8: SUSPICIOUS RIVALS (2)

1.9K 71 1
                                    


Mabilis akong kumain ng pagkain at pagkatapos naglakad muna ako. Wala namang masyadong tao kaya malaya akong makakilos. Napahinto ako sa nakaawang na pintuan ng music room. Sinilip ko kung may tao pero wala naman akong nakita kaya pumasok na rin ako. May kadiliman ng kaunti sa room kaya hindi ko masyadong sinara ang pintuan.

Dumiretsyo ako sa piano. Sinubukan kong magtipa pero hindi ko na tinuloy dahil masyadong malakas at puwedeng makaagaw ng pansin sa labas.

Sunod kong hinawakan ang gitara. Pagkatapos kong maayos ang tono ay nagsimula na akong tumugtog at kumanta.

(NP: Failure in Disguise - Jayesslee )

Have you ever felt like you
Where the only one on the road?
Have you ever wondered
"Where has everybody gone?"

Have you ever felt abandoned?
Have you ever felt alone?

Napapikit na lang ko at ninamnam ang lyrics ng kanta.

Well I, I hear your cry
And I, I feel your pain
I know, you try so hard
To make things right
To overcome this endless fight
Just don't give up

Ano kayang pakiramdam kung may isang taong magsasabi sa akin nito?

Have you ever felt like you
Just stepped over the line?
And then, you just pretend
That everything was fine?

Have you ever felt nobody knows who you are?
Have you ever felt like a failure in disguise?

Napahinto ako sa pagtugtog at pagkanta nang may maramdaman ako sa paligid. "Magpakita ka!" Madiin kong bigkas.

"Malakas pala talaga ang pakiramdam mo." May aninong lumabas. Hindi ko siya mamukaan dahil sa dilim ng kuwarto pero pamilyar sa akin ang boses niya.

Hindi siya masyadong lumapit sa akin. "Masyado kang madrama."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Nakikinig ka na nga lang nagrereklamo ka pa?!" Buwisit 'to lakas maka-asar.

"Para sa kaalaman mo nauna ako rito. Bigla ka na lang pumasok at nagpatunog ng piano pero hindi ka pa nakuntento naggitara at kumanta ka pa!" Pinasok niya ang magkabila niyang kamay sa bulsa ng pantalon at lumabas na ng music room.

Hinabol ko naman siya sa labas. "Dangsin, ang yabang mo!"

Bahagya lang siyang lumingon, kaya kalahati lang ng mukha niya ang nakita ko pero sapat na iyon para makilala ko siya. Si Carlisle.

Ngumisi lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Humanda siya sa akin mas lalo kong lalakasan ang pagsipa sa lamesa niya!

Nang matapos ang klase agad na akong lumabas ng academy. Naglakad ako palabas ng Village at nakita ko agad si Eman at Jane na nag-aantay sa akin.

Pagpasok ko ng karwahe sinalubong ako ng tingin ni Sky. "Nagdala ba kayo ng pagkain niya?" Tanong ko kay Jane.

Nilabas ni Jane ang isang tupperware na naglalaman ng maliliit na karne. Bubuksan sana niya pero pinigilan ko na lang.

Pagdating sa bahay ni Master Hagiza sinabit ko ang hawla at pumunta ng comfort room para magbihis. Pagkatapos kong maghanda ay pumunta agad ako sa isang kuwarto kinapa ang pader gaya ng ginawa ni Master Hagiza. Nang may makapa ako, agad ko namang pinindot iyon.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now