55: MATCH (THE REVELATION 1)

938 52 8
                                    

*Hi, super sorry sa sobrang tagal na pag-uupdate. Medyo frustrated ako dahil kung kailan malapit ko nang matapos ang book 1 na ito tsaka naman naging demanding ang schedules ko. So sa ngayon baka buwan na naman ang aabutin para sa pag-uupdate ko pero hopefully magkaroon pa rin ako ng pagkakataon this month na makapag-update pa kahit isang chapter lang ulit.

For now lets proceed to chapter 55.

************************************

Humugot muna ako ng malalim na hininga. 

Kahit halos lantang gulay na ang aking katawan ay pinilit ko pa ring umatake at pantayan ang gagawin ng kalaban ko. Sumugod sa akin ang nilikha nitong crystal arrow kaya hinanda ko ang aking dagger. 

Iwinasiwas ko iyon kaya nagbanggaan ang talim ng aming mga sandata. Hindi na rin ako mabilis tumakbo dahil pakiramdam ko ang bigat bigat na ng katawan ko. 'Yun bang halos buhatin ko na ang sarili kong katawan. Hindi puwede 'to...

"Do I need to celebrate now? You look very weak na." Nakarehistro na rito ang nakaka-insultong ngiti nito kahit na medyo hindi na rin siya okay, lalo na ang kanyang mga mata. 

"Yah!" Sigaw ko para mapilit ko ang aking katawan na makapag-produce pa ng lakas. 

Wasiwas ng dagger at pag-iwas sa atake ang paulit-ulit na senaryo ko hanggang sa hindi ko na talaga kaya.

"Katapusan mo na!" 

Tinitigan ko na lang ang arrow na unti-unting pumupunta sa direksyon ko. Inantay ko na lang na dumampi ito sa aking balat hanggang sa naaramdaman ko na lang ang hapdi at lamig sa aking kanang dibdib. 

Tinusok ako ng crystal arrow kaya malayang umagos ang aking dugo subalit nagulat ako dahil hindi iyon malalim. 

"Arggg." Napatingin ako kay Richard at nagulat ako dahil lumuluha na siya ng dugo.

A-anong nangyayari?

Kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Richard ay ang pagkatunaw ng crystal arrow sa aking dibdib. Pakiramdam ko dininig ng langit ang panalangin ko, akala ko talaga katapusan ko na.

"He-he..."Nakakabilib na nagawa pa rin niyang tumawa kahit na halos takasan na ng ulirat si Richard. "N-natalo a-ako ng i-isang babae." Pagdedeklara nito.

"Huwag ka nang magsalita." Saway ko sa kanya habang dahan-dahan akong lumalapit. 

"H-huwag k-kang l-lapit." Pigil nito sa akin. Paano niya nalaman na lalapit ako sa kanya? Halos habol habol na nito ang hininga at kita mo sa expression ng kanyang mukha na may iniinda siyang kirot. "S-sorry sa g-ginawa ko sa'yo at sa mga sinabi ko." Sa totoo lang hindi ko talaga ine-expect na hihingi siya ng tawad sa akin. "Isang karangalan sa akin na makaharap ka Elyon. Sa l-labang ito ikaw ang n-nanalo kaya k-kung maari sana ay magtungo ka na sa susunod na pagsubok at huwag mo na akong subukang tulungan pa dahil kahihiyan iyon para sa akin."

Tsk, ayaw talaga nilang bitawan ng pride nila kahit nasa ganito na siyang kalagayan. Wala talaga akong masabi sa Dunstan Clan.

Kahit ayaw ko siyang iwanan wala na akong nagawa. Yumuko ako bilang baggalang sa kanya. "Karangalan ko rin ang makalaban ka. Maraming salamat." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago ko siya tinalikuran.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko pero halos umiikot na ang paligid ko at namalayan ko na lang na bumagsak na rin ako sa malamig na lupa. H-Hindi ko na talaga kaya... Nagpapanggap na lang kasi talaga ako kanina na pero this time parang ayaw nang sumang-ayon ng katawan ko. 

Hindi ko alam kung ilang minuto na ako na nasa ganoong kalagayan pero nanatili na lang akong nakapikit. Ilang laban pa kaya ang mangyayari? Pakiramdam ko kasi walang katapusan ang paligsahang ito. 

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now