The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

4.7M 107K 20.7K

Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
The Girl in Worst Section: Special Chapter Edition Book
Special Chapter

Chapter 58

34K 811 113
By whixley

Chapter 58: Standard

Napamulat ako ng mata nang maramdaman ang malambot na kama. May nakayakap pa sa akin. Lumingon ako at mukha ni Phoenix na natutulog ang sumalubong sa akin. May payakap-yakap pa! Tinanggal ko ang kamay niya pero hinigpitan pa lalo. Pinilit kong kumalas pero hinawakan niya ang kamay ko sabay hila palapit sa kaniya.

"Kapag hindi mo ako binitawan, mawawalan ka ng kamay," banta ko pero hindi pa rin siya kumilos. "Isa! Sisipain kita!"

"Go back to sleep, Miranda. Alam mo bang ilang oras mo akong pinag-hintay? Kumuha lang ako ng pagkain mo pagbalik ko tulog ka na." Hinigpitan niya ang pagka-kayakap sa akin.

"Nakakaantok po kaya ang mga pinagsasabi mo." Irap ko. "Bitiw na, Velasquez."

Landian na ba tawag rito? Landian tapos walang label?

Iniharap niya ako sa kaniya. "Ano ba, bitiw na kasi." Dinampian niya ng halik ang pisngi ko. "Bibitaw ka o sisipain ko 'yang ano mo. Mamili ka."

"Don't. Hindi kita mabibigyan ng anak kapag ginawa mo 'yon. Sayang naman ang lahi ko kung gagawin mo, 'di ba? Ayaw mo bang magkaroon ng supling kasama ko? Aray, Darlene!" Sinipa ko siya sa paa.

"Ulol, wala akong balak magkaroon ng anak."

"Okay, it's your choice though and your body so, I don't have a right to question you..." aniya at pumikit ulit. "Damn, I'm so sleepy."

Tumitig ako sa mukha niya. Alam niyo, kahit gago siya, hindi siya nangingialam sa kagustuhan ng iba at nirerespeto niya lang.

"Stop staring, Miranda."

Iniwas ko ang tingin. "Nawiwili ka na sa pagyakap-yakap mo sa akin. Bumitiw ka na kasi."

"If I know, gusto mo ang yakap ko."

"Hindi kaya 'yong yakap ang gusto ko. Ikaw mismo iyong gusto ko," ngumisi ako dahilan para matigilan siya. "Ano, bakit?" Natigilan kasi siya tapos nakatingin pa sa akin.

"Uh, nothing." Umiling siya. Tinanggal niya ang kamay niya sabay ayos ng higa.

"Anong oras na ba?" Tanong ko dahil naaninag kong madilim sa labas. Umupo ako sa kama at inayos ang buhok ko.

Anong oras ba ako natulog at bakit umabot ng dilim?

Nalipat ang tingin ko kay Phoenix dahil panay ang tingin niya sa mukha ko, natatawa pa. Ano ang nakakatawa? Timang 'to.

"Bakit ka ba natatawa?" Kunot-noo kong tanong.

Umiling siya pero natatawa pa rin. "Wala lang."

"Ulol, may ginawa kang kagagaguhan, 'no?" Nag-hanap ako ng mga ginawa niya sa loob ng kwarto. "Yari ka talaga sa akin kapag may nakita ako."

Hindi na ako magtatanong kung kanino dahil halata naman na sa kaniya 'to. Black ang theme ng kwarto niya at malawak. May veranda rin sa labas at maraming trophy na nakalagay sa gilid at mga medal. May electric guitar rin nakalagay sa gilid.

"Nothing. I promise."

Duda ako rito.

"Siguraduhin mo lang." Naningkit ang mata ko. "Anong oras na?" Ulit ko.

"Around six I guess." Dinampot niya ang cellphone.

Tumayo ako at dumiretso sa cr niya dahil nac-cr na ako. Tumingin ako sa salamin at mabilis na nag-salubong ang kilay ko nang makita ang mukha ko. Tangina, may drawing 'yong mukha ko. Mukha akong pusa! Kaya pala tumatawa ang timang na 'yon!

"Velasquez!" Sigaw ko. "Gago ka! Bakit mo dinrawingan ang mukha ko?"

Nasa harapan siya ng pinto ng cr niya. Tumatawa siya habang may nakatutok sa akin ang cellphone na hawak niya.

"Huwag kang mag-video, Velasquez! Sisipain kita!" Binato ko ang nahawakan kong toothbrush sa kaniya pero nailagan pa niya!

"What? You're so cute."

"Ulol, Velasquez. Ang lakas ng tama mo. Yari ka sa 'kin." Papunta sana ako sa kaniya kaso sa pagmamadali ko ay natalisod ako sa kung ano kaya nadulas ako. "A-Aray." Humawak ako sa baywang ko.

Pati ang kaliwang paa ko masakit rin. Kapag ginagalaw lang naman siya masakit. Shit, nabasa pa yata ang shorts ko. Bumagsak 'yong tubig na nasa baso at kumalat sa sahig ang tubig. Sakto namang nabasa ang shorts ko, tangina.

"Shit," Lumapit si Phoenix sa akin at tinulungan akong makatayo.

"Ang sakit, gago!" Inupo niya ako sa kama.

"Does it really hurt?"

"Aba oo! Aaray ba ako kung hindi masakit?!" Sarcastic na sabi ko. "Masakit 'yong kaliwang paa ko." Mahinahon na ang boses ko at wala nang halong sarcastic.

"Fine, I'm sorry." Saad niya at kinuha ang isang paa ko. "Hihilutin ko na lang. I don't know how to do this so..." Hinilot niya ang paa ko at inikot!

"Gago, masakit. Baka gusto mong idahan-dahan, 'di ba?" Sabi ko.

"Dahan-dahan na nga, o." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "But, do you think you can walk?" Ngumisi siya.

Oo naman!

"Oo, mawawala rin 'yan mamaya o baka bukas," sagot ko. "Nawawala rin naman 'yong kirot kaya okay na. Velasquez, may wipes ka ba diyan?Tatanggalin ko lang ang nasa mukha ko." Humina ang boses ko dahil sa tingin ni Velasquez.

Parang may iniisip siyang kung ano. "Mayroon, wait, I'll get it," sabi niya nang makabawi. Umalis siya sa paanan ko at dumiretso sa cr niya. " Don't stand."

May binulong siya na hindi ko narinig. Sinundan ko lang siya ng tingin at sumimangot. Piste, lagi na lang bumubulong.

"Hoy, basa ang shorts ko!"

"I know! Magpapabili na lang ako kay-" Natigil siya sa pagsasalita nang may marinig na ingay sa labas.

"Ano 'yon?" Tanong ko. "Amin na 'yan."

Binigay niya sa akin ang wet wipes. Kumuha ako ng isa at tinanggal ang marker. "Namumula siya," sabi ko habang nakatingin sa salamin at tinatanggal ang drawing. "Ayaw matanggal! Ang gago mo kasi." Nananahimik kasi akong natutulog tapos lalagyan ng drawing ang mukha ko.

"Then, wash! Mabubura din 'yan kapag naligo ka. Give me, I'll remove it." Kinuha niya sa kamay ko ang wet wipes. "O 'di ba? It's gone. It's not permanent anyway."

Umirap ako. "Ano ba 'yong maingay na 'yon?" Dahan-dahan akong tumayo para pumunta sa harap ng pinto at binuksan.

Nagulat ako nang makita ang mga gunggong na nakatapat ang tainga sa pinto kaya pag-bukas ko ay bumagsak silang lahat sa sahig. Napaayos sila ng tayo, halata rin ang gulat sa mata nila.

"Bakit ganyan ang itsura niyo?" Tanong ko.

Hindi sila nakasagot.

Mukha silang ewan sa itsura nila. Si Harvey at Arvin parang tanga 'yong itsura. Ano ba 'yan! Ano bang ginagawa nila rito sa pinto at mga nakatapat pa ang tainga? Chismoso yarn?

"What are you all doing here?" Tanong ni Phoenix matapos lumapit sa akin. Hinawakan niya ang siko ko at tinabi ako sa gilid para makadaan siya. Nanatili siya sa pinto.

"Darlene, seryoso ka ba diyan?"

Eh? Seryoso saan? Baliw yata ang mga 'to.

Napakamot ako sa noo. "Seryoso saan?" Naguguluhan ako.

"'Di ba 'yong ano..." sambit ni Renz.

Hindi ko talaga maintindihan. Ano ba ang sinasabi nila? Hindi talaga nagtutugma ang mga iniisip naming lahat.

"Anong ano?" Naguguluhang tanong ko.

"Eh 'yong ano."

"Ano 'yong ano?!" Hindi ko na napigilan ang mainis.

Hindi na lang diretsuhin, e! Mga gunggong talaga. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

"'Yong ano, se-" Tinakpan ni Harris ang bibig ni Gael gamit ang isang kamay niya.

Nakatingin ako sa kanilang lahat. "Ano ba kasing ginagawa niyo diyan?" Tanong ko nalang, tinutukoy ko iyong nakita ko kanina. Nakatapat ang tainga nila sa pinto at parang may pinapakinggan.

"Teka, bakit namumula ang paa mo?" Puna ni Harvey, nakatingin siya sa paa ko.

Edi sa katangahan.

"Nadulas kasi ako sa cr nito, e." Turo ko kay Phoenix. "Tapos hinilot niya pero ang gago sobrang grabe kaya pinadahan-dahan ko ang paghihilot sa kaniya. Bakit?"

Parang nagkaroon silang ng TB. Parang napahiya pa ang mga mukha nila sabay iwas ng tingin. Tumingin ako kay Phoenix, nakangisi siya sa mga kaibigan niya. Nag-salubong ang kilay ko dahil sa kaguluhan kung bakit ganoon.

Anong nginingisi ng timang na 'to?

"What are you guys thinking?" Mas lalong napangisi si Phoenix.

Naubo naman si Owen. "W-Wala!"

"Akala ko pa naman. Hays, kinabahan ako doon, ah!" Nakahawak si Harvey sa dibdib niya.

"Akala ko talaga!"

"Damn I thought..."

Binalik ko ang tingin ko kay Phoenix na nakatingin rin sa akin. Naguguluhan talaga ako. Bahala na nga lang sila.

Napakamot ako sa kilay ko. "Bahala nga kayo. Hindi ko kaya ma-gets mga punyeta!" Iniwan ko silang lahat kahit makirot ang paa ko.

Muntik pa akong madulas pero nahawakan ni Phoenix ang braso ko kaya hindi natuloy. "Hindi niyo kaya 'yon." Nakatingin ako sa kanilang lahat. Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Gago, ang sakit," bulong ko sa sarili.

Naabutan kong abala ang mga helpers. Si Phoebe naman ay nasa sofa. Nasa kwarto yata si Preston kaya wala dito. Naririnig ko rin ang boses ni Tita Grace.

"Ate Darlene! What happened to you?" Tanong ni Phoebe nang makita akong paika-ika maglakad.

"Nadulas," sagot ko.

"Okay! I'll get some ice." Tumayo siya para kumuha ng yelo.

Akala ko sasabihan niya akong tanga.

Tumingin ako sa cellphone ko. Shit, bakit basag ang tempered glass ng cellphone ko? Hindi ko naman 'to nababagsak pero basag? May text message pala si Darius sa akin. Binasa ko lahat 'yon kaso isa lang ang nakapukaw ng atensyon ko.

From: Darius
Lin, someone shot our house in Australia. Nandoon si Mama sa loob at pinagbabaril ang buong bahay.

Mabilis akong nag-reply.

To: Darius
Ayos lang ba si mama?

Agaran naman siyang nag-reply.

From: Darius
No, she was shot according to her secretary. She's in the hospital right now. Pumunta na si papa doon to check her. Papa is really mad, pinapahanap niya kung sino ang may kagagagawan but I know it was our enemies.

From: Darius
Tita Kaye texted me too, papa wants to transfer mama here. Sa Hospital nila Dash. And those shits is after you again, Darlene. Umuwi ka na ngayon mismo. Baka gusto mong kaming dalawa pa ni kuya sumundo sa'yo.

May kasunod pa 'yan.

From: Darius
Wala rito si papa kaya kaming dalawa ang masusunod. Go home now, Darlene. Go home, Darlene Michelle.

Nasa hospital si Mama. Uuwi na ako! Uuwi ako para makibalita. Tsk! Ang bossy, ampotek.

"Here." Binigay ni Phoebe sa akin 'yong ice bag.

"Salamat." Ngumiti ako. "Sorry, ah? Nakatulog ako kanina."

"It's fine. Let's do it some other time."

Napangiti naman ako sa pagiging understanding niya. Parang si Phoenix lang, understanding.

"Hija! Do you want to eat?" Sulpot ni Tita Grace.

Umiling ako. "Hindi na po. Uuwi na po ako. Salamat nalang po."

Ang tagal naman ng mga 'yon sa taas. Unang bumaba si Phoenix at dumiretso sa kinauupuan ko. Marami kaya siyang iniisip? Ano kayang kagaguhan ang pinagsasabi ng mga 'yon kay Phoenix?

"Let's have a dinner first," aniya sabay kuha ng ice bag sa kamay ko. Kinuha niya ang isang paa ko at nilagay sa kandungan niya.

"What happened to your foot?" Tanong ni Tita.

"She slipped," si Phoenix ang sumagot. "Eat dinner first before I take you home."

"Uuwi na nga kasi ako."

"Hala, bakit?" Tumingin ako sa hagdan at nandoon sila Harvey. "Magdi-dinner pa tayo dito. Masarap kaya magluto si Tita."

"Nasa hospital si Mama kaya uuwi na ako." Kailangan ko lang makasigurado na ayos lang talaga siya ngayon.

"Anong nangyari?" Dati kayang chismoso si Harvey noon sa past life niya kung mayroon man?

"Pinagbabaril kasi 'yong bahay namin sa Australia, e, tapos nandoon pala si Mama sa loob kaya natamaan siya ng bala at ayon nasa hospital pero i-ta-transfer siya dito sa Pilipinas, sa hospital nila Dash."

Mabuti na lang at naiintindihan ni Tita Grace kaso itong mga hamog na 'to, ang kulit-kulit. Okay sana kung ayos lang si Mama kaso hindi, e! Baka mamaya kung ano na ang nangyari sa kaniya.

Hindi ko pa alam ang sagot sa mga tanong ko, 'no. Hindi siya pwedeng mamatay.

"Nasa Australia ngayon si Tito?"

Tumango ako. "Oo, galit na galit nga raw, eh, sabi ni Darius."

Nasa likod ko silang lahat habang pasakay sa kotse ni Phoenix. Hindi na masyadong makirot ang paa ko. Babantuan ko nalang ulit siguro ng yelo kapag nakauwi na ako sa bahay.

"Panigurado, lagot ang may gawa nito," sambit ni Rafael.

Napaisip ako. Sobrang lagot kamo. Nakita ko na kung paano magalit si Papa at kapag galit siya kaya niyang gawin ang lahat. Condolences nalang sa kanila and good luck sa mare-receive nilang bala mula kay Papa.

Sumakay ako sa loob ng kotse at nilagay sa kandungan ko si Lucy. Ayaw pa nilang isara ang pinto ng kotse kung hindi lang nainis 'tong amo nila.

Tawa-tawa lang sila Harvey except doon sa dalawang nakahilig sa pader at diretso lang ang tingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila bago kumaway. Tumango si Dash. Simpleng ngumiti si Trevor. Pumasok na sa loob si Phoenix kaya nalipat ang paningin ko sa kaniya.

Ini-start niya ang kotse at nilabas ang sasakyan mula sa garahe. Parang tanga na kumakaway sina Harvey sa akin. Mukhang makikikain ang mga gunggong sa bahay, ah. Bilib talaga ako sa kanila, walang hiya-hiya kapag sa pagkain

Speaking of kain, hindi pa pala ako kumakain. Hay, dapat pala tinaggap ko na ang offer ni Tita Grace sa akin. Nakakaramdam na tuloy ako ng gutom.

"Pinakain mo ba silang tatlo?" Tukoy ko sa mga pet namin.

"Yeah, habang hinihintay kitang magising kanina. Actually tapos na silang kumain lahat, tulog ka pa rin."

"Sorry naman, ang sarap kasing matulog sa bahay niyo." Hinilig ko ang ulo sa sandalan ng seat.

"So, you want to sleep there again?"

"Hindi," tanggi ko. "Masarap lang talagang matulog sa bahay niyo." Ang lamig do'n. Ilang aircon kaya ang nasa bahay niya? Halos buong bahay yata naka-aircon.

"Daan tayo sa drive-thru, Velasquez." Hindi ko na talaga kaya tiisin 'to, p're. Nagugutom na ako. Bibili nalang ako ng burger o kaya kahit ano mabusog lang kahit papaano ang tiyan ko.

"You don't want to eat at my restaurant?"

"Lalayo pa tayo lalo, sira. Okay na sa drive-thru." Ang layo rin kasi no'n, e.

"Madadaanan natin 'yon kapag pauwi sa village niyo." Umirap siya. "We will eat there and then I will take you home so that you can rest."

At syempre, wala akong nagawa. Magsasalita pa lang ako naka 'hush' na agad ang gago. Mabuti na lang hindi masyadong traffic unlike kanina. May shortcuts naman pala nagpakahirap pa siya kanina.

Gusto ko nang malaman ang kalagayan ni Mama. Sana ayos lang siya at sana makita ni Papa ang gumawa no'n kasi hindi 'to palalampasin ni Papa. Asawa ba naman niya barilin? Condolence in advance sa mga gumawa no'n kay mama.

Binaba ko ang bintana ng kotse at dumungaw naman si Lucy. Hinahangin ang balahibo niya at nakalabas pa ang dila! Cute.

"How's your mom?" Tanong niya bigla.

"Nasa hospital." Umayos ako ng upo pero si Lucy nakadungaw pa rin sa bintana. "Bakit kaya basag 'to?" Tukoy ko sa cellphone.

"What?" Naguguluhan siyang tumingin sa akin

"Ito, o! Basag." Turo ko sa cellphone ko.

"It's because you threw your phone."

"Ha?! Kailan?!" Gulat kong tanong. Wala akong maalalang binabato ko ang cellphone ko.

"While you sleep kanina. Nag-a-alarm po ang cellphone mo at siguro naingayan ka, binato mo po." Lumingon siya sa akin. "Is my card is with you?"

"Oo nga pala. Teka lang." Kinuha ko ang card niya sa wallet ko. "Ito na."

"Wala akong paglalagyan. I forgot my wallet. "

Ako ulit ang maghahawak o pansamantala lang?

"Okay." Hindi naman na ako nagreklamo dahil mas okay nga 'to, e, ako maghahawak ng mga gamit niya pero hindi ko gagamitin.

Huwag ko lang sana makakalimutan na ibigay 'to sa kaniya mamaya.

Sa tingin ko, tulog lang yata ang ginawa ko sa bahay nila. I mean, may tinuro naman siya sa pagda-drums kaso 'yong mga dapat pag-aaralan ko lang para hindi ako malito. Next time na lang siguro ulit o kaya ako na lang mismo ang magtuturo sa sarili ko.

Sa sabado na ang audition! Kailangan manalo ako kahit second or third lang may price pa din naman 'yon. Para rin makapunta ako ng Cebu! Isasama ko si Phoenix! Siya ang aking driver. Pwede na rin si Darius kaso mas bet ko si Phoenix na driver.

'Cause he driving me crazy.

Charot.

Nang makarating kami resto niya, nag-park kaagad siya. Lumabas na ako ng sasakyan habang buhat-buhat pa rin ang mga bebe ko. Iniwan namin ang mga baby ko sa guard na love din ang aso. Natuwa pa siya noong sinabi namin na dito muna sila.

Pwede naman si Lucy, e, kaso hindi ako makakain ng maayos kapag hawak ko siya kaya ayos na rin siguro ang gusto nitong si Phoenix.

"Let's go, Miranda. The guard will take care of our babies while we're eating." Hinawakan ni Phoenix ang kamay ko nang pumasok kami sa loob.

Napatingin pa sa akin ang iba bago kasama ko. Napatingin kami sa isanh table dahil sa sigawan na naririnig namin.

"Mr. Phoenix, good thing you're here! May nagagalit po kasing customer!" Nagmamadaling sabi ng Manager.

"You're so stupid!" Tumingin kaming dalawa doon sa pinakadulong table.

Hala, may gulo nga.

"Awatin mo naman sila, Velasquez. Baka kung anong nangyayari doon tapos magkagulo at madamay lalo ang resto mo. Ayaw mo naman siguro no'n, 'no? Halika na." Hinila ko siya pero nakatingin lang siya sa akin habang pinagmamasdan ang mukha ko. "Tanungin mo kung anong problema. Tara." Hinigit niya ako pabalik. "Bakit ka ba nakatingin?"

"Wala lang, ang ganda mo lang." Sagot niya at ngumiti. "Sobra pa sa sobra"

Napasinghap ako kasabay ng pagpula ng mukha ko. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya kahit kinikilig ako. Puta, kilig amp!

"Tangina naman, Velasquez."

"Ang cute mo." Hinila niya ako. "Tara."

Dumiretso na kami doon sa babaeng tinutukoy ni Ateng Manager. Sumunod sa amin 'yong Manager at halata sa mukha ang pagkataranta sa nangyayari.

Nag-eskandalo na 'yong babae. Ang daming customer na tumitingin sa kaniya at nagbubulungan na rin ang karamihan sa kanila.

"What's happening here?" Tanong ni Phoenix.

Tumingin ang babae sa kaniya pati si... Hala! Iyong waitress na nag-serve sa akin kanina! Ano kayang nangyari? Halata sa itsura niyang wala siyang ginagawang masama.

"This stupid woman! I said, Caesar salad! But look! She served me a chicken salad!" Paghihisterikal niya.

"Pero 'yon po ang nakalagay sa order pad. Ikinlaro ko pa nga po sa inyo at sumang-ayon kayo," sagot ni ateng waitress bago tumingin sa akin.

Nilipat ko ang tingin sa babaeng customer.

"Iyon naman pala, e. Chicken salad na lang ang kainin mo. Pareho naman may gulay 'yan kasi salad." Lumipat ang tingin sa akin ng babae at tinitigan akong mabuti. "Masarap naman 'yan, 'di ba, Nix?"

Parang dumaan ang gulat sa mata ng babae nang marecognized ang mukha ko, umawang labi at parang kinabahan. Agad siyang umayos at binalik ang mataray na mukha. Matalim na ang tingin niya sa akin ngayon.

Aaminin ko, nakakatakot ang tingin niya.

"Grabeng tingin 'yan..." bulong ko.

"Stop glaring at her," ramdam ang seryoso sa boses ni Phoenix. Mahigpit rin ang hawak niya sa akin.

Bakit parang nanlamig yata ang kamay niya?

"You're seems familiar..." sabi ng babae, nakatingin pa rin sa akin.

"Isa 'yan sa babae mo noon, 'no?" Matalim akong tumingin kay Phoenix.

"Of course not! I don't know her," kaagad niyang tinanggi. Binalik niya ang tingin sa babae. "Maybe it was your fault. Maybe you're talking on the phone and you didn't notice your order because you're too busy." Patukoy niya sa reklamo ng babae.

"Iyon nga po. May kausap po kayo sa cellphone at tanging tango lang ang ginawa niyo," sambit ng waitress sabay yuko.

"Fine! It was my fault!" Tumayo ang babae. "I will never come back here." Tinitigan akong mabuti ng babae gamit ang matalim na tingin. May binulong pa siya.

"Eh?" Tanong ko dahil hindi ko narinig ang sinabi niya.

Hay, bulong ba naman ang ginawa? Hindi niya ako pinansin at nag dire-diretso lang palabas.

"Narinig mo ang huling sinabi niya?" Nag-angat ako ng tingin kay Phoenix na parang may iniisip. "Uy..." Siniko ko siya.

"No." Umiling siya. "What about you? Do you know her? It was so obvious, her face was shocked when she saw your face."

Umiling ako. "Baka pati siguro 'yon kilala ni Mama. Alam mo naman si Mama, lahat kilala no'n tapos ang dami rin nakakakilala sa kaniya." Pero ano kaya ang sinabi niya? Bakit kasi may pabulong-bulong pa. "Kain na tayo. Gutom na ako."

Tumingin siya sa Manager. "Fix this all." Tumango 'yong Manager.

Dumiretso kami doon sa bakanteng table. Ipinaghila niya ako ng chair kaya naupo na ako. Siya naman ay nasa harapan ko. Nagbaba ng menu 'yong babaeng hanggang balikat ang buhok. Tumingin ako ng pagkain. Ang mahal, ah. Grabe. Sagot naman ako dito ni Phoenix kaya ayos lang na umorder ako ng mahal 'di ba?

"What do you want to eat?" Tanong niya.

"Masarap ba 'tong Roast Beef Tenderloin with Red Wine Sauce?"

"That's the best seller here," si Phoenix ang sumagot. "Give us two Roast Beef Tenderloin with Red Wine Sauce and.... what do you want to drink?" Tumingin siya sa akin.

"Uhm, margarita-biro lang," bawi ko dahil sumerysos ang mukha niya. "Iced tea na lang."

Binalik niya ang menu doon sa babae. Mag-wait lang daw kaming dalawa kasi inihahanda na raw.

Sumagi sa isip ko 'yong babae. Hindi mawala sa isip ko 'yong binulong niya. Ano kaya 'yon? Dapat kasi sinabi niya straight from my face.

Hays, Monday na naman bukas. Pasok-pasok pa, mamamatay rin naman tayo sa dulo. Magme-meet up pa rin naman tayo ni Lord sa dulo, charot. Kailan natin grumaduate para naman matuwa ang parents natin sa atin!

"Hoy, Velasquez, 'di ba 'yong sinasabi niyo na underground is ngayong week na?"

Tumango siya. "Yeah. We back out on that. Well, some of the other gang were shocked because that's the first time we backed out."

"Gusto niyo talaga manalo, 'no?"

"Wala naman akong pakialam do'n. They already know that you're always with us and part of us. Baka mamaya habang nandoon kaming lahat, ikaw ang dakipin nila bilang panakot para matalo kami. So, I decided with Finn's wanted. Marurumi kasing makipaglaban ang karamihan sa kanila." Sumandal siya sa kinauupuan niya. "I want you to be safe, Miranda. "

Ano ba 'yan, wala akong masabi.

"Ah..." Tumango ako.

"And also, I want to hear it from your lips. No drunkenness and no consciousness. I want to hear it from you."

Naguluhan naman ako. "Ang a-alin?"

Tumitig lang siya sa akin at ngumisi.

Nakakatunaw ang titig niya. Mabuti na lang at dumating 'yong order niya kaya natigil ang ginagawa niya. Binaba ko ang tingin ko sa pagkain.

"Do you need anything, Mr and Mrs. Velasquez?" Nasamid ako kahit wala pa naman akong kinakain.

"Ay, ate, hindi ko 'to asawa!" Tinuro ko si Phoenix.

Nag-make face ang gunggong.

"What? You know how much it hurts when your wife denied you?" Umirap si Phoenix. "Damn, it hurts a lot."

"Kapal nito," bulong ko.

Hindi ko naman talaga siya asawa.

"Huwag niyo na pong i-deny, Ma'am." Natawa si Ateng Waitress. "Sige po tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo." Umalis siya sa harap namin.

Dumiretso ang tingin ko kay Phoenix. "Gago ka."

"Totoo namang asawa kita, 'di ba?"

Kinuha ko ang maliit na kutsilyo at tinapat sa kaniya. "Hindi tayo mag-asawa."

"Oh, come on. Stop denying it, baby."

Shit, naman, o.

"Ang lakas mong mang-asar. Saka, huwag mo akong tawaging baby." Hiniwa ko ang beef kaso nahihirapan ako. Uminom nalang muna ako ng iced tea.

Napatingin ako kay Phoenix nang walang pasabi niyang kinuha ang plate ko nang makitang hindi ko mahiwa ng maayos ang beef. Ipinaghihiwa niya ako habang abala siya sa pagsasalita.

"Hindi kita inaasar. I'm just stating the facts that you are my wife."

Napapatingin 'yong ibang mga customer sa amin at mahinang natatawa sa kagaguhan ng lalaking 'to. Panay ang asar niya habang kumakain kami. Hindi ko na lang siya pinapansin at tinapos na lang ang pagkain. Pero hanggang sa matapos wala siyang tigil. Hays, busog na busog ako!

"She's here again," bulong niya.

"Ha? Sinong she?" Tumingin ako sa tinitingan niya.

May babaeng pumunta sa direksyon namin. Inalis ko ang paningin doon at kinuha ang luxury card niya.

"Oh, 'yong card mo." Nilagay ko sa kamay niya 'yon pero binalik niya.

"Hindi na ako mag-babayad." Tumayo na siya.

Huminto siya sa tabi ko. Kinuha niya ang cellphone ko nang makitang may ginagawa pa ako.

"Ha? Pero kanina nagbayad ka noong kumain ako rito."

"Sa akin pa rin naman mapupunta ang ibabayad ko." Ay, may gano'n?

Sabagay, card niya nga pala ang gamit namin. Ibig-sabihin sa kaniya pa rin ang punta ng pera. Hindi ko 'yon naisip.

Tumayo na rin ako. Hinawakan niya agad ang kamay ko para sabay kaming lumabas kaso napatigil siya sa paglalakad dahil sa babaeng tinutukoy niya kanina. Nag-angat siya ng tingin sa babae. May edad na rin ang babae.

"Sugar Mommy mo?" Mahinang bulong ko bago lumapit doon sa babae.

"What the fuck?! Where did that come from? Fuck, I can't even digest it."

Tumawa ako at nagpeace-sign. "Joke lang."

Tumingin ako sa babae.

"Good Evening, Mrs. Alcazan." Bati ni Phoenix sa babae.

"Good Evening." Bati pabalik ng babae. "Why you rejecting my daughter? She's beautiful! She's a standard. Bagay kayong dalawa. You are both good for each other. You can marry each other."

Pinigilan ko ang sariling maubo. Arranged marriage ba 'to?

"Why?" Ulit ng babae.

"It's simple because I already have this beautiful girl beside me." Nilingon ako ni Phoenix. "She's a standard for me even though she's stubborn sometimes. She's a standard. She has everything, beauty and brains. She's beautiful with a heart. My Darlene is so beautiful."

Hindi naman ako makapagsalita. Iba talaga kapag nanggaling sa taong hinahangaan mo, 'no? Napupuno kasi ng kung anong saya ang puso ko tuwing naririnig ko siyang nagsasalita ng gano'n patungkol sa akin. Iyong walang halong biro o kagaguhan. Puno ng sincerity ang boses niya nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.

Hay, sinong hindi mahuhulog sa kagaya niya? Alam kong masyadong mabilis pero hindi ko talaga mapigilan. Ang hirap kapag kusang tumitibok ang puso mo sa taong hindi mo inaasahang magugustuhan mo.

"I don't want to be rude to you or to your daughter, but I don't like her and her attitude as well, Mrs. Alcazan." Marahang sabi ni Phoenix. "This woman is enough for me. She's enough, I was actually lucky to have her. I am lucky to have this girl in my life."

Parang kakapusin na ako ng hininga. Hindi ko alam ang sasabihin. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon. Baka kasi sinasabi niya lang 'yon para umalis ang babae.

Napasinghap naman 'yong babae sa narinig niya kanina. "Who is she then?"

"Asawa ko," sagot niya.

Lagi na lang 'yon ang sagot niya. Kapag ito nakarating kay Papa panigurado ng lagot talaga ako doon. Iisipin noon nagpakasal ako kahit hindi naman. Iisipin noon nagpakasal sa taong hindi ko kila-kilalang-kilala ko pala si Phoenix.

"Darlene Miranda." Hinalikan niya ang panga ko na ikinagulat ng babae sa harap namin.

Napakurap ako. Bumaba ang kamay niya sa baywang ko. Hindi ko na talaga alam ang ire-react ko ngayon.

Nag-salita agad ang babae kaya hindi ako nakapagsalita.

"Surname's familiar." Napaisip siya.

Lahat yata talaga kilala ang Miranda.

"I know! Serine Miranda! Are you related to her?"

Winner ka talaga, Mama. Ibang klase ka.

Tumango ako. "Oo este opo."

"That's her Mom. Now, will you excuse us, please?" Magalang na tanong ni Phoenix at dahan-dahan namang tumango ang babae. "Thank you, Ma'am." Tinulak niya palabas ang pinto at pinauna ako sa paglalakad.

Nang makabawi sa nangyari ay napahinga ako nang maluwag bago magsalita. "Kapag 'yon nakarating kay Mama."

"Ang alin?"

"Iyong sinasabi mong ako ang asawa mo, gago 'to. Halatang kilala niya si Mama." Kinuha ko na ang mga alaga namin kay Kuya guard. "Thank you po." Ngumiti naman si kuyang guard.

Naglakad kami papunta sa kotse niya.

"It's fine." Inakbayan niya ako kaya halos manliit na naman ako sa sarili ko. Ang tangkad ba naman niya, e, hanggang balikat niya lang ako. Hmp.

"It's fine ka diyan." Inisip ko ang mga pinagsasabi niya kanina. "Velasquez, 'yong mga pinagsasabi mo ba kanina, totoo 'yon?"

Tumango siya. "Yeah, do you think it's a joke?"

"Oo na hindi..." hindi ko na alam, tangina.

"Well, for you to know, Darlene. Totoo lahat ng 'yon. You are a standard. You are everyone's dream. Tsaka, totoo naman na maganda ka at may maganda ka rin puso. You want to join that competition because of Stella, right? You want to help her as much as you can. You even want to know how to play drums just to join that competition." Pinantayan niya ang paglalakad ko. "And you are a smart, loving person, bubbly, know how to play certain instruments, can sing, and know how to appreciate some things. Everyone is dreaming of a person like you."

Nahinto ako sa paglalakad at gano'n rin siya. Napatitig ako sa mga mata niya. Lumandas ang ngiti sa labi niya baho ako hilahin para sa isang yakap gamit ang isang kamay. Naipit pa si Lucy dahil nasa gitna namin. Hinaplos niya ang buhok ko gamit ang palad.

"And, yes, you are enough," dinig kong bulong niya. "You are my standards, Miranda." Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 64.4K 199
Cursed to live over and over again, falling in love with Slytherins over the decades. It was practically destiny for Kirra Potter and Mattheo Riddle...
1.1M 37.7K 61
WATTYS WINNER When her fiancΓ© ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...
Villa Teufel By _gemini_

Mystery / Thriller

351 11 4
Aya, a young woman searching for a job, stumbles into Villa Teufel. But as she explores the dark corners of the villa, she stumbles upon a series of...
Alexandra Rose By <3

Teen Fiction

274K 8.2K 45
It's been ten years since the Stones family lost their little girl. In those ten years, Alexandra Rose has grown up with an abusive foster father wh...