The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

4.7M 106K 20.7K

Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
The Girl in Worst Section: Special Chapter Edition Book
Special Chapter

Chapter 20

40.1K 999 399
By whixley

Chapter 20: Oplan: Itigil ang kasal

Hindi ako makapaniwala. Malapit na ang kasal! Kaya pala siya umiiyak! Grabe, naiinis ako sa parents ni Patricia. Willing talaga sila i-sacrifice ang kasiyahan ng anak nila? Dahil raw sa company kaya iyon mangyayari, e.

"Bakit ngayon ka lang?" Iyon ang bungad ni Dash nang makapasok ako sa classroom.

Nakatulala lang ako habang pinoproseso lahat ng nalaman ko. Grabe talaga, ikakasal na talaga siya? At sa dugyot na 'yon? Pinunasan ko ang ilong ko dahil muntik nang tumulo ang sipon ko.

Ikakasal na siya next next Sunday!

Abay ba ako? Charot. Hehe.

"May nalaman lang ako," sambit ko bago mag-angat ng tingin sa lahat.

Para silang estatwa na napatigil. As in, silang lahat! Sina Trevor at Phoenix na nag-uusap napatigil at napatingin sa akin.

"Bakit, ano ang nangyari?" naguguluhan kong tanong dahil sa reaksyon nila.

Hindi nila ako masagot.

"Ano ba 'yong nalaman mo?" Alanganing tanong ni Rafael.

Kumunot ang noo ko sa kaniya.

Aba! Tinatanong niya pa talaga 'yon?! Syempre, ang incoming wedding ng iyong mahal, jusko! Kung alam ng buong kaibigan niya, edi syempre alam niya rin. Ano ba ang nasa isip nito?

"Hindi mo talaga alam?" Inis kong tanong bago ilipat sa kanilang lahat ang paningin ko. "Hindi niyo talaga alam?!"

Akala ko ba alam nilang lahat na ikakasal na si Tricia? Kakasabi lang sa akin ni Tricia sa akin kanina, e. Don't tell me nakalimutan nila?

"I'm sorry, Darlene..." sambit nila.

"Huh? Sorry saan?" Naguguluhan na ako, sorry saan?

"May explanation naman kami."

Explanation saan? Tiningnan ko sina Harris na nakatingin lang rin sa akin. Natigilan pa siya sa pagbuga ng usok. Nilingon niya si Phoenix na nakatingin lang rin sa akin. Hinilig niya ang ulo sabay alis ng tingin sa akin.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong dahil hindi ko talaga makuha.

"Ano... kasi iyong nalam—" pinutol ko ang sasabihin ni Harvey.

"Ang nalaman ko lang naman ay ikakasal na pala si Tricia," sabi ko sa kanila.

Hindi naman sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Akala ko pa naman alam niyo," umirap pa ako sa kanila bago dumiretso sa kinauupuan ko.

"Where did you found out that?" Nilingon ako ni Rafael.

"Sa kaniya," sambit ko. "Umiiyak po siya, paano ba naman kasi, sa next Sunday na ang wedding." Nilabas ko ang novel book ko para magbasa kaso nagsalita na siya.

"What did you say?" Gulat niyang tanong.

Inayos ko ang upo ko bago siya sinagot. Hindi niya rin pala alam na malapit na ang kasal. Akala ko talaga alam nila, hindi pala. Mas chismosa pa ako kaysa sa kanila? Napangiwi ako sa naisip.

"Next next Sunday na ang kasal niya tapos wala kang gagawin? Gosh! Teka, tangina, tissue nga diyan!" Gago, nabigay ko 'yong panyo ko! Ginagamit ko nga pala 'yon.

"Bakit ka naman nagkasipon?" Nagbaba ng tissue si Finn sa harap ko.

Kumuha ako ng dalawa at pinunas sa ilong ko.

"Naligo kasi sa ulan," sagot ni Phoenix.

Tumango ako bilang pag-sang ayon.

"Ba't mo alam?" Tanong ni Harvey kay Phoenix.

"I just saw her across the street." Naramdaman kong nasa likod ko siya. Ramdam ko ang pag-tapik niya sa likod ko.

"Hindi mo nilapitan?"

"Nah," sagot ni Phoenix na parang hindi ako sinayaw kagabi sa gitna ng ulan.

Hinilot ko ang sentido ko dahil kumikirot. Kapag talaga sinisipon ako, sumasakit ang ulo ko. Magkakasakit pa yata ako.

"Teka nga, hindi mo talaga alam na malapit na ang kasal ng iyong iniirog?" Tumingin ako kay Rafael at mahinang natawa.

Pati sina Harvey ay natawa.

"Alam ko pero—"

"Wala kang ginagawa? Ano ba naman 'yan, Rafael. Dapat kapag mahal mo, ipaglalaban mo. Tsk, tsk," umiling-iling pa ako. "At alam mo ba, nakipaghiwalay siya dahil sa Mama mo?"

Ngayon ko lang napansin na nakikinig pala silang lahat. Iyong kaninang kabang-kaba ay nakikiusyuso na. Chismoso rin pala ang mga 'to, e.

"What do you mean?"

Wala na akong pakialam sa mangyayari. Kailangan hindi matuloy ang kasal. Hindi pwedeng matuloy ang kasal, puputi muna ang uwak bago mangyari 'yon.

"Nalaman kong sinabi ni Mama mo na layuan ka ni Tricia, ayaw rin mawala ni Tricia ang lahat ng mayroon kaya siya na mismo ang lumayo. Pero loves ka pa no'n," ngumisi ako. "Willing nga siya ipaglaban ka, e. At alam mo ba, Rafael, may plano siyang hindi sumipot. Tsaka, kung ako sa 'yo, pipigilan ko iyong kasal. Syempre, mahal ko, e, kaya hinding-hindi ko hahayaan na matali sa kung sino, 'di ba?

"Kahit naman ako, ayoko ng ganoon, lalo na kung alam kong mahal pa rin namin ang isa't isa. Selfish na kung selfish pero iyon nalang ang way, marami man ang masaktan, ang mahalaga ay masaya kaming dalawa," sambit ni Owen.

"Teka, Owen, ikaw ba talaga 'yan? May sumapi ba sa 'yo? Kung oo, palalayasin ko. Kukuha lang ako ng holy water."

"Tangina mo," mura ni Owen.

Napailing nalang ako. "Hay, what if tulungan nalang kita—namin?"

Gulat siyang tumingin sa akin. "Ha?"

"Hakdog," sagot ko at napakamot siya sa ulo. "Biro lang! Basta, ihe-help kita para naman hindi na umiiyak si Patricia. Hay, nakakalungkot kasi kapag malungkot siya. Nakakahawa, feeling ko tuloy ikakasal rin ako—aw." Hinila ba naman ni Phoenix ang buhok ko?! Gago talaga, eh, 'no?

"How?" Tanong ni Mavis, nakatitig sa akin.

Naiilang talaga ako sa titig ni Mavis. May iba kasing laman ang bawat titig niya.

"Paano naman?" Ulit ni Dash, pinaglalaruan niya ang buhok ko.

"Talk to her parents," simpleng sagot ko.

"Hindi nila gugustuhin na makita ako, Darlene," agarang sagot ni Rafael.

"Alam ko," alam ko naman 'yon. "Kausapin mo pa rin, i-prove mo na totoo ang love mo para sa anak nila, sabihin mong hindi company ng iba ang mag-papaangat sa kanila. Paghihirap at tiyaga ang kailangan para maabot ang gusto nila. Lahat naman kasi dumadaan sa hirap. At talagang willing sila na i-sacrifice ang kasiyahan ni Tricia at hindi man lang iniisip ang magiging resulta? Tsk." Napairap ako. "Si Papa nga kahit makulit ako ay minsan hindi niya naisipang ipakasal ako kahit noong bumagsak ang company namin kahit maraming gustong tumulong kapalit ako. Hindi siya pumayag."

Mahal kasi ako ni Papa at ayaw niyang mapunta ako sa kahit kaninong lalaki, unica hija niya kaya ako.

"Dahil hindi ako magiging masaya," dagdag ko. "Iyon nga lang na iyak ko, halos hindi nila matanggap, masaktan pa kaya ako? At panigurado ng gano'n din ang nararamdaman ni Tricia kahit hindi pa siya itinatali. Alam mo kasi minsan hindi masamang lumaban lalo na kung alam mong worth it ang taong ipaglalaban mo."

"Siya ang unang nakipaghiwalay. I'm willing to fight, siya ang sumuko," katwiran ni Rafael.

"Hay, kasi nga po ayaw niyang mawala ang lahat sa 'yo kaya siya nakipaghiwalay. Kahit alam niyang ikakasira niya, eh, mas ikabubuti mo pa rin ang iniisip niya. Hanggang sa kadulu-duluhan ng love story niyo ikaw ang nasa isip niya."

Pinroseso niya lahat ng sinabi ko. Alam kong mahal pa niya, ang kailangan lang gawin ay ipaintindi sa mga magulang ni Tricia ang lahat. Sarado ang utak nila dahil sa kagustuhang iangat ang kumpanya nila.

"Kung ikaw 'yong nasa pwesto ko, ano ang gagawin mo?" Tanong ni Rafael sa akin.

"Tulad ng sinabi ko kanina," sagot ko. "Ang daming ebas, nakakaasar."

Sumimangot siya at sumandal sa upuan niya.

"Tutulungan ka namin!"

"One for all, all for one, tayo, 'di ba?"

"Fine, I will do it. For her and our happiness," si Rafael. "But Darlene, can I have a last favor? Uhm, can you go with us later?"

"Gagawin niyo lang akong third wheel, eh," nanliit ang mga mata ko. "Charot lang, sige, forda go tayo, Rafael. Basta libre niyo ako, ah?"

"We will," tinapik niya ang pisngi ko. "Sorry na, sama ng tingin, ah." Nakatingin siya sa kung saan bago natawa.

"Oplan: Itigil ang kasal!" sambit ni Harvey, may kasama pang palakpak.

Napatigil sila nang dumating ang Teacher. Nagsibalikan na sila sa upuan at umayos. Naririnig kong balak kausapin ni Rafael si Tricia. Sana lang talaga hindi matuloy ang kasal. Kung matuloy man itatanan ko siya! Charot.

Panay ang hilot ko sa sentido ko para naman mawala ang sakit ng ulo ko kahit papaano. Ni hindi nga ako nakapagsulat pero si Harvey ang nagsulat para sa akin. Nagulat na lang ako, kinuha niya ang notebook ko.

Nakatulog nga rin ako, e. Ginising lang ako ni Harvey, at kanina ang ingay kaso masyadong masakit ang ulo ko kaya hindi ako nagmulat. Nang magbelll tumayo na ako kaso may malamig na nakalagay sa ulo ko kaya agad kong hianawakan.

"Bakit ako may ganito?" Turo ko sa noo.

Cool fever 'yon! Ano ako bata?!

Nag-shrugged sila.

Inalis ko na lang ang sa noo. Pero gumaan papaano ang pakiramdam ko at nawala rin ang init ng ulo ko dahil napunta sa cool fever.

Kanina pa rin kumakalam ang sikmura ko dahil sa gutom kaya halos makipag-unahan ako nang tumunog ang bell at hudyat na lunch na. Kaso paalis pa lang ako may humila na sa akin at tiningnan ko ang depungal.

Si Phoenix.

"Ano ang kailangan mo?" Tanong ko.

"Masakit ang ulo mo, 'di ba?"

Tumango ako. Ayoko na mag-inarte, masakit na talaga ang ulo ko.

"Here, drink this." Binigyan niya ako ng biogesic. "Para mawala ang sakit ng ulo mo. Pero kung gusto mong mawala talaga, tanggalin mo na lang pati ulo mo."

Kinginang suggestion 'yan.

"Gago, ilaglag kaya kita mula dito hanggang ground floor. Tingnan natin kung hindi dumugo ang ulo mo."

Nakarinig naman ako ng pagtawa mula sa kaniya.

Ay, infairness... napapatawa ko siya.

"Happy feel mo 'ko, ah."

"As if," sagot niya.

"Okay lang 'yan. Happy feel naman naman kita." Napatigil naman siya sa sinabi ko.

Kilig 'yan?

"What?" Napaangat siya ng tingin.

"Ah..  wala," sagot ko. "Salamat dito." Pagtukoy ko sa biogesic bago pinunasan ang ilong.

Nakatingin lang siya sa bago magsalita. Makatitig naman 'to sa akin.

"Here, also." Binigyan niya ako ng panyo. "That's expensive."

"Akin na 'to." Ang branded ng panyo niya. "LV 'to."

"You wanna keep my things, huh?" Sumandal siya sa pader.

"Ikaw ang gusto ko i-keep," sagot ko.

Mas lalo yata siyang napatigil. Pinigilan ko ang ngumisi bago ulit magsalita.

"Masarap kaya ang biogesic na 'to?" Pag-iba ko ng topic.

Napairap siya sa sinabi ko. "Where's the... necklace?" Tanong niya.

Ay, shit, oo nga pala! Nakalimutan ko! Nasa vanity table ang kwintas at bracelet, nakalimutan kong ilagay sa bag ko. Suot ko 'yon kagabi kaso hinubad ko.

Kamot ulo akong sumagot. "Nasa bahay... nakalimutan ko."

Napairap siya bago tumayo nang maayos at naglakad papunta sa rooftop. May binulong pa siya na hindi ko narinig.

"Ano raw?" Bulong ko sa sarili.

Nakakailang hakbang palang ako nang may tumawag sa akin! Gusto ko nang bumaba sa cafeteria! Gutom na gutom na ako! Ayaw ako pakainin.

"Ano ba 'yon?" Tanong ko kay Arvin.

Gutom na ako!

"Kakain na tayo." Napatingin ako sa kanya.

"Kakain na nga ako sa cafeteria." Sabi ko at lalagpasan na sana niya ng pigilan niya ako.

"Magpicnic daw tayo sa rooftop!" Hinila niya ako.

"Picnic?" Tumango siya.

Balak ko pa naman sanang damayan si Tricia baka umiiyak na naman siya kaso masaya ang picnic e!

Sumama ako sa kanya sa rooftop at tama nga. Nagpipcnic sila! Pwede bang magpicnic sa rooftop? Ang alam kong picnic, eh, 'yong sa damuhan. Hehe.

Nakalatag ang dalawang tela sa sahig. Si Dash ay inaayos ang mga pagkain at ang iba naman ay may ginagawa. Si Harris at Gael ay nag-aaway. Napatigil lahat nang makita nila ako.

"Dito ka!" si Harvey.

Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. Maraming pagkain ang nakahanda. Hindi pa ako nakakaranas ng picnic, hindi naman kasi gusto nila Kuya ang ganito. Binigyan nila ako ng pagkain na tinanggap ko naman.

"Ew..." Komento ko sa ginagawa nila.

Pinaghahalo kasi nila lahat ng pagkain gano'n din sa drinks! Hindi ko alam kung saan nanggaling ang toyo, patis, at suka. Nagulat na lang ako may hinahalo na sila.

"Laro tayo! Tapos kung sino ang hindi makasagot siya ang kakain o iinom nito." Tinaas ni Arvin ang pinaghalong pagkain at mga drinks.

Hindi ko pa nakakain pero parang nasusuka na ako. Ang baho ng amoy. Tinakpan ko ang ilong ko.

Kadugytutan rin ng mga 'to, eh. Hindi ko keri.

"Gago, ang kadiri kaya niyan." Lumayo ako.

Kakainom ko lang ng gamot kanina kaya medyo nawawala ang sakit ng ulo ko. Kunot-noong pinagmamasdan ni Phoenix ang nasa plato. Pusta ko, nandidiri rin siya.

"Okay na 'yan!"

Ngayon ko lang napansin na wala si Rafael. Kaya pala walang maingay.

Hindi ba sila nagsasawa sa truth or dare? Iyon ang napili nilang laruin. May boteng kinuha si Dice at ang rule kung kanino huminto ang nguso ng bote siya ang tatanungin.

"Game na," sabi ni Owen. "Baka sobrang paghihintay ko, e, kumupas ang kagwapuhan ko."

Ngumiwi ako. "Parang lumamig..." bulong ko at mukhang narinig niya.

Masama niya akong tinignan. Nagsimula na ang laro. Pinaikot ni Trevor ang bote at sa hindi inaasahan sa akin huminto! Ang pangit kabonding ng bote. Sa akin talaga? Ang dami dami dito!

"Truth or dare?" Nakangising tanong ni Finn.

Kung truth madali lang... sasagot lang ako. At kung dare naman baka kung ano ang iutos nila kaya... "Truth..." sagot ko.

Saglit silang tumahimik.  Diretso akong tinitigan ni Phoenix bago magsalita.

"Who's your other sibling?" Diretsahan niyang tanong.

Kumunot ang noo ko. Bakit ba gusto niyang malaman kung sino ang kapatid ko? Minsan ko kasing nabanggit sa kanila na may kapatid ako. At noong nalaman nila ay parang hindi sila makakatulog kapag hindi nalaman ang pangalan.

"Si Da—" pinutol ni Arvin ang sasabihin ko.

"Ang pangit ng tanong mo, Nix! Ako na lang!" Sambit ni Arvin. "Hindi counted 'yon, ah?"

Napakamot ako sa ulo ko. "Oo na..." sabi ko. "Ano ang tanong mo?"

"What's your biggest fear?"

"Dilim..." Ewan ko kung bakit ako takot sa dilim.

"Sa dilim?" Tumango ako.

Hanggang ngayon nga takot ako sa dilim. Pero 'yong pag-gabi na madilim hindi ako natatakot, kapag naglalakad ako sa gabi hindi ako takot. Natatakot akong makulong sa madilim na kwarto tapos ako lang mag-isa. Dati naman trip na trip kung mag-isa sa dilim pero ngayon... halos buksan ko lahat ng ilaw sa kwarto makatulog lang.

"Paano nangyari 'yon?"

"Ewan ko. Hindi ko maalala."

"O-Okay! Next na!" Pinaikot ni Harvey ang bote at huminto na naman sa akin.

"May daya yata itong bote niyo!" may halong inis ang boses ko.

"Baka gusto ka kaya sa 'yo lagi humihinto."

Inirapan ko si Dice. "Hindi ko siya gusto," sagot ko. "Gusto ko 'yong ano..." 'yong nakaupo at nakasandal 'yong ulo sa pader habang nakatingin sa akin, 'di ba, Phoenix? Syempre, joke lang. Remember, hindi ko siya magugustuhan?

"Ano?" Tanong ni Dash.

"Wala pala akong gusto." Sinandal ko na lang rin ang ulo ko sa pader. "Truth ako."

"Kailan ka pa naging si Truth?" Lumipad ang plastic na bote kay Finn.

Sino ang nagbato no'n?

"Game na!"

Nagtaas ng kamay si Dash, gusto niya yata siya ang magtanong kaya sige pagbigyan.

"Sige."

"Ano ang pinaka-ayaw mo sa lahat?" Seryoso ang tanong ni Dash.

"Ang patago akong niloloko," sagot ko. "Lalo na ang pinagkakatiwalaan ko pa ang mismong manloloko."

Parang tumahimik ang lahat sa naging sagot ko. May problema ba sa sagot ko? Lahat naman tayo ayaw maloko o patagong niloloko. Pero kahit sabihin mong ayaw mo, may tao talagang lolokohin ka. Mga nag-sipalitan sila ng tingin bago ako tingnan.

"Gano'n?" Tanong ni Harris.

Pinagmasdan ko silang lahat. Parang may iba sa kanila. Tsk. Weird naman sila parati.

"Oo, syempre," sagot ko. "Next na, bilis."

Umikot ang bote at huminto kay Phoenix.

"Truth." Pinangunahan niya si Harvey.

Magtatanong sana ako kaso naunahan ako ni Finn. Panira ang isang 'to! Gusto kong magtanong kung ano talaga sa buhay niya si Iris. Dahil kahit pilit niyang sabihing galit siya sa babaeng 'yon ay halatang mahal pa niya.

"Kailan ulit tayo mag-oouting sa beach house mo?" Ngising asong tanong niya.

Napangiwi ako sa tanong niya pero ano daw? Beach house ng gunggong na 'to? Yaman. Pero geez, walang kwenta ang tanong niya.

"If everything is already settled," sagot niya.

Wow. May beach house nga siya.

"Yaman..." komento ko.

"Sobra!" Sang-ayon nila.

Napairap ako. "Pahingi ng isang milyon."

Nagulat ako nang biglang maglabas ng cellphone si Phoenix. "What's your bank account?"

"Tangina, seryoso ka diyan?"

"Mukha ba siyang nagbibiro?" Ngumisi si Arvin.

Napanganga na lang ako.

"Phoenix!"

Si Phoenix lang ang tinatawag pero lahat kami ay napatingin sa pinto. Hindi ko kilala ang lalaki pero sa tingin ko kilala nila Phoenix ang lalaking 'to. Hingal na hingal siya dahil sa pagtakbo papunta rito.

"What?" Tanong ni Phoenix.

"Si Rafael ay binubugbog!" Balita niya. "Hindi namin kilala kung sino."

"Oh, shit." Tinapon ni Harris ang nakalagay sa pagitan ng daliri niya sabay tayo. "Mavis, come on."

Tumayo ang lahat at nagmadaling bumaba para puntahan si Rafael. Halos mabangga nila ang lalaking nasa harapan ng pinto. Naiwan naman si Phoenix at Trevor. Umalis na rin ang lalaki para puntahan ang away. Tumayo ako para sundan sila kaso nahila ni Phoenix ang braso ko.

Kunot noo kaming pinagmasdan ni Trevor. Nawi-weirduhan siguro siya kinikilos nitong depungal na 'to.

"Don't go there," bored niyang sabi.

"Stay here," si Trevor.

"Pupuntahan ko si Tricia." Binawi ko ang braso ko at naglakad.

Mabilis ang pagbaba ko ng hagdan. Naramdaman ko namang sumunod sila. Ang aarte nila, susunod naman pala.

Dumiretso ako sa cafeteria dahil doon nagmumula ang ingay. Nasa bukana pa lang ako ay kita ko na sila Harvey na may pasa. Ang bilis naman? Kakababa pa lang niyan, ah?

"Excuse me." Binangga ko ang isang babae sa pag-harang niya.

Nakita ko agad si Tricia na namumula ang mukha. Shit, mukhang sinampal siya. Hawak siya ng isang babae. Hindi ko kilala. Pero base sa itsura niya hindi siya taga rito.

"Bitawan mo ako, Gia!" Nagpupumiglas siya. "Rafael!"

Ah... so, Gia pala ang pangalan niya.

Nakita kong binubugbog si Rafael at gano'n din ang mga iba. Tangina, akala ko ba, international basagulero ang mga 'to? Pero bakit ganito?

"Ganito ba ang gusto mo mangyari sa lalaking 'to?!" Galit na tanong ni Edmark at binigyan ng suntok sa mukha si Rafael.

Nainis ako nang makita kong sinampal ng babae si Tricia. Agad na namula ang pisngi ni Tricia dahil sa pagkakasampal.

"Tangina, tumigil ka nga!" Awat ko sa babaeng may hawak kay Tricia.

Napatingin sila sa akin. Napahawak sa tiyan si Edmark nang sipain siya ni Rafael. At hindi lang 'yon dahil may kasama pang suntok. Gano'n din ang ginawa ng iba. Pilit na tinayo ni Rafael si Edmark kasabay no'n ang malakas na suntok sa mukha dahilan para muling bumagsak si Edmark.

Ang daming estudyanteng nanood, jusko!

Malakas na suntok ang binigay ni Trevor sa lalaking may hawak kay Rafael kanina. Napatingin ako kay Phoenix na nonood lang at walang balak umaawat. Presidente ka! Utang na loob, awatin mo sila!

"Hoy! Hindi mo ba sila aawatin?!" Naiinis kong tanong.

Umiling siya. "Hayaan mo na sila. Manood ka na lang kasama ko kung gusto mo," ngumisi pa siya sa akin.

Inis ko siyang inirapan. Kalandiaan nito. Akala mo nasa sine kung umasta.

Hinarap ko ang babaeng may hawak kay Tricia. "Bitiwan mo."

Ni head to foot niya ako bago mag-taas ng kilay. "And who are you?"

"Darlene," sagot ko naman.

"Miranda?" Ngumisi siya bago itulak si Tricia.

Naguluhan ako. Paano niya nalaman ang apelyido ko?

"I'm Gianna. Nice to meet you." Naglahad siya ng kamay pero hindi ko tinanggap. "Maldita ka nga."

Agad na sumama ang tingin ko sa kaniya. "Maka-maldita ka, ah?!"

Mahina siyang tumawa. "He's damn right! You're hot-headed."

Sino ang 'he' ang tinutukoy niya?! Shit 'to. Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya dahil sa pagtawag niya sa akin na maldita. Hindi naman ako maldita, eh.

Binalingan niya sa Edmark bago mag-salita. "I'm sorry, Ed, pero sibat na kami," biglang sabi ng babae na ang pangalan ay Gianna. "I don't want to mess with her, ako ang pag-iinitan kung sakaling masaktan siya." Mas lalong lumapad ang ngisi niya sa akin.

Unti unting tumigil ang away. At ako naman, naguguluhan.  Sino ang tinutukoy niya?

"Ano?!" Galit na tanong ni Edmark.

"Ayaw na naming makigulo," sagot niya. "Let's go, Bl-I mean, friends."

Umalis siya kasama ang mga taong bumugbog kay Rafael.  Pero bago 'yon, humingi siya ng sorry sa akin pero kila Rafael hindi at basta basta na lang dumaan at masama pa ang tingin.

Ano ang nangyari? Bakit parang kilala niya ako? Gano'n-gano'n na lang 'yon? Naguguluhan din na nakatingin sa akin sina Phoenix. Parang may kung ano na thoughts ang pumapasok sa mga utak nila.

"Do you know her?" Tanong ni Phoenix.

Umiling ako. "Hindi, kayo ba?"

Mabilis silang umiling. Tumingin ako sa kanila... parang kilala kasi talaga nila, e.

Tinignan ko si Edmark na sobrang sama ng tingin kaya Rafael. "Matutuloy ang kasal."

Parang demonyong ngumisi si Rafael. "Let's see."

Iyon ang iniisip nila? Samantalang ako, heto't naguguluhan sa nangyari.

***

Gianna

"Gia, what was that?" Mico asked me. "Bakit parang kilala mo 'yon? Sino ba 'yong babae?"

Sumakay muna ako sa kotse bago siya sagutin. "We can't mess with them lalo na't dumating ang babae kanina. Hindi niyo gugustuhin na madamay iyon o sakali na masaktan, Mico."

Naguguluhan silang tumingin sa akin. Alam kong wala silang alam. Their clueless about what happened.

"Halos sabihin ni Ed lahat ng sikreto ng mga 'yon para lang tulungan natin siya tapos ganito?"

"Wala na tayong pakialam doon. Tsaka, ano ka ba, wala naman tayong pakialam sa sikreto nila Phoenix, 'di ba," ngumiti ako sa bago paandarin ang kotse ko pabalik sa School namin.

"Huh?"

Hindi ako sumagot. Nangako ako na kapag lumabas sa eksena ang babaeng iyon ay sibat na kami. At isa pa, ako ang malalagot kung sakaling madamay siya. Sa tingin palang ng lalaking iyon ay manginginig ka na sa takot at ayoko naman mawalan ng anak ang Nanay ko, ano.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 64.3K 199
Cursed to live over and over again, falling in love with Slytherins over the decades. It was practically destiny for Kirra Potter and Mattheo Riddle...
360 109 13
Cristel was a kind and gentle soul, always eager to help those in need. She was a devoted member of her church community, where she met a charming an...
6.1K 127 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.
43.3K 1.1K 11
The young justice team has been requested to protect Bruce Wayne's four adopted children. They aren't too happy to be babysitters but that'll change...