27: TRAINING: DAGGER

1.4K 61 16
                                    


Nakarating kami sa canteen pero naagaw ng atensyon namin ang tatlong babaeng mukhang espasol ang mukha na tila may binu-bully. Himala, ngayon ko na lang sila ulit nakita.



"You ugly bitch, how dare you doing this to me? How will you fix it?"

"My gosh bessy your uniform's really messy na. It's really gross you know?"

"Yeah, she's super duper to the highest level right."



'Yan na naman ang mga nakaka-irita nilang pagsasalita. Tiningnan ko ang babaeng binu-bully nila, natapunan pala ng pagkain 'yung uniform nang lider ata ng three idiots. Panay ang yuko nito at pinunasan ang kanyang uniform.

"Don't you touch my uniform again..." Pilit niyang tinatanggal ang kamay ng babaeng nakatapon sa kanya ng pagkain, "...with those filthy hands!"

Parang kilala ko 'yung babae. "Let's go." Yaya ni Reggie sa amin. Parang wala siyang pakelam sa nangyayari sa canteen.

"Kawawa naman 'yung chikabebot oh. Tulungan ko na ba mga bro?" tanong ni Alexander. Nagkibit balikat lang si Francis, Akihiro at Reggie. "Alright..." Mukhang excited pa siya sa gagawin niya.

Halos lahat ng estudyante sa canteen ay nakatingin sa kanila pero wala namang gustong mangialam sa nangyayari.

Lumapit si Alexander sa apat. "Hi Girls, kamusta kayo?" bati nito sa tatlong babae na tila naghugis puso pa ang mga mata. Bihasa talaga ang lokong 'to sa pagiging babaero.

"This girl kasi, tatanga - tanga sa dinaraanan namin."

"She ruined my uniform, look it's messy."

"Yeah, this girl was really tanga-tanga"

Pumila na kami upang bumili ng aming makakain pero panay pa rin ang tingin namin sa kanilang lima. Tiningnan ko ng mabuti 'yung babae. Para talagang nakita ko na siya eh. Masyadong na-focus ang isip ko sa kanila kaya hindi ko masyadong pinpansin kung anong pinagkukuha ko. Basta kuha na lang ako ng kuha.

Natabig ko ang apple at nahulog ito pero sinalo iyon ng paa ni Akihiro at inabot sa akin. Ang bilis nun ah! Inabot nito sa akin ang mansanas. "ku-kumawo..." kinuha ko iyon at ilalagay sana sa aking tray pero nagulantang ako dahil sa dami ng nakalagay.

"Gutom ka Ely?" tanong sa akin ni Rune.

Isang pilit na ngiti ang lumabas sa aking labi habang tinititigan ko ang aking tray. Ki-kinuha ko ba talaga ang lahat ng ito?

"Girls chilax hindi naman sinasadya nitong cute girl na matapunan ang uniform mo." Naagaw na naman ng atensyon namin doon sa lima. Kinindatan ni Alexander 'yung babae, dahilan ng pamumula ng pisngi nito. Sarap niyang batuhin ng mansanas sa totoo lang. Hindi talaga ako magtataka kung paminsan minsan nababato siya ng sandok ni Mr. Bill.

"Pero kasi ---"hindi na natuloy ng isa sa three idiots ang sasabihin dahil sa magic words nitong si Alexander.

"Ganito na lang girls, makikipag-date na lang ako sa inyo mamaya okay? Palampasin niyo na lang itong nangyari."

Tumango naman ang tatlong makakapal ang make up habang nakatingin kay Alexander. Para silang nakakita ng artista sa mga itsura nila. "Kakaiba talaga 'tong si Alexander ano?!" sabi ni Rune. Tumango na lang kami sa kanya bilang pagsang-ayon.

Lumapit sa amin si Alexander at naupo sa pagitan ni Reggie at Francis. "Hindi niyo man lang ako binilhan ng pagkain," para itong batang nagtatampo.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now