11: BILL RESTAURANT

1.8K 67 0
                                    


Lumipas ang weekend at natapos na rin ang araw ng klase ko. Napakawalan ko na rin si Sky dahil umamo na siya sa akin pero hindi ko na siya ginamit para magpa-alam pa kay Master Hagiza na liliban muna ako sa training. Ako na mismo ang dumirekta sa kanya kahapon.

Tumakbo ako sa campus para hanapin ang nag-iisa kong kagrupo. Ayokong mag solo dahil wala akong social media. Nag-deactivate ako ng account ko sa FB dahil nagpalit ako ng identity at ayokong makita ang mga taong naging part ng buhay ko. Mas lalong ayokong malaman nila na buhay pa ako.

Nang makita ko siya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang braso niya. "Sumama ka sa'kin."

Hahatakin ko sana si Carlisle pero masyado siyang malakas kaya ako ang nahatak niya at nabunggo sa matigas niyang dibdib.

Nakaramdam ako ng bultahe sa katawan pero mabilis din akong lumayo dahil sa pagka-ilang. Papano siya naging ganoon kalakas?

Ngayong nalaman ko na malakas siya kaya binigay ko na rin ang puwersa ko para hatakin si Carlisle. Pambihira! Gusto ko pa namang i-save ang lakas ko para bukas pero mukhang hindi ko magagawa dahil sa kanya. "S'an mo ba ako dadalhin?" Walang kalatuy latoy niyang tanong.

"Sa music room magpa-practice tayo." Hatak ko na siya sa mga oras na ito.

"Hindi ako pumayag sa gusto mo diba!" Reklamo niya.

"Wala akong pake basta ikaw ang magiging partner ko."

"Tsk, ayokong mag-practice sa music room. Sumunod ka sa akin."

Sumunod naman ako sa kanya palabas ng academy at nagtungo sa paradahan ng mga bisikleta. Kinuha niya ang sarili niyang bisikleta at pinaandar na ito. Hindi man lang ako inantay, tsk. Kinuha ko na rin ang akin at sumunod na sa kumag.

"S'an ba tayo pupunta?"

"Huwag ka nang magtanong sumunod ka na lang."

Sungit.

Kasalukuyan kaming papunta sa Village. Mabilis siyang magpatakbo kaya medyo nahuhuli ako ng kaunti pero sinisigurado kong hindi siya mawawala sa paningin ko.

Huminto siya sa isang restaurant at pinarada ang bike sa gilid. Ganoon din ang ginawa ko at halos sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant.

Wala pang masyadong tao sa loob pero sinalubong kami ng isang matandang lalaki ng nakangiti.

"Carlisle, nandito ka na pala." Napatingin naman siya sa akin. "At may kasama kang dalaga."

"Ahnyonghaseyo, Elyon po classmate ni Carlisle." Pagpapakilala ko.

"Ah, akala ko kung ano na." Ngumiti na naman siya ng pagkalapad lapad. "Ako nga pala si Bill ikinagagalak kitang makilala binibini."

"Nandito po kami para mag pra---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may pumasok na dalawang lalaki na parang nagtatalo. Nakatingin kaming tatlo na mukhang hindi pa kami napapansin dahil busy sa kanilang ginagawa. Naka uniform sila ng kagaya sa amin pero naiba lang ang necktie. Mga senior high.

"Sige na Pare tulungan mo na akong pormahan 'yung chikabebot dun sa University."

"Ayoko mapapahamak pa ako sayo eh!"

"Magpapanggap naman tayong mga college students."

"Ang kulit mo tigilan mo nga ako!"

"Ehem." Naglinis ng lalamunan si Mr. Bill para bigyan ng attention ang dalawa.

Effective naman dahil napatingin sila sa direksyon namin. "Oy, may chikabebot." Nagmadaling lumapit sa akin 'yung isa.

"Aray!!!" Pinalo sa ulo niya 'yung sandok na hawak ni Mr. Bill.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now