The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

4.7M 107K 20.7K

Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
The Girl in Worst Section: Special Chapter Edition Book
Special Chapter

Chapter 16

38.2K 1.1K 280
By whixley

Chapter 16: Ex-Friend

Tatlong teacher ang hindi pumasok sa amin dahil sa kagaguhan nilang lahat. Na-beast mode sila Ma'am dahil sa kanila.

Sa malamig pala, ah.

Mga gunggong.

Tapos itong si Phoenix! Lakas ng kagaguhan sa katawan, hindi ko makaya! And since hindi pumasok ang mga Teacher namin. Nag-party lang sila katulad ng sinabi ni Arvin! Ako naman, nakatanga lang habang pinakikinggan silang lahat. At ang lakas ng trip kanina. Gusto nilang makita na mag-walk ako ng kagaya sa Miss Universe.

"Darlene!" Tawag ng kung sino.

Kanina pa sila tawag nang tawag kaya naiinis ako!

"Ano na naman?"

"Try mo nga mag-walk dito." Turo ni Owen sa sahig kaya nagtaka ako kung bakit. "Ano, palapit dito." Tinuro pa niya ang direction nila Phoenix, mga nakatingin sila sa akin at halatang kanina pa nag-uusap lahat.

"Manti-trip na naman kayo," komento ko.

Para saan naman 'yon?

"Hindi!" Sambit nilang lahat. "Iyong pang Miss Universe."

Ay, ayoko!

"Hindi ako marunong no'n," kunyaring pagseseryoso ko.

Ayoko lang talaga! Hindi kasi ako marunong!

"Dali na," pilit ni Gael.

"Bakit ba? Kung gusto mo, ikaw gumawa," sambit ko. "Ikaw gumawa. Nananahimik ako dito tapos idadamay niyo ako."

"Ito naman... bilis na!"

"Ewan ko sa inyo. Tigilan niyo ako."

"Damot!" Darlene raised her middle finger to Gael.

Iniwan ko silang lahat sa classroom dahil hindi ko talaga kayang gawin 'yon! Tapos kanina para silang tanga. Masama bang kumanta? At iyong tingin nila hindi ko makaya kaya hinayaan ko na lang. Pero panay ang kwentuhan nila sa likuran.

"Gutom na ako!" 'Yan ang mga sigawan nila.

Saan naman sila nagutom? Sa mga kagaguhan nila?

Tapos, kingina, si Phoenix, ang lakas ng dating kanina! Tangina, bugahan mo ako ng usok sa mukha, Velasquez! Willing ako magpabuga basta ikaw!

Panay ang kwentuhan nila kanina samantalang ako ay kinuha ko ang wallet ko at cellphone para makababa na dahil sure akong nasa cafeteria si Laureen.

"Wala na akong pera! Dito na lang tayo kumain," sabi ni Dash at kinuha ang wallet niya.

Walang pera? Pero halos ibaba niya lahat ng isang libo niya kanina habang nagsusugal sila.

"Sugal pa..." pagpaparinig ng kung sino.

Hindi ko na sila pinansin at lumabas na lang. Rinig kong tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon. Kailangan ko na ang kasagutan sa mga tanong ko.

Maraming tao sa cafeteria, namataan ko pa si Edmark na kumakain at may pasa sa mukha. Bagay lang 'yon sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga pasa ang mga gunggong.

Sisihin ba naman ang mga 'yon sa kasalanang hindi nila ginawa? Buti nga hindi na gumanti pa sila Phoenix dahil sure akong magbabakasyon talaga siya sa Hospital.

Hinanap ng mata ko si Laureen pangit hanggang sa may naririnig akong 'bitch'.

"Bitch, I'm here!" Napalingon ako sa babaeng maarte na umiinom ng iced tea.

Inis ko siyang tiningnan, grabe sa initan talaga sila pumwesto?

"She's beautiful naman pala," sabi ng isang babae.

Ay, wala akong pera. At siya ang sumusulsol kay Laureen!

"Wala akong pera, sensya ka na, ah?" Naguluhan naman siya sa sinabi ko.

"Stupid, Christine is complimenting you. Gosh, how stupid," maarteng sabi ni Laureen bago paypayan ang sarili gamit ang dalawa niyang kamay.

"Maka-stupid ka naman," sabi ko. "Matalino ako, hoy!" Umirap ako.

"Oh, talaga? Saan banda?"

"Tingin ka ng diretso," sagot ko. "Para makita mo ang tunay na maganda."

"Wow, so kapal!" Comment ni Laureen. "Anyways, these are my friends..." Turo niya sa likod niya. "Christine, Farrah, and Kylie. Uh... Patricia wasn't here so... yeah."

Napatango ako. Pero, wait 'yong Patricia? Bestie niya? Wow naman!

"Hi!" Sabay-sabay nilang bati sa akin.

Simple ko silang nginitian at gano'n din ang ginawa nila. Mukhang mas matino ang tatlong ito kaysa dito sa amo nila.

"Sabihin mo na kasi ang dami mo rin arte sa buhay, eh," sabi ko at umupo sa tabi ni Farrah.

"Okay!" Umayos siya ng upo.

"Uh... where do I start?" Tanong niya sa sarili.

"Sa simula syempre, alangan namang sa huli, edi nabuang ka."

"Stupid bitch! of course, I know!" Inirapan niya ako.

"Eh, bakit nagtatanong ka pa?" Sumandal ako sa kinauupuan ko at pinagkrus ang dalawang braso.

"Kaya naman pala may takot 'yong iba sa 'yo..." Bulong niya. "Anyway, did they tell you about Iris?"

Seryoso ko siyang tiningnan. "Sa tingin mo ba magtatanong ako kung alam ko?"

"I'm just asking!" Inis niyang sagot.

"Iris is their 'princess' kuno. I remembered when Iris first step here in SHS, masyado siyang mabait kaso hindi ko inaakalang may masamang balak."

Masamang balak? Pero nakokornihan talaga ako sa princess na 'yan, ewan ko ba! Hindi ko keri. Ang korni naman kasi! Hindi ko ma-reach ang Princess achuchu nila.

"But you know what? Nagtaka rin ako noon dahil may babae sa section nila, I mean niyo, siguro naman aware ka na worst ang pinasukan mo?" Tanong niya.

Tumango ako. "Hindi naman, sakto lang. Maayos sila minsan."

Totoo naman na maayos sila. Except doon sa pagbuhos ng slime sa akin. Kagaguhan nila 'yon, e. Doon sila masaya, hayaan nalang natin.

"You could say that."

"At saka ang pagkakaalam ko noon, Phoenix didn't allowed that any girl can enter their classroom kahit ako, I tried so many times kaso wala talaga! I badly wanted to be part of them kaso ayaw nila! Not until Iris entered the scene, they've changed... a lot because of her. They treat Iris as their 'princess', masaya sila kapag kasama siya."

Hindi ko lang alam kung masaya din sila kung kasama ako.

"Princess is so damn corny, Darlene," sabad ni Farrah.

"Agree ako." Kinuha ko ang iced tea ni Laureen at ininom.

"Hindi ko 'to sasabihin para magpakabibo, okay?" Mararamdaman ang pagiging malambot sa boses ni Laureen. "Actually, Nix and I used to be date kaso nagbago dahil nga dumating sa buhay niya si Iris parang naging hangin ako sa paningin niya," lumungkot ang boses niya. "I was so mad at her dahil tinanggal niya sa akin ang kaisa-isang kasiyahan ko which is him..."

Lahat naman siguro magiging happiness si Phoenix pero ako? Hindi ko siya magiging happiness, 'no.

"Nix is my happiness but not anymore 'cause I moved on and I know my worth it. I've realized that Nix is my temporarily happiness not forever. Marami pa namang iba d'yan, hindi lang siya."

That's what real women do. Move on and know that you are worth it.

"Nakakatangina lang kasi, Nix didn't gave me a label!" Reklamo niya at parang inaalala pa ang nangyari.

Napangiwi ako.

Ano ba 'yan, takot yata talaga sa label ang lalaki na 'yon. Gusto landi lang. Paano ko siya lalandiin niyan, hindi niya paninindigan. Charot. 'Di ba nga, hindi ko siya magugustuhan?

"Let's go back to the topic," seryosong sabi niya. "So, ayon nga, Iris is so important to your friends. Lagi silang magakakasama. Iris and I became friends too, she's loyal to me and she's trusting me so much. Matagal-tagal rin siya dito na puro masaya ang nangyayari pero sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman namin na may gusto pala ang iba mong classmate sa babaeng 'yon! Nasira ang masayang pagsasama nila because of her." Tumawa siya. "Daig niya pa si Rapunzel, gosh!"

'Yon din ang napansin ko. Dinaig niya pa si Rapunzel sa sobrang haba ng hair. Pag-agawan ba naman? Talo 'yong kagandahan ko, shit.

"Wait, paanong ganoon ang nangyari?" Tanong ko.

"Nix loves Iris, we know that. He loves her more than we know, unlike sa akin na. . . wala talagang pagmamahal. Just fling, you know. And then. . . Trevor came inside the scene. We found out that Iris is flirting with Trevor rin pala. At alam mo, lumalapit-lapit rin siya kay Mavis and Harris, nagtataka na nga ako pero ang sabi niya 'friends' lang. Well, I thought, it was true but I was wrong. She's flirting na rin pala kina Harris—well, malas siya dahil hindi siya pinatulan noong dalawa dahil they are busy sa babae nila. And just like what I've said, nilalandi niya 'yong magkakaibigan because that was part of her plan—na noong una ay hindi ko pa alam. Palagi ko rin siya mahuli na may kausap sa phone niya kaya nagkaroon na ako ng hinala. I smelled something fishy." Tiningnan niya ako. "I told her that she could trust me and she did, sinabi niya sa akin ang lahat ng plano niya, the reason why she entered this School."

"Ano ang plano na 'yon?" Pinapatagal pa kasi ni Laureen, kating-kati na ako na malaman!

"To broke Nix, Darlene. She planned na sirain silang lahat and she did. Sinabi ko kay Nix ang tungkol dito kaso ang nasa isip niya ay sinisiraan ko si Iris sa kaniya. Sarado ang isip niya kasi bulag siya sa pagmamahal ni Iris. Nalaman ni Iris tungkol doon, galit siya sa akin pero gano'n din ako."

Ibang klase naman talaga.

"I ended up our friendship kasi hindi ko kayang makipag kaibigan sa babaeng naging dahilan ng pagkasira ng magkakaibigan na matagal ng magkakasama." Kinuha niya ang drinks at saglit na uminom.

So, ex friend pala sila. Pero sobrang sama ng babaeng 'yon. Lalampusuhin ko siya kapag nagkita kami.

At saka, kahit ako maiinis at magagalit lalo na kung kaibigan ko ang pinagpaplanuhan. 'Buti nga may kaibigan sila tulad ni Laureen kaso tama siya, sarado ang mga isip nila.

Pero ano ang mga dahilan para gawin niya lahat ng 'yon? Hindi niya 'to gagawin kung walang dahilan.

"I want to save them because they are my friends kaso wala... they see me as a bitch who wants attention," bumaba ang boses niya. "But, no, I'm not."

"Totoo..." pambobola ko. "Ganda mo."

"I know that. I'm beautiful," ngumiti siya.

Sila yata ang ginayuma ng babaeng 'yon. Grabe, nabaliw ba naman, eh.

"Weeks have passed nalaman nila," sabi niya na parang natuwa pa. "I saw how Nix slapped Iris. Alam mo bang tuwang tuwa ako ng mangyari 'yon? Gosh!"

Kahit siguro ako matutuwa. At least man lang nakaganti siya. Kaso hindi maganda sa lalaki ang nanakit pero deserve niya naman kaya ayos lang.

"Deserve," sabi ko.

Ngumisi siya. "True."

"Phoenix Ryler Velasquez has a lot of red flags."

Napangiwi ako. Talagang naisingit niya pa 'yon?

Saka, pink lang ang alam kong kulay. Sorry siya 'cause I love red! Willing ako maging flag pole basta pogi o si Phoenix.

"Ituloy mo na," utos ko na ginawa niya naman.

"So, 'yon nga nalaman nila. Iris tried to talked to them pero deadma lang. At nalaman ko nalang na umalis siya dahil kay Rafael, mag-jowa pa kasi si Patricia at Raf noong panahon na 'yon."

Napakunot ang noo ko. "Teka, Laureen, bakit nga ginawa ni Iris 'yon? Para saan? Ano ang dahilan?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't know, Darlene. Hindi ko alam ang sagot. Pero isa lang ang alam ko, may nag-utos noon kay Iris para gawin 'yon."

Tumango ako. "Uhm, ang alam ko muntik na raw maging sila? E, ano ang relasyon nila noon?"

"Oo, muntik na maging sila. And no, they didn't have a relationship, muntik lang. They are. . . let's say fling? Landian lang? No strings attached ganoon, landian lang talaga ganoon."  Nagkibit-balikat siya.

"Ayaw niya siguro ng label, 'no?"

"Noong nasa phase kami na 'no label' kinemerut, tinatanong ko siya if, what if maging kami nalang official? Pero ayaw niya, he said, he doesn't want to commit. Ayaw niya mag-risk and when I asked him kung bakit hindi rin naging sila ni Iris, same answer. He doesn't want to take a risk even if pinursue niya si Iris. I think, hindi naman sa ayaw ni Nix, maybe naghihintay siya for a better person, iyong deserving." Tumango-tango siya. "Tsaka alam mo, mabait naman si Nix, e, loving pa, and may respect din. His Mom raised him well, iyon lang ang masasabi ko. Kaya swerte ng magiging girlfriend niya or should I say. . . you?" Mapang-asar siyang ngumisi.

Napakunot ang noo ko. "Ulol, Laureen," sabi ko na tinawanan niya lang. "E, sino naman 'yong dating kaibigan ni Velasquez?"

"Uhm, ang alam ko lang is taga-GFS iyon, friend ng ex ko," sagot niya, napaisip pa. "Hindi ko alam ang name." Inayos niya ang buhok sabay kuha sa lipstick. "At alam mo ba, never na sila nagpapasok ng girl d'yan sa room mo. Ang damot nga, e, friends naman kaming lahat pero ayaw nila akong palipatin doon. Hmp, pero ikaw halos ingatan na at hindi hinahayaan na masaktan."

"Tinapunan nga akong slime, e," nguso ko.

Sandali kong naisip si Iris at ang ginawa niya. Ano kaya ang dahilan niya para gawin 'yon? Ang sakit rin no'n, ah. Pinagkakatiwalaan siya ng lahat tapos iyon ang ginawa niya?

"Si. . . Iris lang ba talaga ang sobrang minahal ni Velasquez?" Naalala ko kasing mahal na mahal niya 'yon.

"Yes, Darlene. Nix loves her so much, sobra pa sa sobra pero ewan ko ba. . . noon he's thinking of this one girl that took his first kiss raw. Hindi ko naman kilala, may bracelet pang iniwan kuno. Inakala pa nga ni Iris na sa kaniya. Excuse me, her name starts with I and S." Irap niya.

Napatango naman ako dahil doon. Mahal nga.

"Tingin mo ba, mahal niya pa rin 'yon hanggang ngayon?"

"Uhm, no? I am not sure, pero sa nakikita ko ay parang hindi na niya mahal. I don't know if ako lang ang nakakapansin nito, he's suddenly change. I don't know. Nagbago siya bigla—silang lahat. They used to be part of trouble pero ngayon ay wala na. Parang ikaw nalang lagi ang sinasamahan nila and I could see the happiness.

Napanguso naman ako nang bahagya. "Hindi, ah, parang napipilitan lang sila kasi panay ang aya ng iba," sabi ko na totoo naman.

Bilang lang yata sa daliri ang kumakausap sa akin sa classroom.

"Lalo na si Harris, feeling ko may galit iyon sa akin, eh."

Natawa siya. "Relax, hindi ganoon si Harris. Hindi lang siya showy kaya ganyan pero mabait iyon. Bukod kay Dash, matino 'yang si Harris. Actually, crush ko siya noon," aniya, bahagya pang kinilig.

Ngumiwi ako. "Hay, basta iyon ang nararamdaman ko."

"Sa una lang 'yan. Try mo lang nang i-try hanggang sa makuha mo 'yong tiwala nila." Inayos niya ang kaniyang buhok. "You are different from Iris, Darlene."

Syempre, maganda lang ako, 'no! Hindi ako heart breaker like her!

"You are different to her dahil alam kong matataasan mo o mapapamahal sila sa 'yo bilang kaibigan, hindi katulad ni Iris na puro yata kaplastikan ang ipinakita. Iba ka sa kaniya dahil alam kong totoo ka sa kanila at mahal mo sila bilang kaibigan."

"Ito ang tandaan mo, girl. Maging totoo ka lang, huwag mong gayahin ang bitch na 'yon," ngumiti si Farrah.

"Sana intindihin mo na lang lahat nang nalaman mo. Kahit putol-putol, 'yan lang kasi ang alam ko." Tumango ako kay Laureen.

"So, are we friends na ba?" Tanong ni Kylie.

"Of course!" Masayang sabi ni Laureen bago ako halikan sa pisngi.

Ewness.

Scam! May pa clarify-clarify pa siyang nalalaman na hindi daw kami magiging friends pero tingnan mo, siya pa mismo nagdeklara.

Scam ka, Laureen! Scam!

Continue Reading

You'll Also Like

3M 250K 54
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
85.1K 1.7K 71
Tรกc giแบฃ: รm Dแบก Lฦฐu Tinh Thแปƒ loแบกi: Ngรดn Tรฌnh Nguแป“n: morphobblue.com Trแบกng thรกi: Full Thแปƒ loแบกi: Quรขn nhรขn vฤƒn, ngรดn tรฌnh, HE Sแป‘ chฦฐฦกng: 69 chฦฐฦกng + 2 P...
PHANTASMAGORIA By Saeko

Mystery / Thriller

2.2K 207 44
Almost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was...
Alexandra Rose By <3

Teen Fiction

274K 8.2K 45
It's been ten years since the Stones family lost their little girl. In those ten years, Alexandra Rose has grown up with an abusive foster father wh...