16: WILD PIG

1.6K 73 2
                                    


Matapos kong maghugas ng gabundok na hugasan ay agad na rin akong tumuloy sa isang bakanteng kuwarto upang magpahinga.

Ginalaw ko ang ibang parte ng katawan ko na tila nangalay sa mga gawaing bahay. "Lupet talaga niya kahit kailan. Nakakainis!"

 Naglatag ako ng higaan sa sahig saka isinalampak ang aking katawan sa higaan.





------------------------------------------------------

"Ardfjfjhmbf"

Nagulat ako at hindi makahinga sa malamig na tubig na sumaboy sa mukha ko. Agad akong napabangon at napa-ubo.

"Mabuti naman at bumangon ka na."

Napatingin ako sa matandang nagsalita. Hawak niya ang isang tabo na wala nang laman na tubig dahil pinambuhos na niya sa mukha ko. "A--ano b-bang prob--le--ma m-mo?" halos hindi ako makapagsalita ng maayos dahil pakiramdam ko, may bumabara pa sa lalamunan ko.

"Tanghali na nakahilata ka pa diyan! Marami ka pang gagawin at kailangan mo pang maghanap ng pagkain ng alaga mo!"

Napatayo ako ng maalala si Sky. Hindi ko nga pala siya napakain kagabi at hindi ko rin inalam kung maayos ba ang kalagayan niya n'ung sinunggaban niya ang mga kalaban namin kahapon.

Hindi ko na inalam kung anong itsura ko at dali-dali akong lumabas ng bahay.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sa labas ng bahay si Sky. Agad akong lumapit kaya bahagya niyang binuka ang kanyang pakpak pero hindi naman ito lumipad.

Hinawakan ko ang kulay puti niyang balahibo, sinipat ko kung may bakas ba ito ng sugat pero nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang maayos naman ang kalagayan niya. Hinimas ko ang kanyang ulo. "Mabait at maasahang kuwago."

"Kumilos ka na!" utos ni Master Hagiza kaya agad naman akong nagpalit ng damit dahil nabasa na rin ang t-shirt ko sa pagbuhos ng tubig sa'kin ng matandang hukluban.

Kasabay ng pangangahoy sa gubat ay naghanap na rin ako ng makakain ni Sky pero inabot na ako ng halos isang oras pero wala pa rin akong nakikitang maaari niyang kainin.

Babalik na sana ako nang may maramdaman sa aking likuran. Nagtaasan ang balikat ko sa braso ng maging pamilyar sa akin ang tunog. Dahan-dahan kong nilingon kung saan nanggagaling ito na tila parang galit na galit.

Nanlaki ang mga mata ko sa maitim, mabilog at tila nagagalit na baboy-ramo.

Isang pilit na ngiti ang ginawad ko. "Ba-boy, kamusta ka? Mabait 'yan... hindi 'yan manunugod." Para akong timang na pinapaamo ang baboy na tila bumubuwelo na pagsugod sa akin.

Umatras ako ng isang beses. "Kyaahhh." Tumakbo ako ng pagkabilis-bilis dahilan kung bakit agad din niya akong hinabol.

Namalayan ko na lang ang sarili na wala na akong bitbit na mga sanga, nabitawan ko na pala dahil sa walang hiyang baboy na hindi ata napapagod na habulin ako.

Wala akong kahit na anong sandata kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa isang ito.

Hanggang sa napagod ako kakatakbo at kinuha ang sanga na malapit sa akin, hinarap ko ang baboy-ramo na ilang agwat lang ang layo sa akin, huminto rin pala siya. "Lilitsunin kita kapag lumapit ka sa'kin." Banta ko sa baboy na ito pero parang wala siyang balak na umatras. "Sige sugod baboy ng may makain na kaming karne ngayon!"

Tila walang pagdadalawang-isip na sumugod ito sa akin kaya tumalon ako upang mapunta sa kanyang likuran habang tumatakbo ito, at dahil malapit lang ang agwat niya sa'kin kaya agad ko siyang hinampas ng malakas na makapal na sangang nakuha ko.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now