umalis.

Hinila na ako ni Phoenix.

“Hi, Darlene!”

Saktong paglingon ko, flash ng instax ang sumalubong sa akin, tinakpan ko ang mukha ko dahil nakakasilaw.

Si Gianna ang kumuha ng picture. Lumapit si Gianna sa amin para ibigay ang picture, pinapatuyo niya pa ‘yon.

Maganda naman ang picture kaso blurred at black and white.

Kinuha ‘yon ni Phoenix sa kamay ko. “I’ll keep this,” tinago niya sa loob ng wallet ang picture namin.

In-enjoy na namin ang party hanggang sa umabot ng eleven, iyong mga ungas parang tanga na naglalaro pa.

Natatawa lang ako sa mga kagaguhan nila at ‘yong mga girlfriend nila ang nahihiya dahil sa mga ginagawa nila.

Hindi rin nagtagal tinamaan ako ng antok. Niyaya ko nang umuwi si Phoenix. Masyado na rin kasi akong pagod ngayong araw.

“Wait, baby, kiss,” aniya.

Nasa labas na ako ng kotse nang humirit pa siya. Pumasok ulit ako at hinawakan kaagad ang pisngi niya. Ngayong binigay ko ang gusto niya, hindi siya makagalaw.

Natawa ako. “Bye na nga.” Bumaba ako at dumiretso sa loob ng bahay.

Seguir leyendo

También te gustarán

43.3K 1.1K 11
The young justice team has been requested to protect Bruce Wayne's four adopted children. They aren't too happy to be babysitters but that'll change...
1M 3.6K 72
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
Hum For Tum Por sushi

Novela Juvenil

178K 13.5K 34
♡ This is an Indian highschool lovestory, full of love, drama, comedy, romance and more; where two school toppers, Aarohi: the sweet and bubbly girl...
380 245 82
find solace and strength in the unwavering peace of Jesus Christ.