71: THE CHOSEN

377 25 2
                                    


Ngumiti ng matamis si Rune at niyakap ako. "Ely, ang totoo, sinubukan ko lang kung talagang kaibigan ang turing mo sa akin. Patawad."

Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Rune ang kanan kong kamay kung saan hawak ko ang dagger ko. Puwersahan niya itong tinulak papunta sa katawan niya habang yakap niya ako. Hindi!

"Arg..." nakarinig ako na parang may binutas na plastic. Sinasaksak ni Rune ang sarili niya. Bakit?

"Rune!"

Pinipilit kong kumawala sa pagkakayakap ni Rune. "M-mata-tapos lang ang laban k-kapag s-sinabi n-ni Mr. Bill kung sino ang panalo."

Shit! Bakit hindi ko agad sinigaw na talo na ako? "Rune... Pakawalan mo 'ko!" mahigpit din ang pagkakayakap ni Rune sa kamay ko na hawak pa rin ang dagger at hindi pa rin niya ito tinatanggal sa pagkakasaksak. Hindi ko rin puwedeng bunutin 'yun basta-basta dahil mas delikado. Parang na-blanko ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Dahil sa mga oras na 'to, nais niyang puwersahang bunutin naman ang dagger at wala akong nagawa dahil parang nanghina ako. Naramdam ko na lang ang buong bigat ni Rune sa katawan ko. Agad kong binitawan ang dagger ko at sinalo ang katawan niya. "Rune! Rune..." nanginginig ang kamay kong tinakpan ang sugat niya gamit ang kamay ko. Saka ko lang naisip na baka ma-impeksyon naman iyon dahil napakarumi ng kamay ko. Tatanggalin ko sana ulit pero hinawakan ni Rune ang kamay ko.

"Ely, ayos lang..."

"ANO KA BA? WALANG MAAYOS SA LAGAY MO!" nasigawan ko na siya dahil sa halo-halong imosyon. Hindi ko namalayan na humahagulgol na rin pala ako habang sumisigaw.

"Ely..." muli na naman niya akong tinawag. "I-ipangako m-mong b-balik ka ng school. A-at i-i-p-angako mo'ng, g-gawin pa rin natin 'yung, usual routine n-natin k-kasama 'y-yung mga boys." Hindi ko alam kung bakit ito sinasabi ni Rune. Siguro dahil natatakot siya na baka pagnakalabas kami rito ay mag-iba ang turingan namin sa isa't isa.

Tumango ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha, pawis, at uhog sa mukha ko. "Ipinapangako kong makakabalik ako ng school basta ipangako mong may babalikan pa ako. Na makikita ko pa rin 'yung Rune na kilala ko. 'Yung Rune na jolly, at maingay."

Ang negative na kasi ng iniisip ko, na baka... hindi na siya makabalik, na baka hindi niya makayanan.

Hindi! Ano ba 'tong iniisip ko?

Kahit na hirap na siya ay tininaas pa rin niya ang kamay niya. "P-pangako." Pagkatapos nu'n ay bigla na lang niyang ipinikit ang mga mata niya.

"Rune!" pinipilit ko siyang gisingin pero hindi na siya magising. May humawak sa balikat ko at nang tingnan ko kung sino... "Mr. Bill."

"Ikaw ang nanalo sa labang 'to, Hiya." Malumanay man ang bigkas ni Mr. Bill, halatang may pag-aalala sa mukha niya.

"P-pero si Rune, Mr. Bill. 'Yung kaibigan ko po, delikado po buhay niya, Mr. Bill. Tulungan niyo po ako." Nagsusumamo na ako kay Mr. Bill. Hindi ako mapapanatag kung mamamatay si Rune. "Ayoko nang may mamatay ng dahil sa akin, Mr. Bill..."

Lumapit na rin si Akihiro sa amin. Umupo siya sa kabilang side ko kung saan napapagitnaan na namin si Rune. Agad niyang pinulsuhan si Rune. "Buhay pa siya..." tumingin na rin siya kay Mr. Bill. "Bill. Pakiusap... Kaibigan namin si Rune." Pagsusumamo rin nito.

Matagal bago nagsalita si Mr. Bill, para siyang nagdadalawang isip pero sa huli ay napapayag na rin siya. Ngumiti siya sa amin na usual na ngiti niya. "Huwag kayong mag-alala. Ako nang bahala sa kanya." Muli, may mga pumasok na mga nakaputing uniporme at kinuha ang katawan ni Rune. Hindi na ako nakatayo. Feeling ko over fatigue na rin ako, kaya tiningnan ko na lang si Rune habang inilalabas nila.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon