74: THE CELEBRATION

206 14 0
                                    

Nakarating kami sa Dark Cafe at ang una kong napansin ay wala si Frigelle.

Ang mga kaibigan ni Kyzhen ang nagdu-duty ngayon, kaya tuloy ang daming tao! At karamihan ay mga babae!

"Here's your order, ma'am," Magiliw na binaba ni Anchises ang sliced cake and hot chocolate sa table namin.

"H-hindi pa naman ako umu-order..." Napatingin ako kay Anchises pero malapad ang ngiti niya sa akin.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Omg ang popogi nila, bes!"

"Sa kanila pa lang busog na ako..."

At siyempre sa naririnig ko.

Tinanggap ko na lang 'yung nilapag niya sa table ko para hindi na siya bumalik dito.

Napatingin naman ako sa sa cashier area at nakita ko si Vincent na nakasimangot habang kinukuha ang order ng customer niyang babae na halos maging puso na ang mga mata. Walang pakialam ang customer kahit na masungit 'yung kumukuha ng order niya, at parang nag-e-enjoy pa nga 'to na nakatitig kay Vincent. "Bakit sa cashier mo siya nilagay?" tanong ko kay Kyzhen habang nakatingin pa rin ako sa cashier area.

"Natalo kasi siya sa bato-bato pik," sabi niya.

Napapailing na lang ako. Medyo nagulat lang ako dahil bigla siyang tumingin sa direksyon namin at kumaway sa akin, saglit lang niya 'yon ginawa at bumalik na rin ulit ito sa ginagawa niya. Dahan-dahan naman akong umiwas ng tingin sa kanilang lahat.

"Pinag-leave ko muna si Frigelle since holiday naman ngayon," sabi ni Kyzhen.

Ngumiti ako ng pilit. "Mukha nga..." humigop na lang ako saglit ng mainit na tsokolate at muling tumingin sa kanya. "Anong pag-uusapan natin?"

"Tungkol kay Rune." Sumeryoso ako at pinakinggan siya. "Alam mo na ngayon ang connection naming dalawa, pasensya ka na sa mga sinabi ng kapat---"

"Walang ginawang masama si Rune." Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Alam mo na ngayon ang nararamdaman niya, I hope na pahalagahan mo na siya. Ikaw na lang ang pamilya niya... Ang kailangan niya."

Tumango siya. "Yes, she also needs... you, as her friend."

Tama siya. I think kailangan ko na rin siyang kausapin ulit. Kung hindi ko man maibalik 'yung dati, puwede naman kaming mag-umpisa ulit. Magkaibigan kami, at ang totoong magkaibigan nagbabati pagkatapos mag-away. "Si Rune ang palaging lumalapit sa akin. Panahon na para ako naman ang lumapit sa kanya," sabi ko.

"And... ano... kasi, du'n sa iba pang sinabi ni Rune." Mukha na naman siyang tense pero gets ko 'yung tinutukoy niya.

"'Yung tungkol sa 'iba na ang nararamdaman mo sa akin'?" Hindi na siya umimik pero sobrang pula na naman ng mukha niya. "Ang ibig sabihin ba ni Rune ay alam mo na noong una pa lang na isa ako sa mga potential na sisidlan?" Muntikan na siyang malaglag sa kinauupuan niya kaya medyo nagulat ako pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita, "K-Kasi s-sabi niya, pinababantayan mo na ako sa kanya eh. Kasi baka maging banta ako kay Rune?"

Bakit ganu'n? Parang dismayado siya sa mga sinasabi ko?

"G-gano'n ba ang dating sa'yo?" Napapakamot na siya sa batok niya.

"Ah, hindi ba gano'n ang ibig sabihin ni Rune?"

Magsasalita na sana ulit siya pero hindi na niya nagawa kasi may biglang humawak sa ulo ko. "Pa'no ba 'yan, Kyzhen. Either good news or bad news that Elyon is still innocent," sabi ni Vincent. Sa tono ng boses niya parang inaasar niya si Kyzhen.

Ah, pa'no nga pala siya nakarating agad rito?

At sinong tao sa cashier area?!

Dahan-dahan kong inaalis 'yung kamay ni Vincent sa ulo ko habang nakatingin pa rin kay Kyzhen.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now