The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

4.7M 106K 20.7K

Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
The Girl in Worst Section: Special Chapter Edition Book
Special Chapter

Chapter 26

37.7K 1K 299
By whixley

Chapter 26: Beautiful

Kanina pa nila ako nire-review dito at parang dudugo na ang utak ko sa sobrang dami. Akala ko mga gago lang sila pero may ibubuga rin pala. At kaya pala laging may medal at certificate si Finn dahil matalino siya. Totoo ang chismis, magaling siya.

Tapos sa English daig pa ni Harris si Google. Kingina. Dudugo na rin yata ang ilong ko. Bakit ba kasi nauso uso 'yang mga English na 'yan? Sakit sa brain.

"Bilis na." Itinuro sa akin ni Finn ang iso-solve. "Madali lang 'yan. Hahanapin mo lang 'yong NTH term ng Geometric sequence." Nakaturo siya sa papel. "Progression with two terms."

Tangina! Hindi ko nga kabisado ang multiplication table, e. Tapos ito ring Geometric Terms hindi ko magawa-gawa! Nakakabobo.

"Ayoko na," naiiyak kong sinabi. "Pakiramdam ko dudugo na ang utak ko."

"Just do it," sambit ni Phoenix. "You just need to concentrate."

Kanina ko pa 'yon ginagawa kung alam lang nila. Nakaka-apat na subject na ako pero parang hindi napapagod ang utak nila. Napapatango na lang ako kapag tinatanong nila ako. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot ko.

"Tanginang math 'to, ang hirap," bulong ko.

"Huwag ka ngang mag-mura." Inirapan ko na lang si Dash.

"Ganto lang 'yan." Kinuha ni Arvin ang papel. "Ang una mong gagawin para makuha ang nth term, kailangan mong i-calculate ang ratio r sa pamamagitan ng pag-didivide."

"Ha?" Tanong ko.

Wala akong maintindihan.

"Idi-divide mo siya sa second term by the first term," sabat ni Harvey.

Hanu daw?

"Tapos gamitin mo ang First Term A sa—" pinutol ko ang sasabihin ni Trevor.

"Ayoko na!" Tumayo ako. "Sakit na ng brain ko dahil sa mga pinagsasabi niyo. Next time na lang ulit."

Napangiwi si Dash sa sinabi ko. Palibhasa alam na nila kaya hindi sila nahihirapan.

"Okay, next time," sang-ayon ni Phoenix.

Buti pa 'to tamang sang-ayon lang lagi sa sinasabi ko. Minsan nga mautusan ko siya, parang susunod siya lahat ng sasabihin ko.

"Ano ba 'yan!" Reklamo ni Arvin. "Gustong-gusto ko pa namang makita siyang nahihirapan."

Kinuha ko ang pillow at binato sa kaniya. Ang sama ng ugali nitong lalaking 'to. Kaya hindi siya pinapansin ng crush niya, e.

Karma.

Niligpit nila ang mga papel na nakakalat sa glass center table at sahig. Kumuha si Harris ng walis para walisin ang mga maliliit na papel sa sahig at iba pang kalat. Nagbabatuhan kasi sila ng mga papel tapos 'yong kay Finn may laway. At ang iba naman ay nag-iingay.

Hinanap ko ang cellphone ko sa iba't-ibang sulok kaso wala. Tiningnan ko rin sa mga tabi ng mga frame picture dahil baka naipapatong ko pero wala rin.

Napakamot ako sa noo ko. Nasaan na 'yon? Pinatong ko lang 'yon sa table, ah?

Napatingin ako kila Dash na nakaupo sa mahabang sofa. Pinag-gigitnaanan siya ni Harvey at Arvin.

Pansin kong may hawak silang cellphone.

Hindi kaya sa 'kin 'yon?

Lumapit ako sa kanila at tama nga ako! Cellphone ko ang hawak nila. Hinablot ko 'yon sa kamay ni Dash kaya napaangat sila ng tingin.

"Kanina ko pa hinahanap nasa inyo lang pala." Tiningnan ko ang ginagawa nila sa cellphone ko. "Bakit niyo binabasa ang mga messages ko at mga chat sa messenger?" Paano ba naman kasi nakabukas pareho.

At 'yong binasabasa nila, e. 'Yong chats namin ni Gianna.

"Wala lang."

"Bakit kayo magka-chat ni Gia?" si Harvey nang tingnan ako. "Siya iyong babae noong isang araw, 'di ba?

"Oo, pero hindi ko alam kung bakit niya ako china-chat. Ang lakas nga ng trip, e," sagot ko naman. "At kaaway niyo pala siya? Nalaman ko lang noong magka-chat kami." Bukod sa kalandian niya ay may sinasabi rin siya sa akin.

"Ah, parang ganoon na nga..." tumatangong sinabi ni Dash. "May sinabi ba siyang iba? Uh, but do you know, she's part of blazers?"

"Wala naman." Wala siyang nababanggit na gano'n.

Napatango naman sila. "Puro kaharutan lang alam ni Gia, nabasa ko," komento ni Harvey.

"Pero guys, tanong lang, aside kay Gia. Sino iyong iba pa niyang kasama? Tsaka, lahat ba sila kilala niyo? Tsaka, alam niyo, na-curious ako bigla. May dating kaibigan ka raw, sino?" Tanong ko sabay lingon kay Phoenix.

Hindi naman niya sinagot ang tanong ko. Ano ba 'yan, ang unfair talaga nito, para sagutin lang, eh. Anyway, baka ayaw niya lang talaga.

Hindi ko na pinansin at tiningnan na lang ang cellphone ko nang may mag-pop na picture which is si Gianna.

Gianna Wong:
Hi, baby D.

Napa-ew ako.

Ewan ko ba sa babaeng 'to. Ang ganda gandang dilag pero babaeng dilag rin ang nais. At ako pa yata ang napagtripan.

Darlene Miranda:
Huwag mo aq tawagin niyan. Bblock kita o kaya Isusumbong kita kay Kuya.

Syempre joke lang 'yon. Ano namang pakialam ni Kuya sa mga ganito.

Gianna Wong:
Huwag! Ito naman, joke lang. Masakit pa naman sumampal si Darius.

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Agad akong nag-chat nang mabasa ang pangalan ng kapatid kong si Darius. Hindi naman siya ang tinutukoy kong Kuya, kung hindi si Kuya Drake.

Nadulas, ah.

Darlene Miranda:
Kilala mo ang kapatid ko?

Mukhang matagal siyang makakapagrelpy dahil biglang nag-active 1 minutes ago. Nakakaasar!

"Wala na ba tayong gagawin?" Tanong ni Dice.

Ako, wala na, ay mayroon pa pala. Hindi pa ako naliligo, hehe. Sumagot sila ng wala kaya ayan, happy-happy naman ang gago.

"Punta tayo sa Downtown BGC, nandoon daw sila Rafael. Hindi rin pumasok 'yong dalawa, e," dagdag ni Dice.

"G." Sang-ayon nilang lahat.

Sumang-ayon na silang lahat samantalang ako nakatingin pa rin sa cellphone ko at hinihintay ang reply ni Gianna.

Alam niyang kapatid ko si Darius? At kilala niya rin ang kapatid ko? Unti-unti naman na may pumasok na kung ano sa isip ko. Ang ibig-sabihin lang no'n ay si Darius ang 'he' na tinutukoy niya? Tama ba ako? Matalino na ba ako sa prediction ko?

Darlene Miranda:
Hoyyyyy!! Sagutin mo ako!!!!

"Sasama ba you?" Tanong ni Harvey.

"Sasama ako," sagot ko sa tanong ni Harvey. "Maliligo muna ako, hindi pa ako naliligo, e."

Napahawak naman siya sa ilong niya. "Kaya pala may naamoy ako, ikaw pala 'yon?"

Mabilis naman sila na nagtawanan.

"Pakyu!" Sagot ko. "Ulol, mabango kaya ako kahit hindi ako maligo." Binaba ko ang paningin sa cellphone.

Gianna Wong:
Sorry, jumebs kasi ako. Oo, 'yong sagot ko sa unang tanong mo.

Napangiwi ako sa unang reply niya pero agad rin napaisip.

Darlene Miranda:
Gano'n?

Gianna Wong:
Oo. Gusto mo ba siya makita?

Darlene Miranda:
Hindi na. Ayoko siya makita.

Pinatay ko na ang cellphone ko matapos mabasa ang sagot niya. Sinabihan kong dito muna sila sa sala at manood ng TV habang naliligo ako. Hindi naman sila nag-reklamo at kumuha pa ng kakainin sa pantry.

Dumiretso na ako sa taas. Habang naliligo, hindi ko mapigilan ang hindi mag-isip. Kaaway ng mga 'to iyong mga tao noong nakaraan? Iyong mga kasama ni Gianna? At kung alam ni Gianna na kapatid ko si Darius, edi hindi malabong kilala rin ni Phoenix ang kapatid ko?

Dahil kung kilala nila sina Gianna, edi tama nga ako. At kung kaaway nila 'yon, isa lang ang ibig sabihin nito... kaaway ni Phoenix ang kapatid ko? At kung oo, bakit at paano?

Hay, pinapahirapan ko lang ang sarili ko, e, wala naman akong sagot na makukuha.

Mabilis na ligo lang ang ginawa ko para naman hindi sila mabored lalo na ang lalaking nag-ngangalang Phoenix Ryler Velasquez.

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad kong kinuha mula sa vanity table.

From: Unknown Number
Hey, don't wear short clothes.

Kumunot ang noo ko. Ito 'yong number na tumawag sa akin. Ito 'yong number na halos sigawan ko kaso walang nag-salita at inakalang number ni Harvey.

From: Unknown Number
This is Phoenix by the way.

Ah, si Phoenix pala 'to. And, FYI, hindi ako sanay magsuot ng maikli. Napipilitan lang talaga ako minsan dahil wala na akong masuot.

Nagsend ako ng 'okay' emoji sa kaniya.

Kinuha ko ang black jeans at loose t-shirt na kulay puti. Sinuot ko ang damit bago kunin ang maliit kong suklay. Naglagay ako ng konting powder sa mukha. Nang matapos ay bumaba na ako habang sinusuot ang sling bag ko

"Tara na," sabi ko habang pababa sa hagdan.

Nakatingin lang sila sa akin habang pababa ako. Muntik nang malaglag ang pagkain sa bibig ni Gael nang makita ako. Problema ng mga 'to? At mga nakatitig sa akin.

"Hoy!" Pumalakpak pa ako ng tatlong beses.

"Inlab na yata ako sa 'yo." Binatukan ko si Harvey nang marinig ang sinabi niya.

"Hindi magandang joke 'yan," sabi ko. "Tara na."

"Ang pangit mo," komento ni Phoenix.

Pangit... nakatitig ka nga.

"Sige, kunwari hindi ka tumitig sa pangit na 'to," ngumisi ako.

Hindi naman siya nagsalita. Natawa naman ako

Nagpaalam na ako sa mga maids na aalis na. Gumawa ako ng GC para sa aming tatlo nila Papa at Kuya para isang text lang ang gawin ko.

Darlene: hehe punta aq bgc with hamogs XD

Drake: With who?

Darlene: sina nix HAHAHAHA punta ako dun, ha. Papa, baka sabihin mo di ako nagpaalam, ah. Nagpaalam ako. 🫶🏻😓

Dylan: Okay, I saw it. Take care and be safe. I love you.

Drake: Next time, fix your typings, Lin. Anyway, just take care.

Binaba ko na ang cellphone ko. Sumunod ako sa labas kung nasaan sila. Sa kotse ako ni Dash nakisakay dahil doon ako niyaya nila Harvey. Hindi kasi kasya sa Ferrari ni Phoenix, e. Apat lang rin ang dala nilang sasakyan.

"Lakasan mo 'yong aircon mo, Dash. Para kang si Phoenix, tipid na tipid sa aircon," sambit ko habang nakatutok sa cellphone.

"Oo nga. Ang init dito, o!"

Anim kami sa loob. Sa likod sina Harvey, Arvin, Gael at Owen.

"Ang sikip!" Reklamo ni Owen.

"Ang arte mo naman parang hindi ka sanay sa masikip," sabi ni Gael.

Muntik na akong masubsob nang biglang prumeno si Dash.

"Tarantado talaga 'yang bibig mo, 'no?! Tatapalan ko 'yan ng duct tape," iritadong sinabi ni Dash.

"Ano bang sinabi niya na ikinainis mo?" Tanong ko kay Dash.

Mabilis siyang umiwas ng tingin at mabilis ring inapakan ang gas. Nang makapagpark ng sasakyan sa parking lot ay agad akong bumaba. Pumunta kami sa Mercato Centrale dahil nandoon daw sila.

Hindi kami nahirapang hanapin ang iba dahil agad kong nakita ang kalandian nila Rafael.

"PDA kayo," sabi ko nang makarating sa harap nila.

"Inggit ka lang," pagpaparinig nila.

"Hindi kaya..." sagot ko.

Hindi na kami nag-tagal roon. Mas gusto yata nila sa plaza, ewan ko ba! Mas maganda nga rito, e. Pero ang sabi ni Dash ay may mga games kineme raw sa pupuntahan namin. At hindi nga siya nagsisinungaling dahil para kaming nasa festival sa dami ng tao!

"Tara, sakay muna tayo sa roller coaster," yaya ni Arvin, nakatingin sa akin.

Napaangat kami ng tingin sa roller coaster. Malaki-laki ang roller coaster at parang babaliktad ang laman loob ko kapag sumakay ako.

"Ayoko," sabay sabay kaming sumagot kaso ayaw tumigil sa pamimilit! "Oo na!" Tumingin ako kila Phoenix. "Kasama kayo."

"What?! No way!" Tanggi ni Phoenix.

"Ang arte mo! Sasakay ka lang naman," sabi ko. "Oh, edi walang sasakay! Ayaw sumakay ng amo niyo."

Nagmaktol naman si Arvin. "Nix, sumama ka na!"

"No way!" Tanggi niya.

Umirap ako at tumingin kay Trevor. "Tara, Trevor, ayaw niya kasi, e." Halatang ayaw niya pero napilitan siyang tumango. "Buti ka pa. Halika na." Hinila ko si Trevor at nauna doon sa roller coaster.

"You know what, Darlene, I am not into this," sabi ni Trevor nang bitawan ko ang kamay niya.

"Takot ka dito?! Sus! Basic nga lang ang rides 'yan, e!" Mayabang na sabi ko at napatingin sa likod ko. "Akala ko ba ayaw mo?"

Nasa likod ko si Phoenix at naka-poker face. "I've changed my mind," sagot niya.

"Talaga ba," tawa ni Trevor.

May pila pa at sobrang haba. Naupo ako sa gather, naghihintay na umusod ang pila. Habang nakapila, hindi maiwasan ng mga babaeng 'to ang pagtingin-tingin sa mga kasama ko.

"Stand up, Miranda," utos ni Phoenix.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. "Tangina, ang tagal naman," sabi ko. "Bibili lang ako ng pagkain." Paalis na sana ako nang may magbigay ng pagkain sa akin.

"Oh." Sabay na sabi nilang dalawa.

Cotton candy at ice cream na galing sa kanilang dalawa.

Nakatapat sa harap ko 'yon. Hindi ko alam kung kanino ang kukunin ko kaya... sabay kong kinuha.

Kita ko ang palihim na pag-irap ni Phoenix, tinawanan naman siya ni Trevor. Parang nang-aasar.

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Arvin na kakarating lang. May hawak siyang churros at ice cream. "Kanino galing 'yan?"

"Sa mga babae diyan kanina. Sabi nila bibigyan daw nila ako nito kapag sinabi ko ang pangalan ni Nix sa kanila," sagot niya.

"Gago ka ba?"

"What the fuck?" Sabay na tanong namin ni Phoenix.

"Tarantado ka, binigay mo naman?!" salubong ang kilay ni Renz.

Umiling siya at ngumiti. "Hindi, ah! Ang sinabi kong pangalan niya ay Pedro," sagot niya na ikinatawa ko.

Nagsalubong naman ang kilay ni Phoenix.

"Tangina," natatawang sabi ko.

Palihim na tumatawa sila Dice.

"Tapos tinanong nila kung ano ang apelyido ang sabi ko, Penduko," dagdag ni Arvin.

Mas lalong lumakas ang tawa ko sa sinabi ni Arvin.

"Velasquez, iba na pala ang pangalan mo?" Tumingin ako sa kaniya. Hindi maipinta ang mukha niya at masama ang tingin sa akin.

"Fuck, shut up, Miranda," sagot niya at mas lalo akong sinamaan ng tingin.

Pati sina Dice ay nakiksali na rin. Si Trevor panay ang tawa kay Phoenix.

"The fuck, Pedro," malakas na tawa ni Trevor.

Nagtaas ng middle finger si Phoenix sa kaniya.

"Gago, biruin mo 'yon? Ang pogi-pogi mong nilalang tapos Pedro Penduko pangalan mo?" Sabi ko at parang nawala ang pagsama ng tingin niya sa akin matapos marinig ang sinabi ko.

"Ay, pogi pala si Nix? Ngayon ko lang nalaman. Masyado kasi akong naging abala sa gwapo kong mukha." Hinawakan ni Dice ang mukha niya.

"Gago, mas gwapo ako sa 'yo," si Owen.

Tumikhim ako at hindi na nag-salita. Inubos ko ang kinakain ko. Umusad ang pila kaya ako ang nauna. Baka lumaki ang ulo nitong Phoenix na 'to kapag nalaman niya napopogian ako sa kaniya.

"Kasya pa ba kami?" Tanong ko at tumingin doon sa lalaki.

"Oo naman."

Three seats ang roller coaster. Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ako at uupo.

Sa una ako umupo, ang katabi ko si Phoenix at Trevor, at ang nasa likod naman namin ay sina Dice, Owen at Renz, saka sa likod naman nila ay si Harvey at Arvin. Panay ang lunok ko kahit hindi pa naman umaandar. Humigpit rin ang hawak ko sa bakal na nasa harapan ko.

Unti-unting bumaba ang seatbelt ng roller coaster. Napalunok na naman ako nang magsimulang umandar.

"Tangina," bulong ko.

"Basic, huh?" Asar ni Trevor.

Putangina parang umurong ang tapang ko.

"Tanggal angas ni Phoenix dito," sabi ko.

"Baka nga..." narinig kong sabi niya.

Biglang bumilis ang andar kaya napasigaw ako. "Kingina!" Sigaw ko habang mahigpit na nakahawak sa bakal. "Putangina!"

"Fuck! Fuck! Fuck! Fuck!" Sigaw ni Phoenix.

"Fuck it! Stop this fucking roller coaster!!"

"Hoy! Ayoko na! Manhid ako pero bakit ako—puta!" Sigaw ni Harvey.

"Hindi pa ako handa makita si Satanas!" Gusto kong tumawa sa sigaw ni Dice kaso hindi ko magawa.

"Tangina, mahal pa rin kita!"

"Hindi na ako mambabae! Itigil niyo lang 'to!" Sigaw ni Owen sa likod.

"Putang ina! Papatayin ko gumawa nito!" Malakas na sigaw ko sabay ng biglang pagbaba. "Nasusuka ako! Tangina, nahihilo ako!" Parang umangat ang pwet ko. "Tangina, nahihilo ako!"

Hinawakan ni Phoenix ang kamay ko. Ewan ko, tangina, kusang humawak pabalik ang kamay ko sa kaniya.

"Tangina, nasusuka na ako!" Nalula ako nang umikot ang roller coaster ko at mas lalo akong nahilo. Hinawakan ko ang bibig ko nang maramdaman ilalabas ko ang kinain ko kanina.

Ang akala ko, hindi na titigil ang roller coaster! Para kaming mga sabog nang bumaba kami sa roller coaster. Humawak ako kay Phoenix nang mahilo ako.

Tangina, hindi ko talaga kayang sumakay sa mga ganito. Hindi ko kaya! Parang kagaya lang ng nag-field trip kami. Sumakay kami sa roller coaster tapos hindi ko napigilan ang sumuka kaya lumipad ang suka ko sa mga nasa likod ko.

Nakakahiya 'yon, gago!

Masama kong tiningnan si Harris nang tumawa siya.

Gano'n din kay Gael. Napahawak ako sa bibig ko nang maramdamang bumaliktad ang sikmura ko. Dali dali akong pumunta sa basurahan para isuka lahat ng kinain ko kanina.

Tangina, buntis yata ako. Charot.

Mga nagsisunod naman ang mga gago sa akin at tawa-tawa pa rin.

"Hindi na ako uulit d'yan," sabi ko habang umiiling.

Binigyan ako ni Phoenix ng panyo kaya kinuha ko at pinunas sa bibig ko. Hinding hindi na talaga ako uulit diyan. Nagmumog ako gamit ang tubig na binili nila kanina.

"Viking naman kayo," suggest ni Gael.

"Pakyu." Umupo ako sa bench.

Dumating si Rafael at Tricia na may dala dalang crinkles! Tumayo ako para humingi. Parang nawala 'yong hilo ko sa nakita.

"Pahingi." Nilahad ko ang kamay ko.

Binigyan naman ako ni Tricia ng tatlo para daw I love you.

"Samahan mo nga akong bumili ng gano'n," sabi ko kay Trevor at um-oo naman siya.

Napatingin sa amin si Phoenix pero hindi namin siya pinansin at naglakad na lang papunta sa mga food stall.

"Ang ganda mo lalo," sabi ni Trevor habang naglalakad kami.

Napatingin ako sa kaniya.

"Ah..." bakit naman may pa-ganoon, Trevor? "Para ka pala si Mavis at Harris... sinabihan ako na maganda raw ako. Nakakagulat nga kayo minsan sa sinasabi niyo, e."

Natawa siya. "Totoo naman 'yon. I mean, you have a natural beauty," ngumiti siya. "You don't need to wear makeup or whatever. You are beautiful without those."

Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa mga pinagsasabi niya.

"You're so cute when you blushed," mahina siyang tumawa. "Kaya pala halos mabaliw 'yong isa..." bulong niya na hindi ko narinig. "Anyway, I'm not joking about that."

Mas lalo yatang pumula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Hay, tama na, Trevor."

Mahina naman siyang tumawa sa sinabi ko. Medyo malayo ang food stall kaya nakakatamad maglakad pero, men, pagkain 'yon! Nang makarating kami sa mga food stall, bumili ako ng crinkles. Dapat ako ang magbabayad kaso inunahan ako ni Trevor kaya wala na akong nagawa.

Bumili rin kami ng milk tea at libre niya ulit. Naglakad na kami para makabalik sa mga kasama namin.

"Gusto mo?" Alok ko sa kaniya ng crinkles at kumuha naman siya ng isa. "Damihan mo kaya, pera mo kaya ang ipinambili rito."

"I know, but it's yours. Libre ko," sagot niya.

"Lagi mo kaya akong nililibre sa School siguro malapit ng umabot 'yon ng five hundred. Baka singilin mo ako, ah." Lumingon ako sa kaniya at mahinang tumawa.

"Hindi 'yon." Kinuha niya ang milk tea ko para itusok ang straw.

Binigay niya 'yon sa akin kaya humigop ako.

"Sa bagay, mayaman ka nga rin pala," sabi ko na ikinatawa niya ng mahina. "Maiba tayo, Trevor, hindi ka pa ba nagkaka-girlfriend?"

Napatigil siya sa paglalakad. "Uh, I have an ex-girlfriend."

"Ang tanga no'n. Iniwan ka?"

Umiling siya. "No, she wasn't. It's our decision to let go of each other. Because we're both young at that time, syempre kailangan rin namin mag-grow. And I am happy because she's happy," ngiti niya.

"Pero halatang mahal na mahal niyo pa naman ang isa't isa," sambit ko. "Bakit kasi kailangan pang mag-hiwalay kapag kailangan umabot ng pangarap, 'no? Hindi ba pwedeng sabay niyong abutin ang mga pangarap niyo sa sarili? At kapag tapos na ang pangarap niyo sa mga sarili niyo, iyong pangarap niyo naman sa isa't-isa ang aabutin niyo."

"Sometimes, you need to let go the person who treat you like a treasure. Even if she or he is your love of your life, you need to let them go. Not for yourself but for them. For their happiness. Doon kasi sila masaya minsan at minsan gusto nila na mag-isa silang inaabot ang mga pangarap nila," sagot niya. "Doon sila masaya kaya sino ba ako para pigilan ang nagpapasaya sa kanya? At saka, sumasaya rin naman tayo kapag nakikita natin masaya ang mga mahal natin."

"Sa bagay..." Pero minsan masakit mag-let go kapag sobrang mahal mo 'yong tao. "Oo nga pala. Bakit nga pala parang inis sa 'yo si Velasquez? Lakas ng tama, amp."

"He thinks that I like you," sagot niya na ikinagulat ko. Tumawa siya at napailing. "Kasi 'di ba? We're always together he thinks that I like you and kaya ayon, irita siya kaya nga inaasar ko pa," mas lalo siyang tumawa.

Continue Reading

You'll Also Like

Alexandra Rose By <3

Teen Fiction

273K 8.2K 45
It's been ten years since the Stones family lost their little girl. In those ten years, Alexandra Rose has grown up with an abusive foster father wh...
2.9M 244K 54
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
1.2K 182 45
There is another dimension beyond that which is known to fictional characters. A collection of short stories, poems, snippets, vignettes, and everyth...
544K 6.7K 93
"Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal tersebut me...