34: PHOEBE

1.2K 56 20
                                    

"Paano kung sabihin kong gusto ko ring makita ang mukha mo papayag ka ba?"



Naibuga ko ang aking kinakain at napatingin sa kanya. "Seryoso ka ba?" nagkatitigan kaming dalawa pero si Dick ang unang nag-iwas at tumawa ng malakas.

"Joke lang. Tungkol sa mga kaibigan mo..." ibinaba nito ang bento box na wala ng laman "...hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit mo sila nilalayuan."

Halos patapos na ang aking kinakain pero tila nawalan na ako ng gana at naibaba ko na lamang ito sa aking tuhod. "H-hindi naman sa nilalayuan ko sila... Paano ba? Ahm." Para akong tanga. Hindi ko masabi 'yung totoo kung bakit nga ba.

Bumuntong hininga muna ako bago nagpatuloy. "Pasensya na. Hindi talaga ako sanay na ino-open ang sarili ko sa iba. Nasanay kasi ako ng mag-isa. Nasanay ako na ako lang ang tumutulong sa sarili ko. Noong oras na iyon. Natutuliro ako. Hindi ko alam ang dapat kong gawin at hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Pero ngayon napag-isip-isip ko na mas maiging lumayo na lang sila sa akin. Matapos ng mga nangyari ayokong madamay sila." Shems, nagiging madaldal na ako.

"Ganoon pala ang dahilan." Tumayo si Dick at inabot ang kanyang kamay upang alalayaan ako. "Bumalik na tayo." Tumango ako at kinuha ang kamay niya.

Nakabalik kami ng Academy at bago kami maghiwalay ni Dick ay pinayuhan pa niya ako. "Mas nakakagaan ng loob kung may kaibigan kang masasandalan lalo na sa panahon ng kagipitan." Hinimas nito ang aking bunbunan. Nagmukha tuloy akong bata sa ginawa ni Dick. "Pupuntahan kita mamaya sa uwian. Antayin mo ako." Iyon lang at nauna na siyang umalis.

Napangiti na lamang ako at bumalik na sa aking klase. Nagkasabayan pa kami ni Troy sa pagpasok. "Naku sorry Elyon sige mauna ka na."

Yumuko ako bilang pasasalamat at nagtungo na sa aking upuan. Nakatingin si Phoebe kay Troy. Crush na rin siguro niya ang lalaking 'yun. Simula nang mangyari iyon hindi na kinukulit ni Phoebe si Dexter. Kaya siguro sa iba na siya tumitingin.

Pumasok na ang aming teacher at nagsimula na ang klase.

Matapos ang ilang oras ay tumunog  ang bell at isa-isa nang nagsilabasan ang mga kaklase ko.

"Troy!" tawag ni Phoebe sa kanya noong palabas na ito. Hindi ko na marinig ang sinasabi nila kaya hinayaan ko na lang.

Palabas pa lang ako pero nakaabang na si Dick sa pintuan ng classroom. Lumapit ako sa kanya.

"Tumabi kayo. Nakaharang kayo sa pinto!" napalingon ako at si Carlisle pala ang nagsalita. Nagkaroon ng space para sa isang tao at naglakad na ito palayo sa amin.

"Sorry halimaw talaga ang isang 'yun. Huwag mo na lang pansinin." Ngumiti lamang si Dick at nagsabay na kaming lumabas ng building.

Hindi pa man kami nakakalayo ay nakaabang na pala si Rune. Kasama ang apat na lalaki. "Teka..." Napatingin ako kay Dick. Tinulak niya  ako ng bahagya.

"Go... Oras na para maging maayos ang lahat." Ilang minuto bago ko naintindihan ang pahiwatig niya.

Ngumiti ako at nag-bow kay Dick. "Kumawo." Gumanti rin naman siya ng ngiti at nagpaalam na sa akin.

Nilapitan ko ang aking mga kaibigan. Oo, kaibigan. Siguro nga iyon ang tamang term na dapat kong tanggapin simula ngayon.

"Ano..." Napahawak ako sa aking batok dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Tumingin ako sa itaas upang hindi magtama ang mga mata namin.

Nagulat ako sa pagyakap ni Rune. "Ely... Ayos lang. Huwag ka ng mag-explain."

"Noona. ulineun dangsin-ui sanghwang-eul ihaehabnida." (We understand your situation.) Sabi ni Francis.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now