The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

4.7M 106K 20.7K

Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
The Girl in Worst Section: Special Chapter Edition Book
Special Chapter

Chapter 105

22.5K 518 85
By whixley

Chapter 105: Revelation

Nasa mall ako ngayon para kitain ang nag-text sa akin. Nagdadalawang isip pa ako pero mas pinili kong pumunta. Kahit na may parte sa akin na huwag gawin, pero ginawa ko dahil gusto ko talagang malaman ang totoo.

Dapat nasa bahay ako para hintayin si Mama dahil ngayon ang uwi niya. Dapat rin kasama ako sa pagpapacheck-up kay Ate Anya ngayon kaso napilitan akong pumunta sa mall.

Napapansin ko rin ang pagiging seryoso ni Darius palagi. Pinapalayo niya ako kay Phoenix. Tinanong ko kung ano'ng dahilan pero ayaw niyang sabihin at parang nagdadalawang isip pa siya.

"Layuan mo nalang siya, Darlene, please... I'm just saving you..." halos pabulong niyang sabi. Nakatingin siya sa akin. "Ayokong masaktan ka sa kaniya."

"Hindi niya ako sasaktan, Darius," umiling-iling ako. "Hinding-hindi..."

Hindi niya ako nagawang masagot. Inalis niya ang tingin sa akin.

"Hindi ka nakakasigurado, Darlene." Iniwan niya ako.

Hindi ko na alam ang dahilan kung bakit niya gusto ipagawa sa akin 'yon.

At tuwing lunch time parang ayaw niyang kasabay ko si Phoenix. Tahimik pa rin sina Dash. Parang hangin lang ako sa kanilang lahat. Para bang ayaw na talaga nila ang nakikita ako. At kahit gano'n... nasasaktan ako sa pakikitungo nila.

Para akong dinudurog sa bawat malalamig nilang tingin sa akin, sa paraan ng pakikipag-usap nila. Parang hindi nila ako kilala... ang hirap dahil parang pinaparamdam nila sa akin na, ayaw nila akong makasama. Na ayaw na nila sa akin.

Konting tiis lang naman... kung ayaw nila akong makita... okay. Handa akong umalis kung 'yon ang gusto nilang lahat. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanila.

Papayag ako kay Mama kung sakaling pumunta kaming Spain. Bibigyan ko sila ng oras sa mga bagay-bagay at kung may nagawa man akong mali, hihingi ako ng sorry para hindi kami ganito palagi.

Kaya rin ako um-oo baka sakaling sabihin nitong nag-text sa akin ang dahilan kung bakit gusto akong palayuin ni Darius kay Phoenix. Kating-kati na akong malaman kung bakit ba ganito ang inaakto ng mga 'yon.

Nakakasawa nang mag-isip kung ano ang mali na nagawa ko.

"Miss Darlene," tawag ng isang tauhan na kasama ko.

"Dito na lang po kayo. Saglit lang po ako." Tumango naman sila.

Nasa resto nag-hihintay ang nag-text sa akin. Pumasok ako sa loob at inikot ang paningin. Naka-red daw siya, e, kaso ang dami nilang nakapula! Sino sa kanila ang nag-text sa akin?

Pahihirapan pa ako.

"Darlene." Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko si Iris.

Ano'ng ginagawa niya dito? Bahagya pa akong napatigil.

"Ikaw? Ikaw ang nag-text sa 'kin?" Lumapit ako kung nasaang table siya.

Tumango siya. "Yeah, have a seat."

Umupo ako sa harap niya. "Ano na naman ba ang gusto mo?"

Kung siya lang pala ang makakasama ko sa iisang table na 'to, mas mabuting umuwi na lang ako. Sa dami nang ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang kasama ngayon. Ni hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin ngayon.

"Alam mo kung wala kang sasabihin, aalis na lang ako." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko bago pa ako makatayo.

"You're clueless, right? About their actions," aniya. "Kapag nand'yan ka sa paligid ay parang ang galing nila mag-pretend."

Pretend saan?

"They didn't tell you?"

"Ayokong manghula. Sabihin mo na," pilit akong kumalma kahit wala na akong ikakalma.

Tumawa siya. "Relax! Make sure your heart is ready for my revelations first."

Suminghap ako.

"Pinapunta kita rito para malaman ang ginagawa ng mga friends mo." Inayos niya ang damit at nag-angat ng tingin sa akin. "Especially the love of your life."

"Alam ko lahat ng ginagawa nila. Lagi kaming magkakasama." Noong hindi pa nila ako hinahayaang maging hangin sa harap nila.

"I know that, Darlene. Pero alam mo nga ba lahat?"

Hindi ako sumagot. Gulong-gulo ako, parang sasabog ang ulo ko sa bawat sinasabi niya.

"You don't know what is running through their heads. You don't know what's really happening if you weren't around," sabi niya. "Malay ba nating pinaglalaruan ka nila? Na ginagawan sila, hindi ka man masaktan through physical but emotional."

Ano ba ang sinasabi niya? Nilalayo niya pa ang usapan. Ano bang mayroon at bakit damay ang mga 'yon?

"Pwede bang diretsuhin mo na lang?"

Mahina siyang tumawa at nag-taas ng kilay. "What if I told you that they just playing around. Na pinaglalaruan ka nila."

Unti-unti na akong bumibigay sa mga sinasabi niya.

"What would you do if they started having a bet and the main target was you?"

Bumigat ang paghinga ko. Nanlabo na rin ang paningin ko hanggang sa kusang tumulo ang luha sa mata ko.

Pinagpupustahan nila akong lahat?

"What if lang naman 'yon...." Mahinang sabi ko at umiling. "Iris... tigilan mo na.... Please lang?" pigil na pigil ang emosyon ko dahil nakakahiya kung dito pa ako iiyak.

"It's not what if, Darlene." Hinawi niya ang buhok at nilagay sa likod. " Pinaglalaruan ka nila. They have a bet on you. They having a bet if you will fall on Phoenix's arm. And I guess it's worked..."

Nanginig ang labi ko, ni walang salita ang lumabas sa bibig ko. Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa nalaman ko. Naghalo-halo ang lahat ng emosyon ko pero mas nanaig ang sakit sa dibdib ko.

"Tama na, tumigil ka na..." Huminga ako nang malalim, pumiyok pa ang boses ko.

"No, I won't. You have to know everything..." ngumisi siya.

Para akong sinasaksak ng ilang kutsilyo sa mga sinasabi ni Iris, parang dinudurog ako dahil sa nalaman ko.

"Nahulog ka sa kaniya in just what month? Oh, one month just like what they've planned," mas lalong lumapad ang ngisi niya. "Hindi ko nga alam kung sino ang pumusta no'n. Trevor didn't tell me 'cause he's drunk."

Hindi ako makapagsalita. Mahuhulog ako kay Phoenix at 'yon ang ipinusta nila.

"T-Tumahimik k-ka..." humina ang boses ko.

Paano niyo nagawa 'to sa akin? Paano nagawa ni Phoenix sa akin 'to? Inalis ko ang mga luha na bumabagsak sa mata ko. Huminga ako ng malalim.

"And also, he told me..." ngumisi siya. "You will give yourself to him. Your body. All. Mahuhulog ka sa kaniya at kapag nangyari 'yon ay panalo lahat ng pumusta sa 'yo. And I heard, after the game, Phoenix will sue you out of their class pati nga rin ang pakikipaghiwalay sa 'yo ay gagawin niya bago mo pa gawin 'yon sa kaniya."

Kaya ba sila nagtatanong kung paalisin nila ako... aalis ako? Ito ba 'yon.

"Gusto mo ba malaman kung magkano ang tingin nila sa 'yo?" Matapang ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"T-Tama na-"

"Mavis bet three million kapag nahulog ka kay Phoenix. Rafael bet two hundred thousand sa side mo, believing na hindi ka mahuhulog but looks like talo si Rafael. Alam mo ba kung sino ang may malaking pusta, ha, Darlene?" parang natutuwa pa siyang makita ang pagluha ko sa harap niya. "Si Harris, well I don't how much it is, but I know, mas malaki ang pusta niya. Your, oh so called friend at tinulungan mo to get back at his ex, si Arvin, he bet two million. Lahat sila pumusta, Darlene. Lahat sila pinaglalaruan ka behind your back. They having a bet and the target is you. Matagal na."

Mas lalong nanginig ang labi ko sa narinig. Napahikbi ako. Ang sakit... Hindi ako makapaniwala. Sina Harris... nagawa nila 'yon sa akin? At milyones... pumusta sila ng milyones dahil iyon ang tingin nila sa akin?

"H-Hindi 'yon t-totoo," mahinang sabi ko, sinubukan kong magpakatatag kaso hindi ko kaya. Kusa akong nanghihina, nanginginig ako.

Pero malay mo sinisiraan niya lang sila kasi 'di ba, sobra ang ginawa ni Phoenix sa kaniya lalo na noong ipinahamak niya ako. Malay ko bang naninira lang siya. Saka, doon naman siya magaling, 'di ba? Ang manira ng tao.

"Bakit hindi ikaw mismo ang umalam? Tomorrow, ask them." Hamon niya.

Inalis ko ang luha sa pisngi ko at umiling.

"It's your loss. Sa bagay truth hurts," aniya at tumawa.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "Tama na, Iris. Naninira ka lang. Do'n ka magaling, 'di ba? Tigilan mo na ang ginagawa mo. Nagmumukha kang uhaw sa pansin," sabi ko at iniwan siya.

Mabilis ang lakad ko para makauwi na sa bahay. Sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan kong may mga bantay pala ako.

Hindi ako naniniwala sa kaniya pero kailangan ko pa rin alamin mismo mula sa kanila. Pero nasasaktan ako kahit ganito. Kahit iniisip ko pa lang nasasaktan na ako kahit hindi ko alam ang totoo.

Ang daming tanong sa isip ko.

Hindi ko alam kung totoo ba? Kung nagawa ba talaga nilang lahat 'yon sa akin? Niloloko ba nila ako? Pinaglalaruan? Hindi ko na alam.

Nagtitiwala ako sa kanila. Lalo na kay Phoenix. Mamahalin ko ba siya ng sobra kung hindi ako nagtitiwala ng buong puso sa kanya? Mahal na mahal ko siya higit pa sa lahat. Mahal niya ako kaya sana... hindi niya nagawa ang lahat ng 'to. Lahat ng sinabi ni Iris... patunayan niyang hindi totoo lahat 'yon.

"S-Sorry, Miss." Hindi ko napansin ang babae sa harapan ko kaya nabangga ko ng hindi sinasadya. Nalaglag ang bag niya at ang mga laman sa loob.

Tinulungan ko siyang mag-pulot ng mga gamit niya. "O-Okay lang," mahinang sabi niya at iniwas ang mukha.

"Sorry talaga, ah? Hindi kasi kita nakita." Tumayo ako at ngumiti.

Nag-suot siya ng face mask at humarap sa akin. "A-Ayos lang." Tumingin siya sa likod ko. "Sino sila? Bakit parang handa silang..."

"Mga tauhan ng Papa ko. Binabantayan kasi nila ako, e. May banta kasi sa buhay ko. Gano'n raw kasi talaga kapag maganda ka, maraming gustong mamatay ka. Katulad ko, sa sobrang kagandahan ko tingnan mo, ang daming gustong mawala ako. Pero pasensya na ulit, ah?" Inayos ko ang sarili ko.

Tumango siya at inayos din ang sarili.

Bumaba ang tingin ko sa palapulsuhan niya. "M-Miss saan galing 'yong bracelet mo?"

May gano'n ako, e. Nakita ko rin sa picture ang bracelet na 'yon. Kaming dalawa ni Lara, may gano'n ako at siya. Sinearch ko pa sa google kung magkano ang bracelet na 'yon at limited edition 'yon, ah! Wala ng mabibili no'n sa panahon ngayon.

Kaya nakakapagtaka lang na mayroon siya.

"Ah, sa-"

"Teka lang, ah?" Putol ko dahil may tumatawag. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at sinagot ang tawag. "Darius, bakit?"

Hindi ko alam pero biglang nagulat 'yong babae sa pag-banggit ko sa pangalan ni Darius. Isa yata 'to sa mga naging kalandian ni Darius!

"[Where are you? Maybe you forgot, we have a family dinner. Mama is here already.]"

"Nasa mall pero pauwi na ako, Darius."

"[All by yourself? Mas lalo silang nanakot 'di ba? Paano kung basta-basta ka na lang barilin diyan?]"

"Hindi, 'no, kasama ko ang mga men-in-black. Chill ka lang, hindi ako mamamatay. Takot ka lang na mawala ako, e," biro ko. "'Wag kang mag-alala, wala namang babaril sa akin dito. Hindi ka mawawalan ng baby sister."

Nakarinig ako ng pag-tawa mula sa babaeng nabangga ko.

"[Nagawa mo talagang mag-joke.]"

"Totoo 'yon! Ayaw mo lang na mawala ako..."

"[Shut up.]" Inis na sabi niya.

Tinawanan ko siya. "Bye na nga, pauwi na ako."

"[Okay bye. Take care.]" Pinatay niya ang tawag.

Tumingin ako sa babae matapos mailagay ang cellphone sa bag. "Una na ako, ha? Nagmamadali kasi ang kapatid ko, gano'n talaga 'yon kasi walang girlfriend pero may pumoporma doon kaso hindi ko siya gusto." Inaayos ko ang sarili ko. "Mas gusto ko pa rin ang girlfriend niya na si Lara para sa kaniya. Kaso deads na 'yon, e... pero tingin ko hindi."

Napaisip naman ako.

"Pero, aba, kung matagal na pala siyang buhay, dapat nagpakita siya. At kung buhay nga siya tapos hindi man lang nagpakita, ililibing ko siya puntod niya." Dagdag ko. "Biro lang." Tawa ko. "Sorry ulit, ah?" Paalis na sana kaso bumalik para ipakilala ang sarili ko. "Darlene nga pala. Ikaw si..."

"L... Latasha," pakilala niya.

Ngumiti ako at nagpaalam na aalis na.

Dumiretso na kami sa parking lot at nang makarating agad nila akong pinagbuksan ng pinto. Naupo ako at tumingin sa labas.

Parang bumalik lahat ng iniisip ko kanina simula nang iwan ko si Iris doon sa resto. Hanggang sa makauwi kami sa bahay, 'yon pa rin ang iniisip ko.

Bumaba ako sa kotse at pumasok sa loob ng bahay. Nandoon na nga si Mama at nakaupo sa sofa, mukhang inaantay ako. Nag-angat siya ng tingin sa akin at napangiti nang makita ako.

Lumapit siya sa akin at hinagkan ako ng yakap. "I missed you, Lin!" Hinalik-halikan niya ang pisngi ko. "Saan ka nanggaling, anak?"

"Sa mall, Mama. May kinita lang ako," sagot ko. "Sino ang sumundo sa 'yo?"

"Your father and your brothers. Ikaw lang ang wala."

Ngumuso ako. "Sorry..."

Inakbayan niya ako. "Let's go to Phoenix's restaurant. Nandoon na sila," aniya. "I've missed you a lot, Darlene. Did you missed me too?"

Tumango ako. "Oo naman, ma!" Sagot ko. "Pero, mama, bakit sa resto ni Phoenix?"

"Masarap naman doon."

"E, alam ng mga employee niya doon, e, asawa niya ako." Sumimangot ako. "Kahit hindi naman. Lakas ng tama, hmp."

"Maybe he thinks that you are his forever. Doon din naman ang punta no'n!"

Nagsalubong ang kilay ko pero hindi na nag-salita.

Pumunta kami sa labas kung saan nakaparada ang sasakyan. Nauna akong pumasok at sumunod naman siya. Panay ang kwento ko sa nangyari sa buhay ko habang wala siya. Hindi ko sinabi 'yong nalaman ko ngayon hangga't hindi pa ako sigurado.

Nang makarating kami doon ay agad kong nakita sina Papa. Nasa isang lamesa sina Papa at hinihintay kami. Tumayo si Papa nang makita kami. Gano'n din ang aking brothers at humalik sa pisngi ni Mama.

"Gusto mo rin ba ng kiss?" Tanong ni Darius at akmang ilalapit ang mukha sa pisngi ko.

Umirap ako. "Yickes..."

Tumawa siya.

Umupo ako sa tabi ni Amir na nagce-cellphone, may pinapanood siya na cartoon kaya nakinood ako.

Nakatingin si Darius sa akin. Bigla siyang napabuntong hininga. Si Kuya, sinusuri ang ginagawa ko bago kunin ang cellphone dahil may nag-text yata. Si Ate Anya naman tulog sa balikat ni Kuya, sana all. Ginising lang siya ni Kuya dahil kakain na namin.

"Here's our special, Mr. And Mrs. Miranda," binigay niya ang menu sa amin. "We have a new special dish." Tumingin siya sa akin sabay ngiti. "Hi, Ma'am."

"Hello," ngiti ko rin.

"Thank you," ngumiti si Mama.

Pumili ako ng pagkain kahit ayokong kumain. Pasta na lang. Ayos na ako doon. Mabubusog naman ako.

"Are you sure you don't want the special dish? It's good," sabi ni Papa.

"Ayoko, Papa," umiling ako.

Hindi ako nakikisali sa mga pinag-uusapan nila pero nang marinig ko ang sinabi ni Mama. Nagulantang ako. Hala, balak akong isama ni Mama sa Spain?! Ayoko nga! Biro lang ang sinabi ko kanina na kung sakaling isama ako ni Mama, e, sasama ako. Ayoko.

"It's only one month, Lin."

Only one month?! Isang buwan?! Grabe naman 'yan!

"Matagal din 'yon! One month," sagot ko.

Hindi ko 'yon kaya!

"I know. It's your grandmother's birthday and she wants to meet you. It's her 60th birthday."

Birthday lang pala. Bakit isang buwan? Isang araw lang naman cine-celebrate ang birthday, 'di ba? Bakit kailangan isang buwan kami doon.

Pero isang buwan kasi 'yon! Alam niyo 'yon? Isang buwan! Ayos sana kung isang linggo lang, e, kaso isang buwan.

Isang buwan ako-I mean, hindi lang pala ako. Kaming lahat ay pupunta sa birthday ni Lola Serica. Bongga siguro 'yon? Grabeng birthday 'yan! Imbitado ba ang artista sa birthday niya?!

At dahil nga lahat sila kasama, pumayag na lang ako. Panay pilit ba naman si Darius? Ang daming kinemerut ni Mama kaya pinakinggan ko na lang.

At hindi naman nila hahayaan na maiwan ako sa bahay lalo na sa mga nangyayari. At syempre ngayon na may gustong pumatay sa akin. Hanggang ngayon wala pa rin silang tigil. Lakas din naman kasi ng tama ng mga hinayupak, e. Trip na trip talaga akong patayin! Ano bang mayroon sa akin?

Wala nga kasi talaga silang mahihita sa akin!

Napatingin ako sa pinto ng resto nang bumukas. Napakurap pa ako nang makita si Phoenix. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya at seryosong-seryoso lang. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumigil siya doon sa table five.

May babaeng nag-serve sa kaniya. Nag-angat si Phoenix ng tingin sa babae at kinausap. Tss, usap-usap pa. Ngumiti siya sa babae kaya ayon namula ng bahagya.

"Kailan ba ang alis natin?" Tanong ko at tinuon kay Mama ang paningin.

Naramdaman kong tumingin siya sa direksyon ko.

"This week," sagot niya.

"Ha? Ngayon agad? I mean, ngayong week agad? 'Di ba pwede next week na lang?"

Umiling si Papa. "No, Lin. We should be there a soon as possible. Iyon ang unang beses na makikita ka nila."

Wala naman akong sinasabing gano'n, e. Nagdemand lang naman ako kung pwedeng next week ang alis.

Hay, malapit na pala 'yon. Malay mo bukas o sa susunod na bukas umalis na kami.

"Arte... first time pala akong makikita..." bulong ko. "Ganda ko talaga..."

"Tita, ano po ang connect?" Tanong ni Amir.

Ay... "Wala."

One month.... sige. Pero bago ako umalis, gusto ko muna malaman ang lahat. Mula sa bibig nilang lahat ang totoo.

Umorder ng deserts si Mama at nahahalata kong ayaw niya pang umalis. Gusto ko ng umuwi at matulog para dumating na ang bukas para malaman ko na ang totoo. Para matahimik na ang utak ko sa mga tanong.

Inayos ko ang sarili ko at hindi pinahalata na gusto ko nang umuwi. Ito ang unang beses na nag-dinner kami sa labas kaya siguro masaya si Mama.

"Nagmamadali ka bang umuwi?" Bulong ni Darius.

"Hindi naman," sagot ko.

"Nagkita ba kayo ni Iris?"

Nanahimik ako bago magsalita. "O-Oo."

Kunot ang noo niya nang tumingin sa akin. "Ano ang pinag-usapan niyo?

"Basta," sagot ko.

"You-never mind." Tinuon niya ang paningin sa harap.

Tumahimik naman siya pero nang hindi makatiis ay nagtanong ulit.

"Ano nga 'yon?" Pangungulit ni Darius.

Kanina pa siya nangungulit.

"Ayokong sabihin, Darius." Kinuha ko ang cellphone ko.

May text galing kay Laureen.

From: Laureen

God! May sasabihin ako sayo! This is good news! Tumawag ka bilis.

Napabuga ako ng hangin.

Ginawa pa nga akong utusan.

"Magre-restroom lang po ako." Tumayo ako.

Tumango si Mama. "Be careful."

Eh?

Shit, dadaanan ko pala ang table nitong timang na 'to. Kinuha ko agad ang cellphone ko at dinial ang number ni Laureen. Agad naman niyang sinagot. Dumiretso ako sa restroom at hindi pinansin si Nix na busy sa kausap niyang babae. 'Yong nag-serve sa kaniya.

Edi kayo na. Masaya kayo, 'di ba?

Pumasok ako sa dulong cubicle at naupo sa toilet bowl matapos isara.

"[Darlene!]" Nilayo ko ang cellphone ko sa tainga para hindi marinig ang pag-tili niya.

"Ano na naman ba?" Tanong ko.

"[Someone offered me to go abroad! It was for modelling. It was a University! One of the best Universities in the US kaya natutuwa ako masyado but something is bothering me.]" Halata sa boses niya ang lungkot.

"Ano naman ang buma-bother sa 'yo?"

"[If I accept the offer, I'll go to the US and leave the Philippines. I don't even have a choice because it's part my dream to be one of the Model, not just Model but World Model, Darlene.]"

"Iyon naman pala, e, bakit ganiyan ka?"

"[Iiwan ko si Gavin? Ayoko, 'no!]

"Edi mag-decide ka kung anong decision ang gagawin mo."

"[Sige, thank you for your time! I'll hang up na. Binigay ko lang ang good news. Take care! Love you!]"

"Love you too! Congrats, sana hindi ka mamatay." Pinatay ko ang tawag.

Nasanay na ako na sumagot sa kaniya ng gano'n. Lagi kasing may gano'n sa text niya pero friend ko lang siya!

Nilabas ko muna ang tawag ng kalikasan bago lumabas sa cubicle. Napahawak ako sa dibdib ko nang makita sa loob si Phoenix.

"Hey, who was that?"

"Narinig mo?" naningkit ang mata ko.

"Of course. That's why I'm asking." Nilock niya ang pinto. "I was about to call you earlier pero dire-diretso ang lakad mo. Kaya nga kita sinundan dito." Lumapit siya sa akin.

"May kausap ka nga kaninang babae." Nilihis ko ang mukha nang akma niyang hahalikan ang pisngi ko. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero kaagad rin umayos.

"Because I asked her about you. I asked what did you order. Baka kasi mamaya pasta lang ang inorder mo at 'yon nga ang ginawa mo. There's a lot of food here." Hinawakan niya ang pisngi ko. "Now, it's time for your answer. Who-"

"Si Laureen 'yon!" Putol ko. "Tumawag ako sa kaniya dahil ang sabi niya ay tumawag raw ako dahil may good news raw. Sinabi niya sa akin na may nag-offer sa kaniya na model school sa ibang bansa"

"What?"

"Uulitin ko pa ba?" Tanong ko, bigla akong nainis.

"No need." Umiling naman siya

"Sige, babalik na ako doon. Baka hinihintay na ako nila Mama. Saka marami akong iniisip ngayon. Pwedeng umalis ka na muna ngayon? Masakit na ang ulo ko dahil sa mga nangyayari ngayon." Hinawakan niya ako sa kamay.

"Okay... I'll let you leave but hear me first."

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Phoenix, Pagod na ako. Pagod na ako kakaisip sa lahat." Sa halip na magsalita niyakap niya lang ako. "Pwede bang sabihin mo na lang?"

"I don't want to lose you..." bulong niya. "Love, don't avoid me please? I don't want to lose you."

Suminghap ako. "H-hindi ako mawawala sa 'yo..." Napapikit ako.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga salita niya ngayon kahit wala naman dapat ikasakit. Bumitiw siya sa pagkakayap sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"I love you..."

Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi ko kaya sumagot sa sinabi niya dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako ng sobra tuwing naalala ko ang lahat ng sinabi ni Iris.

Continue Reading

You'll Also Like

314K 23.5K 47
"I can't remember what happened that night. I'm not talking slippery details or fuzzy-edged visions; I mean a complete and utter blackout. Like I was...
PHANTASMAGORIA By Saeko

Mystery / Thriller

2.2K 207 44
Almost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was...
Alexandra Rose By <3

Teen Fiction

273K 8.2K 45
It's been ten years since the Stones family lost their little girl. In those ten years, Alexandra Rose has grown up with an abusive foster father wh...
85.1K 1.7K 71
Tác giả: Ám Dạ Lưu Tinh Thể loại: Ngôn Tình Nguồn: morphobblue.com Trạng thái: Full Thể loại: Quân nhân văn, ngôn tình, HE Số chương: 69 chương + 2 P...