28: VENTURE'S MARK

1.3K 58 64
                                    


Muli akong tumakbo upang pulutin ang punyal na naibato niya sa akin pero tumakbo rin siya.

Nang makuha ko ito ay bigla niya akong sinipa kaya napasubsob na naman ako sa lupa pero agad akong humarap dahil ramdam ko ang susunod niyang pag-atake. Muling nangtagisan ang mga hawak naming sandata. Pwersahan niyang tinutulak ang aking kamay upang makalapit sa mukha ko ang blade ng kanya, pero sinipa ko siya kaya muli siyang napaatras.

Agad akong tumayo at winagayway ang punyal, pero naiilagan niyang lahat iyon. Tumambling ako paitaas dahil gusto kong masugatan ang kanyang mukha pero mabilisan din niyang nadipensahan ang sarili. Buwisit talaga. Nanggigigil na talaga ako, dahil hindi ko man lang magawang makalamang kahit konti man lang.

Parehas kaming sumugod at muli kaming tumalon. Winagayway ko ang aking punyal, ganoon din naman siya.

Halos sabay kaming lumapag sa lupa at nang humarap ako sa kanya nakita kong nahiwa ang kanyang damit banda sa kanyang balikat kaya napangisi ako.

Pero wala pang ilang sigundo ay nakarinig ako na parang may naputol na pisi. Naramdaman ko na lang na nakalugay na pala ang aking mahabang buhok, dahilan upang mapangisi rin si Master Hagiza. Doon pala niya ako pinatamaan.

"Tsk. Akala ko makakalusot na ako d'un."

Ilang oras pa ang tinagal ng aming laban hanggang sa abutin na kami ng takip silim. Tagatak na ang pawis ko at mabigat na ang aking paghinga nang magdisisyon si Master na tapusin na ang pag-e-ensayo. Pagkarating namin ng bahay ni Master ay agad akong naglinis ng aking katawan dahil mukha na namang basahan ang aking damit, bukod doon nasira na rin ang ibang bahagi nito dahil natamaan na naman ni Master Hagiza.

Paglabas ko ay nakita ko siyang umiinom ng tsa-a. "Nasira na po 'yung damit ko." Pagrereklamo ko sa kanya.

"Tahiin mo." Iyon lamang ang sinabi niya at muli na naman siyang uminom.

Hindi na lamang ako umimik dahil wala na ako sa mood makipagtalo. Kailangan ko ng umuwi dahil marami na naman akong assignment na gagawin. "Sandali..." Napahinto ako sa pagpigil sa akin ni Master Hagiza.

Paglingon ko may bigla siyang hinagis na agad ko namang sinalo. Teka, dagger to ah. Tiningnan ko siya at magsasalita pa lamang ako pero pinahinto na niya ako. "Mula ngayon sa iyo na 'yan at palagi mong dadalhin."

"Okay po." Iyon lang ang nasabi ko at tumalikod na.






Kinabukasan



Parang tangang sinisiyasat ako ni Rune dahil sa bandage na nakalagay sa aking mukha. "Hindi naman siguro dala ng lindol 'yan diba? 'Yung totoo Ely? Ano bang pinaggagawa mo at mukha kang nakipag-away?"

Hindi ko siya pinansin at dire-diretsyo lamang ako. "Woi Ely! May nambu-bully na naman ba sa'yo?"

"Puwede ba tumahimik ka na nga!" ang kulit ng isang 'to. Baka mamaya masabi ko pa sa kanya ang sekreto ko.

Napanguso na lamang siya at sumabay na lang sa akin sa paglalakad papuntang building ng Grade 10 pero hindi pa man kami nakakapasok ay biglang humarang sa daraanan namin si Dick. Bakit?

"Hi-Hindi rito ang building ng senior high." Iyon lang at nilampasan ko na siya.

Nagulat na lamang ako ng hablutin nito ang aking braso kaya agad ko iyong hinablot dahil nakaramdam ako ng pagka-ilang. "Wae?" inilapit nito ang kanyang mukha sa akin dahilan ng pag-iinit ng aking mukha.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon