The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

4.7M 106K 20.7K

Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
The Girl in Worst Section: Special Chapter Edition Book
Special Chapter

Chapter 38

36.2K 837 92
By whixley

Chapter 38: Mother

Gianna

Akala ko talaga kanina, wala na si Darlene. Akala ko patay na siya. Para rin kasing tanga 'yong doctor, sabihin ba namin sa amin ang gano'n? Sino ang hindi maiiyak? 'Yong Papa niya hindi na rin mapigilan ang pagluha. Sino ba namang hindi maiiyak kapag nalaman mo na ang anak mo ay namatay? Tapos babawiin pala dahil joke lang.

Sobrang sama tuloy ng tingin ng mga kasama namin sa kaniya kanina. Panay rin ang hingi ng sorry ng Doctor.

Pero shit lang dahil talagang nakakagalit ang nangyari sa kay Darlene. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Hindi niya kilala ang mga taong gumawa no'n sa kanya.

Namumuhay lang siya ng maayos pero may biglang susugod at tatangkain na patayin siya. Hindi ko rin naman alam ang dahilan kung bakit siya ang target. Wala rin naman akong alam. Walang sinasabi sa amin si Darius.

"Ampucha talaga nitong lalaking 'to." At 'yon na naman ang malulutong niyang mura.

Nakatingin siya sa cellphone at halatang may ka-text. Parang hindi siya binaril sa likod at sa kanang braso dahil sa sobrang likot niya. Panay rin ang alis niya sa kama.

"Masasapak ko talaga 'tong si Velasquez," napatigil siya nang tumunog ang cellphone niya.

At nga pala umalis din ang lahat ng kaklase ni Darlene para puntahan si Dash, critical ang lagay niya ngayon ayon sa kanila. Nabaril raw siya at malapit sa puso. Hindi muna nila sinabi kay Darlene para hindi mag-alala kaso mukhang malakas talaga ang istinct nitong babaeng 'to dahil kanina pa niya napapansin.

"Oo na! Para kang ewan, hindi mawala sa isip mo, e, 'no? Bahala ka nga, papatayin ko na." Binaba niya ang cellphone. "Tangina, nakalimutan ko pang tanungin." Napairap siya."Nasaan ba si Dash? Siya lang ang hindi pumunta rito." Tumingin siya sa direksyon ko.

Nasa private room na siya ngayon. Ayaw niya na sa ICU siya dahil mukha raw siyang tanga roon at bilang lang daw ang pwedeng pumasok.

Umalis ang dalawa niyang kapatid kasama ang Papa niya. Umalis din si Lian kaya ako lang ang natira rito. Gusto ko siyang bantayan, actually. Hindi pa rin pala ako nakakatulog dahil sa ingay niya. Grabe rin kasi ang babaeng 'to. Hindi nauubusan ng energy!

"Ewan ko nga po," sagot ko at humiga sa sofa.

Sa ibang kwarto dinala si Dash para ma-monitor ng maayos. Baka sumugod siya doon kapag nalaman niya. Hindi pa siya pwedeng kumilos baka bumuka ang sugat niya.

"Tss," aniya. "Tulungan mo na lang ako humiga. Inaantok ako, e."

Tumayo ako at dumalo sa kaniya. Dahan-dahan kong tinanggal ang unan sa likod niya at nilagay malapit sa ulo niya. Maingat ko siyang tinulungan at hiniga ng maayos. Napadaing siya ng madali ko ang braso niya. Nag-peace sign ako at nag-sorry.

"Iwan na kita, ah?" Tumango siya.

Pinatay ko rin ang ilaw para makatulog siya pero kinuha niya pa rin ang cellphone sa gilid nang umilaw. Hinayaan ko na lang siya at tuluyang lumabas.

Napahikab ako. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Napamura ako nang makita ang oras. 9:54 na pala ng umaga?! Hindi ko man lang napansin. Kahapon pa ako rito! Ni walang ligo at kain. Nasobrahan ako sa pagbabantay sa kaniya. Nakalimutan ko rin na may klase pa ako!

Pumunta ako sa canteen ng hospital para bumili ng pagkain. Kahit hindi ko gusto ang pagkain rito wala na akong choice. Gutom na gutom na ako. Bumili ako ng kape at tinapay na kinulang sa palaman.

Dumaan ako sa private room kung nasaan si Dash. Sumilip ako sa salamin at nakita kong may mga aparato na nakalagay sa kaniya. Napansin kong nasa loob sila Phoenix at may pinag-uusapan na seryoso. Pero si Phoenix nakatutok sa cellphone at parang natutuwa pa.

Nawala lang ang mahinang tawa niya sa labi nang tangkain na silipin ni Harvey ang cellphone niya, naging seryoso tuloy ang mukha niya habang masama ang tingin kay Harvey.

Napansin nilang nandito ako kaya napatingin sila sa akin. Tinaguan ko sila bago tumuloy sa paglalakad pero may tumawag sa akin kaya lumingon ako.

"Hoy," tawag ni Harvey.

"Oh?"

"Sino ang kasama ni Darlene sa kwarto niya?"

"Wala pero tulog siya," sagot ko at sumandal sa pader.

"Hindi 'yon tulog... may ka-text, e," si Finn.

"Natutuwa pa nga sa ka-text niya tapos 'yong isa parang kinikilig pa..." Gatong ni Renz.

Wala rito si Phoenix kaya hindi niya naririnig ang lahat ng comment ng mga 'to.

"Tinatanong niya kung nasaan si Dash. Sa tingin ko, kailangan niyong sabihin sa kaniya. Nag-aalala, e," pag-iiba ko ng topic.

"Ayaw nga ni Nix na nag-aalala ang kaniyang crush kaya ayaw niyang ipaalam."

Napatingin ako kay Harvey.

Crush? Si Phoenix lang naman ang kilala kong tinatawag niyang master. Crush ni Phoenix si Darlene? Nasa labas na siya kaya narinig niya ang sinabi ni Harvey. Nasa labas na rin pala ang iba niyang kasama.

"Fuck you." Masama ang tingin ni Phoenix sa iba.

"Haha, joke lang." Tumawa si Harvey.

Pansin kong namula ang tainga at mukha ni Phoenix. Anak ng... May crush nga yata ang lalaking 'to kay Darlene.

"Yieee... namula," asar ni Finn. "Ipupusta ko talaga ang mga pera ko kapag nalaman kong may crush ka kay Darlene!"

Nag-taas lang ng gitnang daliri si Phoenix at mabilis na naglalakad palayo.

"Ayie! Kilig ka Nix?! Parang kanina lang—" Napatigil sa pagsasalita si Finn nang inis na sumigaw si Phoenix, buti na lang walang tao rito.

"Shut your fucking mouth, Marquez!"

Nagtatawanan lang ang mga 'to bago sumunod sa kaniya. Sumunod rin ako dahil sa kwarto ni Darlene ang punta nila.

"Nix, promise hindi ko sasabihin. Crush mo si Darlene?" Pangungulit ni Arvin.

Hindi siya pinansin ni Phoenix.

"Silent means yes!" Sabi nila.

"Crush mo si Darlene, ha!" Pang-aasar ni Gael.

"I don't have a crush, idiots. But I can crashed your fucking faces using my bullets." Naglabas ng baril si Phoenix.

"Hehe... Nix, biro lang," kaagad namang binawi ni Gael ang sinabi niya at gano'n rin ang iba.

"Kumusta nga pala si Dash?" Sabat ko na bago pa gatungan ng iba.

"He's doing fine. Kailangan niya lang ma-monitor hanggang magising siya," sagot ni Trevor.

"Iyon lang, galit na galit talaga si Tita Dahlia. Gusto niyang hanapin ang taong may gawa nito sa anak niya, kay Dash," sambit ni Owen. "Pinapahanap na nga ni Tita, e, at higit sa lahat ay may katulong si Tita. Hindi lang namin alam kung sino. Ang secretive talaga nila."

Natahimik naman ako. Bakit pati mga magulang nitong mga 'to, e, ang misteryo ng pagkatao? 'Yong ina ni Darlene at Darius ang misteryoso rin. Hindi ko kailanman nakita ang pagkakakilanlan ng Nanay nila. Kahit sa files na binigay ni Darius sa akin.

Sa bagay, gano'n rin minsan ang Mommy ko. Ni hindi ko alam ang iba niyang trabaho bukod sa pagpapatakbo ng kumpanya. Minsan na rin lang naman kasi kami mag-kita sa bahay.

Namataan namin sina Lian na papunta sa direkyon namin kaya sumabay rin sila. May dala pang prutas.

"Uy, pahingi!" Kinuha ni Renz ang isa pero pinitik ni Zay.

"Gago, hindi 'to sa 'yo." Nilayo niya ang basket.

"Madamot ka lang!"

Napailing na lang ako.

Wala pa kami sa pinto ng kwarto ni Darlene nang makita namin ang isang maganda at matangkad na babae. Nakatayo ito sa harap at halata sa mukha ang pagiging galit. May nakaupong tatlong lalaki sa harapan niya at parang mga tutang nakikinig sa amo nila.

"Mama, relax lang," awat ni Darius.

"Relax?! How can I relax?! Tangina, nabaril lang naman 'yong kapatid mo!" Kunot noong sabi ng babae.

"She is fine, Serine. Don't worry," sabat ni Tito kay lumipat ang paingin niya rito.

Mama 'to ni Darius?! Siya 'yong asawa ni Tito Dylan?!

"Manahimik ka." Masama ang tingin ni Mrs. Miranda kay Tito Dylan.

"Para siyang si Darlene," bulong ni Arvin.

Sumang-ayon ang lahat sa kaniya. Totoo, para siyang si Darlene. Parang naririnig ko ang malutong na mura ni Darlene kay Mrs. Miranda.

"Kahit pa na ayos lang si Darlene, kung hindi sila mawawala ay hindi sila titigil. Lalo na't nais nilang patayin ang kapatid niyo." Nilipat niya ang tingin kay Darius at Drake.

"We know that, Mama," sagot ni Drake. "Hindi 'to mauulit. Hindi lang talaga namin alam kung paano nakapasok ang mga 'yon sa village. I thought that village is secured."

Napaisip ako. May tangka talaga sa buhay nitong si Darlene? Lero bakit? At para saan? Maging ang mga kasama ko ay nagtataka rin. Hindi nila ang rason.

"Alam kong may ginawa sila pero wala na akong pakialam. I will make sure this is the last. Hindi na ito mauulit. At alm ko na kung paano sila gagantihan sa ginawa nila sa anak natin. Just relax," pagpapakalma ni Tito Dylan sa asawa.

Tumigil kami sa harap ng pinto kaya napatingin sa amin si Mrs. Miranda. Siya nga talaga 'yong nasa cellphone ni Darius. Walang duda, ang ganda ng Nanay niya!

"Sino naman ang mga 'to?" Tanong ni Mrs. Miranda pero hindi ako convinced na hindi niya talaga kami kilala.

Tumayo si Darius. "Those are Darlene's classmate except to this girl and these boys." Turo ni Darius sa akin at kila Zay. "I know you know them, stop acting." Tinikom ni Darius ang bibig nang tumingin sa kaniya si Mrs. Miranda.

Isa-isa ang tingin niya sa amin. Napalunok pa ako dahil sa paraan ng tingin na 'yon. Nawala ang tingin ko sa kaniya nang lapitan siya ni Phoenix, ganoon rin si Trevor. Nagtaka naman kami. Close sila?

"It was nice to see you again, Phoenix and Trevor." Simpleng ngumiti si Ms. Serine.

"It was nice to see you again, too. Mrs. Miranda," bati ni Trevor.

"Nice to see you again, too, Tita Serine," bati ni Phoenix at simpleng ngumiti.

Nuxs, galing, ah. Lakas maka-Tita, close nga talaga sila.

"We have a discussion later including all of your members.." Isa-isa niya kaming tiningnan. "Lahat papupuntahin niyo dahil hinding hindi ko 'to palalampasin. Dylan, prepare all what you have and Drake give me their names."

Tumango na lang kami dahil seryoso ang mukha niya. Mukhang hindi lang siya basta-basta dahil may laman ang bawat salita niya.

"I forgot your name. What's your name again?" Tanong niya sa akin.

Naguluhan naman ako.

Hindi ko naman binibigay sa kanya ang pangalan ko, ah? Kaya bakit niya sinasabi na nakalimutan niya? So, ibig sabihin alam niya una palang?

"G-Gianna Amethyst Wong," sagot ko.

Should I say my code name?

Napaisip siya sandali bago tumango. "Wong? Okay. Gayahin mo ang magulang mo na marunong sa lahat. I'm sure you can surpass them."

Napakunot ang noo ko. Kilala niya si Mommy?

"Don't mind my wife, Gianna," sambit ni Tito Dylan pero nakatanggap siya ng matalim na tingin mula sa asawa kaya tumahimik siya.

Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila. Alam kong hindi lang ako ang naguguluhan tuwing nag-sasalita si Mrs. Miranda. Pati ang mga kasama ko. Kilala siguro ni Mrs. Miranda ang mga parents namin? Hay, parang kilala niya ang lahat. Kay Phoenix naman hindi lang parents niya ang kilala, pati kapatid ni Phoenix, e, kilala.

Kinumusta pa nga.

Si Trevor at Phoenix ay kilalang-kilala ni Mrs. Miranda. Parang matagal na silang nagkikita at nagkakilala sa paraan ng pag-uusap nilang lahat.

"Shit naman!"

Naputol lang ang pag-uusap nila nang may marinig kaming malakas na boses mula sa kwarto ni Darlene. Sobrang lakas naman ng boses nitong babaeng 'to. May narinig rin kaming pag-basag ng gamit kaya pumasok sa loob ang magulang niya. Nasa likuran kaming lahat at nakasunod.

Naabutan namin si Darlene, may hawak siyang cellphone habang masama ang tingin. Parang handa na siyang sumabak sa away sa paraan ng tintin na 'yon. Nag-angat siya ng tingin pero agad na napatigil nang makita si Mrs. Miranda.

***

Darlene

Kanina pa ako nagmumura sa isip dahil sa inis. Tangina! Tangina talaga sagad! Bwisit na cellphone 'to, ang lag! Ang sarap ibato. Hindi ako makatulog kanina noong umalis si Gianna kaya nag-cellphone na lang ako.

Ka-text ko pa nga si Phoenix, e, kaso puro kagaguhan lang laman lahat ng messages niya. Pinapatulan ko na lang tutal nakakatawa at nakakainis at the same time. Hindi siya nag-reply sa huling message ko, hindi ko alam kung bakit.

Saka kanina pa ako naglalaro rito kaso nakakaasar! Ang lag. Nabato ko tuloy sa inis ang baso at tumama sa pader kaya malakas na tunog ang nangyari.

"Shit naman!" Binato ko ang pitcher na babasagin sa pader.

Ang lag kasi talaga. Naglalaro ako tapos ang lag. Gusto ko magmura nang magmura dahil sa inis.

Nakakainis naman 'tong cellphone na 'to. Nag-try kasi ako mag ML kaso ang lag. Naiinis ako. Ang bagal ng signal ng wifi ko. Fake iyong mga ads na napapanood ko sa Facebook.

May bumukas ng pinto kaya nag-angat ako ng tingin pero halos lumuwa ang mata ko nang makita si Mama kasama sila Papa. Tumingin sila mga nakakalat sa sahig bago lumapit sa akin.

"Darlene..." ramdam ko ang panginginig sa boses niya pero hindi ako nagpatinag.

Parang bumalik lahat ng nangyari sa restaurant. Inalis ko ang tingin sa kaniya para ibaling sa harap.

"Ano bang nangyari rito?" Tanong ni Arvin bago kumuha ng walis at dustpan. "Bakit ang daming basag?"

"Naiirita ako, okay? Ito kasing signal sa cellphone ko ang bagal, bilihan niyo nga ako para hindi na mabagal." Lakas maka-request, e, ano? Akala mo may patago.

Napailing ang ilan sa kanila. Nakita ko naman ang tawa ni Gianna. Napansin kong kinuha ni Phoenix ang cellphone niya at parang may tinetext. Saktong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko.

Nag-text pa nga.

"Nasa harapan na lang nagte-text pa." Pekeng ubo ni Harvey.

From: Phoenix
How many do you want?

Nanlaki ang mata ko pero sinakyan ko ang trip niya.

To:Phoenix
Hmm, marami sana. Afford mo ba?

From: Phoenix
Of course, for you. I can afford it.

Ay, yaman niya talaga.

Tinago ko ang cellphone ko. Ang lapit lapit lang namin sa isa't isa pero nagme-message pa. Sumulyap pa muna siya sa akin kasabay ng pag-angat ng kilay niya. Umiwas ako ng tingin.

Nag-angat ako ng tingin kila Papa. Balak ko na sanang magsalit kaso naunahan ako ni Mama. Wala akong nagawa kung hindi ang manahimik.

"How are you feeling? May masakit ba sa 'yo? Ano?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Wala," sagot ko. "Mukha bang may masakit sa akin? Wala naman, 'di ba."

"Are you sure?"

"Oo nga. Ang kulit mo," nadagdagan lang ang inis ko.

"Darlene," saway ni Papa.

"E, wala nga na masakit sa akin." Dumiretso ang tingin ko kay Mama nang mapansin ang pag-luha niya pero mabilis niya 'yong pinahid.

Masakit ang sugat ko pero konti lang. Hindi kagaya noong nabaril ako. Sobrang sakit talaga at halos mamatay na ako buti na lang talaga ay hindi. Ayoko pang mamatay, 'no.

At hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung sino ang mga 'yon. Bakit naman kailangan nila akong barilin? At si Papa at Kuya, nakita kong may mga hawak na baril. Aware naman ako sa bagay na 'yon pero makita na ganoon sila katindi magalit ay hindi ko expected. Iyong willing talaga sila pumatay para lang.

Hindi ko rin makakalimutan kung paano ako naguluhan nang may tumawag sa pangalan ko. At masasabi kong sobrang liwanag sa lugar na 'yon at sobra ang takot ako. Siguro... langit iyon? So, hindi pala talaga ako sa impyerno mapupunta? I'm so blessed. Hindi ako demon.

Sabi sa inyo ay anghel ako, e. Akala niyo, ah.

"Gusto ko lang malaman kung sino ang mga 'yon," panimula ko dahilan para tumingin sila sa akin. "Bakit trip yata nilang patayin ako? At throne? Naka-shabu yata ang mga taong 'yon. Ay, hindi yata shabu sininghot nila, kung hindi katol. Naka-droga, amp."

Nagtawanan naman ang mga ugok sa sinabi ko.

"Gawain ni Quintos 'yan! Suminghot ng katol oras-oras!" Malakas na tumawa si Dice.

"Kidding aside muna! Ano kasi 'yong throne? Mukha ba akong may pera? Kung makahingi akala mo mayaman ako, kinse na nga lang ang mayroon ako. Paano, gastador ako. Edi sana kung gusto nila ng pera ay kay Papa sila humingi. Ayan, o, business man 'yan at may company, CEO pa," ngumisi ako.

Napailing si Papa sa sinabi ko pero malalim ang iniisip niya. Tumingin ako sa iba at parang pinoproseso ang mga sinasabi ko.

"They also said about Heiress. I think they are referring to you," dagdag ni Phoenix.

"Yea, they really want you to die but die for what?" Tiningnan ako ni Trevor.

Ako?! Grabe naman, gusto talaga nila akong patayin? Huwag naman, sayang ang ganda at lahi ko.

"Malalaman niyo rin ang lahat pero hindi pa ngayon. Ang una niyong priority ay ang pag-aaral ninyo. Sa ngayon, huwag niyo munang intindihin 'yon. I will discuss some stuffs later," sagot ni Mama. "Everything is gonna be alright. Not now but soon."

Naguluhan ako. Anong idi-discuss niya sa mga 'to? Teacher na rin siya ngayon? Wow, multi-tasking pala ang ferson, e.

Minsan na nga lang bumalik magdadala pa ng sikreto.

Walang nagawa ang lahat kung hindi ang sumang-ayon. Hindi na rin naman sila nag-tagal sa kwarto ko. Ngayon ko lang napansin na wala pa rin si Dash. Nasaan na kaya siya? Pakiramdam ko talaga may nangyaring hindi maganda sa kaniya.

Sinubukan ko rin siya i-text kanina kaso hindi nagre-reply, e. Kaya si Phoenix na lang ang tinext ko.

To: Phoenix
Hoy, nasaan si Dash?

Mabilis naman siyang nag-reply.

From: Phoenix
Wala. Tulog.

Kumunot ang noo ko. Grabe, dalawang salita lang talaga? Hindi naman siya siguro nagtitipid, 'no?

To: Phoenix
Ang tipid mo naman sa text. Pangit mo ka-bonding. Hmp.

Mukhang sinasaniban ng magandang espiritu si Phoenix, ang bilis magreply.

From: Phoenix.
You want us to bond? I'm free.

To: Phoenix.
Hi, Free!

"Who the hell is your text mate?" Tanong ni Kuya.

Hindi ako nakasagot dahil busy ako sa kakareply.

From: Phoenix
Stop being a philosopher or else I'll drag you here and kiss you.

Aba't gago nga. Nah-send ako ng angry emoji sa kaniya bago patayin ang cellphone.

"Si Velasquez, okay? May tinatanong lang ako sa kaniya." Nasaan kaya si Dash? Alam niyo, pakiramdam ko ay lumalayo si Dash sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit.

"Lin, uhm, how are you feeling?" Kasabay ng tanong ni Mama ay ang alaala na nangyari sa aming dalawa noon.

“I don’t... I don’t know her. She’s not. She’s not my daughter. Hindi ko siya kilala.”

Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Ang sakit pa rin talaga kapag naaalala ko ang pangyayaring 'yon.

"Okay na pero masakit pa rin ang sugat ko, mas masakit nga lang 'yong ginawa mo," sabi ko na halos ikatigil niya.

Pati si Darius ay napatigil dahil sa sinabi ko. Si Mama naman ay nasa harapan ko. Kusang lumandas ang luha sa pisngi niya. Pinatong niya ang hawak na bag bago ako lapitan.

"Darlene, h-hindi ko intensyon na gawin iyon. I had to do that because of a reason. I denied you because of—"

"Pero masakit pa rin. Tinanggi ka ng sarili mong ina? Hindi mo alam ang sakit na naramdaman ko noong araw na 'yon. Dalawang taon na yata ang lumipas pero nandito pa rin iyong sakit." putol ko sa sinasabi niya. "M-Magpapahinga nalang muna ako, Papa." Hindi ko na hinayaan siyang sumagot.

Nahiga ako sa kama bago mapapikit kasabay ng pagbalik ng mga nangyari noon.

"Mama..." sabi ko nang makita siya. Hindi ko napigilan ang hindi siya yakapin. "Mama, miss na miss na kita..." umaasa akong yayakapin niya ako pabalik pero hindi niya ginawa. "Mama, hindi mo ba ako na-miss?" Nag-angat ako ng tingin.

"Mama? Serine, you have a daughter?" sambit ng isang lalaki.

Tumingin si Mama sa akin. Ngumiti ako pero nang marinig ang sinabi niya ay kaagad na naglaho ang ngiti ko.

"N-No..." sagot ni Mama na halos ikadurog ng puso ko. "I don't... I don't know her. She's not. She's not my daughter. Hindi ko siya kilala," umiling si Mama na para bang hindi niya talaga ako kilala.

Napaatras ako sa sagot niya.

"Mama..." bulong ko, unti-unti nang bumibigay ang dibdib ko.

"I'm sorry... baka nagkakamali ka lang..."

Inalis ko ang luha sa pisngi. Huminga ako nang malalim. Siguro bukas nalang kami mag-uusap. Nabigla kasi talaga ako sa pagdating niya ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

379 245 82
find solace and strength in the unwavering peace of Jesus Christ.
6.1K 127 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.
1.2K 182 45
There is another dimension beyond that which is known to fictional characters. A collection of short stories, poems, snippets, vignettes, and everyth...
543K 6.7K 93
"Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal tersebut me...