The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

4.7M 107K 20.7K

Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
The Girl in Worst Section: Special Chapter Edition Book
Special Chapter

Chapter 3

58K 1.3K 403
By whixley

Chapter 3: First Day

Tamad na tamad ako nang bumungad ang kinabukasan. Hindi sana ako babangon kaso binuhusan ako ng malamig na tubig ni Kuya kaya wala akong nagawa kung hindi ang maligo at mag-handa pumasok. Bukod sa pananakit niya ay hobby niya rin ang buhusan ako ng tubig tuwing umaga.

Kung pwede lang na hindi pumasok, ginawa ko na kaso binantaan akong hihilahin daw ni Kuya ang patilya ko! Ayoko no'n, masakit. Okay sana kung sa bawat hila niya bibigyan niya ako ng pera kaso hindi, sakit at pamumula lang ang nakukuha ko.

"Huwag ko lang talaga malalaman na gumawa ka ng gulo dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," banta ni Kuya kaya napairap na lang ako nang wala sa oras.

"Oo na po, kapatid. Ay, nga pala mahal na kapatid, nasaan na po ang aking—"

"Stop that," putol niya sa akin. "Mukha kang tanga."

Ouch, tanga agad?

"Kuya, grabe ka talaga sa akin. Minsan talaga napapaisip na lang akong ampon ka, e. Alam mo 'yon? Hindi mo ako mahal, Kuya, kasi ampon ka. 'Di ba 'yong mga ampon—"

"Mukha ba akong ampon? I'm not an adopted child," putol na naman niya sa akin.

"Sa bagay... magka-ugali kayo ni Papa. Pareho kayong dragon," nag-iba ang expression niya. "Joke lang! Kuya, lab-lab kaya kita! Bye!" Sabi ko bago dumiretso sa bathroom.

Lumabas na siya sa kwarto ko kaya wala ng maingay. Naligo na ako para mabilis matapos. May uniform na ako kaso hindi ko bet. Ang init kasi nito sa katawan, may blazer na black at may necktie pa. Iyong blouse hanggang palapulsuhan ko at iyong palda naman hanggang taas ng tuhod ko. Inayos ko ang kwelyo ng uniform ko bago humarap sa salamin.

Tinali ko nang half pony ang buhok ko at hinayaang nakalugay ang bangs ko. Ang ganda ko. Tumitig ako lalo sa salamin pero tumigil na rin ako dahil baka ma-inlove ako sa sarili ko, mahirap na.

Bumaba na ako pagkatapos. Dala-dala ko na rin ang bag ko. Nasa dining na sila Papa at hinihintay ako.

Panay ang irap ko kay Kuya at gano'n rin naman siya sa akin. Nakakainis 'tong si Kuya, lakas ng galit sa akin. Tipong nakatingin lang ako, e, salubong na agad ang kilay. Pinaglihi yata sa sama ng loob ang Kuya ko. Pero mabait si Kuya. Ayaw niya lang talaga ng mga trip ko. At kahit hindi kami magkapatid na buo, mahal niya ako. Kapatid ko si Kuya dahil kay Papa. Iba ang Mama niya, si Tita Claudette ang unang asawa ni Papa.

"Tandaan mo, ipapadala kita sa America kapag nasangkot ang pangalan mo," banta naman ni Papa.

Nanlaki ang mata ko. Ano? No way! Ayokong makasama si oldie kokontrolin no'n ang buhay ko. Akala mo naman ay siya ang may ari ng buhay ko. Palit na lang kami siya na lang teenager at ako nalang tatayo bilang matanda.

"Ayaw mo naman sigurong makasama ang Lolo mo, 'di ba?" Sambit ni Papa.

Opo, Lolo ko ang tinatawag kong oldie. Kasi naman wala siyang ibang ginawa kung hindi ang kontrahin ang desisyon ko. Akala mo naman siya ang batas. Palibhasa siya ang nakakatanda kaya parati siya ang nasusunod.

Isama mo pa 'yong paboritong apo niya na walang ibang ginawa kundi ang isumbong ako. Sipsip. Kaasar.

Napilitan akong tumango.

"Then, do what I said."

Napairap ako sa hangin. Gagawa ako ng paraan para hindi mo malaman. Mindset ba!

Mabilisan lang ang pagkain ko dahil ayaw ni Papa na mahuli ako. Hindi ako hinatid ni Kuya dahil mapapalayo siya at mahuhuli kapag sumabay ako, ngayon yata ang meeting niya sa Makati dahil hindi natuloy kahapon. Gano'n din si Papa kaya wala na akong nagawa. Another commute na naman ako.

Sumabay ako kay Kuya hanggang sa labas ng Village. Magje-jeep na lang ako papunta sa bagong papasukan ko.

"Bye!" Kumaway ako kay Kuya.

"Bye... mag ingat ka. Tanga ka pa naman," mapangasar na ngumisi si Kuya bago isara ang bintana. Sinundan ko pa siya ng tingin.

Ang sama ng kapatid ko.

Tumingala ako sa langit at nagsalita, "Lord, pahingi naman akong kapatid, 'yong mabait sana." Tinanggal ko ang blazer ng uniform ko dahil sa init. Kaartehan rin ng school na 'to.

Dumaan muna ako sa 7 eleven para bumili ng lollipop na chupa chups. Hindi ako tumitingin sa daan kaya nauntog ako sa may poste. Humawak ako sa noo dahil sa sakit. Narinig ko pa ang tawa ng bata pero hinayaan ko na lang.

Sumakay na ako ng jeep nang makabili, medyo nahihirapan akong huminga dahil nasa gitna ako ng dalawang chubby na babae. Pinuno pa ang jeep. Mas lalo akong hindi makahinga nang pinag-pilitan ng barker na kasya pa raw.

Mabuti na lang at mabilis kaming nakarating sa School na papasukan ko dahil hindi ko na kaya! Halos mapipi ako sa loob. Medyo masakit din ang noo ko dahil nauntog ako sa sarili kong katangahan.

"ID mo?" Tanong ng guard.

Kakaenrol pa lang, eh. Sa bagay, mukhang hindi niya namumukhaan ang lahat ng estudyante kaya akala niya matagal na ako rito.

Umiling ako. Tinanggal ko ang lollipop ko sa bibig at nagsalita. "Wala pa po," sabi ko at pumasok.

Totoo naman, eh. Wala pa akong ID, sabi ni Papa baka ngayon ko pa makukuha o baka sa susunod na araw. Panay ang tingin sakin ng iba. May isang babae pa akong nakita na sobrang lakas mang-irap.

Akala mo naman ikinaganda niya, mukha naman siyang paa na may alipunga.

Sinubo ko na ang lollipop ko at nag-lakad papunta sa Registrar Office para kunin ang section ko. Naliligaw ako kaya tinanong ko ang isang lalaking inaayos ang buhok niya. Matangkad rin ang lalaki.

"Pst!" tawag ko nang paaalis siya.

Hinanap niya ako at tumigil ang paningin niya sa akin. Infairness pogi siya kaso mukhang babaero kaya 'wag na lang.Pass sa mukhang babaero at sa talagang babaero. Nadali na ako noon at hinding hindi na maulit 'yon.

"Ako ba tawag mo?" Turo niya sa sarili.

Siya lang naman 'tong nasa harapan ko pero sumagot nalang ako ng maayos para walang away. Sa itsura niya mukhang palagi siyang naghahanap ng gulo pero pogi.

Tumango ako. "Saan dito 'yong Registrar Office?"

"Transferee ka ba dito?" tanong niya.

Dapat bang sagutin ang tanong ng isa pang tanong?

Tumango ulit ako.

"Ah. . . sa kanan tapos kapag may nakita kang R.O 'yon 'yong hinahanap mo." Tinuro niya ang nasa likuran kong daan. Tiningan pa niya ako, titig na titig siya sa mukha ko. Tumukhim siya at nag-iwas ng tingin.

"Salamat," sabi ko at umalis.

"Teka, miss!" sigaw niya.

Hindi ko siya pinansin. Iyon na nga ba ang sinasabi ko, babaero alert! Binilisan ko ang paglakad ko para naman hindi ako mahuli sa klase.

Sinunod ko ang sinabi niya kaya naman nakarating kaagad ako sa hinahanap ko. Hindi na ako kumatok at pumasok na lang. May nakalagay kasing sign na bawal katukin ang pinto dahil bagong gawa.

Nagulat 'yong babae sa akin pero agad rin na umayos.

"'Yong section ko po ang kukunin ko rito," magalang kong sinabi.

Tumaas ang kilay niya. Aba, tinataasan ako ng kilay drawing naman. Tinaasan ko din siya ng isang kong kilay, original 'to, 'no. Kusang bumaba ang kilay niya at hinanap ang mga papel. Mukhang pinaghihinalaan niya ang pagiging magalang ko.

"Name?" tanong niya.

"Darlene Miranda," sagot ko at umupo sa sofa.

Kinuha ko ulit ang isa kong lollipop at binuksan. Tumayo na ako nang nilapag niya ang papel sa table niya. Binasa ko 'yon.

"Last section po talaga?" Tanong ko sa Registrar.

Grabe, matalino naman ako pero hindi ako umabot ng last section. Dahil siguro sa mga pangit kong pag-uugali. Mababa rin kasi ang grades ko sa Values, oo sa Values lang ako mababa.

"Hindi naman yata kasi maganda ang mga record mo," sagot niya at tumingin sa likod ko kaya tumingin din ako. "Sasamahan ka ni Ms. Catalina Griffin sa room mo."

Maikli ang buhok niya parang kamukha niya si Dora.

Ipinakilala niya ang sarili niya kaya gano'n din ang ginawa ko. Habang naglalakad, hindi maiwasan ng mga estudyante na hindi tumingin sa akin. 'Yong isang babae inirapan ako.

Dukutin ko mata mo, eh.

'Yong iba rin nagbubulungan tungkol sa kagandahan ko. Gano'n talaga kapag may insecure sa pagkatao mo. At sanay na ako kapag may insecure sa akin, ginagawan ba naman ako ng kwento? Aba, syempre kwento nila 'yon kaya malandi ako, sus. Kwento nila 'yon, eh.

Hindi pa kami nakakarating sa harap naririnig na ang ingay mula sa loob.

"Putangina, ang bastos ni Gael! Doon ka nga manood n'yan!"

Tumigil kami sa harap kaya napatigil ang ingay nila. Napatingin sila sa amin ni Dora. Naka-poker face lang ako habang naka-krus ang mga braso.

Mga plastic kapag may Teacher hindi nag iingay tapos kapag wala ay parang nakatakas sa mental.

Inayos ko ang mukha ko nang pumasok kami sa room. Parang nagkaroon ng kuliglig ang buong paligid sa sobrang katahimikan. 'Yong kaninang nagbabatuhan ng silya napatigil, gano'n din 'yong ibang nagku-kwentuhan sa likod.

"Himala, ang tahimik," sabi ni Dora este ni Ms. Catalina.

Ang tahimik nga! Wow naman.

"Bakit?" tanong ko kaya muntik nang malaglag ang lollipop ko sa bibig.

Umiling siya at inayos ang mala dora niyang buhok. "May sasabihin ako," marahan lang ang boses niya.

Magsasalita na sana siya nang biglang umingay ang paligid. Bumalik sa dati ang lahat, 'yong kaninang nagbabatuhan ng silya ay nagpatuloy ulit at 'yong mga nagku-kwentuhan ay gano'n na ulit.

"Tapos p're, kinukulit ako ng babae, eh, ayoko nga," dinig kong sinabi ng isa.

Eh, bakit naman siya kinukulit? Tiningnan ko 'yong nagsalita, may hawak pa siyang vape sa kamay habang nakaharap sa kausap. Iyong isa naman ay nakasandal sa monobloc chair habang pinapakinggan 'yong nagsasalita.

"Kunyari ka pa, Raf," sambit ng naka-upo malapit sa kabilang pinto ng room.

Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil mas lalong lumakas ang ingay at tawanan nilang lahat.

"Tatahimik kayo o ibabato ko itong silya sa harap niyo?" Napahawak ako sa tainga ko nang sumigaw si Dora at may hawak na dalawang silya, handa nang makipag-digma.

Natahimik naman ang iba dahil sa sigaw niya.

"This is your new classmate," aniya at lumingon sa akin. "Darlene, introduce yourself."

"Darle—" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang mag-ingay sila.

Pinasadahan ko silang lahat ng tingin. Napaawang ang labi ko nang makita ang lahat. Ngayon ko lang napansin na puro lalaki. Ni anino ng babae sa room ay wala, except sa aming dalawa ni Dora. Wait... wait... wait! Bakit puro sila lalaki?!

"Patawa ka, ma'am!"

"Bawal babae rito."

"Tanga, baka naman lalaki 'yan nagpagkababae lang?"

Ampucha! Gawin ba naman akong bakla? Totoo itong dibdib ko, 'no! May perlas rin ako! Original ito, hindi 'to fake! At wala pang nakakadama ng mga 'to. Tangina ng nagsabi no'n, ha! Napairap ako.

Magsasalita na sana ako nang maalala ang sinabi ni Papa pero wala akong pakialam.

"Ipapadala kita sa America."

Ano ba naman kasing banta 'yan. Katakot.

Nanatili akong tahimik at nakatingin sa kanila. Sumimangot ako dahil sa mga pinagsasabi nila tungkol sa akin. Bakla daw ako... ang sama!

Napatingin ako sa lalaking kakarating lang at may dala dalang chichirya. Gulat siyang nakatingin sa akin, muntik pang malaglag ang nginunguya niya.

"'Oy," gulat niyang sinabi.

Siya 'yong mukhang babaero. In fairness, ang pogi pala niya sa malapitan?

"Bakit may babae rito?" Bulong ng katabi niya.

"Baka nga bakla 'yan," sagot ng isa.

Kung hindi lang mahal itong chupa chups na ito, e, matagal ko nang sinaksak sa bibig ng lalaking nagsasabi na bakla ako. Hindi ako bakla! Totoo ang mga ito! Totoo akong babae, 'yan ang gusto kong isigaw! Mga bwisit!

"Mukha ba akong bakla?" Mahinang tanong ko kay Ms. Catalina.

"Slight."

Ka-offend, ah?

"Okay, ikaw din naman mukha kang dora," sabi ko at agad kumunot ang noo niya.

"What?"

Umiling ako. "Wala."

"Dito siya magka-classroom," sabi ni Ms. Catalina sa lahat. "I know, it's new dahil hindi naman kayo sanay na may babae sa classroom niyo."

Wews, allergic lang ang peg nila? Akala mo naman hindi sanay sa pambababae. At ano ba ang mayroon? Ayaw ba nila ako maging classmate? Katampo, ah. Sa bagay, ayaw ko rin sa kanila! Ako lang ang girl!

"What the... hell?" Tanong ng isang kakarating lang. Gulo gulo ang uniporme niya at may pasa sa gilid ng labi.

Mukhang nakipag-sapakan ang lalaki. Kasunod niya rin ang isang lalaking may pasa rin sa labi. Shit, ang gwapo naman ng lalaki nito! Maluwag ang pagkakatali ng necktie niya at may suot rin siyang blazer ng uniform.

Iyong iba kasi wala. Pero siya ay mayroon... ang pogi niya tuloy lalo. Tumingin ako sa gilid ng uniform niya.

Velasquez.

Velasquez ang apelyido niya.

"Ano ang nangyari sa inyong dalawa?" Tanong ng nasa likod sa bandang kaliwa.

"Si. . ." Sagot ni ewan... hindi ko alam ang name niya. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil sa sobrang kaingayan.

Naririndi ako sa mga ingay nila. Sumandal na lang ako sa board at pinagkrus ang dalawang braso. Taga-bundok yata ang mga 'to. Panay ang tanong nila kung hindi lang siguro sumigaw si Ms. Catalina, hindi sila titigil.

Tahimik pa rin ako habang nakatingin sa taas ng kisame. Sa susunod na lang ako makikipag-away kapag nawala na sa utak ni Papa ang banta niya. Makakalimutan niya rin 'yon. Chillax lang muna tayo today. Kailangan kong mag-behave!

Humikab ako at nag-angat ng tingin. Nakakaantok! Tapos itong mga 'to, mukha pang tanga.

Tiningnan ko 'yong matangkad na lalaki na nahuling pumasok kanina. Pogi din naman, maayos ang buhok niya, halatang malinis din sa katawan ang lalaking 'to. Sa nakikita ko ay mapula ang labi niya, matangos ang ilong, sakto lang ang kilay niya, hindi makapal at hindi rin manipis. May lahi kaya 'to? Ganda ng mata, e. Kulay berde ang kulay ng mata niya. At iyong buhok niya mala-Leonardo DiCaprio.

Gano'n din naman ang ginawa niya sa akin, pinasasadahan niya ako ng tingin. Tumigil ang tingin niya sa dibdib ko. Bastos! Kumunot ang noo ko bago tinakpan ang dibdib gamit ang bag ko.

"Tanginang 'to," bulong ko.

Parang hindi naman siya makapaniwala sa ginawa kong pagbulong nang maintindihan niya. Nakatingin lang siya sa akin. Napatingin din sa akin ang isa.

"What's happening here? And why—"

"No more explanations! She's your new classmate and that's final," sambit ni Dora.

Hay, parang big deal naman na nandito ako.

Sinabihan niya akong ipakilala ang sarili ko. "Darlene Miranda." Sinadya kong gawing anghel ang boses ko para naman maging mabait sila. Pero kung hindi, edi 'wag! Lalaban ako ng patayan.

Mga nagbubulungan silang lahat habang nakatingin sa akin. Iyong gwapong lalaki sa harap ko, kanina pa nakatingin sa akin. Nakakailang nga, e. May sinasabi siya at bigla naman nagtanguan ang mga katabi niya.

Ano kaya 'yon?

"Ano bang ginagawa niyong lahat?" Tanong ko nang tanggalin ang lollipop, binasa ko ang ibabang labi.

"Ah. . . gandang-ganda lang sa 'yo si Nix," sabi ng isa.

"What?!" Tumingin iyong Nix doon sa nagsalita.

Nix... pamilyar, ha. Iyong name pamilyar.

"Okay lang 'yan... sanay na akong may nagagandahan sa akin. Totoo naman na maganda ako," sabi ko, ngumisi pa.

Napangiwi sila.

Kanina ko pa gustong tanggalan ng daliri itong nasa harap ko. Panay ang lahad ng kamay at nakaturo sa lollipop ko. Inirapan ko siya. Ayoko nga! Mahal mahal nito, eh!

"Please be nice. Kukutusan ko kayo kapag ito pinagtripan niyo," banta ni Ms. Catalina at hinila ako para paupuin sa tabi ng bintana.

'Yon na lang ang available na seats. Pero mas gusto ko sa harapan umupo dahil hindi ko alam nasa likuran ko nakaupo ang lalaki, iyong Nix ba 'yon?

"Wait for your teacher! And be quiet!" Paalala niya sa buong klase bago umalis.

Kinabahan naman ako bigla. Hala, bakit niyo po ako iniwan? Ma'am! Hindi ko na kaya ang mga tingin nila sa akin! Lalamunin nila ako ng buhay! Kuya! Papa! Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Nakakailang ang tingin nilang lahat sa akin lalo na't lalaki sila!

"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ng isa habang nagdo-doodle sa notebook.

"Nakaupo?" sagot ko.

Agad nagbago ang itsura niya. Totoo naman, eh. Ano'ng gusto niyang sabihin ko? Nakatanga gano'n?

Umiwas ako ng tingin. Ang pangit ng parusa ko. Bakit naman puro kasi lalaki ang mga kaklase ko?

"Pahingi naman akong lollipop? Kanina ka pa naka-lollipop, eh," sabi ng mukhang babaero.

"Ang buraot mo, Harvey," saway ng isa.

Ah, Harvey pala ang pangalan niya. 'Yong mukhang babaero, 'yon ang name niya.

Kinapa ko ang bulsa ko. Sampu 'yong binili ko kaya ayos lang. Binigay ko sa kaniya 'yon at agad niyang ininggit ang mga kaklase niya-namin pala.

"Padila ako."

"Saan ba? Sa lollipop o dito sa—"

"May babae, hoy!"

Tumingin ako sa tabi ko nang may umupo at nilahad ang palad.

"Pahingi naman ako," sabi niya.

Kinapa ko ang isa sa bulsa ko para ibigay sa kaniya. 'Di man lang nag thank you, basta-basta na lang umalis. Sinundan ko siya ng tingin. Kapal muks, ah!

"What the fuck are you doing here?" Tanong ng lalaki kanina.

Tiningnan ko siya. Ang sama ng tingin niya sa akin. Ano bang problema niya? Kung ayaw niya akong makita, edi 'wag siyang pumasok, napaka basic.

Sinalubong ko ang tingin niya. "Nag aaral. School 'to, 'di ba?"

Panay ang titig niya sa akin. Siguro kung hindi pa ako nagsalita baka tulala na siya sa akin ngayon.

Agad na sumama ang timpla ng mukha niya. "You're not allowed here."

"Kailan ba kayo mag-a-allowed?" Inosente kong tanong.

Amba siyang tatayo pero pinigilan siya ng isang kamay at pinaupo ng maayos. Good 'yan, makinig ka sa amo mo.

"Let me go, Trev," utos niya pero hindi siya sinunod noong Trev. "Leave our section, Miranda."

Nakataas ang kilay ko ng sabihin ang apelyido ko. Sino ang sinabihan niya? Si Papa, si Kuya? O 'Yong buong angkan namin?

"Marami kaming Miranda, sino ba sa amin?" tanong ko.

Matalim ang tingin niya sa akin. "Bitch."

"Putangina mo," no choice, iyon nalang ang masasagot ko.

"Relax, Nix," ngumisi sa akin ang lalaking pumigil doon sa Nix pero inirapan ko siya.

Nix raw.

Saan ko ba narinig ang pangalan na 'yon? Ang pamilyar kasi talaga, eh!

Nanahimik nalang ako pero walang tigil sa panggagago ang kinginang lalaki na nagngangalang Phoenix. Kinakalma ko lang ang sarili ko kahit naiinis na ako. Para kasing tanga ang hayop na 'to, pang-iinis lang ang ginagawa sa akin.

Pinakilala rin ni Dash 'yong mga hamog na 'to, oo, kahit napaka-pogi nila, hamog sila!

"Gago talaga ang mga 'yan. Masanay ka na," daldal ni Dash.

"Okay. . ." sabi ko nalang.

"Ayon si Harvey, gago 'yan. Lagi 'yan nambuburaot kaya ingat ka. 'Yon naman si Harris, taga-saway ng klase 'yan. 'Yong nasa harap, si Gael, bastos ang bunganga n'yan."

Naguluhan ako. Hindi ko gets. "Huh?" tanong ko, nakakagulo kasi. Paanong bastos ba?

Tiningnan ko naman 'yong Harris na tinutukoy niya. Abala siya sa pakikinig sa katabi habang bumubuga ng usok. Maangas ang dating niya, parang siya 'yong lalaki na kapag may nag-away, willing pumigil. At feeling ko hindi siya palangiti. Nilipat ko naman ang tingin doon sa Gael, mukha siyang inosente kaya paanong bastos ang bibig niya? Iyong Harvey medyo kilala ko na.

"Uhm, basta. Bastos ang bibig niyan, 'yon naman si Renz, gago din 'yan pero maaasahan sa mga bagay-bagay. Ang nasa harapan natin si Mavis, mabait 'yan... minsan. 'Yong dalawa naman na 'yon si Owen at Dice, mag-best friend 'yan pero kaibigan din naman nila kami. Gago rin ang dalawang 'yan tapos parehong babaero kaya ingat ka diyan."

Huh? Ako mag-iingat sa kanila? Bakit?

"Pero sa tingin ko naman... hindi ka papatol diyan. Ganda mo, e—" napatigil siya sa pagsasalita, napatingin pa sa akin. "Ehem. So, 'yon nga. . . si Finn naman 'yon. Lumayo-layo ka sa kaniya dahil sugal lang ang alam niyan. Kayang-kaya niyang umubos ng milyones sa isang araw lang."

Nagulat ako. "'Di nga?" paninigurado ko.

"Panalo naman siya tuwing nagsusugal ang kinginang 'yan. May utang 'yan kay Nix na isang milyon."

Edi mayaman pala ang Nix na 'to?!

"Pwede kaya umutang?" Biro ko.

"Yeah, you can. But you will pay me using your kisses."

Napalingon ako sa sinabi ni Phoenix. Nakangisi siya sa akin.

Ulol! Hinding-hindi ako tatamaan ng charms mo! Never!

"Yuck, baka magka-bacteria pa ang bibig ko," irap ko.

Malakas napatawa si Dash dahil sa sinabi ko. Hindi naman makapaniwala si Phoenix sa sinabi ko.

"Wow... you know what, Miss. My kisses are expensive. Baka himatayin ka pa kapag hinalikan kita ngayon."

"Ew." Biglang uminit ang pisngi ko.

Ang pogi naman ng tawa niya! Nakakaasar!

"Okay continued," sabi ni Dash. "Si Rafael naman 'yon at si Cervantes, parehas hindi maka-move on sa ex—anak ng puta, aray!" Binato noong Rafael si Dash gamit ang bote. "Huwag mo na lang pansinin ang mga 'yan." May tinuro siya sa likod ko. "'Yong nasa likuran mo, si Phoenix 'yan. Gago din 'yan—" Halata nga, halatang gago siya. "Totoong gago si Nix pero mabait 'yan."

"Hindi halata...." Bulong ko.

"Shut up."

Lumingon ako. "Epal. Mabait ka? Hindi halata. Wala sa itsura mo. Isa ka lang dakilang gago." Tinawanan ko ang mukha niya.

Nakilala ko rin si Trevor at literal na mabait daw siya sabi ni Dash, well halata naman sa kaniya. At kay Phoenix, hindi ko sigurado. Hmp.

Continue Reading

You'll Also Like

85.1K 1.7K 71
Tác giả: Ám Dạ Lưu Tinh Thể loại: Ngôn Tình Nguồn: morphobblue.com Trạng thái: Full Thể loại: Quân nhân văn, ngôn tình, HE Số chương: 69 chương + 2 P...
314K 23.5K 47
"I can't remember what happened that night. I'm not talking slippery details or fuzzy-edged visions; I mean a complete and utter blackout. Like I was...
249K 7.6K 100
All in the title, Baby! Reverse batfam and other cute things for y'all. Literally the first thing I'm writing on here. It's excellent blackmail. Pl...
Villa Teufel By _gemini_

Mystery / Thriller

351 11 4
Aya, a young woman searching for a job, stumbles into Villa Teufel. But as she explores the dark corners of the villa, she stumbles upon a series of...