The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

4.7M 107K 20.7K

Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
The Girl in Worst Section: Special Chapter Edition Book
Special Chapter

Chapter 59

32.7K 795 183
By whixley

Chapter 59: PDA

Napamulat ako ng mata nang marinig ang boses ni Darius sa labas ng kwarto ko. Panay ang katok niya at sigaw ng 'Wake up!' Natutulog pa ang tao! Parang hindi ako natulog dahil inaantok pa rin ako.

Trivia lang ho ano. Hindi pa po ako nakauwi kagabi matapos naming kumain sa resto ni Phoenix. Dumiretso kami sa... ewan! Basta nakaabot 'yong sasakyan niya sa tuktok kung saan kita 'yong mga city lights. Nandoon lang kaming dalawa habang nagtatanong sa isa't-isa ng kung ano-ano sa buhay naming dalawa. Tapos gumawa kami ng handshake sa isa't-isa, iyong madali lang tandaan.

May dala-dala pa kaming pagkain kahit kakain lang namin ng dinner. Mabuti na lang pwedeng mag-charge sa kotse niya kaya nagsa-soundtrip kaming dalawa at hindi nalo-low battery ang cellphone ko.

Daig pa namin nagca-camping tapos nakatulog pa kami sa kotse niya, nagising kami alas-tres na nang umaga dahil may tumawag sa kaniya at si Finn 'yon. Umuwi ako ng gano'ng oras. Tulog na si Kuya at Darius no'n. Wala rin ang ibang men-in-black ni Papa nang dumating ako.

"Darlene!" Katok ni Darius.

Bumangon ako at dumiretso sa pinto para pagbuksan siya. "Ano ba 'yon?" Kinusot ko ang mata. "Umagang-umaga salubong ang kilay mo."

"Who was with you last night?" Lumingon ako sa tabi niya, si Kuya salubong din ang kilay. "You got home at three in the morning, Lin. Uwi ba 'yon ng matinong babae?"

Parang si Papa lang. At saka, ang akala ko tulog na sila, hindi pa pala. Alam nilang umuwi ako ng alas-tres.

"Ano kasi..." Kamot-ulo kong sabi.

"What?" Tanong ni Kuya.

"Nag-paalam naman ako kay Papa, eh. Saka pumayag naman siya na kasama ko si Velasquez," sagot ko kahit hindi talaga ako nagpaalam.

"You two are together?" Tumango ako kay Kuya. "Saan? Saan kayo galing dalawa at umabot kayo ng alas tres ng umaga?"

"Hindi ko alam kung anong lugar 'yon, eh. Basta nasa tuktok kami tapos kita 'yong mga city lights. Nakatulog kasi ako sa kotse niya, eh." Umayos ako ng tayo.

"Did he do something—"

"Kuya, Phoenix is not like what you think. He has respect for a girl because he have a sister. He respects Darlene so much kaya mali ka ng iniisip." Putol ni Darius kay Kuya. "I know Phoenix well. Hindi siya katulad ng iniisip mo."

Totoo kaya 'yon. Wala kayang ginagawang masama si Phoenix! Nandoon lang naman kaming dalawa, e. Ang judgemental mo, Kuya!

"It's not like that. I just want to make sure."

Ang dami nilang sinasabi sa akin pero pinakinggan ko na lang ang mga sermon nila habang nakasimangot.

"Hindi na mauulit! O kaya magpapaalam na lang ako kung sakaling mau—"

"It will never happen again," sabay pala talaga silang nagsalita dalawa.

"Oo na! Hindi na 'yon mauulit."

Umismid pa silang dalawa bago ako iwan.

Bumalik ako sa kama ko at nahiga. Pero bumangon agad ako para maligo dahil may pasok pa nga pala ako. First time kong mag-tagal sa bathroom para lang maligo. Dati wisik-wisik lang ang ginagawa ko ngayon sobra, e! Iba! Sobrang linis na linis. Balak ko sanang mag-beauty mask kaso hindi ako marunong mag-lagay kaya hilamos na lang ang ginawa ko.

Kumikinis naman ang mukha ko sa simpleng sabon at tubig. Nawawala rin ang pimples ko.

Sinuot ko ang uniform ko at nang matapos ay kinuha ko ang bag ko. Hindi pa ako nagsusuklay pero may dala akong brush. First time ko rin suotin ang black shoes ko na may takong na kaunti. Matagal na 'to pero hindi ko ginagamit, mas gusto ko kasi ang converse. Dumiretso ako sa dining para tingnan kung nandoon na sila pero wala. Hinanap ko sila sa bahay kaso wala rin!

Ano ba 'yan! Pinagtataguan ba nila akong dalawa? Naglalaro ba silang tagu-taguan?

"Nasaan po sila Kuya?" Tanong ko sa isang helper.

"Ay, hindi po ba sinabi? Nauna na po sila. May meeting po si Sir. Drake ngayon pero uuwi rin daw mamaya. At si Sir Darius naman po ay nagmamadali rin dahil ipinapatawag daw po siya ng stockholders," sagot niya. "Ito raw ho ang allowance niyo sa buong linggo." Binigay niya ang five thousand sa akin at tinanggap ko naman. "Saka nga po pala, tumawag po ang Papa niyo. Narito na raw po si Ma'am Serine at kinakalumusta po kayong tatlo nila Sir. Drake."

Ang galing! Nakabisado niya lahat ng sinabi sa kaniya? Wow!

Tumango ako. "Salamat po. Kayo na lang po ang kumain ng breakfast sa school na lang po ako kakain. Pakainin niyo na rin po sila." Turo ko sa mga men in black sa labas. "Baka hindi pa po sila nagbe-breakfast. Kain po kayo, ah?"

"Kumain rin raw po kayo sabi ni Sir. Drake."

"Hindi na po! Sa School na po ako kakain! Bye po!" Dumekwat ako ng bubble gum bago lumabas ako ng bahay.

Kinuha ko ang cellphone ko baka sakaling may text si Kuya at Darius. Mayroon nga silang text. Hindi na raw sila nakapag-paalam dahil nag-mamadali sila at nag-sorry rin sila dahil iniwan nila ako. Sinabi rin nila na mag-pahatid ako sa mga men-in-black na naghihintay sa labas.

Nag-reply lang ako bago tinago na ang cellphone. Dumiretso na ako sa sasakyan para madaling makapunta sa school.

"Good Morning, Darlene." Tumingin ako sa driver seat at si Alexis ang sumalubong. "Tagal nating hindi nagkita, ah?"

"Syempre, busy ka." Marami yatang pinapagawa si Papa sa kaniya kaya ngayon ko na lang niya nakita. Lumipat ako sa passenger seat para makadaldalan siya.

"Ibang klase namin kasi ang Scythe na 'yon lakas ng loob gumawa ng away kaya sila nalalagasan," umiling-iling siya.

Lumingon ako sa kaniya. "Scythe? Ano 'yon?"

"Hindi mo alam?" Umiling naman ako. "Ah, wala pala 'yon. Huwag mo nang isipin 'yon. Mag-aral ka na lang at mag-enjoy sa buhay."

"Eh, paano ako mag-e-enjoy kung may gustong pumatay sa akin?" Ngumiwi ako.

Mahina ang tawa niya bago paandarin ang sasakyan. Nakikipagkwentuhan siya sa akin habang nagmamaneho. Nagpapatulong siya kay Gianna pero sinabi kong hindi siya type no'n at lesbian si Gianna, well iyon ang alam ko. Pero sa nakikita ko minsan, pinipilit naman niyang maging babae talaga. Siguro dahil nasanay siya na puro lalaki ang kasama niya kaya ganoon? Hay, hindi ko na alam.

"Sayang ang ganda pa naman ng babaeng 'yon tapos sa maganda rin may gusto."

"Doon kasi siya masaya!" Sagot ko.

"Mali yata ng pinana si kupido at sa babaeng 'yon pa ako pinana." Umiling siya. "Minsan na nga lang mainlove sa Lesbiana pa."

Tumawa ako sa sinabi niya. "Tinamaan ka talaga sa kaniya?!" Tanong ko at kinain ang bubble gum.

"Nakakahiya mang-sabihin sa 'yo pero, oo. Ang dami-dami namang iba diyan bakit siya pa?" Mas lalong lumakas ang tawa ko sa sinabi niya. "Sinubukan ko nga siya gawing straight, e. Inaya ko siyang makipag-date sa akin. Nangyari naman pero wala rin. Lagi akong binabara."

Kawawang Alexis! Hindi umubra sa katulad ni Gianna dahil sa estado niya! Sinisi pa nga si Kupido.

"Hayaan mo na! Malay mo makahanap ka pa ng iba, 'di ba?"

"Hindi rin," bumuntong hininga siya.

Natigil lang siya sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ko. Pati siya napatingin sa cellphone ko pero tinakpan ko kaso matalas yata talaga ang mata niya dahil nakita niya. Tumikhim siya bago ituon ang paningin sa daan.

"Hello."

"[Good Morning.]" Bati niya.

"G-Good Morning rin." Bati ko pabalik.

Putangina, bakit ako nauutal?

"[Are you still in your house?]"

"Wala na. Papunta na akong School," simpleng sagot ko.

"Ang formal mo namang mag-salita, Lin." Tumawa si Alexis.

"[Is that Alexis?]"

"Oo, huwag mo na 'yong pansinin. Bakit ka pala tumawag?"

"[Nothing. I just want to greet you and make sure you are fine.]"

"Kayo na ba ni Phoenix?" Tanong ni Alexis at halatang pinaparinig sa kabilang linya dahil sa sobrang lakas ng boses niya.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. "Hindi pa, I mean hindi. Hindi kami," tanggi ko.

Tanginang, hindi pa 'yan.

"[Hindi pa... you mean.]" Sagot sa kabilang linya.

Magsasalita sana ako kasi naunahan ako ni Alexis.

"Mabuti! Para makilala mo na ang irereto sa 'yo ni Tito!" Malakas na sabi niya. "Magugustuhan mo 'yon, Lin!"

"[What?]"

"Gago ka ba? Ano bang pinagsasabi mo?!" Inis na tanong ko kay Alexis.

"Irereto ka ni Tito!" Sagot niya. "Alam mo gwapo, matangkad, mabait, at kaya kang mahalin no'n kaya sigurado akong magugustuhan mo! Tataas standard mo doon."

"[I'll hang up now. Take care and be safe.]" Pinatay bigla ni Phoenix ang linya.

"Pinatay tuloy 'yong tawag! Gago ka kasi, e, kung ano-ano pinagsasabi mo! Ipapamakina ko 'yang bibig na 'yan minsan!"

Tumawa siya. "Ano ka ba? Sa paraan na 'yon malalaman mo kung may gusto siya sa 'yo."

Napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Malay mo, gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang gagawin ni Tito na ireto ka, 'di ba?" Ngumisi siya.

"Tanga, hindi ako kayang ibigay ni Papa, 'no! Hindi niya ako kayang ireto! Mahawakan at titigan nga lang ako ng lalaki ikinakagalit na ni Papa at Kuya tapos ireto pa kaya? Saka, lagot sila kay Mama kung sakaling gawin nila 'yon."

"Ang ibig kong sabihin ay malay mo umamin siya? Titingnan lang natin kung kaya niya bang maireto ka sa iba at kung hindi! Alam na! May gusto si Nix sa 'yo. Kapag nagtanong siya kung totoo, um-oo ka."

'Yon? Hindi natin sure.

"Pero totoo bang irereto ako ni Papa?" Tanong ko.

Nag-shrugged siya.  Hindi na lang ako nag-salita pero 'yon ang nasa isip ko.

Madali naman kaming nakarating sa School kaya bumaba na ako. Nagtaka agad ako nang makita ang mga estudyanteng naka-ibang damit at halatang nag-lilinis. Hindi ko na sila pinansin at tumungo na lang sa classroom.

Pero ni isang estudyante sa classroom ay wala akong nakita.

Anong mayroon at bakit parang lahat ay nagliligpit? Naglilinis? May mga hawak na trash bag at mga walis ang lahat. Iyong iba ay nagbubuhat ng mga upuan. Tumingin ako sa may quadrangle nang may marinig na ingay. Naaninag ko si Harvey na may hawak na mic.

Nandoon rin ang iba at may mga ginagawa. Nakita kong may kausap sa cellphone si Phoenix, salubong ang kilay. May sinenyas siya kay Finn na naglalaptop at nagsesetup ng speaker.

Sandali sumagi sa isip ko ang sinabi ni Alexis. Hindi naman na kailangan 'yon, e. Hindi ako manhid pero hindi ko sigurado kung seryoso siya o nanggagago lang minsan.

Bahala na nga. Landian na lang kahit wala ng label! Tutal mas matatag naman kapag walang label, e. Wala ka nga lang karapatang umangkin ng tao.

Panay ang utos ni Harvey sa kanila. Teka, ano ba ang nangyayari?

Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog. Si Gianna!

"[Darlene! Pwede favor?]" Bungad niya.

"Ano 'yon, Gia? Tungkol ba 'yan kay Alexis?" Tanong ko, nang-aasar.

"Oh, 'yong mga tamad diyan! Maglinis! Joke! Iyong mga kalat pakilagay na lang rito—Darlene!" Tinakpan ko ang tainga ko nang sumigaw si Harvey.

Kailangan talaga naka-mic?

Tumingin ang mga kaklase namin sa akin. Pati 'yong isang may kausap sa cellphone tumingin sa gawi ko. Tumalikod rin naman siya kaagad at tinapos ang kausap sa cellphone. Nanatili siya sa may gilid ng stage at halata sa mukha ang pagka-inis.

"[Tangina, sino 'yon? Ang lakas naman ng boses no'n!]"

"Tanga, si Harvey 'yon. Ano bang favor ang gusto mo? 'Yong afford ko lang, ah? Katulad ng pagkain. Gano'n afford ko 'yon!"

"[Hindi 'yon! Pwede bang sabihin mo sa Alexis na 'yan na tigilan ako?! Ang kulit! Nakakabwisit! Nakakailang palit na ako ng number, ah?! Kaasar!]"

Nag-angat ako ng tingin nang mag-salita si Harvey.

"Mabuti na lang nandito ka na, Darlene! Pwede ka nang mag-linis!" si Harvey habang naka-mic pa rin.

Tinaas ko ang gitnang daliri ko sa kaniya. "Pakyu," bulong ko at binaba ang daliri bago bumalik kay Gianna. "Gago, tinamaan siya sa 'yo. Alam mo bang sabi niya sa akin kanina 'Minsan na nga lang mainlove sa lesbiana pa?' Gago, pre! Tangina." Tumawa ako pero agad rin napaubo.

Tangina, muntik ko nang malunok ang bubble gum ko.

"[Hindi ko siya gusto, Darlene! Hindi ko type ang mga katulad niya. Ni hindi nga ako attracted sa kaniya. Yuck! Buti kinaya kong makipag-date sa kaniya. Pakigawa na lang ng favor ko, ah? Ang kulit, eh! Sige na, bye na mag-aayos pa kami. Bye!]"

Mag-aayos saan?

"'Kay-'kay, bye!" Pinatay ko ang tawag at lumakad papalapit kila Arvin.

Parang tanga 'yong iba. Napapatingin sa akin dahil sa lakad ko. Mukha ba akong model?

"Anong mayroon?" Tanong ko at pinalobo sa bibig ang bubble gum.

Kinuha ko agad sa bulsa ko ang bubble gum para ibigay kay Harvey nang mag-lahad siya ng kamay.

"Edi nagtatanggal ng mga kalat," sagot ni Dice, parang labag sa loob niya ang mag-walis ng mga kalat. "Mukha bang marunong akong mag-walis?!"

"Tangina, ayan na nga lang gagawin mo, hindi ka pa rin marunong?! Anong kaya mong gawin? Matulog?!" Inis na sabi ni Owen.

"Eh, bakit nagtatanggal ng mga upuan?" Singit ko dahil nagsisimula na silang mag-bangayan.

"Utos 'to ni Lazarus este Sir. Lazarus," sagot ni Rafael. "'Di ba nga renovation?"

Oo nga pala. Nakalimutan kong gagawin 'yon. Grabe naman kasi, kung kailan may klase doon magpaparenovate. Hindi rin sira ang tuktok ng mga 'to, e.

"Maglinis ka rin." Binigay ni Harris ang walis at dustpan.

Ha? Hatdog.

"Ano? Bakit ako nadamay diyan. Dami-dami niyo na, oh!" Tinuro ko 'yong mga nag-wawalis. "Kaya niyo na 'yan!" Binigay ko kay Owen ang walis at dustpan. "Iga-guide ko kayo sa paglilinis para hindi kayo mahirapan. Umpisahan niyo sa classroom kasi ang kalat-kalat. Bilis na! Sayang ang oras!" Pumalakpak pa ako.

"Ang daya!"

"Da't ikaw rin!"

"Bilis kaya niyo—ay, putangina." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Malakas na tumugtog ang speaker na naging dahilan nang pagkagulat ko.

Natawa naman sila dahil sa nakita. Masama akong tumingin sa stage dahil nandoon ang may pakana. Si Finn!

"Sorry!" Natatawang sigaw ni Finn.

Binalik ko ang tingin ko sa kanila. "Maglinis na nga lang kayo!" At mabuti na lang ginawa nila.

Naglilinis sila, ako naman, kanina ko pa hinahanap si Phoenix. Nasaan na kaya 'yon? Kanina lang nandito siya at may kausap sa cellphone ngayon ay wala? Hinayaan ko nalang, babalikan rin iyon dito.

Tumingin ako sa lahat. Akala ko sa classroom sila naglilinis, hindi pala. Nagtutulungan silang magbuhat ng mga upuan. Umakyat ako sa stage para tiningnan ang ginagawa ni Finn. Anong meron at nagseset-up siya ng mga pang-DJ at mga instruments sa stage?

"Para saan 'yan?" Tanong ko dahil nagse-set up siya for DJ.

Nag-angat ng tingin si Finn. "Para naman ganahan sila maglinis."

Sabagay, nakakagana naman talaga ang maglinis kapag may kanta.  Naupo ako sa vacant chair.

Mga busy sila sa ginagawa pero nang dumating ang tanghali napapansin kong dumadami ang tao sa quadrangle para magpahinga. Iyong iba ay kumakain ng tanghalian at galing pa sa mga fast food. Wala rin kasing klase ngayon.

Ako naman kanina pa ako rito nakaupo, ako 'yong nagpapalit ng kanta para hindi sila mabored. Nakakatatlong bubble gum na ako kaya nangangalay na ang panga ko.

Bumaba si Finn at ako ang naiwan. At hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Phoenix! Walang hiya naman kasing Alexis 'yon!

Umakyat rito si Laureen nang makita ako. Wala ang iba niyang kaibigan dahil busy yata sa mga buhay nila. Nakangisi si Laureen sa akin at halatang nang-aasar ang mukha.

"Ano na naman ba?" Pumili ako ng kanta sa laptop.

Hay, ano 'to? Ngayong gabi? Love and War? Steal my girl? 34+35? Wildest Dream? Maganda naman lahat ang mga kanta.

"Hey, I saw Phoenix's IG post." Chismis niya.

Shunga, ako nagpost no'n.

"Oh, tapos?" Tumingin ako sa kaniya.

"Ang taray ng mukha, ah?" Mahina ang tawa niya. "You see this?" Nilabas niya ang cellphone at halos lumuwa ang mata ko sa nakita.

"Gago ka?! Bakit nandiyan ang picture ko?!"

Nandoon ang picture ko! Wala naman akong naaalala na pinost ko 'yon ah? Kaya paano?! At sa pagkakaalam ko, hindi ako naglagay ng caption! Isa lang ibig sabihin nito. Si Phoenix ang nag-lagay!

Nang-aasar ang mukha niya bago itabi ang cellphone. Sumilip siya sa laptop pero tinabig ko siya.

"Try the 34+35. That's song is so fucking nice!" Ngumiti pa talaga siya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Gaga ka. Alam mo ba kung anong ibig-sabihin ng kantang 'yon?!" Umirap ako. "Huwag 'yon! Iba na lang! Nasa School tayo, gago. Ito na lang 'yong love and war. O kaya itong—" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Of course, I know! Walang Teachers dito! May meeting sila with stockholders of GFS! Now do it!" Napahilamos ako sa mukha bago gawin ang gusto niya. "Hindi ka mapapagalitan! I swear! Sagot ka ni Nix, okay! Sagot ka ng baby mo. Hinding-hindi ka mapapagalitan." Ngumisi siya.

"Ulol," nag-taas ako ng middle finger.

"Yie, mag-boyfriend at girlfriend na ba kayo?" Nasamid ako sa tanong niya.

"Tanga, hindi." Umiling ako. "Hindi kami."

"Okay..." aniya. Ito talaga babaeng 'to! "Lakasan mo!" utos niya.

"Huwag na!"

"Lakasan mo na! Minsan lang 'to!"

Minsan nga, mapapagalitan naman kami. Hindi rin baliw, e.

Napabuga ako ng hangin bago nilakasan ng todo. Nakita ko sa peripheral vision kong napatingin ang ibang estudyante sa amin pati 'yung mga gago kong kaklase pero hindi ako nag-angat ng tingin.

Tangina talaga! Kapag ako talaga napagalitan!

"Kapag ako napagalitan! Ipapadala kita sa impyerno!" Sigaw ko sa kaniya.

"Men, you're so hot!" Ngumisi siya "Relax..."

Daig pa namin may party sa sobrang lakas ng tugtog.

"Kung gusto mo puntahan mo na lang ang baby mo."

Nagtaas ako ng gitnang daliri kay Laureen. "Pakyu." Kinuha ko sa palapulsuhan niya ang tali sa buhok.

Itinali ko ang buhok ko dahil naiinitan ako. Magpagupit kaya ako? Iyong mala-dora?

Napatingin si Laureen sa lahat nang biglang sinabayan ang kanta. Binalik ni Laureen ang tingin sa akin at ngumisi. "See? Everyone's enjoying it. Shit, I need a beer!"

"Gusto mong ma-expelled?"

"Para isa lang." Napairap siya. "Wait! May ipapakita pala ako sa 'yo! Alis ka diyan. Pa-search, ah?" Hinarap niya sa kaniya ang laptop.

Ano pang magagawa ko, eh, hindi pa ako sumasagot, nagawa na niya. Nakatingin lang ako sa laptop at sa ginagawa niya. Nagulat pa ako sa nakita ko.

"Is he handsome?" Tanong niya.

Gago! Ang gwapo! I mean, mas lamang pa rin si Phoenix syempre. Matangkad din siguro 'to, may pagkabrown ang mata ng lalaki. Iba 'yong dating nitong lalaki. Halatang fuck boy 'yong lalaki kaya never mind.

"Sino 'yan? Wow, gwapo ng pangalan. Kilala mo?" Tanong ko. "Pogi, gago." Nag-scroll pa ako sa feed ng lalaki.

"Yeah, one of my fling. Wala lang walking red flag 'yan! Partida fling pa lang kami, ah?! Walking red flag!" Umiling-iling pa siya.

"Grabe naman."

"That's why I hate him. But, he can't accept that we're just fling. Men, I don't like him because I'm attracted to women."

Natigil ako. Teka, bakit niya sinasabi sa akin 'to? Huwag niyang sasabihin na...

"Anong tingin 'yan? You really think that I am attracted to you? Of course not!"

Mabuti naman. Kinabahan ako doon, ah!

"Sorry, naninigurado lang. Pero alam mo same pala kayo ni Gia. May nagkakagusto nga doon, e, kaso hindi niya rin gusto pabalik." Binalik ko ang tingin sa laptop. "Aalisin ko na 'to baka isipin ng mga 'yon nagse-search ako mga lalaki sa Facebook."

Walking red flag pa nga.

Pero kung si Phoenix 'yan, kaya kong pumikit. Saka, favorite color ko ang red.

Mahina siyang tumawa. "Takot na takot ka namang malaman ni Nix."

"Share mo lang," pagmo-mock ko.

Hindi ko siya pinansin at sinabayan lang ang kanta. Tangina, kabisado ko 'yong kanta? Bihira ko lang 'to marinig pero kabisado ko. Tangina, talaga. Vibe na vibe ng mga 'to ang kanta ampota. Sabay-sabay kaming lagot kapag may nag-sumbong.

Daig pa ang mga nasa bar!

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may nag-text at meron nga dalawa mula kay Phoenix, two hours ago na niya na-i-send 'yon.

From: Phoenix
Hey, go outside. I'm waiting.

From: Phoenix
Miranda, It's hot here. Go outside. I will give you something.

Hindi ko man lang narinig na ang cellphone ko. Lakas kasi ng kanta, hindi ko narinig. Hindi na lang ako nag-reply sa kaniya at tinago na lang ang cellphone. Something? Ano naman 'yon?

Nag-angat ako ng tingin at saktong tumigil ang paningin ko sa dulo ng quadrangle. Nakita kong nandoon sila Phoenix kasama sina Trevor, nakaupo sa monobloc chair sina Gael, Harvey, Renz, Dice, Owen, at Arvin. Nakatayo si Phoenix doo at nakasandal sa pader, nakakrus ang dalawang kamay at diretso ang tingin sa akin. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya bago basain ang ibabang labi.

Samantalang si Harris, Mavis, Trevor, at Rafael may sinasabi na kung ano bago ako nilingon. Pati tuloy sina Harvey lumingon sa akin. Ano kayang sinasabi ni Harris? May sinabi kasi siya kaya natawa silang lahat habang nakatingin sa akin.

Pinakyuhan ko silang lahat kaya natawa na naman sila. "Pakyu, bitches," nawala ang paningin ko sa kanila dahil hinila ako ni Laureen. Natuon ang paningin ko sa laptop.

Pero gago, ang pogi nila.

Nakaramdam naman ako ng uhaw. "Laureen, may iuutos ako sa 'yo."

Tumaas ang isang kilay niya. "What?"

Kinuha ko ang pera sa wallet ko at binigay sa kaniya. "Bili mo ako pagkain sa cafeteria." Nakalimutan kong kumain, sabi ko, dito ako kakain ng breakfast pero nakalimutan ko.

"What? No way! Ikaw na!" Binalik niya ang pera sa akin at malokong ngumiti. "Go!"

"Dali na! Baka kapag iniwan ko 'to sa 'yo baka mga dirty songs na ang ipatugtog mo." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Of course not! Ikaw na ang bumili para maranasan mo namang pumila sa cafeteria! And also buy me a chuckie. Here." Binigay niya ang five hundred sa akin. "Kung gusto mo rin then buy but using your money. Umalis ka na riyan. Bilisan mo na! Bumili ka na!" Hinila niya ako palayo.

"Ano ba 'yan!" Reklamo ko. "Gago, hindi chuckie bibilhin ko. Zest-o! Zest-o bibilhin ko sa 'yo." Iniwan ko siya doon at mabilis na tinakpan ang tainga para hindi marinig ang sigaw niya.

Nagmadali ako para umalis. Dumiretso ako sa cafeteria kaso nasa pinto palang ako ay agad rin huminto.

"Hala, sarado."

Sarado na 'yong cafeteria. Kaya naman pala mga fast food ang kinakain nila kasi walang mapagbibilhan, e. Tumalikod na ako para bumalik sana kaso agad rin napatigil dahil nasa harapan ko si Phoenix. May hawak siyang milk tea sa isang kamay at diretso lang ang tingin sa akin.

May lahi kayang bampira ang lalaking 'to? Ang bilis, e. Nandoon lang siya kanina, 'di ba?

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Wala," sagot niya.

"'Di ba nandoon ka lang?" Tinuro ko kung nasaan siya kanina.

"I followed you," simpleng sagot niya at humigop doon sa hawak niyang milk tea.

Hindi ko man lang naramdaman na nakasunod siya. Hindi ko na lang pinansin 'yon at tumingin na lang sa kaniya.

"Bakit nga pala 'to nakasarado? Bibili sana ako." Lumapit ako sa kaniya, bumaba ang tingin ko sa hawak niya. "Painom ako... ay, huwag na pala." Nainuman niya na 'yon, e.

Mukhang nakuha naman niya kaya napairap siya. "Huwag ka ng maarte. Parang hindi mo ako hinahalikan." Binigay niya sa akin ang hawak niya.

"Ang kapal mo naman masyado. Ikaw kaya nang-hahalik sa akin." Uminom ako sa milktea niya.

"Lakas kasi mang-akit ng labi mo."

Nalunok ko ng wala sa oras ang sago. Ubo-ubo pa ako matapos marinig ang sinabi niya.

"Naaakit tuloy ako."

Tangina. Kasalanan ko pa ngayon?

"Saan ako bibili ng pagkain? Sarado ang cafeteria," pag-iiba ko ng topic.

Nang-aasar ang mukha niya kaya pabiro ko siyang sinipa sa paa.

"We have a food in the headquarters You don't need to buy." Mabuti na lang at sumagot siya nang matino.

"Iyon ba 'yong sinasabi ni Ms. Catalina?" Excited na akong makita iyon.

"Yeah. We will clean the whole Class 8 room and next is the head quarters. But, we need to eat first." Hinarap niya ako nang hindi ako naglakad"Come on. Do you want me to carry you?"

"Teka lang naman." Sumunod ako sa kaniya. "Pupuntahan ko muna si Laureen para ibalik ang pera niya. Ginawa ba naman akong utusan?"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya nanahimik na lang ako. Sabay kaming bumalik kung nasaan si Laureen kaso wala na siya doon pati iyong mga kaklase namin ni Phoenix.

Pero may mga estudyante pa rin at tuloy-tuloy pa rin ang kanta. May taong nagbabantay doon sa kinauupuan ko kanina. Pumunta na lang kami sa sinasabi ni Phoenix. Nasa likod 'yon ng School kaya umikot pa kaming dalawa.

Tahimik lang ang siya kaya hindi na rin ako nagsalita.

"Miranda," tawag niya dahilan para mapalingon ako.

Nakatingin lang siya sa harap. Parang malalim pa ang iniisip niya.

"Oh?"

"About what I heard on Alexis." Lumingon siya sa akin.

Ah, iyong reto-reto? Hindi naman siguro 'yon totoo.

"Anong mayroon do'n?" Nakatingin lang ako sa kaniya, hinihintay ang magiging sagot.

"Is it true?" Parang umaasa pa siya na sana ay hindi totoo.

"Ewan, baka, siguro," sagot ko. "Mabait naman daw 'yong tinutukoy ni Alexis tapos pasok sa standards ko."

Malapit na kami sa sinasabi niya nang tumigil siya sa paglalakad. Hinarap niya ako. Tumigil rin ako sa paglalakad at pinantayan siya.

"Will you accept that?"

"Depende kapag totoo..." Tinapon ko ang baso ng milk tea sa basurahan saka bumalik sa kaniya. "...na pasok nga talaga sa standards ko."

"Ano ba ang hanap mo?" Mahinang tanong niya at umiwas ng tingin.

Basta iyong kaya akong mahalin, kayang irespeto ang bawat desisyon ko sa buhay, hindi kikwestyunin ang pagmamahal ko sa kaniya. Magiging totoo rin ako, syempre gusto ko rin ng gwapo 'no at mabait syempre. Lahat na. Hindi naman kasi porket mataas ang standard mo sa lalaki ay maarte ka na.

Masama bang mangarap ng makakasama mo sa araw-araw kung sakali ang nahanap mo ay pang-habang buhay?

"Miranda."

Kumurap ako nang tawagin niya ako.

"Ano nga ang tanong mo?" Ulit ko dahil nawala sa isip.

"Anong hanap mo—" Pinutol ko na agad ang sasabihin niya nang maalala.

"Katulad mo," sagot ko. "I mean, Ikaw. Ikaw mismo ang hanap ko. Ikaw 'yong standards ko, Nix. Well, ang taas ng respeto mo sa babae tapos iba ang way mo on how to take care of a woman kaya ikaw, ikaw talaga 'yong standards ko."

Parang hindi naman siya makapaniwala sa naging sagot ko. Nagulat pa siya dahil hindi 'yon inaasahan.

"Anong tingin 'yan?" Tanong ko dahil nakatingin siya mismo sa mukha ko bago bumaba ang tingin sa labi ko.

"I'm waiting for you to take back what you said. But, I guess, I'm waiting for nothing."

Tumitig ako sa kaniya. "Para may mapag-iyayabang naman ako sa 'yo," ngumiti ako. "At totoo naman 'yon, standard ka kaya. Green flag pa," natawa ako.

Binasa niya ang ibabang labi. Nakita ko ang pagpula ng tainga niya. "Can I hug you?"

Natigil naman ako sa tanong niya. Parang hindi niya ako niyayakap sa pag-tanong niya.

Unti-unti akong tumawa. "Ang cute mo."

Umakyat ang pamumula niya sa tainga kaya niyakap niya ako at binaon ang mukha sa leeg ko. "Fuck, nakakahiya."

Tumawa ako. "Cute nga, e." Inangat ko ang dalawang kamay para yakapin siya pabalik. Nilandas ko pa ang daliri sa buhok niya.

"Darlene, tara—Ay, PDA."

Natulak ko si Phoenix nang sumulpot si Harvey. Pareho kaming nakatingin sa kaniya. Nakatingin siya sa amin at parang hindi pa makapaniwala sa nasaksihan.

Continue Reading

You'll Also Like

43.4K 1.1K 11
The young justice team has been requested to protect Bruce Wayne's four adopted children. They aren't too happy to be babysitters but that'll change...
85.1K 1.7K 71
Tรกc giแบฃ: รm Dแบก Lฦฐu Tinh Thแปƒ loแบกi: Ngรดn Tรฌnh Nguแป“n: morphobblue.com Trแบกng thรกi: Full Thแปƒ loแบกi: Quรขn nhรขn vฤƒn, ngรดn tรฌnh, HE Sแป‘ chฦฐฦกng: 69 chฦฐฦกng + 2 P...
2.1K 167 38
"He exposes me to new things that I never imagined I would develop a devotion for."
3M 251K 54
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...