39: THE PAST (1)

1K 52 8
                                    

Carlisle

"Young Master saan po kayo pupunta?" bitbit nito ang isang tray ng pagkain.

Sa impiyerno.

"Wala ka nang pakelam doon." Ayoko talaga sa lahat 'yung mga pakelamerong taong kagaya ng isang 'to.

"Pero baka mapagalitan po ako ni Master kapag lumabas kayo na hindi pa kumakain."

Tinitigan ko siya ng masama kaya napaatras ito ng bahagya. Kinuha ko ang aking kahoy na espada at unti-unting lumapit sa kinaroroonan niya.

Kita ko ang takot sa muka niya. Tsk...

Nilampasan ko siya at tuluyang lumabas sa aking silid. Dinaanan ko ang ilang mga kasambahay na nag-uumpisa nang gawin ang kanilang trabaho. "Magandang umaga po Young Master." Hindi ko sila pinansin at tuluyan akong lumabas ng malaking bahay at nagtungo sa dalampasigan upang mag-ensayo.

Matapos ang ilang ritwal ay nag-umpisa na akong iwagayway ang aking espada kahit wala akong kalaban.

Kumumpas ako ng pakanan at pakilawa na nasa forty five degrees ang taas kasunod ang pailalim na tira.

Inikot ko ang aking katawan habang nakabukas ang kaliwa kong braso at tinusok sa hangin ang espada.

Sa bawat pagkilos na ginagawa ko ay ang pagsama ng mga buhanging unti-unting humahalo sa hangin at pinapalabo nito ang aking paligid, bagay na pinagdiskitahan ko upang kahit paano may thrill ang ginagawa kong pag-eensayo.

Nararamdaman ko ang enerhiyang kumakawala sa aking katawan kaya sa bawat pagkumpas ko'y naririnig ko ang tunog ng hangin na tila nangangalit dahil sa bilis ng aking kilos.

Humiwa ako sa hangin at inabot ng pinakawalan kong enerhiya ang dagat kaya tila nahati iyon bago muling bumalik sa dati.

Hindi man lang ako pinagpawisan. Masyadong boring ang ginagawa ko. Kung bakit naman kasi kinailangan ko pang masama sa bakasyon gayong pwede naman akong manatili sa kanya upang ipagpatuloy ang pagsasanay.

Tsk. Kalokohan talaga ito. Kailangan ko ng mas mabigat.

Naglakad ako hanggang sa tubig at inabot ang aking tuhod niyon. "Mainam..." muli ko na namang ikinumpas ang aking sandata at pinagdiskitahan ang tubig upang maging pansamantalang kalaban. "Hah!!!" hinampas ko sa pamamagitan ng espadang kahoy ang tubig upang umangat ito saka ko hiniwa sa gitna.

Hindi sapat ang bigat ng tubig para pigilan ako sa aking paggalaw sa tuwing tumatalon ako para umatake. Ganoon pa man mas mainam ito kumpara sa buhanginan. "Hindi na ako makapag-antay. Gusto ko nang sumapit ang araw na iyon."

Ilang sunod sunod na atake pa ang ginawa ko. Hanggang sa ibinigay ko ang huling tira na nais ko. Tumalon ako paitaas at handang hiwain ang tubig "Ha!" ubod lakas kong sigaw upang lumabas ang pwersang kakailanganin ko.

Saktong paglapag ko sa tubig ay ang paghati at pag-angat ng dagat na tila nagkaroon ng makipot na daan na umabot ng ilang kilometro ang layo mula sa akin at dahil bumuka ito nakita ko ang buhangin na tinatago ng maalat na tubig. Sigundo lang ang lumipas at muli itong nagbalik sa dating anyo.

Hingal na hingal ko na lamang tinitigan ang malumanay na karagatan.

Umahon ako sa dagat upang magbalik  sa malaking bahay subalit may naramdaman akong pamilyar na prisensya. "Imposible ito," nayayamot ako kapag nararamdaman ko ang tulad niya.

May kakayahan akong makilala ang enerhiya ng mga tao. Partikular sa mga pinagpala na may kakaibang lakas. At ang isang ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat.

Nararamdaman kong malapit lang siya sa akin. Tumingin ako sa kanang bahagi ng dalampasigan at kahit malayo nakikita ko ang kakarampot na puting awra na lumalabas sa kanya. Nasa kabilang resort siya na kalapit lang sa rest house namin.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now